iv
"Kayne pinapatawag ka ni Sir Abad sa baba, samahan na kita." ani ko kay Kaye, kaklase ko at sabay kaming bumaba.
Agad rin akong bumalik sa room at pansin ko agad na parang may nakatitig sa akin. Hinanap ko ito at.. sino pa nga ba? Ang mansananas ng buhay. Pinanliliitan niya ako ng mata na parang may nagawa akong mali.
Kinunutan ko na lang siya ng noo. Bumalik na lang ako sa pagguguhit ko para sa disensyo sa darating na month sa bulletin board. Ako kasi ang laging inaatasan sa paggawa nito. Nakakasawa man ang puro utos, wala eh mahal ko naman ang pagd-drawing.
"Bray naman eh! Nagtatampo ako oh! Pansinin mo ko!" Biglang ngawa ni Apple at lumipat pa talaga sa bakanteng upuang nasa harap ko para magpapansin.
"Ano na na na naman ba?" sambit ko habang seryoso sa ginuguhit ko.
"Selos na ako ah! Bababa lang ng hagdan kailangan naka-akbay? Ba't sa mga kaibigan ko tulad ni Kayne may pagano'n? Tapos sa 'kin ni ha ni ho wala! Kahit hug lang, wala naman malisya eh." Aniya. Hindi man ako nakatingin sa kanya, pero ramdam ko ang panlilisik ng mata at mga talsik ng laway niya. Beast mode nga.
"Ano bang gusto mong mangyari ha Apple? Ano ba talaga?" tinitigan ko talaga siya sa mata kaya napaiwas agad siya ng tingin. Ilang na ilang kasi 'yan 'pag tinititigan ng matagal. Ewan ko ba sa babaeng 'yan.
"Basta tampo ako, 'wag mo kong kakausapin jan ah mga five minutes. 'Kala mo di ko kaya? Kayang kaya ko!" Aniya.
Lagi talagang may pinaglalaban e 'no. Natawa na lang tuloy ibang mga kaklase namin sa narinig nila.
Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko at saka lang napagtanto, ba't kamukha niya itong taong ginuguhit ko?
Ano ba??
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top