Chapter 10

[Louise]

Hindi ako mapakali. Ikaw ba naman ang mapunta sa sitwasyon ko. Kasama ko si Azellus ngayon dito sa loob ng supermarket--dahil nagpi-feeling close siya sa'kin. Oo, kasi bigla na lamang niya akong hinila kanina. Eh, ayoko ng gano'n. May kuryente kasi na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin niyon.

"Anong bibilhin mo, Louise?" Tanong niya.

Nakadalawang ikot na kasi kami dito sa loob ng supermarket habang tulak tulak niya ang cart, pero wala pa rin akong dinadampot. Napunan kasi niya ang isip ko. Susme! Ano bang nangyayari sa'kin.

"A-ah, ano. Ice cream." Sagot ko. Hindi ko balak bumili ng ice cream pero iyon ang lumabas sa bibig ko. Jusko, ano ba talagang bibilhin ko? Kung wala lang dito si Azellus, baka kanina pa puno ng pagkain ang cart ko.

He smiled at me. "Ice cream pala. Akala ko, nagra-round trip tayo eh." Tumawa siya. "Anong flavor?"

Umingos ako. Nagagawa pa niyang ngumiti ng gano'n? Hindi ba niya alam na bawal 'yun? Oo, pinagbabawal na 'yan, simula ngayon. One second ago dahil iba ang epekto sa'kin ng pag-ngiti-ngiti niyang iyan.

Lumunok ako. "Chilli.."

"Ano? May chilli flavor na bang ice cream ngayon?" Tanong niya.

Puts...pa! Ba't chilli sinabi ko? Sa sobrang hot kasi ng lalaking 'to, iba nasasabi ko. "Ah, ano! Sabi ko cheese. Cheese flavor!"

Ngumiti ulit siya, at syete kamo siya! Nakakainis. Hot na, ang lakas pa ng epekto. Sarap batuhin ng pakwan--oh, ang laki ng pakwan. Napatingin kasi ako sa hilera ng mga prutas. Malapit dito ang freezer ng ice creams.

"Gusto mong prutas?" Tanong niya. Parang nakamasid talaga siya sa akin.

Umiling ako. "Hindi. Napatingin lang ako." Sagot ko.

Kainis. Ayoko ng pakiramdam na ganito. Uneasy na parang nakaka-kaba. Kung malalaman lang ni Berry na magkasama kami ngayon ni Azellus, baka ipagsigawan na naman niyang malandi ako. Kung tutuusin, dapat iniiwasan ko na talaga si Azellus, pero siya naman 'tong bigla-biglang sumusulpot. Isa pa, parang gusto ko na narito siya ngayon, kasama ko. Bakit kasi ganito kagulo?

Kumuha siya ng 2 Liters ice cream. Mukhang bubusugin niya ako ah. Kung makakuha, akala mo siya talaga ang namimili.

"Ano pang bibilhin mo?" Tanong ulit niya. Parang naka-program na 'yung ngiti niya. Lagi kasing gano'n.

Nag-isip ako. Alam ko talaga marami akong bibilhin eh. Sadyang malaking distraction 'tong si Azellus. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng maalala ko kung ano pa iyong bibilhin ko. Ehhh! Pano 'yan, kasama ko siya. Nakakahiya.

"Louise?"

"A-Ah, ako na ang kukuha. Pumili ka nalang ng mga bibilhin mo." Nakangising sabi ko. Makisama ka, nako!

Mukhang nalilito siya. "Samahan na kita."

"Hindi." Pigil ko sa kanya. "Ako na. Ito naman. Kuha ka na ng mga bibilhin mo. Para makauwi na rin tayo sa unit ng maaga. 'Di ba?"

Nagliwanag ang mukha niya. "Alright. Dito lang ako." Aniya. Tinuro niya 'yung pangatlong column dito sa supermarket.

"Okay!" Sabi ko at agad na pumunta sa personal hygiene section. Kumuha ako ng alcohol, shampoo, powder saka ang ikinakahiya ko--tampon. Modess with wings para fly fly!

"Louise."

"Ay, flying napkin!" Sigaw ko. Bigla ko ring tinakpan ang bibig ko habang nagmasid sa paligid. Napatingin sa'kin ang iba. Nakakahiya!

Tumatawa si Azellus. Sarap batukan ng lalaking 'to. "Anong nakakatawa?" Singhal ko. "Saka ba't ka ba nanggugulat?"

Tumatawa pa rin siya. Napapatingin din tuloy 'yung ibang dumadaan sa gilid namin.

"W-Wala. Pffftt. Ngayon ko lang kasi nalaman na nakakalipad ang napkin." Tahasang sabi niya. Hindi man lang ba siya naiilang? What the?

"Anong sabi mo?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"A-Ah, pfft. Wala, wala!" Sabi niya na halata namang nagpipigil ng tawa. Kainis 'tong lalaking 'to!

Inirapan ko siya at nilampasan. Sumakit sana tiyan niya kakatawa. Psh.

"Louise!" Habol niya sa'ken.

"Ano ba?!" Singhal ko nang tumigil ako sa paglalakad saka siya nilingon.

"I love you."

Nanlaki ang mata ko. Napalunok ako habang nakatingin lang sa kaniya. Ano bang..

"I fell in love with you."

Napalunok ulit ako. Napapatingin na sa'min 'yung ibang namimili dito sa supermarket.

"...kahit sa mabilis lang na panahon. Iba eh. 'Yung epekto mo sa'kin? Parang drugs. Ang bilis, nakaka-adik to the point na gusto ko lagi kitang nakikita at nakakasama. Parang gusto ko ng maniwala sa love at first sight."

For the third time, napalunok ako. At talaga namang ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Baliw ba 'tong Azellus na'to? Talagang dito pa sa loob ng supermarket nagsasalita ng gano'n?!

"A-Azellus.."

"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya ng hindi natitinag.

Ako na 'tong nahihiya dito! Jusmiyo marimar! "Ah, ano.."

"Papayag na 'yan! Papayag na 'yan!" Nagulantang ako sa sinasabi ng audience--whuuttt? Napatingin ako sa paligid at talagang may mga nakatigil na at nanonood sa'min. Anong tingin nila, nanonood sila ng supermarket-serye? Susme!

"Louise, I'm serious."

Ano ba naman! Anong isasagot ko! Iiwasan ko na siya eh tapos biglang ganito. What the? Ano bang isasagot ko?

Napatingin ulit ako sa paligid. Lahat sila naka-abang sa sagot ko. Kainis 'tong Azellus na'to!

"Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sa'yo at iparamdam sa'yo na sincere ako sa sinasabi ko, na gusto na talaga kita." Dugtong pa niya.

Shitee! Grabe 'tong Azellus na 'to! Nakakahiya na. Nagtatapat siya sa'kin ngayon sa loob ng supermarket at maraming nanonood sa'min. E'to pa, may hawak akong napkin. Jusko!

"Louise."

Habang nakatingin ako sa kaniya, mas nare-realize ko kung gaano siya ka-gwapo. At parang maiisip ng iba na, ang swerte ko dahil eto, may gwapong nagtatapat sa'kin. Ano bang gagawin ko?

"Sundin mo puso mo, Ate!" Sigaw no'ng isang nanonood sa'min.

Sundin ang puso. Bakit ganoon? Kapag puso ko pinapa-iral ko, gusto ko. Gusto ko siya. Pero 'pag isip ko, sinasabing 'wag, kailangan ko na siyang iwasan. Ano ba dapat?

"Azellus..oo." Wala na. Napatungo na ako. 'Yun na naisagot ko eh.

"Yes!" Narinig ko pang sigaw ni Azellus hanggang sa makakita ako ng pair of shoes na tumigil sa harap ko. Nakatungo kasi ako.

"Whoooo!" Sigaw ng mga tao.

Tumunghay ako at doon sumalubong ang mukha ni Azellus. And suddenly, he kissed my cheeks.

"Thank you." He mouthed saka inagaw ang mga hawak ko at inilagay na sa cart. Itinulak niya iyon gamit ang isang kamay niya samantalang ang isang kamay niya...ay nasa kamay ko.

Hinila na niya ako palayo doon sa maraming taong nanood sa eksena namin kanina. Nakakahiya!

"Azellus." Sambit ko nang makalayo kami at mapunta dito sa may dulong bahagi ng supermarket.

"Louise, I'm sorry kung hindi ko na napigilan kanina. Nagkaroon na kasi ako ng lakas ng loob. Kapag 'di pa ako nagsalita, baka mawala na naman ang lakas ng loob na inipon ko."

Nakatitig lang ako sa kaniya. "Ah, ano.." Nauutal na naman ako. Nakakainis! "Uwi na tayo." Hay, 'yun nalang nasabi ko.

"Sure. Tara, bayaran na natin 'to. Wala ka ng nalimutang bilhin?"

Umiling ako. "Wala na." Pero deep inside, after ng ginawa niya, makakapamili pa ba ako nito? Nakakahiya kaya.

Nagpunta na kaming cashier at pumila. Hay, itong Azellus na'to, panggulo talaga sa magulong isip ko. Lalo niya pang pinagulo. Shemay, ano ba 'tong nangyayari na'to.

-

Dumating na kami dito sa condo. Sabi ko kay Azellus, mauna na ako. Ayokong magsabay kami na dumating sa unit ko dahil for sure, mai-issue na naman. Saka, baka nand'yan si Berry, makita pa niya kami. E'di lalo niyang ipapamukha sa'kin na malandi ako.

Hay, para tuloy bawal na pag-ibig itong kay Azellus. Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko? 'Yung hinahanap ko ang presensya niya. 'Yung gusto kong narito siya. Inlove na ba ako?

Napailing ako saka binuksan ang unit. Sumalubong sa'kin ang nagkakaingay na mga..nag-iinuman.

Sina Rica, Yen, Berry, Grace, Apple at sina Carl. Mga barkada ni Azellus.

"Uy, Louise! Tara shot!" Yaya ni Carl. Siya 'yung tingin ko ay kalog talaga sa magba-barkada nila saka feeling close. Mabait naman kaya okay lang.

Tumango lang ako saka dumiretso sa kwarto ko. Magpapalit muna akong damit bago makisali sa kaniya.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay natampal ko ang noo ko. Nakalimutan ko tuloy bumili ng gift for Grace! Eksena kasi si Azellus eh. Aish! Bukas na nga lang.

Inilapag ko mga binili ko sa supermarket--na binayaran lahat ni Azellus. 'Yung ice cream siya na ang nagbitbit. Ewan ko lang and'yan na siya.

Nagpalit ako ng damit saka lumabas. Nakita ko agad si Azellus na kakarating lang. Kung alam lang nilang magkasama lang kami kanina. Hay. Para tuloy kaming teenager na nagtatago sa magulang.

Naupo ako sa tabi ni Rica. Redhorse iniinom nila. Aba at dalawang case. Sila na matindi. Pero kung iisipin ko, kailangan ko din ng alak. Para iwas pag-iisip muna.

"Shot." Inabot sa'kin ni John 'yung basong may alak.

Kinuha ko naman 'yun pero biglang inagaw ni Azellus saka tinungga 'yon.

"Too fast, brad. Ako muna." Sabi ni Azellus. What was that?

"Wooo! Pa-pogi points!" Sigaw ni Carl.

Hindi ko na pinansin iyon dahil napatingin ako kay Berry. She is..oh, I mean he is staring at me. Siguro dahil sa ginawa ni Azellus.

Naupo si Azellus sa tapat ko. Katabi niya sina John at Apple then Berry. Paikot kami dito sa salas eh.

"Sulitin natin ang gabing 'to, aba! Bukas babalik na ulit kaming Laguna!" Sabi ni carl.

Napatingin tuloy ako kay Azellus at, shems! Nakatingin siya sa'kin--titig pala. At kakaiba iyon. Hindi ko mabasa.

"Shooottt!" Sigaw ni Yen. Mga may tama na yata ang mga 'to eh.

"Louise, alam mo bang patay na patay sa'yo 'tong brad namin!" Sabi ni Kevin na mukhang may tama na.

"Tch." Si Azellus.

Siniko ako ni Rica. Napatingin ako at mukhang may tama na din siya.

"Nakatitig sa'yo. Putek, kinikilig ako sa inyo." Bulong niya sa'kin.

Muntik na akong mabulunan. Kumain pa man din ako ng chicharon. Akala ko na, kung ano. Napaka-seryoso kasi ng mukha.

"Ikaw na, Louise. Shot na!" Sabi ni John. "Oh, loverboy, 'wag mo saluhin." Sabi niya agad kay Azellus.

Kinuha ko 'yon at ininom. Hindi naman ganoon kalakas ang epekto sa'kin ng redhorse kaya ayos na ayos lang ako at for sure, hindi ako malalasing nito. 'Di tulad ng mga 'to na may mga tama na. Kanina pa yata sila nag-iinom eh.

Tumingin ako kay Grace. Nakasandal na sa sofa. Nahihilo na yata pati si Apple. Mga 'to talaga.

"Wala na, bagsak na ang iba. Mahihina!" Sabi ni Rica. Akala mo, walang tama eh.

"Rica, tama na 'yan. Isa ka pa. May tama ka na." Sabi ni John. May something talaga sa kanila eh.

Nagsalin ng alak si John at inabot kay Azellus. "Oh brad. Inom!" Natatawang sabi nito.

Kung mapapansin, halos magkaka-ugali kaming lahat. Magugulo at maloloko. Kaya nga nagkasundo. Nagkataon lang na may nagaganap sa'min nina Berry at Azellus.

Sunod na inabot sa akin ang baso ng alak. Kinuha ko din naman 'yon at ininom. Grabe, isa isa na silang bumabagsak. Sinilip ko ang cases ng beer at wala na palang mga laman 'yun. Grabe. Hayok na hayok sa alak ang mga 'to. Si Berry may tama lang yata pero gising pa. Hindi nga ako sanay na tahimik siya. Pero kahit sa parte ko, parang 'di pa ako handang kausapin siya agad pagkatapos ng sinabi niya sa'kin.

Uminom lang kami. Nagku-kwento sila Carl ng kung ano ano tapos taga-tawa lang ako, kaming natira na mga gising. Hanggang sa bumagsak na sila isa-isa.

Guess what. Kami nalang ni Azellus ang gising. Lahat sila nakahiga na sa carpet at sofa. 'Yung totoo?

"Tch. Lakas uminom, mga bagsak naman." Napapailing si Azellus habang nilalagay sa plastik 'yung mga basura ng chichiria at kung ano ano pa.

Tumulong ako. Inilagay ko ang mga boteng wala ng laman sa mga case. Lakas uminom ng mga 'to. Malamang kanina pa sila. Parang sandali ko lang tuloy sila naka-bonding sa pag-iinom. Ni hindi man lang ako tinamaan.

"Louise."

Nag-angat ako ng tingin kay Azellus. "Hm?"

"Pumapayag ka ba talaga na ligawan kita?"

Napalunok ako. Ayan na naman siya. Hays, ang puso ko nagre-react. Ba't ganito?

"Ah, pwede bang sa susunod ko nalang sagutin 'yan?" Tanong ko. Ayokong mag-decide basta basta. Napa-oo lang ako agad kanina sa supermarket dahil ang daming nanonood sa'min.

Ngumiti siya. "Yeah. Sure." Mabait talaga siya at mukhang matino. "Can I get your new number?"

Kumunot ang noo ko. "H-Ha?"

"Sabi kasi ni Rica nagpalit ka daw ng number kaya 'di kita makontak sa dating number mo."

What the? So iniisip nga talaga niya na ako ang nakakausap at nakakatext niya, na ngayon, nagpalit lang ako ng bagong number? Bakit? Anong ginawa ni Berry? Nagpalit ba siya ng number kaya hindi siya makontak ni Azellus?

"Ah.."

"Okay lang kung ayaw mo ibigay." Nasa boses niya ang panghihinayang. Ano ba 'yan!

Ang konsensya ko. Naman o! "Akina phone mo." Sabi ko. No choice na, bahala na!

Inabot niya sa'kin ang samsung s6 niya. Itinype ko ang number ko. Bahala na. Inabot ko na ulit sa kaniya.

"Thanks." Ngumiti ulit siya. At kitang kita na naman ang white teeth niya na pantay pantay. "I'm gonna save your number with the name.." Pabitin pa siya, totoo lang. "Babe."

Nanlaki ang mata ko. "B-Babe?"

Nginitian niya ako. Makatunaw na ngiti, promise. "Yes. Babe." He smirked saka tumayo at nagsimula ng ayusin ang mga kalat.

What the. Babe? Agad agad? May endearment? Pero..bakit ang puso ko, may kilig cells. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top