i
"Bray!!! Ano luto ni mommy?"
Patakbo siyang lumapit sa akin para silipin ang lunch ko. At oo mommy ang tawag niya sa nanay ko, wala raw makakapigil sa kanya.
"Wow!!! Senegang!"
Apparently, she likes shouting as if i am miles away from her. Pabiro ko na lamang siyang tinaboy dahilan para mapasimangot siya.
"Ayos lang talaga Brayson! Tanggap ko naman! Hindi mo na ako kailangang ipagtabuyan! Alam ko.. oo wala na akong papel sa buhay mo kaya ako na mismo ang lalayo."
"Huy Apple kain na! Awat muna sa kakahugot! Tantanan mo muna ang Bray kahit saglit lang pwide? Pwide." reklamo ng mga kaklase ko. Tinawanan ko na lang din si Apple habang pabalik sa kanyang upuan.
Napansin kong nagbago agad ang timpla ng mukha niya nang pumasok si Nathan, her ex—ang dahilan sa likod ng mga hugot niya.
Di ko tuloy maiwasang matawa nang bigla itong lumabas dala ang kanyang lunch box. Para kasi siyang kinder na napadpad lang sa high school.
Kidding aside, mabilis talaga magbago ang mood nyan 'pag nakikita si Nathan either sasaya siya, tatamlay o malulungkot lalo na pag may hinaharot na babae. Kahit anong sabi niyang naka-move-on na siya, hindi niya pa rin ako mauuto 'cause she suck at hiding her true feelings. Kahit kailan naman hindi niya tinigil ang pagmamahal niya kay Nathan.
Lumabas na lamang ako ng room para sundan siya.
itutuloy...
• • •
a/n : ayon nga po ano binago ko name ng bidang lalake siya ni si 'Bray' haha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top