Chapter 7
Hindi nabigo si Dessa sa kaniyang mga plano. Lahat ng mga inaasam niyang paghihiganti ay natupad. Nagtagumpay siya sa pagpapatahimik kay Gio na magkalat pa ng mga kung anu – anong tsismis tungkol sa kaniya. Nag – trending din ng halos isang linggo ang balitang in a relationship siya sa gwapong si Arkhee Almeida.
Lahat ng kaibigan niya, pati na rin ang kapatid ni Arkhee na si Arriane na mommy ni Gracie ay bumati sa kaniya na para bang isang malaking himala na 'girlfriend' siya nito. Halos magtatatalon siya sa saya nang tumawag sa kaniya si Gio. The guy asked for forgiveness and apologized to her. Too late, the damage has been done. Baka nga humingi lang ito ng paumanhin dahil nasa iisang circle lang sila ni Arkhee.
Speaking of Arkhee, hindi man lang tumawag ang kumag!
Matapos ang insidente sa opisina nito at ihatid siya nito sa kanyang tinitirhan ay hindi na ito nagparamdam pa. Iyon na ata ang pinaka tahimik at pinaka matagal na trenta minutos ng buhay niya. Hindi na umimik si Arkhee mula nang nakapasok sila sa elevator hanggang sa mahatid siya nito sa condo niya. Hindi na rin siya nagkaroon pa ng lakas ng loob na tanungin o makipagkwentuhan dito habang nasa loob sila ng sasakyan nito.
Mag – iisang buwan na nang huli niyang masilayan ang pagmumukha nito at hindi man lamang ito nagpakita sa kaniya. Inaasam niyang sa pagbisita nito sa pamangking si Gracie ay maabutan niya ito subalit palagi siyang bigo. Napansin na tuloy niyang parang iniiwasan siya ng lalaki. Minsang bisita niya kay Gracie ay napakwento ang magandang bata na dumarating lang ang kanyang daddy two kapag tapos na siyang mag – rounds sa kanyang mga pasyente.
Ayaw man aminin ay nasaktan siya sa sinabi ng batang babae. Bakit siya iniiwasan ni Arkhee? Ganoon ba talaga siya kapangit at haggard sa paningin nito para iwasan siya? Oo, masaya siya sa naging resulta ng paghingi niya ng pabor sa lalaki ngunit ang kapalit ba nito ay ang puso niya? Mali ba ang akala niya na mag – momove forward ang nasimulan nila ni Arkhee?
He definitely asked me out the last time. Why avoid me now?
Napabuntong – hininga na lamang siya at napailing – iling habang naglalakad sa lobby ng ospital.
"Dessa!" isang pamilyar na tinig ang nagpapitlag sa kaniya. Lumingon siya upang masilayan ang mukha nang tumawag. And finally, after a long period of time, Arkhee's here, staring back with his gorgeous face as always. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso habang papalapit ito sa kanya. Gustuhin man niyang ideny sa sarili ngunit alam niyang namiss niya ang lalaking ito.
Why? Why do I miss you Arkhee?
Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga paningin. Ginawa niya ang lahat upang hindi mahalata nito ang kanyang kasiyahan na makita itong muli. "Long time no see Mr. Almeida."
"Mr. Almeida? What's with the formality? Hindi ko naaalalang nag – break tayo."
She gave out a sarcastic laugh and blurted out. "I don't remember we were actually in a real relationship. Besides, you were avoiding me, right?"
Bahagya itong natigilan sa sinabi niya ngunit agad ding nakabawi. "Well, that's not the issue here. You're calling me with my last name again. Anyway, we don't have much time. We have to go."
Muntik nang lumabas ang puso niya sa sobrang gulat nang hawakan siya nito sa kamay at halos makaladkad siya palabas ng ospital.
"Mister Arkhee Almeida, saan mo 'ko dadalhin?" angal niya habang palingon – lingon sa dinaraanan nila. Nakatingin ang mga mata ng mga taong nakakasalubong nila. Parang gusto niyang putulin ang kamay sa pagkakahawak ng mga malalapad na palad ng binata habang hinihila niya ang sarili palayo dito. He's strong. Hindi ako makawala!
"We're leaving," he said in a grave manner.
"Huh? Where are we going?!"
-----
Naghihimutok si Dessa habang nakaupo sa isang couch sa loob ng private plane ni Arkhee. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya para sumama sa lalaking ito. Ang sabi lamang nito ay mag weweekend sila sa kung saan. Pinag – impake siya nito ng mabilis at pinagdala ng pasaporte.
Wala na itong sinabi pa kahit nang papunta na sila ng airport. Hindi na rin siya masyadong nag reklamo pa dahil wala naman talaga siyang pinaplanung gawin sa weekend niya kundi ang magmukmok sa loob ng condo niya at mag movie marathon. Narealize tuloy niyang napaka boring pala talaga ng social life niya. Kaya siguro nasabi ng pamilya niyang baka tumanda siyang dalaga dahil masyadong limited ang pinanggagawa niya sa buhay niya.
She took a deep breath, crossed her arms in front of her chest and looked at the direction of Arkhee.
Gwapo talaga kahit anong angle! Sarap siguro nito katabi sa pagtulog.
Nakakunot ang noo ni Arkhee habang nakatingin din ito sa kanya sa kabilang couch. Nagtama ang kanilang paningin ngunit mabilis din siyang umiwas dahil nagiguilty na siya sa iniisip niya para sa lalaki. Nagkunwari na lamang siyang patingin tingin sa bintana ng eroplano. Tuloy, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong iyon ay mas lalo siyang nakaramdam ng pagkailang dahil nararamdaman niyang nakatitig pa rin si Arkhee sa kanya.
Wag kang lilingon. Don't look at him again! Baka di ka na makapagpigil Dessalina!
"Do you want anything Dess?" he finally broke the deafening silence between them. Pinakalma niya ang sarili bago nilingon si Arkhee at ngumiti ng tipid. She needed to act as composed as possible. Grace under pressure is her new motto.
"I'm fine. Thank you for asking."
Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "I'm sorry."
Hindi man niya alam kung para saan ang pag – sosorry ni Arkhee ay ngumiti na lamang siya at sumagot. "Apology accepted."
Halos matunaw na siya sa mga titig nito at halos sumabog na ang puso niya sa sobrang ilang. She never felt this awkward with Gio when she was with him. So she's wondering why her feelings were so much more intense and extremely hard to explain even just meeting Arkhee's gaze.
I'm not going to let myself think about it...
"We're going to Rio, in Brazil. I hope that's fine with you." Sa pagkarinig ng sinabi nito ay para siyang sinampal ng malakas. Wala sa expectation niya na ang weekend getaway nila ay hindi lang out of the country but out of the continent of Asia pa. Talk about being unpredictable – which she disliked the most.
*****
A/N:
Nakapunta ka na ba ng Brazil? I wanted to visit that country kasi visa - free siya para sa mga Pilipinong tulad natin. Kasu airfare pa lang ay mamumulubi na'ko. Haha. So hanggang Asia na lang muna ako at Australia.
Kung gusto niyong malaman ang mga adventures at mga travels ko, you can check this book too: Wander Girl
https://my.w.tt/U6lgLXW9jbb
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top