Faces (8)
Tiffany's Pov
Today is Saturday so tomorrow is their anniversary.
I feel skittish. Paano kaya 'pag nalaman niyang ako si Tiffany at hindi si Stephany? Magagalit kaya siya? Kamumuhian kaya niya ako?
Hindi kami magkikita ngayon dahil sinabi kong may importante akong lakad.
Anong lakad? Syempre paghahandaan ko yung anniversary nila.
Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Hindi ako ang mahal niya.
Dinial ko yung number ko na nakay Stephany.
[Yes twinny? By the way, advance happy anniversary sa inyo.]
" Cut the crap Stephany. Ano bang ginawa mo last year nong anniversary niyo? "
[Wala naman akong ginawa last year. Binilan ko lang siya ng teddy bear---]
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng bigla kong binaba.
Walang kwenta! Jeez! Hindi man lang siyang nag-effort?
Hays.
Agad akong pumunta sa grocery para makapag-luto sa anniversary nila.
Hindi ko na rin naman kaya, kaya sa Monday sasabihin ko na talaga kay Clark na hindi ako si Stephany.
Bumili ako ng mga ingredients dahil magbe-bake ako ng cake para sa kanya and also, marami akong ihahanda.
Pagod na pagod ako ng mapasok ko lahat ng napamili ko sa compartment nitong sasakyan ni Stephany.
Jeez! Maaga akong tatanda nito.
Nang makarating ako sa bahay namin ay pasalampak akong umupo sa sofa.
Grabe! Hindi ko na ulit gagawin 'yon in my fucking entire life.
Napalingon ako sa cellphone ko ng biglang bumukas.
Napa-ngiti ako ng makitang nag-text sa akin si Clark.
From Clarky
Hey? Kamusta na ang lakad mo? Napagod kaba? Mag-pahinga ka muna para sa anniversary natin bukas :) Iloveyou
Mas lalo akong napa-ngiti. Okay. I'm doing this for him. Not for my twin.
Nilabas ko lahat ng napa-mili ko at nilapag iyon sa lamesa.
Okay?
Tiffany, kaya mo 'to. Umpisahan mo nang magluto.
Clark's Pov
Tinext ko si Stephany dahil hindi ako mapakali dahil meron daw siyang lakad at hindi niya sa akin sinabi kung saan.
To Babygirl
Hey? Kamusta na ang lakad mo? Napagod kaba? Mag-pahinga ka muna para sa anniversary natin bukas :) Iloveyou
Makalipas ang 10 minutes ay hindi siya sa akin nag-reply.
Sh*t.
Baka napano na yun.
Aalis na sana ako upang hanapin siya ng biglang siyang mag-text.
From Babygirl
Hihihi. I'm already at home so don't worry. Don't come here, Clarky! May ginagawa ako. Iloveyou, Clarky.
Napa-ngiti ako dahil sa naging reply niya.
Po-problemahin ko nalang ang ireregalo ko sa kanya bukas. Ayaw naman niya kaseng mag-celebrate tuwing annivesary namin. Gusto niya mag-uusap lang kami and kakain ng mga snacks.
But for now, hindi ko nalang paghahandaan ang anniversary namin dahil alam kong hindi niya ako mahal. Ramdam ko.
Naramdaman ko lang na concern siya sa akin at mahal niya ako noong Thursday.
Napa-iling ako dahil may pumasok na ideya sa isip ko.
It can't be. Hindi siya yon.
~~~
♔Queen_RainIvee♔
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top