Chapter 11
[Louise]
Nagising akong parang masakit ang ulo ko. Natural lang 'to dahil nakainom ako kagabi. Idagdag mo pa na napuyat ako ng bonggang bongga dahil kay Azellus. Argh! Kainis siya. Bakit kasi ang lakas ng epekto niya sa 'kin kahit sabi ko sa sarili ko, iiwasan ko na siya dahil hindi iyon makakabuti. Ibinigay ko pa ang cellphone number ko.
Hay, Louise! 'Di mapigilan?
Kinuha ko agad ang phone ko sa gilid ng kama ko para tingnan ang oras. Pero napansin ko agad ang dalawang messages. Binuksan ko ang phone ko.
From: +639050000000
Babe dito na kami sa Laguna. I will miss you. Always take care.
From: +639050000000
Goodmorning. Aalis na kami. Di na kita ginising. Ang sarap ng tulog mo eh. Thanks.
Napalunok ako. Si Azellus ba 'to? Oo, si Azellus 'to. Nasa Laguna na daw siya, at siya ang tumawag sa 'kin ng 'babe', argh! Ang lakas ng epekto sa 'kin ng pagtawag niya sa 'kin ng ganoon kagabi. Iyon pa ang naka-save sa phone niya.
I saved his number with the name. 'Azellus', alangan namang 'babe' din ang ilagay ko. Hello! 'Di naman kami saka hindi kami super close. Lakas talaga ng trip ng lalaking 'yon.
Re-reply-an ko ba? H'wag. Iniiwasan ko siya. Ito na siguro ang best way na dapat kong gawin. Ang sama pa naman ng tingin sa akin ni Berry kagabi. Alam kong galit na talaga siya sa akin dahil kay Azellus. Tapos ang sweet pa sa akin kagabi. Lalo pa siguro siyang nmagagalit kapag nalaman niya 'yung supermarket scene namin ni Azellus. Gusto kong makausap si Berry upang sabihin na titigil na ako, na hindi ko na papansinin si Azellus, but then, naisip ko. Galit nga pala ako sa kaniya. Hindi ko pa rin matanggap iyong mga sinabi niya patungkol sa 'kin. Hahayaan ko nalang siya. Bahala siya, basta ako, I'll live my life to the fullest. Ayoko ng problemahin o isipin pa ang tungkol kay Azellus.
Bumangon na ako saka ginawa ang morning routine ko. Gumamit ng banyo saka naghilamos. Pagtapos ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko ang mga bruha na pawang mga nakaupo sa salas, umiinom ng kape. Mga lutang. Ayan, inom pa!
"Goodmorning, guys!" Bati ko sa kanila.
"Mo..rning." Inaantok na sagot ni Rica na naka-indian sit sa sofa habang nakatitig sa kawalan.
"Morning din!" Sagot ni Yen na kagagaling lang sa..ah, mukhang bagong ligo.
Sina Grace, Apple at Berry, tahimik na nakatingin sa kawalan. Naku, talaga namang lutang ang mga 'to.
Naupo ako sa sofa at isa-isa silang tiningnan. Huli akong napatingin kay Berry and I almost had a heart attack nang makita kong nakatingin din siya sa akin ng seryoso. Nakakagulat pa man din ang tingin ni Berry.
"C-can we talk?" Biglaang tanong niya.
Ah, she or he wants to talk. Sigurado akong tungkol ito kay Azellus. "Yes," tumango-tango pa ako.
Ano kayang pag-uusapan namin? Baka awayin na naman niya ako dahil sa pinakitang ka-sweet-an ni Azellus sa 'kin kagabi, baka sumbatan na naman niya ako na kesyo pinangako kong 'di ako magkakagusto or kung anu-ano pa.
Tumayo ako. Nakatingin sa amin sina Rica. Mga tsismosa. Kasunod ko si Berry. Pumasok ako sa kwarto, gano'n din siya saka niya isinara ang pinto. Naupo ako sa kama ko, siya naman ay naupo din sa dulong bahagi ng kama.
"Louise.."
Tatarayan na naman ba niya ako at ipapamukha sa akin na sa kaniya lang si Azellus? Masama pa rin ang loob ko sa kaniya, akala ba niya?
"Oh?"
"Alam kong mali ako. Iyong mga sinabi ko sa'yo, hindi ko dapat sinabi. Na-realize ko na tama ka, hindi mo naman ito ginusto. Na humingi lang ako ng pabor sa'yo."
Buti naman, na-realize niya ang mali niya.
"Na-attached ako kay Azellus kasi lagi kaming magka-text, at minsan ay magkausap pa sa gabi, or kapag free siya. Hindi niya iniisip na ako 'yun. Na bakla ang nakakausap niya dahil nga nagagawa kong mag-boses babae. Naging close kami at lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Gusto ko siya."
E'di sige, sa 'yo na. Tulad ng sabi niya, sa kaniya si Azellus.
"Nadala lang ako ng selos. Nakita ko kasi kung gaano naging sweet sa'yo si Azellus. Nakita ko kung paano siya tumingin sa 'yo. At ikaw, alam kong natutuwa ka din dahil mabuting tao si Azellus."
Saan kaya patutungo ang usaping ito? Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kaniya.
"Kaya nasabihan kita ng 'di maganda. Gano'n naman tayo 'di ba? Kapag nadadala ng galit, hindi na natin halos alam ang lumalabas sa mga bibig natin. Aminado akong hindi tama 'yong inasal ko. Kinanya ko si Azellus kahit ang totoo, wala namang nagmamay-ari sa kaniya."
Buti, na-realize na niya iyan.
"Louise, pinag-isipan ko ito. Sapat na siguro at dapat magpasalamat nalang ako na kahit sa kaunting panahon ay naranasan kong makausap o maka-text si Azellus. Ito na siguro ang panahon para, i-let go ko ang feelings ko sa kaniya dahil real talk, hindi naman niya ako magugustuhan personally dahil bakla ako. Hindi ako babae tulad ng inaasahan niya."
Naawa naman ako kay Berry.
"Tumigil na ako. Nagpalit na ako ng number para simulan ng kalimutan siya. You're no longer my substitute, Louise."
Substitute..
"Kagabi ko mas na-realize kung gaano ka niya ka-gusto. Gusto ka talaga niya. The way he looks at you, the way he acts.."
Alam ko, nagseselos siya.
"Sino ba ako para hadlangan kayo? Dahil nakikita ko rin naman sa'yo na gusto mo siya."
Nanlaki ang mata ko. Gusto ko nga yata talaga si Azellus pero kaya ko namang pigilan.
"Wala akong karapatang pagbawalan kang gustuhin si Azellus. Puso mo 'yan eh. Feelings mo 'yan. Kaya ngayon kinakausap kita para sabihing, huwag mong pigilan kung anuman ang nararamdaman mo para sa kaniya. Go with the flow. Alam kong naging balakid ako sa feelings mo for him, sa pakikitungo mo sa kaniya pero sa ngayon hindi mo na iyon kailangang isipin. I'm happy for both of you."
Bigla ay kusang tumulo ang luha ko. "Berry.."
"Na-miss kong makipagkulitan sa'yo, bakla! Hay naku, bawal umiyak. Sayang ang feslak." Sabi pa niya saka ako nilapitan at niyakap.
"Berry.."
"Ano ka ba? Tama na 'yan. Okay na ang lahat. Kung gusto mo man siya, go for the gold. I-grab mo lang ang opportunity na mahalin ka ng isang Azellus Bejo. Saka bagay kayo. Maganda at gwapo. Oha! So tahan na."
Bumalik na ang dating sigla ng Berry na nakilala ko. Ang kaibigan ko. Ang gaan sa pakiramdam na magkapatawaran kami. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko.
"Sorry din, Berry.." Sabi ko.
"Ano ka ba! Wala na 'yon. Basta kung ligawan ka man ni Azellus, go go lang ha?"
Tumingin ako sa kaniya. Nakangiti siya at na-appreciate ko siya. Tunay nga siyang kaibigan.
"Nakakatakot ka kaya mag-taray." Naka-pout na sabi ko.
"Ay! Natakot ba kita? Alam mo na, dambuhalang bakla ako. Pasensya na, be!"
Napangiti nalang ako. Okay na kami ni Berry. Kanina pa naman, iniisip ko ng mali ang ginawa kong pagbibigay ng number ko kay Azellus. Ngayon, wala na akong dapat alalahanin. Si Berry lang naman talaga ang isinasaalang-alang ko before kaya pinipigilan ko. Pero sa totoo lang, iba ang kilig na nararamdaman ko sa mga ginagawa at pinapakita sa akin ni Azellus.
Pinahid ko ang luha ko saka muling tumingin kay Berry. "I-celebrate na 'to! Videoke time!" Sigaw ko. "Inom din tayo mamayang gabi. Nakakamiss kaya."
"Ay, bet ko 'yan!" Sagot ni Berry. "Gorabels lang."
"Great!" Sigaw ko.
"Louise."
"Hm?"
"May bago nga pala akong crush." Aniya.
Kumunot naman ang noo ko. "Sino? Kilala ko ba? Oh my, gwapo?"
Kinagat niya ang ibabang labi niya. Ang lande ng bruha!
"Si ano.."
"Si?" Nambibitin pa si Berry.
"Si Brent. 'Yung homo sapien na 'yun."
Nanlaki ang mata ko. Literal! "SI BRENT?!' Sigaw ko. Sa dinami-dami, bakit 'yun?!
Humagalpak ng tawa si Berry. "Omo! Affected ka pa din! Joke lang, ano ka ba! Hindi ako bulag. H'wag mo akong i-gaya sa iyo ano! Iyong varsity ng basketball ang bago kong crush. 'Wag ka ng magtanong! Kinikilig ako."
Natawa nalang din ako. Baliw talaga 'tong si Berry. But I'm happy with him..or her. And it feels great na maayos na ulit kami.
-
"Ay kim in layk a riking bullll!"
Hagalpak ang tawanan namin dahil sa panggagaya ni Apple sa pagkanta ni Aling Dionisia sa kantang Wreking ball habang umiinom kami. Mabubuting estudyante talaga kami eh. Kakainom lang kagabi, inom ulit ngayon.
"Ay nibir had so long agowww!"
"Shutanginames, tama na 'yan Apple!" Sigaw ni Rica. "Ang sakit mo sa matres!" Sabay tawa nito.
Napapailing nalang ako. Nakakamiss din ang bonding na ito. Iyong walang gap sa aming magkakaibigan. Iyong okay kaming lahat.
"Ako naman ang kakanta!" Sigaw ni Berry. "Gusto ko 'yung careless whisper tapos sasayaw ako ng sexy dance sa harap. Ay bet!"
"Susme! Maawa ka sa 'min, Berry! Hindi mo kailangang mag-sexy dance 'no! Hindi kami maaakit sa'yo. Baka masuka kami." Tumatawang sabi ni Yen.
"Nakaka-hurt-hurt ka ng feelings, bakla ha!" Sabi ni Berry na hinahanap na ang gusto niyang kanta sa song book.
Nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko agad iyon.
One message received
Binuksan ko agad iyon at biglang nag-react ang something sa dibdib ko nang pangalan "niya" ang nakita ko.
From: Azellus
Babe. I heard you and your friends are having fun. Pwede ba kaming sumali?
Kumunot ang noo ko. At paano naman niya nalaman, aber?
To: Azellus
What do you mean? And how did you know?
Sent.
Napapa-english ako dito. Englisero pala ka-text 'tong si Azellus eh.
From: Azellus
We're here.
Muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa reply niya.
To: Azellus
Here?
Don't tell me, narito na naman sila sa Manila? Eh kakauwi lang nila kaninang umaga? Susme.
From: Azellus
Dito sa baba ng building niyo. Sa convenience store. Naghihintay pa kami ng approval niyo bago umakyat diyan sa unit mo eh.
Napalunok ako saka tumunghay. Narito nga sila? What the..
"Hoy, Louise? Ayos ka lang?" Tanong ni Rica.
"Si..si.."
"Ha?"
"Sina Azellus andiyan." Sagot ko. Ni hindi ko na na-replyan si Azellus kase nakakagulat. Andiyan sila. For real.
"Andiyan? Waaaa! Nabasa siguro nila 'yung status ko kaninang umaga sa facebook na mag-iinom at magvi-videoke tayo ngayong gabi dahil walang pasok bukas." Ngiting-ngiting sabi ni Rica. "Asan sila? Sa baba?"
"Woooo! May boys!" Sigaw ni Apple.
"Yung totoo, dahil nabasa nilang may inuman tayo, luluwas na sila dito sa manila?" 'Di makapaniwalang tanong ko.
"Ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig, Louise. Haha!" Sagot ni Rica. "O, siya. Puntahan ko sila sa baba. At least marami tayo ulit!" Excited na sabi niya saka lumabas ng unit.
Napa-nganga ako. Saka muling napalunok. Seryoso talaga sila? Andito na naman sila? Laguna to Manila. Hindi ba sila napapagod? Para pumupunta lang sila sa kapitbahay ah.
"Grabe, Louise! Ang effort ni Azellus! Talagang gusto ka niya." Nakangiting sabi ni Berry.
Sumimangot ako.
"Wooo! Kunwari pa 'yang si Louise. Kinikilig naman. Hayaan mo, hindi mo na kailangang magpigil. Nagparaya na si Berry. Haha!" Sabi ni Yen.
"Tigilan mo nga ako, Yen."
"Talaga naman eh. Asus! Sweet-sweet-an na naman kayong dalawa mamaya!" Natatawang sabi pa nito.
Inirapan ko siya at tinutok ang tingin sa phone ko. May text pala ulit si Azellus.
From: Azellus
You're like a drug. Nakaka-adik ka, babe. I don't care about the distance, I just care about you.
Susme! Ano ba naman 'tong lalaki na 'to. Kung makatawag talaga siya ng 'babe', feel na feel. Hindi ko nga nireplyan. Ano namang isasagot ko.
"Dyarannnn!" Sigaw ni Rica na biglang nagbukas ng pinto.
"Hi, girls!"
"Yow! Andito na naman kami."
"Kailangan ni lover boy ng suporta namin kaya pagpasensyahan niyo na kung makikita niyo ulit ang pagmumukha namin!"
Narinig kong sabi ng mga kaibigan ni Azellus. Talagang narito nga sila.
"Hi, Louise." Bati sa akin ni Azellus nang makapasok sila. May bitbit pa siyang paperbag. Simpleng pants at shirt lang ang suot niya. Then nakasuot siya ng snapback. Pabaliktad ang pagkakapatong noon sa ulo niya at aaminin ko, gwapo talaga.
Ngumiti lamang ako. Kasi naman 'yung dibdib ko kumakabog. Nakakairita! Ano ba ito. Ngayon pa na hindi ko kailangang mag-alala o mailang dahil kay Berry dahil nagparaya na siya at sinabi niya sa aking, 'go for the gold'.
"Wooo! Party, party!" Sigaw ni Carl. Makulit talaga ang isang 'yan.
Napuno na naman itong living room namin. Naupo si Azellus sa tabi ko dahil nasa dulong bahagi ako ng sofa. Inabot niya sa akin ang paperbag.
"For you."
Ano ba! Bakit kasi napapangiti ako saka ba't kasi..argh! Ano ba ang kilig cells.
Kinuha ko iyon saka ako tumikhim. "Salamat. Pero hindi ko naman birthday." Sabi ko.
'Yung mga kaibigan namin nagkakagulo na. Nagvi-videoke na kasi at kumakanta na ng careless whisper si Berry. Pinanindigan niya talaga.
"Hindi lang naman nagbibigay ng regalo kapag birthday. Pwede ding kapag nanliligaw."
Muntik na akong masamid. Talagang seryoso siya sa panliligaw na sinasabi niya.
"Hoy Azellus! Talagang nagpunta kayo dito. Hindi ba kayo napapagod?" Tanong ni Rica.
Tumawa si Azellus. "Gusto rin naman ng mga ugok. Saka dala namin ang sasakyan ni John. Uuwi din kami bukas ng umaga."
"Asus! Kunwari ka pa. Aakyat ka lang ng ligaw eh." Pang-aasar ni Rica. Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa pa. Baliw talaga.
"Oo nga. Nanliligaw nga ako." Nakangiting sabi ni Azellus.
Napatakip ako sa mukha ko ng throw pillow. Nakakahiya! Talagang proud siyang nanliligaw siya?
"OMG! Sagutin mo 'yan, Louise ha! Naku, naku!"
"Ewan sa'yo. Uminom ka na nga lang." Pagsusungit ko kay Rica.
Tawa lamang ang isinagot niya at nang-aasar na tingin.
"Louise."
Tumingin ako kay Azellus. "Oh?"
"Hindi mo ba ako na-miss?"
"Ano? What the.."
"Hep. Bawal magmura. Tch. I'm just asking. "
Nag-pout ako. "Bakit kita mami-miss. Kagagaling niyo nga lang kagabi dito."
"Tch. Hindi nga ako na-miss. Hindi mo pa ako nireplyan kaninang umaga." Parang nagtatampong sabi niya.
Seriously? Parang ewan 'tong si Azellus.
"Bakit pa kasi kayo pumunta dito ngayon? Hindi talaga kayo napapagod? From Manila to Laguna then Laguna to Manila?" Tanong ko.
"Uy, concern siya sa akin."
Sinimangutan ko siya. "Feeler mo. Nagtatanong lang ako."
"Haha! Hindi naman nakakapagod lalo na kung enegizer ko ang pupuntahan ko."
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko. Letse ka, Azellus. Nagpapakilig ka na naman!
"Saka, 'di bale ng mapagod kung ikaw naman ang dahilan. You know, kung pwede lang, I want to see you everyday."
"H'wag ka ngang ano diyan.." Shit. Di ako makatingin sa kaniya. Kasi naman! Nagwawala na ang kilig cells ko.
"Babe.."
Nanindig ang mga balahibo ko. Did he just call me, BABE?
"Gusto mo bang mag-transfer na ako dito sa Manila? I'll do everything para payagan ako ng parents ko. Para nababantayan kita saka para nakikita kita araw-araw. Alam mo na, ikaw lang kasi ang bumubuo sa araw ko."
Napalunok na naman ako dahil sa sinasabi niya.
"Boom! Mga banat ni pareng Azellus!" Sigaw ni Carl na narinig yata ang sinabi ni Azellus.
"Hayaan niyo sila! Nagso-solo sila. Istorbo kayo!" Natatawang sabi ni Rica.
"Oo nga! Oo nga!"
Mga baliw talaga. Bakit ba kasi dito ako pumwesto sa pinaka-dulo? Para nga tuloy kaming nagso-solo dito.
"Ano ka ba, hindi mo naman kailangang mag-transfer dahil lang sa akin."
Grabe naman kasi, transfer agad?
"Pero gusto ko."
Ay, naku! Kulit. "Ewan ko sa'yo."
"I love you."
Halos malaglag ang panga ko. Hinampas ko tuloy siya ng throw pillow dahil jusko! Iba na ang effect sa akin ng three words na iyon!
Tumawa siya. "You're blushing."
"Psh." Pagtataray ko.
"It's okay, you're still pretty."
"Tigilan mo nga ako sa kaka-ganyan mo, Azellus." Sabi ko pa.
Tumawa lang ulit siya saka hinawakan ang kamay ko. Agad ko iyong inagaw mula sa kaniya. Ang lakas ng effect! Shemay.
"Inom na nga tayo. Kwentuhan mo din ako para sulit lalo ang pagpunta namin dito." Sabi niya saka ako kinindatan.
Oh Lord, help me!
Hindi na ako sumagot. Pinanood ko nalang siya na nagsalin ng alak sa basong may cube ice. Paano kasi, ang lakas lakas ng dagundong ng dibdib ko. Ano 'to. Oh my.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top