Chapter Four
Chapter Four
Night
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" sabay naming tanong sa isa't isa.
Siya ang unang nakabawi. Lumapit siya sa akin at mariing tinitigan ang kamay ko. Natauhan ako at ipinilig ko ang ulo, hinihintay ang sagot niya kung bakit siya narito.
"Hindi ka raw pumasok ng dalawang araw?" he asked instead.
"Uh... oo. Nadapa kasi ulit ako sa hagdanan namin," nahihiyang amin ko.
Kumunot ang noo niya at may pag-aalalang pinakatitigan ako. "Ayos ka lang ba?"
"Yes. I'm fine." Ngumiti ako. I was touched by his caring tone.
Silence. His eyes darted to my knees, checking them out. I shifted my weight to my right foot.
It's my turn to ask him a question. I looked at the gate, then directed my gaze at him. "Why are you here?" marahan kong tanong.
Bumalik ang tingin niya sa mukha ko. Hinawakan niya ng kaliwang kamay ang batok at nahihiyang ngumiti. "Ako ang hardinero rito."
Kumurap-kurap ako at inilibot ang tingin sa paligid, kapagkuwan ay matamis na ngumiti. "Talaga? Thank you so much for taking good care of the garden."
"Trabaho ko naman 'yon. Hindi mo kailangang magpasalamat."
"Kahit na—" Naputol ang sinasabi ko nang makita ang tuluyang pagbaba ng araw. Suminghap ako at agad na tumalikod. Halos tumakbo ako palabas ng garden.
"Uuwi na ako!" malakas na paalam ko.
Mommy would scold me for sure. Pumuslit lang ako at siguradong nag-aalala na rin si Yaya Lheng. Ngumiwi ako nang maisip na baka ipinapahanap na ako sa mga katiwala.
"Ihatid na kita, baka madapa ka!" sigaw ni Van na nagpatigil sa mabibilis na hakbang ko.
The golden light from the last rays of the sun slowly faded to blackness. The night begun. Tuluyan akong tumigil dahil natatakot akong ihakbang ang mga paa. Nababalot na ng dilim ang paligid.
The path ahead of me disappeared into the darkness. The trees became silhouettes against the vast sky, branches were creaking against the gusting air. My eyes were slowly adjusting with the dark but I bit my lower lip when I heard a growling sound of an animal. The cold night breeze blew and it sent chills to my body.
Mabilis akong nahabol ni Van. May dala siyang flashlight kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Pasensiya na sa abala," sabi ko habang naglalakad kami pauwi.
Tumingala ako sa madilim nang kalangitan. Stars filled the sky like sugar were spilt over a black marble. They were too beautiful. It was the first time that I got to see the vastness of the night sky. A warm feeling enveloped my heart.
I was afraid of darkness. I always had a feeling that something bad will happen in the dark but right at this moment I felt safe.
"The night was really calming," Van whispered, smile was obvious in his tone.
Hindi ko namalayang nakatigil na pala kami sa gitna ng daan. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. The peace and solemnness between us was too comfortable. I didn't want to break it.
We stayed still for a few moment but Mommy's disappointed face popped in my mind. Nataranta ako at mabilis na humakbang. "I should go home."
Sinabayan ako ni Van sa paghakbang. Mukhang sanay siyang maglakad sa ganito dahil hindi man lang niya iniilawan ang daanan niya. Itinututok niya sa daraanan ko ang flashlight, malaking tulong 'yon para hindi ako madapa sa mga bato.
Narating namin ang likod na gate ng mansion pagkatapos ng sampung minuto. Nagdesisyon akong dumaan doon dahil baka makita ako kung sa harap ako dadaan. Inilabas ko ang susing palagi kong dala at hinawakan ang nangangalawang nang malaking kandado. Mabilis ko itong binuksan.
Humarap ako kay Van pagkatapos at nagpasalamat sa paghatid sa akin.
Tumingin siya sa gate na papasukan ko. "Next time, huwag ka nang magpapagabi roon," may nahimigan akong pagbabanta sa boses niya pero nawala rin nang muling magsalita. "Kung wala ako baka nadapa ka na sa dilim." May paglalaro sa boses niya pero horror run through my system. I could picture myself lying on the ground through the darkness. Napangiwi ako dahil posibleng mangyari ang sinabi niya.
"Take this." He extend his hand holding the flashlight.
Umiling ako kaya nabitin sa ere ang kamay niya. Nakita ko ang pagtaas ng dalawang kilay niya.
"Wala kang gagamitin," mabilis na agap ko.
Lumambot ang tingin niya sa akin at dahan-dahang umangat ang labi sa isang ngiti. Kinuha niya sa bulsa niya ang keypad na cellphone at ipinakita sa akin. "I have this."
"Pumasok ka na," he commanded and handed me the flashlight.
I was about to push the gate when I remember something.
"How would you go home?" Muli akong humarap sa kaniya.
"May daan dito papunta sa amin. Sa gitna niyan may short cut," he said and pointed at the path we took.
Tumango ako at tiningnan ang sinabi niya. It was very dark but I knew he could take care of himself. Itinulak ko na ang gate dahil mukhang hindi siya aalis nang hindi pa ako nakikitang nakapasok sa loob. I didn't know how to say goodbye to him so I awkwardly waved my hand before closing the gate.
Hindi ako agad umalis sa harap ng nakasaradong gate. I heard the rustle of the chain where the lock was attached. He checked it. I felt the stillness of the night after that. I heaved a deep sigh and directed the light to where I should go.
Now that I was alone, I felt the loud thud inside my chest. Ate Gwen's ghost stories started to creep in my mind but I kept shooing those thoughts away.
Walang lingon-lingon akong naglakad, nakatungo ako at diretso ang tingin sa lupa. Limang minuto pa bago marating ang mansion pero mukhang napabilis dahil sa tulin ng mga hakbang ko. Nang marating ko ang backdoor na magdadala sa akin sa kusina ay saka lamang ako tumingin sa paligid at tiningala ang mansion.
The heavy feeling slightly subsided when I saw the lights around our mansion. The bricked walls gleamed because of the warm lights. I didn't know that the mansion could be this alive at night. Hinawakan ko ang door knob at inikot 'yon. Muling umatake ang kaba sa dibdib ko nang hindi ko mabuksan.
I put my hand inside my pocket to get the key. Mabuti na lang at nasa akin ang mga susi na kailangan ko tuwing nangyayari ito. Mommy was too strict and sometimes I escaped when I wanted to go somewhere without her permission.
Dahan-dahan kong ipinasok ang susi sa keyhole at natuwa nang mabilis din itong nabuksan. Yumuko ako at pinihit ang pinto nang kaunti upang masilip kung may tao. Nakahalukipkip na mga kamay ang nasa harap ko. Inangat ko ang tingin at nakasimangot na mukha ni Mommy ang sumalubong sa akin. Napaatras ako at awtomatikong nabitiwan ang door knob. Si Mommy ang tuluyang nagbukas ng pinto.
Pinagpawisan ako nang malamig dahil sa takot. Ang bahagyang singkit na mga mata ni Mommy ay lalong lumiit dahil sa pagkakakunot ng noo niya. Her lips were also in a thin line.
"Saan ka pumunta?" may diing tanong niya habang nakatingin sa flashlight na hawak ko.
Mabilis akong nag-isip ng idadahilan. Lumipat ang tingin ko kay Yaya Lheng na nasa likod ni Mommy. May pag-aalala sa mukha nito at baka pinagalitan din ni Mommy dahil sa akin.
Bumalik ang tingin ko kay Mommy. "Naglakad-lakad lang po ako sa palibot ng mansion," sabi ko sa mahinang boses. Pinilit kong tingnan siya sa mukha nang hindi kumukurap. Tumingin ako sa noo niya, hindi sinasalubong ang mga mata niya.
"I told you not to go out of your room. Your knees weren't healed yet. Gusto mo bang huwag ka nang papasukin sa eskwela? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Suminghap ako at yumuko. "I'm sorry, Mommy." Kumurap-kurap ako habang nakatingin sa sahig.
Natahimik siya kaya muli akong nag-angat ng tingin. Nakitaan ko ng paglambot ang ekspresyon niya pero sandali lang. Umirap siya at iminuwestra ang palad sa harap ko. "The key."
Dahan-dahan kong nilapag ang susi roon. Mabuti na lamang at nasa bulsa ko pa ang susi ng back gate kaya hindi 'yon nakumpiska.
"Dalhin mo siya kay Gwen at nang magtanda silang dalawa," utos ni Mommy kay Yaya Lheng bago umalis sa kusina.
Naiwan kami ni Yaya Lheng at ng ilang kasambahay. Nagtatanong ang mga matang bumaling ako kay Yaya Lheng.
"Napagalitan din ang Ate Gwen mo. Halika na't baka mapagalitan ka ulit."
Iginiya ako ni Yaya sa hallway, papunta sa storage room. I wrinkled my nose when she opened the room and revealed Ate Gwen inside. Her hair was messy and her makeup was ruined because of tears. She stood and immediately wiped her tears when she noticed me.
Ngumiti siya nang sarkastiko. "The obedient daughter was here," he mocked. "Are you here to laugh at me?"
"Gwen..." sita ni Yaya Lheng. Tumahimik siya at bumalik sa pagkakaupo sa isang bahagi ng dingding. She hugged her knees and bowed her head.
"Huwag kayong lalabas hanggang hindi sinasabi ng Mommy n'yo. Hindi ko rin gusto ang ginawa mo, Elle. Sa susunod huwag kang aalis nang walang pahintulot," sabi ni Yaya Lheng.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
Isinarado ni Yaya ang pinto at tahimik akong naglakad papunta sa tabi ni Ate Gwen. Umupo rin ako at sumandal sa dingding. Nakatingin lamang ako sa kaniya ng ilang sandali. Lumakas ang iyak niya kaya natuliro ako.
"What happened?" I asked.
Her eyes widened and looked at me. She probably thought that she was alone.
"Bakit hindi ka pa umalis? Wala kang mapapala rito." Umupo siya nang tuwid.
I sighed. "I'm also being punished."
"Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit?"
"Umalis ako nang hindi nagpaalam," I said honestly, I wasn't proud of what I did.
She let out a laugh. Tila interesado sa sinabi ko. Sumimangot ako at tumalim ang tingin ko sa kaniya. Natutuwa pa yata siyang napagalitan ako.
"Bago 'yon, ah. Totoo? Napagalitan ka ni Mommy?"
Lalo akong sumimangot. Hindi ako madalas pagalitan ni Mommy. Si Ate Gwen ang laging napapagalitan dahil pasaway. Sinasagot din kasi niya si Mommy kaya lalong nati-trigger si Mommy. Pero kahit gano'n, takot pa rin ako kay Mommy dahil nakikita ko kung paano niya pagalitan si Ate Gwen.
"E ikaw? What did you do this time?" I fired back.
Natahimik siya at lumayo sa akin. "Nalaman ni Mommy na sumama ako sa outing after class. I didn't know that that outing was in a bar." Humikbi ulit siya. "Mommy was too harsh. Ipinahiya niya ako sa mga kaibigan ko."
Naiintindihan ko kung bakit gano'n si Mommy. She was very traditional. She was raised that way and she wanted us to do the same. Nanggaling siya sa magandang pamilya pero nanirahan sila ng simple. Nag-aral din siya sa public school kaya gusto niyang maranasan namin 'yon. It was a good experience for Mommy but not for me. I just couldn't voice out what I wanted because I thought that the bullying would pass over time but it didn't.
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. I didn't want to console her because partly it was her fault. It seemed that she knew what wrong she did but she just didn't want to admit.
"I'm already eighteen," she added like it would justify what she did.
Tumingin siya sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko pero nabasa niya siguro sa mukha ko na hindi ko siya papanigan.
"Oo na, kasalanan ko na. Pareho na naman kayo ni Mommy ng sasabihin." Tumalikod siya at umupo sa sulok, malayo sa akin.
Hindi nga lang siya makapuwesto nang maayos dahil kaunting espasyo lang ang hindi okupado. Tambakan ang lugar na ito ng mga lumang gamit. Inilibot ko ang paningin. May lumang kama sa gilid kaya roon ako umupo. Hindi naman maalikabok kaya itinaas ko ang paa at sumandal sa headboard nito. Pinapanood ko siya habang bumubulong-bulong siya nang mga salitang hindi ko maintindihan. Alam kong masama pa rin ang loob niya kaya hinayaan ko muna.
My eyes flew to the door when it opened. Sumungaw ang ulo ni Yaya at ipinakita ang dalang tray ng pagkain. Sinulyapan ko si Ate Gwen, nakatungo lang siya, hindi pinansin ang dumating kaya lumapit ako kay Yaya upang kunin 'yon.
Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mabangong ulam. "Kainin n'yo na habang mainit pa," bilin ni Yaya bago umalis.
Ipinatong ko ang pagkain sa kama. Nakakita ako ng maliit na lamesa at kinuha 'yon. Inayos ko ang pagkain sa ibabaw nito at sinimulan ko nang kumain.
Hindi pa rin ako pinapansin ni Ate Gwen kaya tinawag ko siya. "Ate kain na. Ikaw rin, gutom na gutom ako baka kainin ko ang para sa 'yo."
Hindi ko alam kung anong oras na pero tiyak kong gabing-gabi na. Sigurado akong gutom na rin siya.
Mukhang effective naman ang sinabi ko dahil nakita ko siyang nakatingin sa pagkain bago supladang umirap sa akin. Ibinaling niya ang pansin sa dingding.
Nilakasan ko ang pagnguya, iniinggit siya. After a few minutes, she went to the table and silently ate her dinner. I let out a satisfied smile.
"I didn't agree with what Mommy did but I won't side with you either," I said silently.
"Kung makapagsalita ka, parang mas matanda ka sa akin, ah. Ako ang ate kaya tumahimik ka d'yan."
Ngumuso ako at pinigilan ang ngiti. Natutuwa akong ina-acknowledge niyang kapatid niya ako.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Pinagtatawanan mo ba ako?" Naiiritang ibinaba niya ang kutsara niya.
"Kumain ka lang. Mukhang gutom ka, ate," I said emphasizing the word ate.
Umirap siya at nagpatuloy sa pagkain. May kumatok sa pinto pagkatpos ay pumasok ang katiwala. Iniwan nito ang dalawang unan at comforter sa gilid ng pintuan.
Nagbuga ako ng hangin. Mukhang dito pa kami matutulog ngayong gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top