Chapter 13

Louise

"Nahihilo na ako sa iyo, Louise. Hindi ka ba titigil?"

Pabalik-balik ako sa buong salas dito sa unit. Hindi kasi ako mapakali. Si Azellus kasi, kasalanan niya 'to! Argh!

"Sinong hindi mapapakali? Kapag nalaman mong ang lalaking iyon, magta-transfer na dito sa Manila?! What the hell!"

Humagikhik si Rica. "Ayaw mo no'n, magkasama na kayo. Tapos 'di na niya kailangang mag-effort all the way from Laguna to here. Maawa ka naman sa taong inlove sa iyo."

"Maawa? Ginusto niya iyon. Saka, hindi naman niya kailangang mag-transfer! Tatanggapin pa ba siya? Late enrollee na siya!"

"Kapag ba sinabi niyang ta-transfer na siya, ibig sabihin agad-agad? Malay mo next sem pa. Isang buwan nalang naman, o."

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa kaniya! Ah, basta, bahala siya! Kung maka-asta kasi siya akala mo jowakers ko."

"Asus! Inlove ka din naman. Kunwari kapa, Louise. 'Di ka na bata, oy! May boobs ka na nga, o!"

Nag-pokerface ako. "Boobs ko talaga napansin? E, naka-foam lang kaya ako! Psh. Tigilan mo ako sa ganyan mo, Rica. Hindi porket kaibigan mo 'yun, kukunsintihin mo."

Lumapit sa akin si Rica at hinarap ako. "Iyon na nga, e. Kaibigan ko siya kaya alam na alam kong inlove sa iyo 'yung tao. Huwag ka ng pa-hard to get. 'Di bagay sa iyo. 'Di ganoon kahaba ang hair mo!"

Baliw talaga. Bakit ba ako nagkaroon ng mga baliw na kaibigan? Sa halip na sabihan nila si Azellus na hindi tamang lumipat dito sa manila para lang sa akin, lalo pa nilang pinush. Paano!? Nagpost ang mga gaga sa facebook na naka-mention pa si Azellus. Kairita! Ayoko nga kasi siya dito. Lalo akong nagugulo, e.

"Hindi ako pa-hard-to-get. Ayoko lang na umasa siyang inlove ako sa kaniya at may pag-asang maging kami."

"Bakit? Wala bang pag-asa? Saka, hindi ako naniniwalang hindi ka inlove kay Azellus. Huwag ka ng pabebe. Dali na, para may forever na kayo."

Naupo ako sa sofa. "Walang forever." Kinuha ko ang phone ko dahil tumunog ang message tone ko. Parang nase-sense ko na kung sino ang nag-text.

Tumabi sa akin si Rica. "Pero girl, wala mang forever, may Azellouise naman! Naks! Hahaha!"

Tuwang-tuwa ang bruha. Hindi ko na siya pinansin bagkus ay tiningnan ko na kung sino ang nagtext.

From: Azellus
Let's meet babe.

Kumunot ang noo ko. Feelingero talaga 'to. Lagi nalang 'babe' ang tawag sa akin. Ano ang baboy?

To: Azellus
Busy ako.

Hindi sa ayoko makipagmeet sa kaniya. Bakit naman kami magmi-meet? Wala namang rason saka saan? E, nasa laguna siya. Saka basta nagugulo ang sistema ko 'pag andiyan siya, e.

From: Azellus
Busy saan? Nandito kasi ako sa baba ng building niyo.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa iyong text niya. Napatingin agad ako kay Rica na busy na sa iPad niya.

"Rica!"

"O? Para naman 'tong timang."

"Si Azellus."

Ngumiti siya. "Ano? Si Azellus, miss mo na? Inlove ka talaga. Ano?"

"Andiyan siya sa baba! Paano 'yun napunta diyan?!" Napatayo ako. Kinapa ko ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog.

"Malamang sumakay siya ng bus from laguna to here. Tapos naglakad siya papasok ng building."

"Pilosopo!" Bulyaw ko. "Anong gagawin ko?"

She rolled her eyes at me. "Natural, bumaba ka at puntahan mo siya. Sablubungin mo siya ng mainit na yakap at maalab na halik." Humagalpak ng tawa si Rica.

Baliw talaga. Tuwang tuwa siya sa pinagsasasabi niya.

"Seryoso ako." Sabi ko.

"Seryoso din ako. Sunduin ko na ba siya sa baba?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim. Wala na naman sa normal ang paghinga ko. Bwisit na Azellus. Basta basta nalang sumusulpot.

"Bahala ka nga." Sabi ko saka muling naupo sa sofa.

Ano pa bang magagawa ko? E, andiyan na. Alangang pauwiin ko siya. Kainis naman kasi talaga, e.

"Alright! Sabi na, e. Hindi mo naman iyon matitiis. Sa gwapo bang 'yun." Tumawa pa si Rica bago lumabas ng pinto.

Alangan din naman na ako pa ang sumundo sa kaniya sa baba? Ayoko nga. Hindi naman kami magjowa.

Bigla akong napatayo at pumunta sa kwarto. I looked at the human-sized mirror. Okay naman ang suot ko pero bakit bigla akong naging conscious? Saka 'yung mukha ko. Sanay naman akong simple lang. Hindi nagsusuklay or naglalagay ng powder. Pero ngayon..

Aish! Ewan.

Kumuha ako ng powder saka naglagay sa mukha pagkatapos ay sinuklay ko ang buhok ko. Nagpalit din ako ng shirt. Nakakainis naman kasi 'yung Azellus na 'yon, e.

"We're hereee! Louise, where art tho?" Narinig ko ang pagsigaw ni Rica.

Huminga ako ng malalim saka sinulapan muli ang sarili ko. Okay, chin up. Bakit ba ako kakabahan? Si Azellus lang naman iyan. Hindi naman 'yan si Lee Min Ho na talagang kakabahan ako 'pag pinuntahan ako dito sa unit ko.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Azellus na nakaupo sa sofa. Napansin ko ang pizza hut box na nakapatong sa center table. Meron pa siyang paperbag. Hindi ko alam kung anong laman no'n.

Tumayo siya nang makita ako.

"Hi, babe."

Sumimangot ako. "Babe ka diyan." Pagtataray ko. Hindi kaya ako easy to get. Umupo ako sa one seater sa tapat niya. Umupo na ulit siya.

"You're my babe." Nakangiti pa siya. Nakaka-letse ang perfect teeth niya ha.

"Hindi nga. Feelingero. Psh." Inirapan ko siya. "Si Rica?"

"Bababa daw siya. May pupuntahan saglit."

Nanlaki ang mata ko. So, iniwan niya kami dito? Kami lang ni Azellus? Baliw talaga 'yung Rica na 'yon. I'm sure nananadya iyon.

"Bakit ka pala narito?" Tanong ko.

"Para puntahan ka? Nanliligaw."

Nagpokerface ako. "Ang layo layo, o. Tapos pupunta kapa dito. Kakagaling mo nga lang dito."

"Malayo? Hindi naman masyado. Isang sakay lang naman sa LRT."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Nakalipat na ako. Sa bahay ng tita ko dito sa Manila. Isang sakay lang sa LRT ang layo dito."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Agad agad?"

Tumango siya habang nakangiti. "Agad agad. Basta ikaw ang dahilan, nanginginig pa."

Kainis! Kainis. Bat apektado ako sa sinasabi niya. Parang gusto kong kiligin na ewan. Ako ba naman ang dahilan ng paglipat niya dito sa Manila.

"Wala ka bang pasok?"

"Meron." Sagot niya. "Babalik pa naman ako sa Laguna. Ilan lang naman subjects ko. Every wednesday, thursday and friday lang. Kaya saturday to tuesday, dito ako sa manila."

"Ha? Seriously? Pinapagod mo sarili mo." Hindi ako makapaniwalang kinailangan pa niyang tumigil sa bahay ng tita niya dito sa Manila pero do'n pa din siya papasok sa Laguna. Pinapahirapan niya ang sarili niya.

"Pinapagod? E, ikaw nga ang energizer ko. Paanong mapapagod ako?"

Letse talaga. Nagpapakilig! Nakakainis naman, kinikilig ako. Ba't kasi 'di ko mapigilan?

"Huwag ka ngang ano diyan." Sabi ko saka tumingin sa TV. Nasa HBO ang channel. Wolverine pa ang palabas.

"Hey, may dala akong pizza. Kain tayo." Alok niya. Binuksan pa niya ang box.

Natakam naman ako.

Tumayo siya at pumuntang kusina. "Papakialaman ko na ang kitchen niyo ha? May kasamang softdrinks 'yang pizza. Kuha lang akong baso."

Ayoko man na andito si Azellus, wala na din naman akong choice. Hindi naman kaya ng konsensya ko na pauwiin agad siya. Nag-effort pa rin siya sa pagpunta dito tapos may dala pang pizza.

Bumalik si Azellus na may dalawang dalawang baso. May cube ice pa. Aba, feel at home. Umupo ulit siya sa sofa saka sinalinan ng softdrinks ang baso.

"Huwag ka ng mahiya sa akin. Malapit na naman tayong magpakasal. Dapat inaalis mo na 'yang hiya mo."

"Anong sabi mo?!"

Tumawa siya. "Easy. Nagbibiro lang ako. Masyado ka kasing seryoso. Saka babe, sabi ni Rica nahihiya ka pa sa akin."

Epal talaga 'yung si Rica, e.

"Hindi ako nahihiya sa iyo." Sabi ko.

"Dito ka nga sa tabi ko kung talaga." Hamon niya.

Bwisit na lalaki. Para-paraan. Galawang breezy. Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Hindi dahil gusto ko. Ayoko lang na isipin pa niya na nahihiya ako sa kaniya.

"Whoa! Sarap sa pakiramdam na katabi ko ang babaeng mahal ko."

Dug, dug..

Kinapa ko ang dibdib ko. Ano ba 'to? Bigla bigla nalang kumakabog ng walang pasabi.

"Here. Kain na. Para sa iyo talaga 'to." Sabi niya saka inilapit sa akin ang box ng pizza.

Tatanggi pa ba ako?

Kumuha ako ng isang slice ng pizza. "Anong oras ka uuwi?" Tanong ko nang maka-kagat ng pizza.

He pouted his lips. Ba't ang sexy tingnan? Kainis. "Kakarating ko lang, pinapauwi mo na agad ako? Hindi mo ba ako na-miss, babe?"

I heaved a sigh. "Babe pa ha?" Straightface na sabi ko.

"What? Babe ang gusto ko itawag sa iyo, e." Tumaas baba pa ang kilay niya. Pa-gwapo ang loko.

"Ewan sa'yo." Sabi ko saka inilipat na ang atensyon sa hawak kong pizza saka sa TV.

"I love you."

Natigilan ako. Ano ba! Ang puso ko, nagwawala.

Nagpanggap ako na hindi ko siya narinig. Paano ba naman, hindi ko na nga mapigilan ang pagwawala ng puso ko, kabog pa ng kabog 'tong dibdib ko. Kaloka.

"Louise."

"Hmm?"

Tumikhim siya. Nanatili akong nakatitig sa TV habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Anong gusto mo sa isang lalaki?"

Ano nga bang gusto ko sa isang lalaki? Hindi naman porket nagkagusto ako kay Brent ay siya na ang ideal man ko. Siyempre hindi.

Ideal man ko. Syempre gwapo.

Azellus..

Saka 'yung nag-e-effort para sa akin.

Azellus..

'Yung may sense of humor din naman.

Azellus..

Saka 'yung hindi nahihiyang ipagsabi sa lahat na mahal niya ako. Kumabaga proud to have me.

Azellus..

Iyong papahalagahan ako at aalagaan.

Azellus..

Napailing ako. Bakit ba Azellus ng Azellus ang isip ko. Ano ba 'yan!

"Azellus.."

"Yes? Ako ang ideal man mo?" Tanong niya.

Inirapan ko siya. "Feeler ka talaga."

"Sa iyo lang. Siyempre lagi akong umaasa na gusto mo din ako. Kasi gustung-gusto talaga kita, Louise. At kahit bagyo, hindi ako mapipigilan na iparamdam iyon sa'yo." Seryosong sabi niya.

Parang may biglang bumara na kung ano sa lalamunan ko.

At lalong biglang tumibok ng kakaiba ang puso ko. Is this...love?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top