v
"At constant volume, the pressure exerted by a gas is directly proportional to its Kelvin tempterature.."
"Psst gutom ka?"
Itinaas ko ang tingin ko. Syempre si Apple na naman at may nilapag siya sa harap ko na spaghetti. Itinabi niya ang mga nagkalat na papel na puro problem solvings sa table ko.
"Yes! Libre 'yan, walang halong gayuma. Now, eat." at naupo na siya sa harap ko habang nakangiti na tila ba hinihintay akong kumain.
Bakit ba ganyan siya? Ang charming niya lang tignan. Ang ganda rin ng kulot at mahaba niyang buhok ngayon dahil nakalugay siya at nasisinagan pa ito ng araw kaya nagmimistula itong kulay brown.
"AhkK-"
Muntikan ko ng maubo lahat ng sinubo niya sa akin. Punyetang babae 'to? Sinabi ko bang subuan ako?!
Nang malunok ko na lahat, pinanliitan ko siya ng mata. "Gusto mo ba ko patayin? Sana sinama mo na rin yung tinidor."
Natawa naman siya, "Luh sorry! 'Kala ko nagpapasubo ka eh nakanganga ka kaya!"
Ayun, kasalanan ko naman pala eh. Okay nang mabulunan ako kaysa mahalata niyang natulala ako sa ganda niya. Yuck korni ko sa part na 'yon.
Ang cheesy di ba, epekto 'yan ng nakalunok ng hotdog. Muntik na talaga ako mawalan ng hininga no'n, buti na lang hindi. Nakakahiya rin kung hotdog ikakamatay ko 'no.
"Teka, ba't ka pala nanlibre?" sambit ko habang kumakain.
"Wala lang. Pansin ko kasi lunch na di ka pa nakain eh, buti pinuntahan kita. Paano ka makakapag-aral ng maayos kung nagpapalipas ka ng gutom di ba?" aniya.
Nga pala, puspusan ang pag-re-review ko ngayon kasi representative ako sa interschool science contest na gaganapin this friday.
"Naks si mommy Apple talaga oh. Pengeng bente ma." biro ko at binatukan niya lang ako.
"Pagpahingahin mo rin utak mo, mamaya mabuang ka na kakaaral dyan. 'Wag ka ma-pressure sa sinasabi ng teachers, may tiwala kami sa'yo okay? Manalo, matalo ikaw pa rin ang pinaka-igop at yummy na top 1 sa lahat!" napahalakhak siya sabay takip sa mukha niya. Nakaramdam siguro siya ng konting hiya.
"Oh ba't ka nahiya? Don't worry, totoo lahat ng sinabi mo." aniya at nginitian siya. At ang ingay ingay na naman namin dito sa cafeteria dahil sa pagtanggi niya sa mga asar ko sakanya. Yummy raw ako eh.
"Akyat ka na sa room! May long test pa kayo mamaya, ano ka lang?" sambit ko at binuksan ang libro ko.
"Tingin mo sa 'kin di nag-aaral? Simprey, nagpuyat 'to kagabi para bagay tayo na parehong brainy? Hahahahaha! Dito muna ako 'di ba. Review-hin kita, gosto mo 'yon? Gosto ko yon!" aniya at inagaw ang libro sa akin at nagsimulang magtanong. Nakakabingi talaga boses niya, na-se-stress na ako. Pasalamat siya.. wala pasalamat lang siya.
"Nako dong 'pag nagkaroon ka ng place sa contest na 'yan, may libreng hug ka sa 'kin! Yieee Bray! Mag-aaral na 'yan mamaya, di na 'yan matutulog. Bray 'wag gano'n. Mental health is importanter." Tatawa-tawang sambit niya. Sinapian na naman siya ng kapunyetahan.
"Tigilan mo ko ha. Iba naman gusto mo i-hug e." ngumisi ako at napa-make face naman siya.
"Ate Apple!!! May ano pinamigay po si ano kuya— ay bawal pala po sabihin kasi po nisabi niya secret daw po namin ih!!!"
Napalingon naman kami sa biglang dumating na batang babaeng makabasag ear drums sa tinis ng boses. Buti na lang cute siya kundi nabitin ko na 'yan ng patiwarik kahapon pa.
May inabot yung bata sa kamay ni Apple na isang mansanas? At pansin kong may sticky note pa 'to.
"Wow! Thanks baby Lara! Sino naman? Nako baka pinapaasa mo akong bata ka ah. Kukurutin ko singit mo sige." Ani Apple at sinimulang kilitiin ang bata. Tumigil na siya nang simulan na siyang sabunutan ng bata at kainin ang kulot na buhok nito.
Tawa lang ako ng tawa habang binabawi ni Apple ang buhok niya sa bibig ng bata.
Hanggang sa tumakbo na ang bata at umalis.
"Wow? Secret admirer?" Kaswal na tanong ko habang nakatingin sa apple na nasa table. Yung apple mismo, hindi si Apple okay?
'Seeing you everyday, keeps my worries away.'
Di ko napigilang mapataas ang kilay ko sa nakasulat sa sticky note. Ang corny pero pwede na. Sino naman 'tong korning admirer niya?
Hanep na Apple uma-admirer na ngayon. Gusto kong manapak. Joke lang.
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top