iii

apple


"Bray!!!"

Nagsisigaw akong lumapit sa kanya ng mamataan ko siya sa labas ng court at umangkla sa kanyang braso. Oy, wala 'tong malisya! Aware namang akong may jowa na siya and good friends naman kami ng girlfriend niya.

Nako talaga kung wala 'tong jowa, nako lang!

Charot! Tropa kami!

Mukhang katatapos lang din ng training nila ng basketball, nakita ko nga rin si Nathan pero di ko siya tinignan. Gulo 'di ba?

By the way, katatapos lang din naman ng streetdance practice namin. Busy-ng busy na talaga ang lahat sa nalalapit na intramural.

"Free ka ngayon? Hatid mo naman ako pauwi ta's libre mo na rin ako." sambit ko sabay tawa para di naman magmukhang walang hiya. Di ako walang hiya 'no, hard niyo. Siguro slight lang.

Tinaasan pa ko ng kilay, "Hindi pwede. Chix ka ba?"

Pinanliitan ko siya ng mata. Kahit kailan talaga oh, never akong pinuri nito o sinabihan ng maganda man lang samantalang ako panay pamumuri na lang ginawa ko halos gawin ko na nga 'yang santo eh joke.

"Uy please layo ka muna sa 'kin, ang asim mo talaga real talk!" biglang sabi niya habang tinataboy ako. Lagi niyang sinasabi 'yan sa akin tuwing pagkatapos ng practice kahit hindi naman! Isa siyang hangal.

"Walang hiya ka Brayson ang ingay mo! Isipin nila totoo 'yon hayop ka! Magkaroon ka sana ng putok!" ganti ko at sinabunutan siya. Medyo mahirap sa akin 'to dahil ang tangkad niyang tao, hanggang balikat niya lang kasi ako.

"ANG ASIM NI APPLE ALONZO! CHICHARON NA LANG TALAGA!"

Umiiling-iling na lang ako sa mga napapatingin sa amin para malaman nilang di totoo 'yun. Natatakot ako baka layuan nila ako dahil sa kapunyetahan ni Bray. Halos sakyan ko na siya sa likod at sakal-sakalin para tumigil siya.

Mayamaya'y tapos na siya sa pagsisigaw ng kung ano-anong kababuyan. Di ko na lang siya iniimikan, hindi dahil sa badtrip ako sa kanya. Nakita ko lang si Nathan na kasama si Klein, inabutan niya ito ng pagkain at tubig sabay punas pa sa pawis nito. Mukhang tapos na rin ang training ng volleyball at hinintay niya itong matapos para lang kay Klein.

Si Klein, ex ni Nathan, magkaibigan sila ngayon pero alam kong nagkakamabutihan uli sila. Mag-ex na sila bago pa naging kami ni Nathan noon at alam kong si Klein lang talaga ang minahal at minamahal niya kahit noong kami pa.

At ngayon, i admit nasasaktan na naman ako—scratch that, nasasaktan pa rin ako sa thought na, sa aming dalawa.. ako lang yung nagmahal ng totoo.

"Huy apple! Pikon? Joke lang eh di ka maasim! Maalat lang, hug pa kita."

At nabalik lamang ako sa hwisyo ng yakapin ako ni Bray. Naknamputa, ako'y nikikilig.

"Pasimple boi ah? Sige dahil ihahatid mo ko mamaya, pwede mo akong chansingan ngayon hehe." pang-aasar ko at niyakap siya pabalik.

Napasulyap ako kay Nathan at napansin kong nakatingin na pala ito sa amin pero nauna siyang umiwas ng tingin.

Dahil sa sinabi ko ay napakalas ng yakap sa akin si Pierre at natulak pa niya ko. Nakakatawa talaga siyang asarin pero minsan sumosobra na, may kasamang tulak eh.

"Wow, makatulak! Parang walang nangyaring holding hands kahapon, 'kala mo ba di ko naaalala! Di ko malilimutan yon hahahahaha yieeeeee! Crush ako ni Pierre! Okay lang 'yan, di naman masamang magka-crush kahit may jowa basta ilihim lang natin ng malupety—bahajsvgs" di ko na natuloy pa ang sinasabi ko dahil tinakpan na niya ang bibig ko.

So 'yun pagtapos ng asaran namin at pangungulit sa kanyang ihatid ako, nabigo pa rin ako. Goal ko talagang mahatid niya ako kasi tagal na panahon na ata nung huling hatid niya sa akin bwiset siya nagkajowa lang eh nagbago na ang lahat.. charot.

Naglakad na lang ako kahit kumikirot na ang maskels ko sa binti dahil sa punyetang practice kanina atsaka syempre para madaanan ko rin yung mga stall ng street foods sa daan. Tirador talaga ako ng mga 'yon kaya minsan ginagabi na ako kakalamon eh.

Napatili ako ng may biglang may bumusina sa likod ko, nalaglag ko pa ang ilang bitbit ko sa sobrang gulat.

Akala ko masasagasaan na ako. Paglingon ko, motor pala at ang mas nakakapanlumo pa, si Nathan ang sakay nito.

"Tanginang 'to! Hari ka ng daan? Hari ka?" sambit ko sabay pulot ng gamit ko.

"Reyna lang. Sakay na. Bilis!" demanding na sabi niya.

"Ano ka? Kaya ko umuwi. Mas mabilis pa ko sa motor mo. " derederetso na akong naglakad. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang maglakad ng mag-isa. Nahihirapan lang ako tuwing nakakasama ko siya. Atsaka ang bilis bilis kaya nyan magpatakbo, mas mahal ko buhay ko kaysa sa kanya no.

"Mansanas sakay na.." aniya habang nakasunod.

"Dali na! Sakay na!" pangungulit niya habang paulit-ulit sa pagbusina.

Bakit ba pinepeste na naman ako nito? Nasaan ba si Klein? Bakit hindi siya na lang ang kulitin niya? Bakit 'pag wala si Klein, ako. 'Pag andyan si Klein, siya.

Ewan ko pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaangkas sa likod niya. Sige lang Apple, akala ko ba didistansya ka na? Maawa ko naman sa sarili mo. It's been two years, ni hindi pa nga nangangalahati sa 100% ang pagm-move-on mo. Pinatunayan ko ng may forever.

itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top