vi
apple
"Hoy kulot! Bili mo rin ako nyan." ani Nathan habang nakatingin sa ice cream na hawak ko.
"La? Five na nga lang di pa makabili." sagot ko.
"La? Five na nga lang di pa ko mabilhan." sagot niya. AbA? GaNo kAdEmAnDiNg?
Gulat na lang ako nang inaagaw na niya sa kamay ko yung ice cream eh nadila-dilaan ko na 'yon. Tegelan niya kamo ako.
"Nako itong magjowang 'to naghahati pa sa ice cream, ito ang isa oh. Para di na kayo maghati dyan." biglang sambit ni manong sorbetero. La? Ga'no kamalisyoso kuya?
Walang hiya namang tinanggap ni Nathan ang alok ni manong. "Dabest ka kuya! 'Wag ka mag-alala babayaran ka po ng mansanas na 'yan bukas na bukas din." ani Nathan habang nakaakbay pa kay manong. Tropa lang?
"Epalog." bulong ko.
Pasalamat siya natitiis ko pang di umuwi dahil hinihintay ko ang pagdating ni Bray galing sa contest sa main branch ng school. Sure akong darating na 'yan mamaya rin. Syempre dahil number one fan ako ni Bray, gusto ko malaman kung wynwyn marquez siya.
Kaso nga lang kanina pa ako pinuputakte ng Nathan na 'to. Nako Nathan sinasabi ko sa'yo, nagmo-move-on na ako ha.
Si Bray na ang lab ko, di ikaw. Si Bray na ang lab ko, di ikaw. Si Bray na ang lab ko, di ikaw. Si Bray na ang lab ko, di ikaw. Repeat until it's true.
Nabalik ako sa huwisyo nang biglang may humila sa 'kin sa waiting shed.
"Gusto mo magpasagasa?" si Nathan pala. Napatingin ako sa kalsada at muntik na pala akong mahagip ng kotseng humaharurot.
"Ba't di ka pa ba nauwi? Hinihintay mo si Brayson?" Aniya sabay dila sa ice cream niya. Tumango-tango na lang ako.
Mayamaya'y dumating na ang jeep sakay si Bray kasama ang ibang mga contestants na representative ng branch namin.
Nagliwanag ang mata ko nang makita si Bray. Hay, di niyo alam hirap na dinanas ko buong araw ng walang Bray na kinukulit. Na-miss ko siya ah!
Nakita niya rin ako pero mukhang di siya masaya. Ano ba meaning nyan? Malungkot ba dahil olats o dahil pagmumukha ko ang unang nakita niya?
Ano ba 'yan pinaghandaan ko kaya 'to. Naglagay pa ko ng kaunting liptint kanina pati na rin sa cheeks 'di ba para kunwari namumula si mestiza.
Ang bagal niya maglakad papunta sa gawi ko kaya ako na ang lumapit sa kanya. Ang pogi niya lang ah? Ba't 'pag si Bray parang bad boy look 'pag malungkot. 'Pag iba naman malungkot, malulungkot ka rin.
"Okay lang 'yan 'no! 'Wag mo dibdibin sabi ko naman sa'yo, ikaw pa rin ang pinakapoging top one sa lahat. Ngingiti na yan!" pag-cheer up ko sa kanya.
".. At yummy." pahabol kong bulong. Medyo napangiti naman din siya, ganda lang talaga ang kailangan para mapangiti ang isang Bray. Charot natawa lang siya sa mukha ko.
May kinuha siya sa bulsa niya, "Okay na ba yung second?" Aniya at tila pa nanlaki ang mata ko sa medal na pinakita niya.
"I knew it, bwisit ka talaga! Congrats Brayson!" sabi ko habang nagtatatalon-talon sa harap niya. Napatakip pa ko ng bibig na parang maiiyak. So proud, lahat ng stress at kasipagan niya nag-paid off.
"Uy! Sachi nandito ka pala, long time no see. Ang blooming mo grabe!" sambit ko nang matanaw ang girlfriend ni Bray sa di kalayuan. Lumapit siya at nagyakapan kami.
"Apple! Kamusta na?" Aniya.
"Eto ganda pa rin!" Sabi ko at nag-fierce pagtapos ay sabay kaming natawa.
"Uy congrats sa bebe mo ah! Oh sige na, mukhang may date kayo after nito. Yieee, enjoy!" sambit ko at nagngitian naman sila pareho.
"Syempre Braybray ko 'to eh!" Sambit ni Sachi.
Ang cute, pareho magkaakbay sa isa't-isa kahit na mas maliit si Sachi na halos nakasukbit na lang kamay niya sa balikat ni Bray. Ang ganda ganda niya at ang bait pa, ang galing talaga pumili ni Brayson.
"Congrats uli Bray! Bye Sachi!" paalam ko.
Naglakad na ako pauwi. Niyayaya man nila akong sumama sa kanila, tumanggi na lang ako. Bukas ko na lang chichikahin si Bray para naman may quality time sila ng jowa niya. Atsaka jusko, para lang silang may bitbit na katulong 'pag kasama pa ko.
Medyo napalingon ako at napansin ko lang na si Nathan pala itong nakasunod sa 'kin sa di kalayuan.
"Dito rin ang daan ko, okay?" aniya kahit wala naman akong sinasabi. Hilo ba siya?
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, medyo binibilisan ko na para makalayo ng kaunti sa kanya. Hanggang sa malagpasan na namin ang street ng bahay niya pero nakasunod pa rin siya sa 'kin.
Nililingon-lingon ko siya, wala akong sinasabi at gano'n rin siya.
Pero nang malapit na ako sa bahay, sa wakas ay nagsalita na siya, "Oo, gusto kong masiguradong nakauwi ka. Masama ba?"
Oo, masama.
Sobrang sama.
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top