Chapter 9

[Louise]

Nakatayo ako rito sa labas ng unit ko. Hindi ko alam kung narito pa sina Berry. Hangga't maaari, ayoko muna sila makasama o makita. Masyado kasing masakit 'yung binitawan niyang salita para sa'ken. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Napansin kong tahimik ang buong unit. So ibig sabihin, wala sila.

Dumiretso ako ng kusina at inilapag ang binili kong 1 liter na ice cream. I think I need this, pampakalma lang. Pampatanggal stress. Binili ko 'to kanina sa baba ng building. Alam kong parang kinagat ng ipis ang mga mata ko kase ramdam ko na namamaga ito. Ikaw ba naman ang umiyak ng umiyak.

Kumuha ako ng kutsara saka naupo sa dining table. Binuksan ko ang binili kong ice cream saka nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay 'di ko makalimutan ang nangyari kanina. Masyado ba akong ma-drama? Masyado ba akong naging sensitive? Pero nakakasakit naman talaga 'yung sinabi ni Berry kanina patungkol sa'kin. Sino ba naman kasing matutuwa kapag sinabihan ka ng malandi--lalo't alam mo sa sarili mong wala kang ginagawa.

In my case, lalong nakakasama ng loob dahil hindi ko naman kasalanan na magpapansin sa'kin si Azellus. Isa pa, hindi naman magpapapansin sa'kin 'yun kung hindi nila ako ginawang substitute ni Berry. Kung sana naging honest nalang sila, e'di sana sila ang close sa personal at hindi sa'kin nagpapapansin.

I sighed. Sa ngayon, ayoko munang pansinin sina Berry. Masakit eh.

I unlocked my phone saka nag-open ng facebook. Napansin kong may message so I clicked it only to find out that Azellus is the one who sent me a message.

I opened it.

Azellus Bejo : Louise, always take care. Namiss agad kita. Sana maka-bonding ulit kita. Always remember the numbers 143 :)

Kumunot ang noo ko. Namiss niya daw ako. Bakit biglang may siglang lumabas sa dibdib ko? Bakit iba?

At 'yung 143..

Halos malaglag ang panga ko nang ma-realize ko na ang ibig sabihin ng 143 ay I love you. Ayokong mag-assume pero 'yun ang possible na ibig sabihin ni Azellus. Alangan namang, I hate you? Eh, namiss niya nga daw ako. Alangan naman ding, I need you. E'di sinabi niyang pupuntahan niya ako kase kelangan niya ako. So..I therefore conclude that his 143 means I love you.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bakit parang kinikilig ako? Hindi naman ako ganito. At lalong hindi ko nararamdaman 'to kay Azellus.

Nagreply nalang ako. Baka sabihin pa niya seenzoned siya.

Louise Madrigal : Thank you :)

Simpleng pasasalamat. I smiled bitterly. Naalala ko na naman ang sinabi ni Berry. Nag-away kami dahil kay Azellus. Sa tingin ko, hindi ko na pala dapat pinapansin si Azellus. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na pala siyang iwasan. Baka kasi lalong lumala ang iringan namin ni Berry 'pag nalaman pa niyang nagkaka-chat kami ni Azellus.

Nag-status nalang muna ako.

It really hurts.

Simpleng status na alam kong mage-gets na ng mga kaibigan ko--nina Berry. Sana naman ma-realize nilang hindi ako ang masama at mali dito.

Hindi talaga ako makapaniwala na dahil lamang sa isang lalaki, magkakaganito kami, magkakasakitan. Hay, minsan talaga, panira ang lalaki sa pagka-kaibigan eh.

Abala ako sa pagkain ng ice cream ng nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.

"Louise.." Si Rica.

Tiningnan ko lang siya saka bahagyang tumango.

Naupo siya sa tapat ko. She looks worried. Sa lahat naman, siya ang pinaka-close ko.

"Sorry, Louise."

Nag-angat ako ng tingin. "Para saan?"

"Isa kasi ako sa nagpumilit na pangalan at mukha mo ang ipakita namin kay Azel. Dahil tuloy do'n, nagkasakitan pa kayo ni Berry."

Huminga ako ng malalim saka itinutok ang atensyon ko sa ice cream na kinakain ko.

"Okay lang sana eh. 'Di ko lang matanggap na ako pa ang masasaktan, na ako pa ang magmumukhang kontrabida." Sabi ko. Nagsimula na namang manubig ang mga mata ko. "Hindi ko naman ginusto 'to." Dugtong ko.

"Alam ko, Louise. Sa inyo ni Berry, siya ang may kasalanan. Sumobra siya at hindi rin naman namin in-expect na a-akto ng gano'n si Berry."

"Iyon na nga eh. Hindi niyo in-expect. Pero in-expect niyo ba na may posibilidad na magkagusto sa'kin si Azellus?"

"Ako, in-expect ko na. Sa totoo lang, gusto kita para kay Azel. Kaso 'yun nga, nagkagulo naman kayo ni Berry. Aayusin ko 'to, okay?"

"Bakit ikaw? Hindi ba, dapat si Berry? In the first place, siya naman 'tong nagmaka-awa sa'kin na maging substitute niya. Wala kang kasalanan, Rica. It's all about me and Berry."

Lumungkot ang mukha niya. "May kasalanan din ako. Kinonsinti ko si Berry."

I sighed. "Kain tayong ice cream. H'wag ka ng malungkot. Okay naman na ako. Masama nalang talaga ang loob ko. Isa pa, hindi naman ako galit sa'yo."

Parang nanggigilid na ang luha ni Rica. "Louise..hayaan mo, aayusin ko ang gusot na ginawa ni Berry basta 'wag ka ng iiyak ulit."

Ngumiti lang ako saka pinagdiskitahan ang ice cream ko.

-

Gabi na. Hindi ako makatulog. Buong araw, narito lang ako sa kwarto ko. Nag-iisip.

At sa pag-iisip ko, laging si Azellus ang nagpa-flash sa utak ko. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit.

Nag-open ako ng phone dahil 'di ko na alam ang pwede kong gawin para antukin ako at makatulog na. Napansin kong marami akong notifications. I clicked it's icon saka nakita kong may mga nag-comment sa latest status ko. Tiningnan ko iyon.

Louise Madrigal It really hurts.
Like Comment • Share
View more comments
Yen Silvan Louise :(
Grace Ferrer :(
Carl Legazpi Break na agad kayo ni Azel?
Yen Silvan Yung nasa taas nito, sarap ipatapon sa kabilang planeta.
Carl Legazpi Inaano kita? -_-
Yen Silvan Bat ka nag-react?
Carl Legazpi Tch.
Azellus Bejo Hey, problem? Let's talk?

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mabasa ko ang comment ni Azellus. Wala namang kakaiba sa comment niya, but the way he said it, parang nag-aalala siya sa'kin.

Umiling-iling ako. It can't be! Dapat 'di ko na pinapansin si Azellus. Dapat iwasan ko na siya. Pababayaan ko na siya kay Berry at 'yung substitute thingy, I quit.

I clicked the message icon at kauna-unahan na nag-message si Azellus.

Azellus Bejo : Problem? You can tell me. I've been calling you, but I can't reach you. Nagpalit ka ba ng number? Nakapatay phone mo? Or what? Please tell me. I'm worried about your status. Who hurts you?

I bit my lower lip. Bakit parang ang sarap sa feeling na ganitong may lalaking nag-aalala sa'yo at pinapahalagahan ang feelings mo? Hay, Azellus. I need to avoid you.

Dahil na-seen ko na, nagreply ako. Ayoko ding maging rude. Nagma-malasakit na nga ang tao.

Louise Madrigal : I'm fine. Thanks.

I stopped using facebook and I locked my phone. Oh, bakit naman hindi niya ma-kontak si Berry. At anong nangyari sa phone ni Berry? Dapat, kausapin na niya si Azellus at aminin na niya ang nagawa niyang mali. Pinaasa niya 'yung tao.

Huminga ako ng malalim. Dumapa ako saka isinubsob ang mukha ko sa unan ko. Paano ba ako makakatulog nito? May iba na sa nararamdaman ko. May bago eh. And I can't figure it out.

-

Isang linggo na ang nakalipas at wala akong kontak kay Berry. Hindi ko rin naman siya sinubukang kausapin. Magka-klase kami sa ibang subject pero magkalayo kami ng upuan at hindi kami nagpapansinan. Mabuti na 'yun, kesa magkasagutan na naman kami.

Tuluyan ko ng iniwasan si Azellus. 'Di ko na sini-seen ang mga message niya. 'Di ko nga alam kung bakit kinukulit pa din niya ako.

"Louise, uuwi ka na?" Tanong ni Yen.

Sina Yen, Grace at Apple, nakakausap ko pa naman. Kung pumupunta man sila sa unit, hindi pa rin ako nakikisali sa ginagawa nila. Pagkagaling sa school, lagi lang akong nagkukulong sa kwarto.

Tumango ako. "Dadaan lang ako saglit sa mall kasi may bibilhin ako." Sabi ko. Kailangan kong magliwaliw.

Sa totoo lang kasi, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gulong-gulo na ako. Sa isang linggong lumipas, walang araw na hindi pumapasok sa isip ko si Azellus. 'Yung feeling pa na parang nami-miss ko ang presensya niya. 'Yung pangungulit niya at mga tingin niyang may meaning. Hindi ko alam kung bakit. Tinanong ko na ang sarili ko kung gusto ko ba siya, pero wala akong makapang sagot sa dibdib ko.

"Punta kami sa unit niyo mamaya ha? Birthday ni Grace kaya magpapa-inom siya."

Birthday nga pala ni Grace. Tama, bibilhan ko na rin siya ng gift.

Tumango ako. "Sige. Una na ako." Paalam ko at lumabas na ng school.

Sa 'di inaasahang tagpo, nakasalubong ko si Brent. Nakatingin siya sa'kin at saka tumigil nang magkalapit kami.

"Louise."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes?"

"Sorry." Malungkot niyang sabi.

I titled my head. "For?"

"Nabasa ko ang status mo about hurt. Nasasaktan kapa din ba hanggang ngayon? Hindi ko sinasadyang magkagusto sa iba. At sorry dahil friends lang talaga ang tingin ko sa'yo. Nako-konsensya kasi ako na malamang nasasaktan ka dahil sa'kin."

Napalunok ako. Infairness, nagmama-gwapo na si Brent ngayon. "Excuse me. Pero, hindi ikaw ang reason kung ba't ako nasaktan. At 'yung pagtanggi mo sa'kin, wala na sa'kin 'yun. Halos isang buwan na yata ang nakalipas, move on na ako. Ikaw talaga, Brent. H'wag kang mag-alala, 'di naman ako nasasaktan dahil sa'yo."

Mukhang nagulat siya. 'Yan kasi, assuming. Psh. "Gano'n ba? Sorry ulit. Sige, Louise."

Tumango lang ako saka nilampasan siya. Lumabas na ako ng university. Napailing ako at bahagyang natawa sa in-akto ni Brent. Na-konsensya talaga siya ha? At feel na feel niyang magkaka-ganito ako nang dahil sa kaniya. Move-on na'ko uy!

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Pupunta muna akong mall. Pumara agad ako saka sumakay. Nagbayad ako.

"Manong, bayad ho. Isang maganda." Ini-abot ko ang bente pesos ko. Tatlo lang kaming sakay dito sa jeep. Tulog pa ang isa.

"Ano?" Sigaw ng driver.

"Isang estudyante po." Ulit ko. Bingi si manong. Akala ko, may discount na ang maga-ganda sa jeep eh.

Pagka-kuha ko ng sukli ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Natatawa kasi talaga ako. The way na nag-sorry si Brent kanina, epic. Inakala talaga niyang pagkalipas ng ilang linggo ay nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Nakalimutan ko na nga siya. Ni minsan, hindi siya sumagi sa isip ko.

Dahil si Azellus na ang laman ng isip mo..

Aish! Ano ba 'tong naiisip ko. Lagi nalang Azellus. Ano bang meron sa kaniya at 'di na siya umalis sa isip ko? Parang kahapon, nag-quiz kami tapos naisagot ko sa number one, Azellus. Eh, ang tanong sinong father of chemistry. Susme! Pahamak eh.

"Para po!" Sigaw ko. Malapit lang naman ang SM Manila sa school. Pwedeng lakarin, kung masipag ka. Pero dahil nag-iisa ako, sumakay ako. Baka ma-kidnap pa ako. Mapagkamalan akong highschool student dahil sa height at itsura ko. Sabi kasi nila, ang cute ko daw at maganda dahil hindi ako biniyayaan ng height. Baby face pa ako kaya gano'n.

Pagbaba ko ay pumasok na ako ng mall. Ano ngang bibilhin ko?

"Louise."

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likod ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko at kumabog ng malakas ang dibdib ko. Jusko, ano ba 'to?

Dahan-dahan akong lumingon. "Azellus?!" Gulat na sambit ko.

Ngumiti siya. Tapos 'yung tingin niya, iba. Parang nangungulila, gano'n? Luh.

"Kanina pa kita sinusundan mula sa labas ng school niyo. 'Di mo yata ako napansin. Iba kasi ang ngiti mo." Parang may pagtatampo sa boses niya.

"A-Ah, eh, ba't nandito ka?"

"Papainom daw si Grace. Inaya niya kaming Laguna boys eh. Kaya sina Carl, nandoon na sa unit niyo kasama si Rica. Magluluto yata sila ng mga pagkain para mamaya."

Aba, 'di ako informed. "Gano'n ba? Eh, ba't nandito ka nga?"

"Na-miss kita eh. Kaya sa school niyo na ako dumiretso."

I gulped. Eto na naman 'yung pagkabog ng dibdib ko. "Ah.."

"May bibilhin ka ba? Tara, samahan na kita. May bibilhin din ako." Sabi niya saka bigla niya akong hinawakan sa kamay.

May kuryente! Shemay! Ano ba 'yan. Napabitaw tuloy ako sa kaniya. Kumunot ang noo niya.

"A-Ah, doon ang male. Dito female." Palusot ko saka kami pumasok sa entrance ng mall.

"Saan ka pupunta dito?" Tanong niya nang makapasok kami sa loob ng mall.

Mamimili kasi sana ako ng snacks ko. Tsaka pabango para kay Grace. "Supermarket."

Bigla niya akong hinila sa wrist ko. "Tara." Aniya.

Kakaiba talaga ang pakiramdam na kasama ko siya ngayon. Na nakikita ko siya at nakausap. Sa isang linggong lagi siyang laman ng isip ko, na parang nami-miss ko siya na 'di ko maintindihan..

Sheteee! Ang puso ko..nalaglag na yata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top