ii
"Ayan, di nag-iingat si tanga." ani Apple habang ginagamot ang galos ni Nathan sa braso.
"Nag-ingat naman ako e sisihin mo yung bakal na nalaglag."
"Pareho kayong shunga." sagot ni Apple.
"Sus nag-alala ka lang eh.. mansanas, okay na ako." nakangiting sambit ni Nathan sabay pasimpleng kurot sa pisngi ni Apple.
Napairap naman si Apple pero halata namang kinilig talaga. Sarap lang nilang pag-untugin, isang gago at tanga.
Ayan kaya di makausad si gaga e, di pa rin mawala-wala pagiging concern niya kay Nathan lagi.
Natamo ni Nathan yung punyetang sugat habang nag-de-decorate sila sa gymnasium para sa nalalapit na intrams tapos natamaan siya ng kung anong bakal na nalaglag sa taas at to the rescue na naman si Apple na agad dinala si Nathan sa clinic.
Syempre sinundan ko sila at eeksena na ako ngayon bago pa mapunta sa kung saan 'to.
"Pssst! Bilis-bilisan niyo dyan hinahanap na kayo ni sir."
Kapwa sila nagulat sa presensya ko.
"Pa-excuse muna kami Bray, mukhang malala 'tong sugat ko eh. Magpapagaling muna ako." paawa ni Nathan. Puro kalokohan talaga ang alam ng kupal na 'to.
"Ulul boi nasan ang malala dyan? Gusto mong totoong palalain natin? Di ka makakatakas sa long test gago."
"Oh chill fafa bray, oo na masyadong galit eh. Pakopya na lang mamaya ah! Tara na man." aniya at hinila si Apple na ikinagulat namin pareho.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero inagaw ko ang kamay ni Apple kay Nathan na muling ikinagulat ni gaga.
Nakunot naman ang noo ni Nathan sa ginawa ko.
"Ah.. pinapatawag kasi kami sa office ni Ma'am Livera. Una na kami!" sambit ko at lumabas habang hila-hila si Apple.
Bahala na, basta nailayo ko si Apple kay Nathan.
itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top