Chapter Five
Chapter Five
Old
Maagang nagising si Mommy kaya sumabay siya sa akin sa almusal.
"Come home right after class," bilin niya matapos akong humalik sa pisngi niya at lumabas na ng kusina.
Pinuno ko ang baga ko ng hangin bago sumakay sa SUV. Pinayagan na akong pumasok sa school. Kinakabahan pa rin ako pero masaya ako dahil hindi ko man kasundo ang mga kaklase ko, gusto ko pa ring matuto.
Isasara ko na sana ang pinto ng sasakyan pero natigil ako sa akmang paghila nang narinig ko ang malakas na boses ni Ate Gwen.
"Sandali!"
Mabilis siyang umupo sa tabi ko. Agad niyang binuksan ang bag niya at inilabas ang isang pink na pouch habang umuusad ang sasakyan.
She put on a lip tint while looking at her small mirror. I stared at her. It was normal for her age to do that but I couldn't take my eyes on what she was putting on.
Nahuli niya ang tingin ko at ngumiti siya sa akin nang nakakaloko. "Hindi pa puwede 'to sa 'yo. Bata ka pa 'no." Lumayo siya nang kaunti at pinagpatuloy ang ginagawa.
Ngumuso ako. Hindi ko naman gustong maglagay no'n. The color was too loud for my liking.
"Mang Bon, daan muna tayo sa café malapit sa school," sabi niya sa masayang tono.
Kumunot ang noo ko. Noong natulog kami sa storage room ay umiyak siya buong gabi. Pumasok siya kahapon at pagkauwi niya'y tila hindi na siya apektado gaya noong nakaraan.
What made her change her mood?
Lumagpas kami nang kaunti sa school upang makadaan sa nag-iisang café na sinasabi niya.
"Coffee?" tanong niya sa akin.
"Si Mang Bon na lang," sagot ko.
"Okay, bahala ka." She stepped out of the car.
Pagbalik niya'y nagulat ako nang tatlo ang dala niyang kape.
"Hindi ako nagpabili," I reminded her.
"This isn't for you. Huwag kang feeling." Humagikhik siya kaya lalong nangunot ang noo ko.
"Don't tell me, you'll give that to someone?" Kinuha ko ang kape ni Mang Bon at iniabot dito.
Umirap si Ate Gwen. "Wala ka nang pakialam."
Namilog ang mga mata ko. "Who's the unlucky guy?"
Bahagya siyang namutla pero mabilis niya ring naitago ang ekspresyon. Umangat ang gilid ng mga labi ko sa nakitang reaksyon niya.
"Just someone. Huwag mo nga akong pinapakialaman," iritadong sagot niya bago bahagyang tumalikod sa akin.
He must be someone rich. Knowing her exes, he must came from the higher class. But I didn't know someone like that in school. Her past boyfriends were from other private schools. Pero sabagay, wala naman akong halos kilala sa school. Sa laki ng paaralan at sa hindi ko panonood ng mga events ay baka hindi ko lang alam.
Lumabas kami ng sasakyan at kataka-takang hinintay niya ako bago pumasok sa gate.
"Dalian mo, ang bagal mo, Elle!"
Naninibago ako sa inaasta niya pero hindi ko na pinansin. Baka mairita na naman siya sa akin.
"Huwag mo na akong hintayin mamaya. Mauna ka nang umuwi," bilin niya bago kami maghiwalay patungo sa kaniya-kaniyang building.
She was already a Grade eleven student. Hindi siya nawawalan ng boyfriend magmula noong Grade ten siya pero ilang buwan na rin nang mag-break sila ng huli niyang boyfriend. Mabuti nga hindi 'yon nalalaman ni Mommy kung hindi katakot-takot na panenermon ang aabutin niya o 'di kaya'y maging grounded siya.
I asked her before why did they broke up and she said that the boy wasn't interesting anymore and it was only two months since they became together. She was literally a playgirl.
Narating ko ang classroom at nakakapagtaka nang walang nagsalita nang pumasok ako. I didn't even receive any remark as I walked towards my chair. Lumingon sa akin si Jerry pero hindi nagsalita. Huminga ako nang malalim. I hope that this day would be peaceful. I just wanted to study without worry.
Natapos ang klase na hindi ako nakarinig ng kahit anong pangungutya. Hindi rin nagsasalita ang katabi kong si Liezel. She ignored me in everything and it was better than hearing sarcastic and hurtful words from her. I've already accepted that I wouldn't have a friend here. I was contented to be treated this way.
Tahimik akong lumabas ng classroom pagkatapos ng klase. Palingon-lingon kong binaybay ang daan patungo sa gate nang makarinig ako ng tawanan sa isang kiosk.
"Tanggapin mo na, Marco!"
Bigla akong nataranta nang marinig ko ang pangalan niya. Tumayo ako nang tuwid at lumingon sa pinanggalingan no'n. Sa harapan ni Van, may isang estudyante na hawak ang isang pink na envelope. Nangingiti at iiling-iling na inabot iyon ni Van mula sa kamay ng babae. The girl blushed and smiled at him before turning her back. There was a group of students waiting for her. Naghagikhikan sila bago umalis.
I stared at the girl's back. Their group was happily talking while going away from the kiosk. I envied the girl, not just because he had many friends but also she was very brave to give the letter to Van. I didn't know if I could do it if I would have a crush. Probably, I couldn't. It was too embarrassing.
Aalis na sana ako nang bumalik ang tingin ko kay Van at eksaktong lumingon siya sa akin. Nawala ang ngiti niya nang magtama ang paningin namin. Sumunod ang tingin ko sa envelope nang ilapag niya iyon sa sementadong lamesa. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong ang seryosong titig niya sa akin. Ngumiti ako bilang pagbati at tahimik na pamamaalam.
I was very happy to see him with his friends. They seemed very fond of each other like how would friends were. I was longing for a big circle of friends but I guess friends weren't for me for now. I smiled to myself thinking that maybe in the future. I still have so much time with school, anyway.
Tumalikod ako at humakbang na patungo sa gate.
"Gwen, si Marco."
Naulinigan ko ang mga kaibigan ni Ate sa likod ko. Hindi ako nagsalita at pinakinggan sila. Bumagal din ang mga hakbang ko para mas marinig nang maayos ang pinag-uusapan nila.
"Hayaan n'yo siya," sabi ni Ate Gwen.
Nagtawanan ang mga kaibigan niya. "Masakit ba, Gwen?"
"Hindi, 'no. I am more challenged because of what he did. Brendon is bothering me so I have to go to him and make it clear that I don't like him anymore."
Brendon was his latest ex-boyfriend.
"Anong meron?" tanong ng isang kaibigan niya. "Hindi ko yata alam ang pinag-uusapan."
"Hindi tinanggap ni Marco ang kapeng binigay ni Gwen kaninang umaga." May pang-aasar sa boses ng nagsalita.
Napangiti ako at binilisan ang paglalakad. Ayaw kong malaman ni Ate na nakikinig ako sa usapan. So the coffee was for Van. Kaya pala ayaw niyang sabihin kung sino ang pagbibigyan niya. As far as I know she didn't like someone like Van because of his status. Naalala ko pang sinabi ni Ate Gwen noon na ayaw niya sa mga estudyante sa school dahil mahihirap. Hindi ko akalaing nilunok niya ang mga pangungutya niya sa mga ito.
Naghihintay na ang SUV sa gate nang lumabas ako. Mabilis akong sumakay at tumulak na kami pauwi.
Hindi na naman sumabay si Daddy sa hapunan. Narinig ko mula kay Yaya Lheng na may malaking kaso siyang hinahawakan kaya abala siya roon. Naawa ako kay Dad dahil nakikita ko kung paano siya napapagod kaya ayaw kong bigyan siya ng sakit ng ulo.
"Elle, tell me kung may ginagawang kalokohan itong si Gwen," basag ni Mommy sa katahimikan sa hapag.
Napatingin ako kay Ate Gwen nang sinipa niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Magkatabi kami ng upuan at si Mommy ay nasa kabisera. Normal naman siyang kumakain na tila wala siyang ginawa.
Sinalubong ko ang matamang tingin ni Mommy at tumango ako. "Opo, Mommy."
"Good. I won't tolerate her with her attitude," she said with a warning.
"Mommy, I'm not doing anything wrong." Sumimangot si Ate Gwen. "Why won't you trust me?"
"Kung sana nag-aaral ka nang mabuti gaya ni Elle, pinagkakatiwalaan sana kita. Hindi puro pagbabarkada ang ginagawa mo. Akala mo hindi ko nalaman noong nagka-boyfriend ka?" Tuluyang binitiwan ni Mommy ang mga kubyertos.
Nanlaki ang mga mata ko. Suminghap naman si Ate Gwen.
"I let that pass because you already broke up. Hindi na nga maganda ang performance mo sa school, ito pa ang inaatupag mo?" Mommy was fuming mad. I could tell from her tone.
Yumuko ako at tumigil sa pagkain. Natahimik si Ate Gwen. Mabuti na lang hindi na siya sumagot kaya tumahimik na rin si Mommy. Aakala ko'y ang tahimik nang araw ko ay magagambala dahil sa pagtatalong ito.
"Eat," utos niya sa amin kapagkuwan.
Walang imik kaming nagtinginan ni Ate Gwen at nagpatuloy sa pagkain.
Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na kami pinagalitan ni Mommy. Mukhang marami siyang iniisip kaya hindi na niya kami nagawang sermunan. Umakyat siya sa study upang hatiran ng pagkain si Daddy kaya maaga rin niyang tinapos ang pagkain. Kahit ganoon si Mommy, I know that she love my Daddy so much.
Surprisingly, the night ended peacefully. Maaga akong natulog at maaga rin akong pumasok kinabukasan. Ganoon pa rin ang pakikitungo ng mga kaklase ko kaya napanatag ako. Natatakot akong isang araw lamang mangyayari 'yon. Sana tuloy-tuloy nang ganoon.
During lunch, I went to where I was studying last school year where Van found me. I wanted to eat my lunch peacefully. Maraming tao sa cafeteria kaya ayaw kong makiupo sa ibang mga estudyante, natatakot akong pagtawanan o 'di kaya'y paalisin.
Nilabas ko ang panyo upang panlinis sa bench dahil natitiyak kong maalikabok na 'yon ngunit nang tingnan ko ay hindi naman. Umupo ako at kinuha sa bag ko ang pagkain. Napangiti ako. Natutuwang binuksan ko ang lunch box. I like food and Yaya Lheng never disappointed me with what she gave me. Napapalakpak pa ako nang buksan ko ito at nakita ang paborito kong ulam na chicken curry. Parang batang kinuha ko ang kubyertos at excited na kumain.
I love this dish so much. Yaya Lheng introduce me to this kind of dishes when I was in elementary. I just happened to see them eating with the other maids and she let me try it. It was very different from what we used to eat but I like it very much.
"Enjoying your food?"
Natigil ako sa pagnguya at nawala ang ngiti ko. Pinunasan ko ng panyo ang gilid ng labi ko at tumingin kay Van na naglalakad papunta sa isa pang bench.
"Uh... you're here," I awkwardly said.
"Parang hindi ka natutuwang narito ako, ah," komento niya habang umuupo.
I blinked twice. Nag-isip ako ng sasabihin dahil bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Baka isipin niyang pinagdadamot ko ang lugar na ito.
Tumawa siya kaya napatingin ako sa gawi niya.
"Nagbibiro lang ako. Kumain ka na," nakangiting sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko at tahimik na pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kinakain ko. The food was really good. I should get something for Yaya Lheng. Matagal na rin akong hindi nakapunta sa bayan kaya it's a great time to go there this weekend. Hindi naman kami pinagbabawalan ni Mommy lumabas pero laging may bodyguard akong kasama kapag mag-isa lamang ako. That was okay with me. Hindi naman nagpapakita ang bantay ko kapag wala siyang nakikitang problema.
Galing sa lunch box ko ay lumipat ang tingin ko kay Van. Nakangiti siya habang nagbabasa sa librong hawak niya. There must be something interesting in that book. Sinikap kong tingnan ang nilalaman no'n pero bigla siyang nag-angat ng tingin kaya napabalik ang atensyon ko sa kandungan ko. Namumula ang mga pisngi ko habang dahan-dahang inililigpit ang pinagkainan.
I wanted to ask him some questions but I didn't have the guts to do so. Natatakot ako na baka mautal ako dahil kabado ako. But something inside me was pushing me to ask. It wasn't that personal, anyway. I just wanted to get to know him better.
I let out a sigh and silently cheered myself.
"How—"
"May—"
Naputol ang dapat kong sabihin nang sabay kaming nagsalita. Nagtaas ako ng dalawang kilay upang hintayin ang sasabihin niya.
"You go first," he said, instead.
Kinagat ko ang dulo ng dila ko pagkatapos ay mabilis na nagsalita. "How old are you?" I asked softly.
His head cocked to his right. "Bakit mo tinatanong?"
Tuluyan na akong nahiya dahil sa hindi niya pagsagot. "I-If you don't want to answer—"
"I'm eighteen," mabilis na tugon niya.
Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa mukha niya. Pagkuwa'y bumaba ang tingin ko sa katawan niya. He was tall but wasn't muscular, plus he had a baby face. I couldn't believe he was eighteen.
"You're that old?" hindi nag-iisip na tanong ko.
He let out a hearty laugh. "I supposed that's a compliment? I'm not that old."
Ngumuso ako. "You are," I whispered and stifled a smile.
"Nang-aasar ka na ngayon, ah." Amusement was so much evident in his eyes.
Tuluyan akong ngumiti. "You don't want to admit that you're old."
Sumimangot na siya ngayon. "Younger girls like older boys, you know," he said out of nowhere.
Kumunot ang noo ko. "Really? Young girls like boys their age," pangangatwiran ko.
He eyed me with a suspicious glare. "You like someone your age." It wasn't a question but a conclusion. Nanliit pa ang mga mata niya na parang binabasa ang nasa isip ko.
"No," tanggi ko. "I'm just stating a fact."
Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin kaya nailang ako.
"What was your question a while ago?" pag-iiba ko ng usapan.
Saglit siyang nag-isip. "May nabanggit ba si Gwen?"
Naalala ko ang narinig kong pag-uusap ni Ate Gwen at ng mga kaklase niya.
"Wala."
Tumingin siya sa akin na para bang alam niyang may tinatago ako.
Huli na nang mapagtanto kong hindi niya sinabi kung tungkol saan pero sumagot na agad akong wala. I averted my gaze to the trees and blinked twice.
"You're lying," siguradong sabi niya.
I couldn't help but to blush profusely. Was I too obvious?
Huminga ako nang malalim at sinabi ang nalalaman ko. Hindi ko rin naman alam ano pa ang idadahilan.
"'Yon lang?" He sighed like he was relieved.
I looked at him with my brows furrowed. "Is there something else?"
Ngumiti siya. "Nothing."
The bell rang. My eyes widened because I didn't notice the time. I abruptly stood and hurriedly turned my back from him.
"I should go!"
Kumaripas ako ng takbo dahil mukhang mahuhuli na ako sa klase.
"Ingat!" sigaw niya.
Napangiti ako at binilisan pa ang pagtakbo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top