Faces (7)
Clark's Pov
She's acting weird. Hindi ko alam kung anong pinaggagagawa niya sa buhay niya.
Bakit bigla-bigla nalang siyang nagbago?
" Clarky, let's watch movie. "
Napalingon ako kay Stephany na ngayon ay nakadantay ang ulo sa balikat ko.
Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Agad ko siyang hinalikan sa tungki ng ilong niya kaya nagulat siya.
" You--- "
" Halika na! "
Tumayo ako at nilahad ang kamay sa harap niya at agad niya naman itong tinanggap.
Magkayakap kaming dalawa habang paakyat sa playroom nila.
Lumingon siya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.
" Why? " I asked her then she immediately shook her head.
Nang makarating kami sa playroom ay agad siyang nag-dive sa kama.
" Waaahhh! I miss this room. "
Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Miss niya agad samantalang nong Tuesday ay nanood kami dito?
" Anong gusto mong pano--- "
" You choose. "
She smile at me then she wink. I shook my head. She's acting strange.
Pinili ko nalang ang 'Insidious' dahil mahilig siyang manood ng mga horror movie.
" Wait Clarky, kuha lang ako ng popcorn and drinks. "
Lumabas siya ng playroom kaya agad kong pinause ang palabas.
Nang makabalik siya ay umupo siya sa tabi ko.
" What's the movie? "
Kumuha siya ng popcorn at agad nginuya ito.
" Insidious. "
Nabulunan naman siya sa sagot ko at parang maiiyak.
Hinagod ko ang likod niya at inabot ang orange juice. Ininom niya muna 'yon baga nagsalita.
" Why? There's so many DVDs there. "
Tinuro niya kung saan nakalagay ang mga bala.
" I know, you like horror movie. "
" Nevermind. "
Nang mag-simula ang movie ay agad siyang umurong kaya magkadikit na magkadikit kaming dalawa.
Tiffany's Pov
Agad akong dumikit kay Clark ng mag-simula ang movie.
Jeez! Marami pa pala akong dapat malaman tungkol kay Stephany.
I hate horror movies! Napapatalon ako 'pag may scene na nakakatakot.
Bigla akong napatalon ng biglang may lumabas na anino sa likod ng bata.
" What's the matter? "
Mangiyak-ngiyak akong tumingin kay Clark at tinuro ang palabas. Pinatay niya naman kaagad ang T.V at niyakap ako.
" Shhh. Huwag kang umiyak, Steph. Baka pumangit ka. "
Yeah! I get it. Still Stephany.
Dahan-dahan akong humiga habang yung mga hita niya ang unan ko.
Hinaplos-haplos niya naman ang buhok ko kaya napa-pikit ako.
'Pag may gumagalawa talaga nang buhok ko ay hindi ko mapigilang hindi makatulog.
Dinilat ko ang mata ko at nakita kong magkalapit na magkalapit ang mukha namin.
" C-clarky... "
Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang nilapit ang labi niya sa labi ko. I closed my eyes then I feel his soft lips into mine.
" I love you. "
I smiled. Feeling ko, ako ang sinasabihan niya dahil wala siyang binanggit na pangalan.
" I love you too, Clarky. "
~~~
♔Queen_RainIvee♔
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top