Chapter Three
Chapter Three
Garden
Mabilis kong tinuyo ang mga pisngi ko sa luha at nag-isip ng isusulat. My vision blurred because again tears pooled in the sides of my eyes but I held them in.
"Ten more minutes, please?" nagmamakaawang bulong ko para matapos ko iyon.
Huminga siya nang malalim. "I will wait but if you can't do it. Don't force yourself."
Natigilan ako sa pag-aalala at pang-unawa sa boses niya kaya tumingala ako sa kaniya. Only to find myself looking back at my paper.
"I won't let it slide. I will report how your classmates treated you," seryosong sabi niya.
"Huh?" For a moment, I was dumbed founded about what he said but after a few seconds I understood.
I blinked my tears away and finally I could look at him firmly. "I'm okay. Kasalanan ko naman dahil hindi ko tiningnan na hinila ni Jerry ang upuan ko."
Hindi ko na gustong lumaki pa ang nangyari dahil mas lalong magagalit ang mga kaklase ko sa akin.
"Hindi, Elle. Dapat malaman 'to—"
"Mas lalo lang lalala ang ginagawa nila kapag nalaman nilang nakarating 'to sa iba. Please, hayaan na lang natin. I-I can deal with it."
Dumaan ang awa sa mga mata niya at ayaw ko nang ganoon. Ayaw kong nakikita 'yon sa mata ng ibang tao lalo na't para sa akin.
"Ginagawa? May iba pa ba silang ginawa maliban dito?"
I sensed his control in his voice but I chose to ignore it. I directed my gaze on my paper and bit my lip. Nagkamali pa yata ako sa sinabi ko.
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang pagbagsak ng katawan niya sa upuan sa tabi ko. He sat beside me and shoved my hand away from my paper. Kinuha niya ang ballpen ko at tumingin sa akin.
"Ako na ang magsusulat, sabihin mo na lang ang isusulat ko."
I stared at him but eventually I nodded. Pinisil-pisil ko ang nasaktang kamay habang nag-iisip. Naabutan ko siyang nakatingin sa kamay ko kaya ibinaba ko 'yon.
Nagsimula akong magsalita ng sagot ko kaya inumpisahan na rin niyang magsulat. Sinuri ko ang sulat-kamay niya at napagtantong mahahalatang hindi akin 'yon dahil mas malinaw at maayos ang sa kaniya. Ngumiwi ako at tumigil sa pagsasalita.
Tumaas ang mga kilay niya habang naghihintay sa sasabihin ko.
"I should write. My handwriting and yours were very different."
"Oo nga. Ang gulo ng sulat mo." Nagbibirong pinasadahan niya ng tingin ang papel ko.
Uminit ang pisngi ko at nahiya.
"It was because my hand was hurt," defensive na sagot ko.
Sumulyap siya sa kamay ko. "I'll take you to the clinic after this. Ako nang bahalang magpaliwanag kay Mrs. Fernandez kaya okay lang ito."
Bumalik ang tingin niya sa papel ko. "Let's continue."
Nakakahiya man ay napanatag ako. I thought he'd stay away because of what happened but I was mistaken.
"Thank you." Ngumiti ako nang malapatan ng nurse ang kamay ko ng cold compress.
Nakaupo si Van sa kabilang sofa ng clinic habang nakatingin sa akin. Kita na ang pamamaga sa kamay ko kaya pinayuhan akong umuwi at ipahinga iyon. Nakainom na rin ako ng gamot kaya nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"Should we go to the hospital?" seryosong tanong niya sa nurse.
Umangat ang gilid ng labi ng nurse kaya napangiti rin ako. "Matatanggal din ang pamamaga nito," sabi ko pero hindi siya nakinig sa akin, hinihintay pa rin ang sagot ng nurse.
"Hindi na kailangan, Mr. Delgado, mawawala rin ang pamamaga niyan in a few days."
"See? I told you," bulong ko.
Kumunot ang noo niya at nanliliit ang mga matang tumitig sa akin. "Nangyari na ba ito noon?"
Nanlaki ang mga mata ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Ginawa ulit 'yon noon ni Jerry, hindi nga lang ganito na namaga ang kamay ko.
Huminga siya nang malalim at napagtantong hindi ko sasagutin ang tanong niya.
"Ihatid na kita sa inyo." Tumayo siya at nagpasalamat sa nurse. Ganoon din ang ginawa ko.
Nang nasa hallway na kami ay bigla kong naalala na hindi pa naman uwian. In fact, kakaumpisa pa lang ng klase. Malaking abala na ito sa kaniya.
"I'll just text Mang Bon to fetch me. You don't need to get me home," nahihiyang sabi ko habang nakasunod sa kaniya.
Binagalan niya ang paglalakad nang mapansing nahuhuli ako. Sumabay siya sa aking mga hakbang. "Kung gano'n samahan na kitang maghintay sa driver n'yo."
Nagtataka akong tumingala sa kaniya. "Wala ka bang klase?"
Umiling siya at sumulyap sa relo niya. "I still have fifteen minutes."
Ngumiti ako. "Thank you so much," I said sincerely.
Even though my first day in school was in chaos, I was still happy because of him. Ganito siguro ang pakiramdam nang may kaibigan. My mind was free from worry and I felt enthusiastic.
Sinalubong niya ang tingin ko at ngumiti. "Anytime."
Nakarating kami sa labas ng gate at ilang sandali pa pumarada na sa harap namin ang SUV. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan pero inunahan niya ako. Mabilis akong pumasok.
"Ako nang magpapaliwanag sa mga teachers sa nangyari. Huwag ka nang mag-alala," sabi niya habang isinasara ang pinto.
Hindi nawala ang ngiti ko hanggang sa makarating kami ng mansion. It was still early. For sure, Daddy was around the farm and Mommy was with her friends. Lumabas ng kusina si Yaya Lheng nang marinig na nakauwi na ako.
"Ano bang nangyaring bata ka?!"
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Itinago ko ang kamay ko sa likod ko ngunit wala talagang napapalagpas si Yaya. Ngumiwi ako nang tumingin siya nang matalim sa akin.
"Patingin nang kamay mo."
"Nadulas lang po ako," sabi ko sabay malamyang pakita sa kamay ko.
Lumapit si Yaya Lheng sa akin kaya napaatras ako. Halatang hindi siya naniniwala kaya mabilis akong tumalikod.
"Yaya, aakyat muna ako sa kuwarto!" Nagmamadali akong nagtungo sa hagdan upang umakyat pero hindi talaga ako pinapanigan ng pagkakataon. I tripped on the third step. Naitukod ko ang dalawang kamay ko upang hindi tumama ang mukha ko sa baitang. Naramdaman ko ang sakit sa mga tuhod ko pagkatapos.
Narinig ko ang sigaw ni Yaya Lheng na bumulabog sa buong mansion. Agad niya akong dinaluhan at ng iba pang mga kasambahay.
Napapikit ako sa sakit. Ilang beses ba akong masasaktan sa araw na 'to?
Dahil sa nangyaring 'yon ay hindi ako nakapasok nang sumunod na araw. Nasa kuwarto lamang ako, nagpapahinga. Pumunta kahapon ang family doctor namin at sinuri ako. Mabuti at hindi masyadong napuruhan ang tuhod ko. Kaunting pamamaga lang pero masakit kaya kailangang ipahinga, gayundin ang kamay ko.
Maaga akong nagising, nagbasa ng libro at inayos ang mga gamit ko sa eskwela. Nalulungkot ako dahil hindi ko na naman naranasan ang saya sa unang araw ng klase.
Noon kasi ay lagi akong umiiwas sa mga kaklase ko. Nanunuod at nakikinig lamang ako sa mga pagbati nila sa isa't isa. Pinapangarap na ganoon din ang nangyayari sa akin ngunit lagi akong sinasampal ng katotohanan na wala akong kaibigan.
Ngayon naman na mayroon si Van, na matatawag kong kaibigan ay nangyari naman 'to. Tinitigan ko ang kamay kong hindi pa rin humuhupa ang pamamaga. Paano ako papasok nang ganito bukas? Paniguradong hindi ako papayagan ni Daddy.
I wanted to tell Daddy but he didn't join us for dinner. I was told that he was in our library. He was busy, I supposed, because it was planting season.
"Rico already talked to your adviser. You should rest for a week," sagot ni Mommy nang tinanong ko kung puwede na ba akong pumasok bukas.
Uncle Rico was one of Daddy's trusted partner and sometimes act as a secretary. He was helping Daddy manage the farm.
I was alarmed because he might have knew what happened that day but Mommy didn't say anything about it. I was relieved. I didn't want Daddy to worry about me. He was already very busy with his work and the farm. I could handle myself just fine.
"Mom, three days would be enough. I want to go to school," I said but she didn't look convinced.
"You should ask your Dad. He already told me not to let you go to school for the week."
Huminga ako nang malalim at tumango kay Mommy. "Sige po."
Napasulyap ako kay Ate Gwen na walang pakialam na kumakain, tila nagmamadali. Hindi nga ako nagkamali dahil nauna itong natapos. Mabilis itong nagpaalam at umakyat sa kuwarto niya.
Pumunta ako ng study pagkatapos ng hapunan kahit pa sinabi ni Mommy na papapuntahin na lang niya si Daddy sa kuwarto ko dahil sa mga tuhod kong hindi pa lubusang magaling. Nahirapan akong umakyat sa hagdanan pero nagawa ko naman dahil tinulungan ako ni Yaya Lheng.
Tatlong katok sa pinto at binuksan ko ito. Naabutan ko si Daddy na may kausap sa telepono. Sumenyas siya sa akin na maupo, na agad kong ginawa.
Nasulyapan ko sa side table ang tray ng pagkain na hindi pa nagagalaw. Bumalik ang tingin ko kay Daddy nang matapos siya sa tawag. His job as a lawyer had been taking his time at the same time the farm needed much attention.
His eyes seemed tired and his jaw revealed his stubbles. He probably hadn't shaved for a week.
"Is something wrong?" he asked. His eyes were fixed to my knees.
"Hindi na po gaanong namamaga ang tuhod ko," simula ko para mapanatag siya. "Dad, a week of rest was too much. I should just recuperate for three days."
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Mommy. Bahagya siyang nagulat nang madatnan ako roon. She glared at me but then averted her gaze to Daddy when he spoke.
"It was already settled, anak. Don't you want to rest?"
"Dad, I would be fine in three days. I promise." Itinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.
I glanced at Mommy to ask for help. Tumingin siya sa akin nang matalim pero alam kong tutulungan niya ako.
"Edgardo, it was just a minor accident. Hindi ka na nasanay. Elle would be okay in no time."
Ngumiti ako kay Mommy pagkatapos ay tumingin kay Dad. "Hindi naman po gaanong namamaga ang tuhod ko," dahilan ko pa at ipinakita ang tuhod ko.
Tinitigan ako nang mabuti ni Dad pero pumayag din kalaunan.
On the second day, I could already wrote. My hand was getting better but I could feel the pain if I write for a longer time. My knees were also okay and I could walk properly.
Naubusan ako ng gagawin nang hapon kaya nakatulala lamang ako sa bintana ng kuwarto ko. Nag-iisip ako ng puwedeng panooring movie pero naalala ko ang komento ni Norla. Tumayo ako at humarap sa full-length mirror upang pagmasdan ang sarili ko. Kinagat ko ang labi ko nang mapagtantong totoo nga ang sinabi niya. Kumain pa naman ako ng marami kaninang tanghali.
Kailangan kong maglakad-lakad. Mahigit isang linggo na akong hindi nakakapunta sa garden ni Mama kaya ngayon na ang pagkakataon ko. May kalayuan 'yon sa mansion kaya hindi ako gaanong nakakapunta roon.
I sneak out of my room during the afternoon. Mainit pa ang sikat ng araw pero maraming puno sa daraanan ko kaya hindi ako masyadong tatamaan ng sikat nito. Masaya kong tinalunton ang daanan papunta roon. I was humming a song and feeling the fresh air blowing. I smiled more. I should do this often. I shouldn't confine myself inside the four walls of my room.
Mahigit tatlumpong minuto ay nakita ko na ang mga malalagong asul na bulaklak ng salvia sa bukana ng hardin. Tumigil ako at yumuko upang masamyo ang mga bulaklak. The fresh minty scent of the flowers calmed me. Ngumiti ako at hinawakan ang maliliit at malasutlang talulot nito.
Mommy didn't like flowers in our mansion so I could only see some when I would go here. We have a garden but only plants that had colorful leaves were landscaped on it. Faintly, I remembered that the garden before was full of flowering plants but when Mommy lived in our mansion, she ordered to remove all the flowering plants.
I was very sad but eventually I got used to it. Mayroon pa namang garden na iniwan si Mama rito. Ang kuwento sa akin ni Yaya Lheng, mahilig daw talaga si Mama sa mga bulaklak kaya punong-puno ang mansion ng mga bulaklak noon at siya rin ang nag-aalaga ng mga halaman sa garden na ito.
Nalulungkot nga lang ako kapag pumupunta ako rito dahil naaalala ko si Mama. Maybe if she was here, this garden wasn't feel too empty. But I couldn't stop myself from going here. This was always been my safe place. The beautiful flowers and the soft sweet breeze gave me peace and serenity.
Itinulak ko ang kahoy na tarangkahan at tuluyan akong pumasok sa garden. Ang mga malalaking paso at halaman ang sumalubong sa akin. I liked the landscape of this garden so much. It was like a forest in front with the big potted plants. The pots were bigger than me and hanging green bushes were grown around the big plants. It wasn't inviting but as I go deeper, flowering plants were beautifully planted and arranged. My Mama designed the garden and it wasn't altered, only the plants were different depending on its season.
Mabagal akong naglakad papunta sa kahoy na duyang nasa tabi ng gazebo sa gitna ng hardin. The wooden cradle was attached to the tree branch—which was the biggest tree inside. It provided the perfect shade to the person who would sit on the cradle.
The garden was well-tended. The flowers seemed untouched and growing well. I never saw the gardener after Mang Bon. He was the one taking care of the garden until two years ago when he became one of our drivers.
Pinagmasdan ko ang pula at puting rosas na nakatanim 'di kalayuan sa harapan ko. Yaya Lheng said that my Mama loved white roses and I was so happy that the gardener added more of it. Blue salvias were also planted near the cradle and beside the gazebo. There was no blue salvias inside the garden before, it was only planted in front of the wooden gate.
Pumikit ako habang itinutulak ko ng paa ang duyan. The refreshing scent of the flowers and the cold air brushed my face. Sumasabog din sa mukha ko ang lagpas-balikat kong buhok ngunit wala akong pakialam. Ilang minuto ako roon hanggang sa magsawa ako. Nagdesisyon akong umakyat sa ilang hakbang na hagdan ng gazebo. The pink flowers of aster on its entrance were so cute and pretty.
The wooden floor creaked when I stepped on it. Luma na ang gazebo pero naaalagaan naman kaya matibay pa rin. Umupo ako at pumangalumbaba sa lamesa. Mula rito ay mas makikita ang magandang kabuuan ng garden. The landscapes were more defined and the colors of the group of flowers were more visible. The rays of the sun hit the plants and they seemed to glow. It was wonderful, I couldn't take my eyes of it.
Umihip ang panghapong hangin. Humikab ako at unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata. Kumurap-kurap ako upang labanan ang antok ngunit mayamaya ay tuluyan akong nakatulog.
Nagising lamang ako nang narinig ang pag-ingit ng duyan hudyat na may tao o baka ligaw na hayop. Malapit kasi ang gubat dito pero naisara ko naman ang gate kanina.
Ipinilig ko ang ulo, baka guni-guni ko lang 'yon.
Pupungas-pungas kong inangat ang ulo ko at tuluyan akong nagising nang makita ang kulay kahel na kalangitan. The sun was already setting down! Nagmamadali akong bumaba sa hagdan, mabuti na lang at hindi ako naaksidente.
Ngunit napatigil ako nang maramdaman ang langitngit ng duyan na parang may umupo rito. Gumapang ang kaba sa dibdib ko dahil sigurado akong hindi 'yon ligaw na hayop.
Lumingon ako at lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Van!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top