Chapter 12

[Louise]

Pagpasok ko sa room ay naupo agad ako sa upuan ako. Para akong bangag. 'Yung klase ba naman ng weekends na puro inom ng alak. Susme.

Sina Azellus, sobrang ku-kulit. Ayaw pa sanang umuwi. Jusko, kulang nalang dun na sila tumira sa unit namin. Psh. Buti nga napa-uwi pa namin. Tapos 'tong si Azellus, babe ng babe. Akala mo, kami eh. Tapos nung pauwi naman siya, text ng text. Feel niya talaga, kami.

Binuksan ko nga pala 'yung bigay niya nong pumunta siya sa unit. 'Yung laman pala ng paperbag, chocolates. Grabe, sisirain ang ngipin ko at gusto yata niyang magka-diabetis ako sa dami non. Isang paperbag e.

"Louise."

Nag-angat ako ng tingin at medyo nagulat ako dahil si Brent pala ang nasa harap ko.

"Ano 'yon?" Hindi na ako apektado sa kaniya. Moved on na ako. Napagtanto ko din naman na hindi naman pala ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa kaniya. Na-attract lang talaga siguro ako. Kasi nga, mabait? And matalino. Magaling din kumanta.

Umupo siya sa tabi ko. "First, I want to ask you, how are you? The last time I saw you para kang malungkot."

Na-appreciate ko naman siya sa pangungumusta pero naalala ko pa 'yung akala niya siya ang reason. As if.

"I'm very fine." Sagot ko. Ngumiti pa ako. Kasi okay naman talaga ako. Lutang lang dahil kulang sa tulog. Puyat na, pinupuyat pa ni Azellus ang isip ko.

"Sorry kung naging rude ako no'ng nagconfess ka sa akin before.."

Gawd, ibinabalik pa. Limot ko na 'yon.

"Pwede pa din naman tayong maging friends 'di ba?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Sure. Walang problema." Sincere ako. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para supladahan siya saka kahit paano, nagkagusto rin ako sa kaniya before. BEFORE.

Napansin kong iba ang ngiti niya. Parang pa-cute. Pagkatapos ay bigla siyang tumungo at nalungkot. "Break na kami ng girlfriend ko. Nagalit siya sa akin kasi..lagi akong tumitingin sa 'yo."

Nagulat ako sa sinabi niya. So ako ang dahilan ng break-up nila?

"Paanong.."

Huminga siya ng malalim saka taas noong tumingin mula sa akin. "Na-realize ko na mas maganda ka sa kaniya saka at least, may gusto ka sa akin. Hindi ka naman mahirap mahalin eh,"

Nagpakurap-kurap ako ng mata. 'Di ko kasi agad na-gest si Brent. Ano daw?

Lumunok ako nang ma-digest na ng utak ko ang sinabi niya. Ano iyon, feeling naman niya may gusto pa rin ako sa kaniya? Just wow. At dahil mas maganda ako sa girlfriend niya at ano daw? Gusto ko naman siya at 'di daw ako mahirap mahalin. Aba gago 'to a!

"Excuse lang ah," panimula ko pero nagsalita ulit siya kaya natigilan ako.

"We could get along with each other. Pwede tayong lumabas-labas and hayaan mo, hindi ko na ire-reject ang feelings mo this time."

I rolled my eyes. Napabuga ako ng hangin. Seriously? Did he just said that? Oh my freaking heels.

"Patapusin mo muna ako, Brent. Ayokong maging rude sa'yo. Pumayag akong makipag-friends sa 'yo, pero hindi ibig sabihin no'n gusto kong makipaglapit sa 'yo." Ngumiti ako ng nakakaloko. "Masyado ka yatang nag-a-assume?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. "You like me."

"Oo. I liked you. That was before. Pero wala na 'yun. Crush crush lang iyon. Masyado mong ginawang big deal 'yon. Saka 'wag mong masyadong ipagkalandakan gusto kita. Tapos na iyon. Past is past." Paliwanag ko. Ngayon ko mas nakikilala si Brent. Assumero pala talaga siya.

Tumikhim siya at sumeryoso ang mukha. "Look, alam kong naapakan ko ang ego mo noon dahil na-reject kita. Kaya ka uma-aktong ganyan ngayon--"

"Enough, Brent. Stop assuming things. Wala na akong gusto sa iyo. Maliwanag?"

He faked a smile. "I see." Aniya saka tumayo na at umalis na sa tabi ko.

Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko kinaya si Brent. Hindi ko akalaing gano'n ang iniisip niya. Ganoon ba kalaki ang bilib niya sa sarili niya? Grabe talaga.

Dagdag lang siya sa sakit ng ulo ko, my gawd. Maka-idlip na nga lang muna.

-

Kalalabas ko lang ng room ko dahil katatapos lamang ng klase ko. Kikitain ko sina Yen sa cafeteria dahil nagtext sila na naroon daw sila ng barkada.

Naupo agad ako pagdating ko. Nakatambay sila at madaming pagkain sa mesa.

"May birthday?" Tanong ko.

"Kapag may spaghetti, may birthday na agad? 'Yung totoo, Louise?"

Umirap ako kay Yen. "Parang nagtanong lang. Ang dami kasing pagkain." Nakangiti kong sabi saka kumuha ng isang slice ng pizza.

"Mayaman ngayon si Apple e. Haha!" Sabi ni Berry.

Natawa din naman ako. Abala sila sa pagkain.

"Anyway, may iku-kwento ako sa inyo."

"About Azellus?" Agad na tanong ni Rica.

Umiling ako. Lahat sila ay biglang tumingin sa akin na parang mga naka-abang sa sasabihin ko.

"Whoa! May new guy?" Tanong ni Grace na pinapakyaw ang chips na nasa mesa.

Umiling ulit ako. "New guy ka diyan. Si Brent."

Bigla silang naging abala ulit sa mga kinakain nila.

Sumimangot ako. "Napaka niyo talaga. Kasi nainis ako kay Brent." Panimula ko.

"Bakit?"

"Ako nga laging naiinis sa kaniya kahit wala siyang ginagawa." Sabi ni Yen. Hater 'to ni Brent e.

Huminga ako ng malalim saka nagsimulang magkwento. "Bigla niya kasi akong tinabihan tapos nagsorry siya dahil daw naging rude siya sa akin dati, ganito ganyan. Tapos bigla ko nalang napansin, yung ngiti niya nagpapa-cute.."

"OMG!" Sigaw ni Yen na ikinagulat namin.

Lahat kami, napatingin sa kaniya.

"Nagawa niya iyon? Pano niya nagawang ngumiti na nagpapa-cute? E, nakakata-cute kaya ang mukha niya!"

"Nice one, Yen!" Tumatawang sigaw ni Rica.

Naningkit ang mata ko. Kahit kelan talaga 'tong si Yen. Lakas manglait e.

"Anyways, back to topic. E'di ayun nga, tapos bigla ba namang sabihin na break na daw sila ng jowakers niya. Na-realize daw kasi niya na mas maganda ako. Saka gusto ko naman daw siya. Sinabihan pa nga akong hindi naman daw ako mahirap mahalin. The nerve!" Inis na kwento ko.

"Galawang breezy si Brent! Ang taray ng fafa niyo!" Sigaw ni Apple.

"Ang feeling niya. Promise. Feeling gwapo siya sa part na 'yon." Sarcastic na sabi ni Grace.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng pizza. "So, ayun. Dahil nagmaganda ako kanina, sinabihan ko nga siyang 'wag assumero. Psh. Kairita."

Bigla ay naglabas ng gunting si Berry. "Girl, tara, putulin natin ang hairlalu mo, ang haba e!"

"Baliw!" Bulyaw ko. "Nakakasira nga ng araw. Argh! Bakit ba ako nagkagusto do'n."

"Oo nga. Isang malaking katangungan din s akin 'yan, Louise eh. Haha!" Sabi ni Yen. "Bukod sa hindi siya gwapo, nasobrahan siya ng confidence."

"Ewan ko ba. Pero move on na ako 'no."

"Wooo. May Azellus na kasi. At aminin, mas gwapo. Pak na pak, ganern!" Sabi ni Berry.

Hindi nga siya bitter kay Azellus. Ang alam ko may bago siyang nakakatext na lalaki at this time, magkakilala naman sila in person. Hindi na kailangan ng substitute tulad nang nangyari kay Azellus.

Ngumiti lang ako.

"Bume-babe na nga ang mga 'yan e," asar ni Rica. "Kumekerengkeng!"

"Sus! Ikaw ba, hindi?" Sabi ko.

"Kanino naman? H'wag ka ngang ano, diyan." Tumatawa tawang sabi ni Rica.

Magsasalita pa ako nang tumunog ang message tone ko. Tiningnan ko agad ang cellphone ko.

From: Azellus
Babe, may surprise ako sayo. Wag kang mabibigla. Text me right away.

Bigla naman akong kinabahan sa text ng mokong. Anong surprise naman? Baka mamaya nando'n na naman sila sa unit namin.

"O, sumeryoso? Anong ganap?" Tanong ni Grace. Nag-angat ako ng tingin.

"Ako talaga ang laging center of attraction?" Tanong ko.

"Ikaw ang luma-lovelife e,"

Talagang interesting pala ang love life ko. Pagkatapos nila akong gawing substitute. Psh.

"Ewan ko sa inyo. Mind your own business nga." Sabi ko saka itinuon na ang pansin ko sa phone ko. Hindi ko pa nare-replyan si Azellus.

To: Azellus
Ano yon?

Naghintay ako ng reply niya. Wala naman akong maisip na pwedeng maging surprise niya? Hindi pa naman malapit ang birthday ko saka 'di naman niya alam kung kelan iyon.

From: Azellus
Promise me, hindi ka magugulat. Baka sobra kang matuwa e.

I rolled my eyes. 'Yung totoo? Pa-thrill 'tong lalaki na ito.

To: Azellus
Hindi. Ano kase yon?

Ilang minuto din ang lumipas bago siya nagreply. Hindi ko muna binuksan ang message niya dahil naglagay ako sa baso ng softdrinks.

Ininom ko iyon habang ino-open ang message ni Azellus.

From: Azellus
I'm moving to manila. Nag-transfer na ako dyan para magkasama na tayo, babe.

Ah, I see.

Biglang nanlaki ang mata ko at naibuga ko ang iniinom kong coke.

"What the hell, Louise? Sa mukha ko talaga?" Sigaw ni Apple na masama ang tingin sa akin.

Napatakip ako sa bibig ko. "Sorry, sorry!" Inabutan ko siyang tissue.

"Ano bang meron? Bakit para kang nakakita ng multo?" Tanong ni Rica.

Tumingin ako sa kanila.

"Si..si ano.."

"Si?" Sabay sabay nilang sambit. Lahat sila nakatutok sa akin.

"Si Azellus, magta-transfer na daw dito sa manila." Sabi ko saka natulala sa kawalan.

"Tunay na pag-ibig na itey!" Tili ni Apple.

"OMG, haba talaga ng hairlalu!" Sabi naman ni Berry.

"Wala na akong masabi sa effort ni Azellus. Siya na! Siya na talaga!" Sabi naman ni Yen.

Napalunok ako. Pero totoo ba talaga 'yun? Naguguluhan na nga ang puso at isip ko kapag malapit siya tapos biglang dito na siya sa manila?

Oh my. I kennat! What's happening? Pero baka joke lang 'yun! Tama. Think positive.

Nawala na ako sa kawalan at 'di ko na pinakikinggan ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Ang atensyon ko nasa cellphone ko at sa isiping lilipat na dito si Azellus!

To: Azellus
Nice joke.

Kunwari sarcastic pero nagtatambulan na ang dibdib ko sa kaba. Paano pa ako magiging normal kung malapit siya?

From: Azellus
Wait for me, babe. Watch out ;)

Confirmed. Gawd, what is this? Ang puso ko, nahulog na ba talaga s lalaking ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top