Chapter Two

Chapter Two

Kaibigan


"Dalian mo, Elle!" sigaw ni Ate Gwen nang hindi pa rin ako tapos kumain samantalang siya'y inaayos na ang shoulder bag sa kaliwang balikat.

Lumabas siya ng dining area, paniguradong didiretso na sa sasakyan kaya mabilis ko nang nilunok ang kanin at ulam sa bunganga at mabilis na uminom ng tubig. Ilang segundo pa'y palabas na rin ako ng main door papunta sa malawak naming garahe kung saan naroon ang itim na SUV na kadalasang ginagamit namin sa pagpasok sa eskwela.

Umirap si Ate Gwen nang pumasok ako sa sasakyan at tumabi sa kaniya. Hindi rin kami nagtagal at umandar na sa tahimik pang kalsada. Maaga pa naman sa normal na oras ng pasok pero may gagawin daw si Ate kaya napaaga kami.

Unang araw ng klase kaya natitiyak kong makikipagkita siya sa mga kaibigan niya bago ang klase. Nahihiya naman akong mag-request ng kotseng gagamitin dahil abala lang 'yon.

Ilang linggo na rin mula nang nagbakasyon kami sa Bangkok. Excited na akong pumasok ulit sa paaralan ngunit nang maisip ang mga kaklase ay biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Nadaanan namin ang mga palayan na sakop pa rin ng aming malawak na lupain at unti-unting pumayapa ang nararamdaman ko. Ang pamilya namin ang isa sa nagmamay-ari ng pinakamalawak na sakahan dito sa Echague at mas lumawak pa ito nang si Daddy na ang namahala.

Habang papalapit ang SUV sa gate ng paaralan ay umatake na naman ang kaba sa dibdib ko. Paniguradong pang-aasar na naman ang matatamo ko mula sa mga dating kaklase dahil hindi man lamang ako tumangkad kahit kaunti. They were always making fun of my lack of height and I felt ashamed every time.

I asked Daddy why I was small and he would always say that I got it from my Mama because Daddy was tall.

I wished every year that I would grow taller and even did what Yaya Lheng told me to do, to jump every New Year but nothing happened. I even bought height booster vitamins but I wasn't growing any taller.

I sighed.

"I will go first, Elle. Ayaw kitang makita ng mga kaibigan ko," mataray na sabi ni Ate Gwen. Mabilis siyang bumaba ng SUV na para bang susundan ko siya kapag nagtagal siya.

Lumabi ako. Sanay na ako sa kaniya. She was tall and probably the prettiest of her batch. She always had the attention of everyone, they were praising her. She carried herself well unlike me, I got the attention of my classmates but in a bad way.

"Hindi ka pa bababa, Elle?" tanong ni Mang Bon, ang driver namin.

Pinuno ko ang baga ng hangin at bumaba ng sasakyan. Nasanay na ako sa mga pang-aasar pero masakit pa rin tuwing naiisip kong wala akong kaibigan dahil do'n. Naalala ko si Van. Mabait siya sa akin at baka puwede ko siyang maging kaibigan. Bumalik ang sigla ng paglalakad ko nang maisip na baka makita ko siya ngayong araw.

Papasok ako sa classroom na may ngiti sa labi ngunit dagli ring napawi iyon nang makita ang mga mapang-asar na grupo na dating kaklase. I bowed my head and made no sound as much as I could upon passing by them but luck was never on my side.

"Hala, may duwendeng dumadaan!" bulalas ni Jerry, isa sa mga lalaki sa grupo.

Napatingin ang grupo sa akin at bumunghalit sila ng tawa. Namula ang mukha ko at dahil sa pagkapahiya ay hindi ko sila nagawang sulyapan. Diretso akong naglakad patungo sa pinakamalayong upuan.

Naririnig ko pa rin ang pang-aasar ngunit inignora ko na lang at inabala ang sariling tumingin sa bintana.

"Tumaba pa yata. Wala sigurong ginawa kundi kumain nang kumain. Palibhasa walang ginagawa sa bahay," pasaring pa ni Norla na kasama rin sa grupo.

Instantly, I became the talk inside the classroom especially for girls. Kaunti pa lang ang kaklase ko at ganito na, paano na lang kapag dumating ang iba?

I silently calmed myself and unconsciously traced my activities during vacation. Hindi nga ako naglalabas ng bahay at nanonood lamang ng movies at drama pagkatapos ng trip namin sa Bangkok. I should check myself later.

"Tama na 'yan, malapit nang mag-time," saway ni Morris sa mga ito.

Tumigil naman sila nang nagsimulang dumating ang mga kaklase.

Kung hindi ako nagkakamali ay pito sila sa grupong 'yon. Hindi ko na siya tiningnan kahit gusto kong magpasalamat dahil baka mas lalo akong pagdiskitahan. I brought my notebook out of my bag and started to write my name and our first subject.

Fifteen minutes and our teacher wasn't yet in.

"Sino ba ang teacher natin? Darating pa kaya?"

Nagsimulang umingay ang klase at isa-isa nang nagligpit ng gamit. Naiinis ang iba ngunit karamihan ay tuwang-tuwa dahil sa libreng oras. Pero natahimik ang lahat nang biglang pumasok si Van sa classroom. Gulat akong napatingin sa kaniya.

Tahimik namang bumalik ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Nagsulat si Van ng gagawin sa pisara kaya umingay ang ilan. Nagrereklamo. Pero tumahimik din nang magsalita siya.

"Hindi makakapasok si Mrs. Fernandez at ito ang pinapagawa niya." His eyes roamed the room like he was looking for someone.

Lalo akong yumuko at halos takpan ko ang mukha ko ng notebook. I tried hard to be invisible. Hindi ako komportableng makita niya ako sa klase.

Some groaned because Mrs. Fernandez was known as a terror teacher but no one dared to say anything.

"Kuya Marco, pass and go ba?" tanong ni Morris sa gitna ng ingay.

Kuya Marco?

Kumunot ang noo ko. Bakit ibang pangalan ang pakilala niya sa akin?

Dumaan ang pagdududa sa isip ko pero naalala ko ang magandang pakitungo niya sa akin kaya baka may dahilan siya.

Hindi ko alam kung ilang taon na siya kaya pangalan niya ang tawag ko sa kaniya. Akala ko'y isa o dalawang taon lamang ang agwat namin ngunit nagkakamali yata ako. Hindi kasi ako interesado sa mga pangyayari sa paaralan dahil hindi naman ako sumasali sa mga events kaya hindi ko siya kilala.

"Yes," sagot niya at ngumiti. "Pero bumalik din kayo para sa susunod na klase n'yo."

"Ang bait talaga ni Kuya Marco," nakangiting bulong ng katabi kong si Liezel.

Nag-iwas ako ng tingin nang makitang tila lilipat ang tingin ni Van sa banda ko. Naglabas ako ng papel at nagsimula nang magsulat. Nakita kong walang papel si Liezel kaya kumuha ako ng isang papel at nagmagandang-loob na iabot sa kaniya.

Ngumiwi siya. Hindi pinansin ang papel at humingi sa kaklase namin sa harapan niya.

My hand was caught mid-air. Napapahiyang ibinaba ko ang kamay. Napasulyap ako sa teacher's table at nakita ang mapanuring tingin ni Van sa akin. Hindi ko siya magawang tawaging kuya pero okay lang siguro. Hindi ko naman sinasabi sa iba saka wala naman akong kaibigan na pagsasabihan.

Bumaba ang tingin ko sa papel ko at nag-concentrate sa ginagawa. Pero hindi ako matahimik dahil ramdam ko ang titig niya. Hindi ko naman malaman kung sino ang tinitingnan niya sa amin.

"Liezel, kanina pa nakatitig sa 'yo si Kuya Marco," kinikilig na bulong ng kaklase namin.

Lumawak naman ang ngiti ni Liezel at hinawi pa ang buhok habang tumitingin sa harapan. Hindi tuloy ako maka-focus sa sinusulat ko. Tumikhim ako at lumabas nang tahimik para pumunta ng CR. Sumandal ako sa pinto nang makarating doon at kinalma ang sarili. Hindi pala ako ang tinitingnan niya kundi si Liezel.

A slight pang of pain attacked my heart. I slowly put my hands across my shoulders to calm myself.

That's okay. You're doing great today.

Hindi nagtagal ay bumalik din ako sa classroom. Uupo sana ako sa upuan ko pero nagulat ako nang dumiretso ako sa sahig. Awtomatikong itinukod ko sa sahig ang kanang kamay ko pero hindi kinaya kaya bumagsak pa rin ako. My face distorted because of the searing pain.

Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ang sakit ng pang-upo sa lakas ng impact. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase. Nangilid ang aking luha pero pilit kong pinigilan ang sariling maiyak. Not in front of Van. I was very embarrassed. I didn't want to shame myself more.

Wala na bang ikasasama ang araw na 'to?

"Sino'ng gumawa no'n?"

Malamig na boses ni Van ang sumunod na narinig ko. Natahimik ang classroom.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Papalapit sa akin si Van habang masama ang tingin sa mga nakapalibot sa akin. Hiyang-hiya ako sa nangyayari.

Takot na takot na tumayo si Jerry. "K-Kuya Marco, I'm sorry."

"Bakit sa akin ka nagso-sorry?" may inis sa tono niya kaya napatingin sa akin si Jerry.

"I'm sorry. Hindi ko na uulitin."

Tumango ako kahit alam kong hindi ito sincere sa sinabi. Ilang beses na nito akong ginawan nang hindi maganda kaya wala na akong tiwala rito.

"Morris, dalhin mo si Jerry kay Sir Norman," mahinahong utos ni Van.

Tumalima si Morris ngunit bubulong-bulong na sumama si Jerry rito patungo sa Guidance office. I forced myself to stand up. Nakakaabala na ako sa iba pang kaklase. Baka mas lalo pa silang magalit sa akin dahil dito.

Inalalayan ako ni Van kaya lumayo ako agad sa kaniya dahil tumalim ang tingin ng mga babae sa akin. Ayaw ko na ng gulo. Pero kahit anong gawin ko'y may masasabi sila, lahat ng gawin ko'y may makikita silang kamalian. Hindi na bago 'yon sa akin.

"Nag-iinarte na naman," pasaring ni Liezel nang bumalik si Van sa teacher's table.

I pursed my lips and picked my ballpen to continue what I was doing. Ngunit lalong sumama ang loob ko nang makita ang papel kong puno ng sulat. It was intentionally ruined.

Huminga ako nang malalim at tahimik na pinalitan ang papel.

"Buti nga sa kaniya," bulong ni Liezel habang tumatayo para ipasa ang papel niya.

Iginala ko ang paningin at halos kalahati na lamang ng klase ang naiwan. Kinabahan ako at humapdi ang gilid ng aking mga mata. I couldn't properly breathe, I felt bad, really bad.

Dapat sanay na ako. Okay lang sana ito sa akin dahil ganito na naman ang mangyayari buong taon.

Sinubukan kong isulat ang pangalan ko ngunit nanginig ang kamay ko kaya tumigil ako unang letra pa lamang. Hinawakan ko iyon ng kaliwang kamay at dahan-dahang pinisil at minasahe. Guminhawa ang pakiramdam ko kaya pinagpatuloy ko ang pagsusulat kahit masakit pa rin.

Tumayo ang mga kaklase ko sa row namin kaya natataranta kong inalala ang mga isinulat ko kanina.

Dalian mong mag-isip, please.

"Huwag kayong magmadali. Marami pang oras." Boses iyon ni Van.

Mas lalong lumakas ang kaba ko kaya tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa grupo nina Norla kaya napanatag ang loob ko.

Ilang sandali pa'y sabay-sabay na tumayo ang natitirang estudyante. Naiiyak na ako dahil hindi ko pa nakakalahati ang gawain.

Tumulo ang luha ko at pumatak iyon sa papel kaya natigilan ako. Mabilis kong pinahid ang pisngi ko gamit ang likod ng palad. Pinilit kong magsulat kahit sobrang nginig na ng kamay ko.

"I won't let this pass."

Lalong bumuhos ang luha ko nang marinig si Van sa gilid ko. Hindi ko namalayang lumapit siya sa akin.

Negative thoughts run inside my head.

My hope to have a friend vanished in an instant. Who would want to befriend me? Like everyone else he wouldn't want someone like me to be associated with him, because I was just a pain in the ass.

It was a beautiful dream to be his friend and I needed to wake myself from it.

I've gone as far as I could on this path alone. I've learned how to walk alone, to solve my problems alone and to lift myself alone. No matter how I tried to fit in, I couldn't and I shouldn't.

I didn't need anyone, anyway. I have myself and that should be enough. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top