o



"Bray! 'Di mo alam! Nasasaktan na ako! Kailan pa 'to ha?! 'Kala mo di ko alam? Alam ko! Um-absent ka kahapon para makipag-date sa kanya."

'Yan ang bungad sa akin ng loka-lokang si Apple pagkapasok na pagkapasok niya ng room. May paghawak pa sa dibdib na animo'y nasasaktan. Napa-irap na lang ako sabay tawa habang ang iba ay napasapo na lang sa noo dahil naghahasik na naman siya ng lagim. Well, that's her everyday routine.

"Ang hirap naman Bray! Paano naman ako? Akala mo madali lang sa 'kin na papasok ako tapos wala ka? Masakit! Mahirap! Wala akong makopyahan!"

Nagsipaghalakhakan naman ang iba sa mga banat niyang nakakatimang. Pinanliitan ko siya ng mata, naisahan niya ko do'n ah.

Yung iba sanay na sa mga biro at pan-ti-trip niya sa akin.

Pwes ako naman, hindi pa.

Yes, I do have a girlfriend and it sucks na may katiting na parte sa akin na nagsasabing.. 'sana may kaunting katotohanan ang mga sinasabi niya.'



• • •



a / n : so dapat matagal ko na 'tong na-publish, sinimulan ko 'tong isulat mga around sept pa dahil inspired ako sa tropa kong gago kkaebse dis is for u my chang at sa kras niyang hilig niyang pagtripan. eto na ah na-publish na! labyu di masamang mangarap na ganto ang story niyo hahahaha anw, may ilang chapters na kong nasulat dito dati sana matuloy ko pa dibwa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top