Faces (9)
Tiffany's Pov
Nagising ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Dahan-dahan ko 'yong nilagay sa tenga ko habang nakapikit pa rin ang dalawang mata ko.
" H-hello. "
[GOOD MORNING, TWINNY! HAPPY ANNIVERSARY SA INYO!]
Bigla akong napadilat nang sabihin 'yon ni Stephany.
Ngayon na pala ang anniversary namin---nila.
Sh*t.
Agad akong bumangon at pumunta sa kusina. Nilabas ko lahat nang mga pagkain na nilagay sa ref kagabi.
Nilagyan ko muna nang red na tapete ang lamesa bago nilagay ang mga niluto ko sa gitna.
Nilagay ko ang dalawang kandila sa gitna na parang nagde-date kayo sa beach. Mga ganun?
Dinikit ko isa-isa yung mga letters na 'HAPPY ANNIVERSARY' sa dingding na gawa sa colored paper.
Pinalipad ko na rin ang mga red na balloon sa taas ng kisame namin. Fyi, may mga pictures kami sa loob non.
Pinalitan ko na rin yung kurtinang color pink kanina na ngayon ay spongebob na. Hihihi.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko upang maipa-frame ko yung picture namin sa Heartly Triangle.
Yung hinalikan niya ako sa pisngi habang ako naman ay parang kwago dahil sa laki ng mata ko.
Matapos kong i-frame ang picture namin ay binalutan ko iyon ng wrapper na red na may heart.
At siyempre, hindi mawawala ang letter na pinagpuyatan ko kagabi.
Tinignan ko ang orasan at nakitang 1:30 na ng tanghali.
Agad akong pumasok sa banyo upang maligo. Inubos ko pa yung shampoo naming Dove sa buhok ko para pag-aamuyin niya, mabango.
Paglabas ko ng banyo ay biglang umilaw ang cellphone ko.
From Clarky
Happy Anniversary :) Kita us later ha? I love you.
Napa-ngiti ako sa text niya at agad nag-reply.
To Clarky
Happy Anniversary too, Clarky. Punta ka dito sa house ng bandang 4 pm ahh? I love you.
Pinatay ko ang cellphone ko at agad pumunta sa kwarto ko. Ayokong suotin ang damit ni Stephany dahil you know, memorable ang araw na 'to.
Kinuha ko ang red na dress sa cabinet ko at agad yung sinuot. I bought this dress in France.
Tinignan ko ang reflection ko sa malaki kong salamin.
Ang ganda ko talaga.
Naglagay rin ako ng light make-up at lipgloss then tapos na.
Kinuha ko muna sa kama ko yung regalo kong picture namin at bumaba na ako sa kusina.
Pinatay ko muna ang ilaw bago nagtago sa ilalim ng lamesa.
Hihihi.
Clark's Pov
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
Pagsapit ng alas-kwatro ay agad akong umalis sa bahay namin dala ang regalo ko sa kanya.
Isa itong teddy na bear na kapag niyakap mo ay maririnig mo ang boses ng taong nag-record. Kaninong boses? Malamang sa akin.
Pinarada ko ang kotse ko sa garage nila at agad pumasok.
Pagkapasok ko ay sobrang tahimik ng bahay nila. Parang walang tao at pati yung mga ilaw ay patay.
" Baby? "
Umakyat ako sa kwarto niya at nakita kong walang tao don.
Aalis na sana ako ng may mapansin akong maliit na papel na naka-dikit sa pintuan.
Hi Clarky. Happy Anniversary. Hihihi. Pumunta ka sa kusina. Iloveyou.
Napa-ngiti ako sa note na nakalagay. Agad akong bumaba papuntang kusina.
" Baby--- "
* lights on *
" Happy Anniversary, Clarky. "
Napalingon ako sa babaeng naglalakad papunta sa akin habang may dalang malaking cake.
" What's the meaning of this? "
Nilibot ko ang paningin ko sa kusina at may nakita akong 'HAPPY ANNIVERSARY' na naka-dikit sa dingding. Pati yung mga balloons na nasa kisame nila.
" Ginawa mo 'to lahat? "
Tumango naman siya sa sinabi ko at bigla akong niyakap.
Umupo kami sa upuan at hindi ko mapigilang ma-amaze sa surprise niya sa akin.
" Hey! "
Napalingon ako sa kanya at nakita kong inabot niya sa akin ang isang paper bag.
Pagkabukas ko noon ay hindi bear ang nakita ko kundi naka-wrap na regalo.
Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakangiti sa akin.
" Open it. "
Sinunod ko ang utos niya at binuksan ang regalo niya.
Nakita kong malaking picture yon naming dalawa. Yung hinalikan ko siya sa Heartly Triangle.
Agad akong lumapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan.
" I love you. "
Ngumiti siya sinabi ko kaya binigay ko na sa kanya ang regalo ko.
Nilagay niya naman sa gilid niya yun at malungkot na ngumiti sa akin.
" What's the matter? "
Umiling lang siya sa akin at agad ngumiti. " Let's eat. "
Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko at nakita ko siyang umiiyak.
What is her problem?
" Baby--- "
" Let's meet tomorrow, Clarky. 11:00 PM sa Heartly Triangle. May sasabihin ako sa'yo... and always remember that I Love you. "
Napalingon ako sa kanya at hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi niya.
~~~
♔Queen_RainIvee♔
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top