Chapter One
Chapter One
Field
"Try this one, Elle." Iniabot sa akin ni Mommy ang isang maliit na dress. It was a casual skin tone vintage dress that had a puffy gartered short sleeves.
It was summer and Mommy decided to have our short vacation here in Bangkok but I know she just wanted to shop. She had been talking about this since December but Daddy was busy so we didn't have the time to have this kind of vacation.
Nahihiya akong ngumiti at tinanggap ang damit kahit pa alam kong hindi babagay sa akin.
"My, hindi yata bagay sa akin 'to," sabi ko habang inilalapat ang damit sa aking katawan.
Umirap siya at pinasadahan ako ng tingin.
"Babagay 'yan. Try it," nakataas ang kilay na wika niya bago ako mahinang tinulak patungo sa fitting room.
Mabagal akong naglakad habang nakasimangot. Hindi ako nagsusuot ng mga ganitong damit at hindi ako mahilig mamili kahit pa sa tuwing bakasyon ay hindi nawawala ang pamimili ni Mommy. She was really into shopping clothes, bags and shoes even if she already had so much of those.
Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin ng fitting room. I was just thirteen years old and I think this dress should be worn by mature girls but it wasn't bad on me. It made me look more mature than my true age.
Lumabas ako ng fitting room para ipakita kay Mommy ang suot ngunit naabutan ko silang nagtatalo ni Ate Gwen. Mommy was not my biological mother and Ate Gwen was not my biological sister, as well. Daddy brought them home when I was three and Ate Gwen was seven years old at that time. I couldn't remember the details vividly because I was young back then.
"I don't like this Mommy." Maarteng ibinalik ni Ate Gwen sa rack ang dress na sa tingin ko ay pinapasuot ni Mommy.
"And what do you like? That short and skimpy uniform that you wore in school?" masungit na atake ni Mommy.
"Mommy, it's my style. And it's not short. I'm tall so naturally it would look like that. Hindi nga nagrereklamo ang principal. Ikaw pa kaya?" Ate Gwen probed.
We were spoiled to Daddy but not Mommy. Between them, Mommy was the one who discipline us the most. She was not the usual stepmother who treat me badly but I couldn't say that she was the mother figure I dreamt to have.
"Get these dresses. Huwag matigas ang ulo, Gwen." Maarteng kinuha ni Mommy sa mga rack ang mga flowy dress na alam kong hindi isusuot ni Ate Gwen. Nakasimangot si Ate habang sinasalo ang ibinibigay ni Mommy na dresses.
Bumalik na rin ako sa fitting room upang hubarin ang suot. Mukhang nakalimutan na ni Mommy ang ipinasuot sa akin dahil sa pagtatalo nila.
Lumapit ako sa kanila dala ang damit pagkatapos. Napansin ako ni Mommy kaya nilagay ko ang dress sa dala niyang cart na punong-puno ng iba't ibang klase ng mga dress at undergarments.
"Nasuot mo na? Bakit 'di mo pinakita sa akin?" aniya.
"Busy ka, Mommy. And it's fine so I'll get it," sabi ko kahit hindi ko sana kukuhanin pero para matigil siya ay sinabi ko na lang 'yon.
"Oh! Sabi ko na nga ba, bagay sa 'yo ang mga ganoon." She was obviously delighted by my answer.
She gracefully walked to where similar vintage dresses were found. Kumuha siya ng ilang katulad na designs at inilagay sa cart.
Nagkatinginan kami ni Ate Gwen at mas lalo itong sumimangot. Nagkibit ako ng balikat at hinayaan na lang si Mommy sa gusto.
Masayang-masaya si Mommy pagkauwi sa hotel habang kami ay hapung-hapo dahil sa maghapong paglalakad. Kung sa pamimili talaga ay hindi napapagod si Mommy. Masaya siyang humalik sa pisngi ni Dad na nakaupo at nagbabasa ng newspaper sa isang malaking sofa sa isang bahagi ng hotel.
I let her indulge herself because when this vacation would be over, we'd be back home where there was no big malls and department stores that Mommy loves. It would be just the vast land and our factory buildings.
"Did you bought the kids their school supplies, Margarette?" kunot noong tanong ni Daddy habang tinitingnan ang dalawang hotel boy na ipinapasok ang halos hindi na mabitbit na mga pinamili ni Mommy.
"What?!" Eksaheradang tumingin si Mommy kay Daddy. "You think we're here to buy them school supplies, Edgardo?"
Huminga nang malalim si Daddy. Alam kong mahaba ang kaniyang pasensya pagdating kay Mommy kahit minsan ay sumusobra na ito sa paggastos. Daddy always let her on her whim because he said that it was just once in a while.
Nakikita kong mahal niya si Mommy at wala akong problema roon. I was happy that he found someone he could love after my Mama's death when she gave birth to me.
Pinabayaan ko na silang magtalo roon at pumasok na sa kwarto namin ni Ate Gwen para magpalit ng damit. Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya natitiyak kong naliligo na siya.
Kumuha ako ng pambahay na damit sa closet at nagsimula nang magbihis. It was already eight in the evening and we had our dinner outside. I was in no hurry.
Naisip ko ang pag-aaral. I would be in Grade Eight next school year. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang paaralan. Hindi man maganda ang pakikitungo sa akin ng mga estudyante roon ngunit may isang taong gusto kong makita. Alam kong bata pa ako kumpara sa kaniya ngunit iniisip kong paghanga lang naman dahil kaiba sa mga estudyante ay mabait siya sa akin.
Naupo ako sa maliit na sofa na nasa 'di kalayuan sa aming kama pagkatapos magbihis.
I looked at the wall and smiled dreamily.
"May tao na pala rito." Isang boses na hindi ko kilala ang nagsalita.
It was a hot noon in March but the tall shady trees and windy atmosphere made this place cooler. Kumunot ang noo ko at nagsimula na akong magtiklop ng notebook dahil natitiyak kong papaalisin na naman ako.
Kagagaling ko lang sa malayong gilid ng gym kung saan walang tao ngunit nang may mga dumating na estudyante ay pinaalis ako kaya naghanap ulit ako ng ibang puwesto para tahimik na mag-aral.
"Sorry, nakakaistorbo ba ako?" sabi niya sa palakaibang tono.
Natigil ako sa pagliligpit ng gamit nang marinig iyon mula sa kaniya. Gulat akong tumingin sa mukha niya at natanto na pamilyar ang mukhang iyon.
"Pasensiya na, aalis na lang ako." Puno ng pang-unawang ngumiti siya sa akin pagkaraa'y tumalikod at nagsimulang maglakad.
"Uh... h-hindi," I said confused.
Tumigil siya at lumingon sa akin. Naghihintay sa sasabihin ko.
"O-Okay lang. Hindi k-ka nakakaistorbo." My voice trembled a bit. I was kind of nervous as I looked at my notes. Marahan kong ibinalik ang mga iyon sa dating ayos.
Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa isang bench sa tabi ng inuupuan ko. Malimit ang estudyanteng napapadpad sa bahaging ito ng field. Bukod sa malayo sa mga classrooms ay hindi rin maganda ang daanan patungo rito.
"Salamat," sabi niya, marahan pa rin ang boses. Sumulyap ako sa kaniya at nakita ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi.
Napakurap-kurap ako. Mula nang mag-aral ako rito ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong pagtrato. Kung hindi man ako inaasar ay wala namang gustong makipagkaibigan.
"Ako pala si Van," sabi niya habang inaabot ang kamay para sa pagpapakilala.
"Elle," sambit ko at nahihiyang inabot ang nakalahad na kamay niya.
Mabilis ko ring binitiwan iyon. Hindi sanay na may nagpapakilala.
"Hindi ba Arielle Bien ang pangalan mo?" tanong niya pagkatapos.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Bakit niya alam ang buong pangalan ko?
"Ah. Nagtrabaho kasi ako sa hacienda n'yo noong nakaraang bakasyon kaya 'yon, nalaman ko ang pangalan mo. Anak ka ni Don Edgardo, hindi ba?"
Nagkamot siya ng batok at tila nahihiyang ngumiti sa akin. Nagliwanag naman ang mukha ko nang maalala siya. Ilang beses ko na nga pala siyang nakita noong bakasyon kaya pamilyar.
Tumango ako sa tanong niya at tahimik na ipinagpatuloy ang pagbuklat sa notebook kung saan ako huling nagbabasa.
"Kumusta na pala si Don Edgardo?" mayamaya ay tanong niya.
Huminga ako nang malalim, bahagyang naistorbo sa pagbabasa.
Nanlaki ang mga mata niya. "Sorry, naistorbo kita. Hindi na ako magsasalita." Natatarantang tumingin siya sa librong binabasa.
Tiningnan ko siya at nakitang seryoso nang nagbabasa sa librong hawak. Mula sa kinauupuan ko, malinaw kong nasulyapan ang binabasa niya. It must be a chemistry book because of the written formulas.
Ipinagpatuloy ko na lang din ang pag-aaral ngunit paminsan-minsang dumadako ang tingin sa kaniya hanggang sa nasulyapan ang relo. It was already quarter to one in the afternoon. Kailangan ko nang umalis kung hindi ay male-late ako sa pagsusulit.
"A-Alis na ako," I softly whispered. Nagmadali kong iniligpit ang mga gamit at walang pag-aalinlangang tumayo.
Nagulat ako nang bigla niyang isarado ang binabasang aklat at mabilis ding tumayo.
"Sasabay na ako," nakangiting saad niya.
I shook my head deliberately in disapproval. Natatakot akong makita siya ng mga nambu-bully sa akin at madamay pa siya. Umawang ang labi niya at seryosong napatitig sa akin.
Agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo, natatakot na sumabay siya sa akin.
Mula nang araw na iyon ay lagi na akong pumupunta roon para tahimik na mag-aral. Hindi na rin siya napadpad doon mula noon. Siguro ay nagkataon lang na naghahanap din siya ng tahimik na lugar para makapag-aral.
It had been four days since that incident. It was the last day of exam for the last quarter. Hindi na ako umaasang pupunta pa siya rito. Baka nakahanap na ng ibang tatambayan maliban sa lugar na ito.
I sighed. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng kaibigan ngunit wala pa rin pala. Nalulungkot ako pero ayos lang, sanay naman na akong mag-isa.
"Puwede bang umupo rito?"
Startled by that familiar baritone voice, my eyes quickly darted at him. Ngumiti siya at mabilis na umupo sa dating inupuan. Hindi na hinintay ang sagot ko.
"Manggugulo na naman ako, ha?" magaang sabi niya at binuklat ang isang libro.
Uminit ang pisngi ko at nahihiyang bumaling sa binabasa. Hindi ko alam ngunit masaya akong narito siya. Hindi ko pa man siya kaibigan pero masaya akong mabait siya sa akin.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?" untag sa akin ni Ate Gwen na kalalabas sa banyo. Nakatapis siya ng tuwalya at dumiretso na sa cabinet para kumuha ng susuotin.
"Wala, ate." Tumayo ako at humikab. Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin at ngumiti. Excited na akong pumasok sa paaralan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top