Chapter 14

Louise

Natutuliro ako. Kasi kagabi halos 'di ako makatulog kakaisip kung ano ba ang kakaibang nararamdaman ko. At confirmed..

Oo na! Oo na. In love nga ako kay Azellus. Paano nangyari 'yun? Paano? Parang 'di ko matanggap. Naging substitute lang naman ako kay Berry ah! Tapos kaka-move-on ko lang kay Brent tapos eto, biglang titibok ng ganito ang puso ko? Tama ba 'yun?

Si Azellus. Kasalanan niya kasi, e! Bakit kasi siya nagpakita ng motibo saka bakit ba kasi masyado siyang vocal sa nararamdaman niya sa akin? Ayan tuloy. Nahulog din ako. Ano ng gagawin ko? Waaaa.

"Hoy, Louise? Are you with us?"

Sinimangutan ko si Rica. Narito kami sa cafeteria at talagang wala ako sa sarili ko dahil sa feelings ko na 'to para kay Azellus.

"Oo." Simpleng sagot ko. "Obvious ba? Narito ako, o." Pilosopong sagot ko.

"Hay naku. Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong ni Apple.

"Wala."

Dumikit sa akin si Yen. "Si Azellus ba?"

Azellus..
Azellus..
Azellus..

"Ahhh!" Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit kasi ayaw akong tantanan ni Azellus?! Wala nga siya dito, jusko, nasa isip ko naman siya!

"Confirmed. Si Azellus nga." Narinig kong dugtong ni Yen.

Napailing na lamang ako at tiningnan sila ng masama. "Kasalanan niyo 'to."

"Hala! Bakit? Anong nagawa namin?" Mabilis na tanong ni Grace.

"KASALANAN NIYO." Madiin kong sabi.

"OMG! Ano bang nangyayari? What did we do?!" Sigaw ni Berry.

Huminga ako ng malalim. "Kung hindi niyo ako pinilit maging substitute, e'di sana, hindi ko nakilala 'yung Azellus na 'yun! E'di sana, hindi ako naguguluhan ngayon! E'di sana hindi ako in love ngayon!"

"Omo! Omona! In love ka nga!"
"Shit! Painom na 'yan!"
"Celebrate na us!"

Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. What the? Talagang wala ako sa huwisyo ko.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng cafeteria. I need to go somewhere. Ayokong maisip si Azellus. Ayokong i-interrogate ako ng mga baliw kong kaibigan.

"Oopsss!"

"Sorry!" Sabi ko agad sa nakabangga ko paglabas ko ng gate. Hindi na ako nag-abala pang tumigil o tingnan ang nakabangga ko.

Dire-diretso akong sumakay ng jeep papuntang mall. Kailangan kong magpalamig. Woooo! Kailangan kong alisin sa isip ko ang Azellus na 'yun!

"Bayad po."

Inabot ko ang bayad ng katabi ko at inabot sa driver.

"Ilan 'to?" Tanong ng driver.

"Dalawa pong estudyante." Sagot ng katabi ko.

Huminga ako ng malalim saka dumukot ng coins sa bulsa ko.

"Bayad ka na."

Ngumuso ako at tumingin sa katabi ko.

Nanlaki ang mata ko nang masilayan ang nakangiting mukha ni Azellus. "Ahhhh--hmmmppp."

"Tch. Huwag kang maingay. Baka isipin ng ibang pasahero, multo ako kaya ka sumisigaw dyan."

Nagpumiglas ako para bitawan niya ang bibig ko. "Bakit ka narito?!" Tanong ko. Nanlalaki pa rin ang mata ko.

Jusko kaya nga umalis ako sa cafeteria para iwasan ang mga kaibigan ko, tapos ngayon itong Azellus naman na 'to.

"Pupuntahan sana kita sa school mo kaso nakasalubong kitang palabas ng school. Nabangga mo pa nga ako. Kaya sinundan na kita."

Humawak ako sa sentido ko. "May lahing kabute ka ba? Basta basta ka nalang sumisipot diyan?!"

"Maybe?" Ngiting-ngiting sabi niya. "So where are you going?"

Inirapan ko siya. "Wala ka na do'n. Gusto kong mapag-isa kaya umuwi ka na."

"Gusto kong mapag-isa kasama ka kaya hindi ako uuwi."

Huminga ako ng malalim at nagpigil ng inis. "Hindi ako nakikipagbiruan." Seryoso kong sabi.

"Mukha bang nagbibiro ako?"

Hays! Bi-bingo na sa akin ang lalaking 'to. Ano bang trip niya? May nakakabit ba sa aking GPS para malaman niya kung nasaan ako? Lagi na lang siyang sumusulpot kung nasaan ako.

"Please."

"Please din."

I heavily sighed. Ano pa bang magagawa ko? Isa rin itong saksakan ng kulit. Hays! Paano ako makakapag-isip ng matino? 'Yun pa nga lang wala siya sa harap ko, natutuliro na ako, ngayon pa ba na kasama ko siya mismo?! Masisiraan ako ng bait.

Help me, Lord.

Mahigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag ko dahil naiinis talaga ako.

"Hays!" Hindi ko maiwasang ibulong. Kainis 'tong Azellus na 'to. 'Di na nakakatuwa!

"Louise." Sambit niya.

Hindi ko siya pinansin. Basta ako, hinga ng hinga ng malalim na parang 'di mapakali.

"Hey, babe."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Art of deadma, Louise. Kaya mo 'yan.

"Kapag 'di mo ako kinausap, hahalikan kita dito sa loob ng jeep."

Agad akong tumingin sa kaniya. "Ano ba kasi?!" Kainissss!

"Are you in drugs?"

Nagpokerface ako. "Seriously?"

"You looked uneasy. May problema ka ba?"

Seryoso, tinatanong niya ako no'n? Ako may problema? Hindi ba obvious? Siya! Siya ang matindi kong problema, letse!

"Wala."

"Babe. Tell me, is there something bothering you?"

Nakakaubos ng pasensya 'tong si Azellus, totoo lang. Mabilis akong bumaba ng jeep dahil sakto, nasa mall na.

"Hey!" Sigaw niya. Ramdam ko, nakasunod lang siya sa akin. "Ano bang problema?"

I'm losing my patience. Diretso lang akong papasok ng mall habang nakasunod pa rin siya sa akin.

"Talk to me, Louise."

God, konti nalang. Konti nalang talaga!

"Babe!"

Tumigil ako. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko, Azellus." Matigas na sabi ko.

"What? I was just asking you. Concern lang ako." Sagot niya.

Lumunok ako saka siya hinarap. "Are you seriously asking me what's bothering me? Gusto mong malaman?!" Sigaw ko.

Tumango siya.

"Ikaw!" Huminga ako ng malalim. "Ikaw, Azellus! Ikaw ang problema ko. Ikaw ang gumugulo sa isip ko, sa puso ko, sa buong pagkatao ko! Ikaw! And now you're asking me, what's bothering me?! Ikaw pa ang nagtanong ha? Ha?!"

Hindi ko alam kung mai-insulto ako sa ngiting sumilay sa labi ni Azellus.

"Are you in love with me?"

Nakipagtitigan ako sa kaniya. "Slow. Psh." Sabi ko saka muling tumalikod. Nakakainis talaga! Aish! Nakakahiya pa dahil pinagtitinginan kami.

"I'll take full responsibility with your feelings, Louise."

Napatigil ulit ako. Anong sabi niya?

"Just..let it. Let your heart fall for me. Because I really like you, I love you."

What was that. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Walang'yang Azellus 'to! Naririnig ko na ang tilian ng mga nakiki-usyoso sa amin. Ume-eksena kami dito sa mall. Nakakahiya!

"Azellus hindi gano'n kadali! Ginulo mo ang mundo ko!"

Lumapit siya sa akin. Malapit na malapit. "That's why I told you, I'll take the responsibility. Ginulo ko ang mundo mo? Pero ikaw..ikaw na ang mundo ko, Louise."

What the hell. What the hell, really.

"Alam kong hindi ikaw ang klase ng babae na easy to get. I can wait hanggang sagutin mo ako. Pero h'wag mong pigilan ang sarili mong ipakita sa akin kung ano talaga ang nararamdaman mo. Dahil habang pinipigilan, lalong kumakawala. Kaya ka naguguluhan. Let it be, babe."

Muli akong napalunok. Intense nito, promise.

Para kaming may sariling mundo. Parang kami lang dalawa ang narito sa mall. Parang unti-unting nagmu-mute 'yung paligid. Kung kanina puro hiyawan at kung anu-ano ang naririnig ko, ngayon parang may biglang musika akong narinig. Ito na ba talaga 'yun? Ito ba talaga ang nangyayari kapag in love ka?

"I love you, Louise."

And the next thing he did...was unexpected.

-

Nakatitig lang ako sa mga pagkain sa harap ko. Hindi ko pa rin akalaing madadala ako ni Azellus dito sa isa sa fast food chain para sumama sa kaniyang kumain.

Pagkatapos ng ginawa niya kanina?!

Halos hindi ko na nga alam ang iisipin ko dhail panigurado, may kakalat ng picture o video ng eksena namin kanina sa social network. Jusko, nakakahiya! Hindi ko pinangarap sumikat. Jusko talaga.

"Hey, let's eat. In-order ko lahat 'yan para sa iyo. Tch. Sabi ni Rica, hindi ka daw nag-breakfast kanina."

I massage my temple then looked at him. "Ganyan ka talaga?" Naiinis na tanong ko.

"What? Me? Anong ganito ako?"

I cleared my throat. "Y-you...aish!"

"What?" Natatawa pa siya. Nagagawa pa niyang tumawa? Huh!

"You kissed me, Azellus! Sa harap ng maraming tao. Tapos ganyan ka? Parang walang nangyari? Nakakahiya 'yun, alam mo ba iyon?!"

"Kahit kelan, hindi ako mahihiyang i-express ang nararamdaman ko sa mahal ko."

Napapikit ako sa frustration. Really, really.

"I'm serious."

"Seryoso din ako. What's with that kiss? It's normal."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Normal? Normal ba 'yun? Hindi tayo, walang tayo!"

"Huwag mo masyadong isigaw. Masakit. Tch."

Huminga ako ng malalim. "Ewan ko sa iyo. Uuwi na ako."

"Subukan mong umuwi, idadaan kita sa santong paspasan." Sabi niya. "I'm serious, Louise."

Nabitin ako sa pagtayo ko at umayos ng pagkaka-upo. "Hilig mo talaga mam-blackmail, e."

"Sa iyo lang." Simpleng sagot niya. "Eat. Eat all you want. Huwag ka ng masyadong mag-isip. You don't need to worry too much. Mag-isip ka kung hindi ka mahal ng mahal mo. Pero hindi. I love you too. So there's nothing to worry. Alright?"

Napailing nalang ako. Ewan ko na talaga sa Azellus na 'to. Anong ugali o personality ba meron siya? Ka-imbyerna, e!

Kumain nalang ako. Suko na akong makipag-usap sa lalaking 'to. Parang lalo lang sumasakit ang ulo ko at lalo lang akong na-stress sa kaniya. Kung bakit naman kasi 'di ko napigilan ang bibig ko kanina. E'di sana hindi niya nalaman na nahulog na ako sa kaniya. Hays.

"Louise."

Nag-angat ako ng tingin. "O?"

"Others might say, I love you because of your looks but I want you to know that it's your heart and personality that made me love you."

Napalunok ako.

Ngumiti siya pero kitang-kita sa mukha niya na seryoso siya sa sinasabi niya. "Gusto kong subukan. Subukan natin. We never know. Baka mag-work out. Baka ikaw na ang destiny ko. Baka ikaw na ang babaeng para sa akin."

This time, parang gumaan bigla ang pakiramdam ko. Parang nakakapagod na pigilan itong nararamdaman ko. We are inlove with each other. Why not? He's single, I'm single. We're not committed to anyone.

Hindi ko alam kung tama ang gagawin kong desisyon pero gusto kong sundin ang puso ko. Oo, nakakainis dahil ginulo niya ang mundo ko. But for some reason, siya rin naman ang nagiging dahilan ng ngiti sa labi ko---minsan.

"Narito lang ako, Louise. Dito lang ako."

"Azellus.."

Ngumiti siya ulit. "Let's eat? Let's enjoy each other's company. Huwag ka sana mailang sa akin."

Huminga ako ng malalim. "O-Okay."

"Gusto kong maging kumportable ka sa akin. Be yourself. Hindi mo kailangang isipin ang mga 'what ifs' kapag nasa harap mo ako or whenever I'm around you."

Tumango ako. "Fine. Fine.."

"Dahil dyan, eat this."

Dinilatan ko siya ng mata. Isinusubo kasi niya sa akin ang hawak niyang ilang piraso ng fries.

"Eat."

I rolled my eyes at him. "Kahit kelan talaga." Ngumuso ako saka kinain ang fries na sinubo niya.

"See? Masarap ako magmahal. Kaya, 'wag mo ako tatanggihan."

"Ano?"

"Wala. Haha! Easy, babe. Kain lang ng kain. Then mamaya, ihahatid kita sa condo unit niyo."

Kumain na ulit ako. "Hindi mo naman responsibilidad na ihatid ako."

"Ayan na naman tayo. Tch. Hirap mo kausap, Louise. Kulit mo. Let me, okay? Let me do thing like this. Please?"

"Oo na."

He smiled again. "Ayos!"

"Psh."

Bakit nga ba hindi ko i-enjoy ang company ni Azellus? In love na ako sa kaniya e, iiwas pa ba ako? Maguguluhan lang ako at pahihirapan ko lang ang sarili ko.

Aaminin ko, ayaw ko mang nariyan siya, sa kabilang banda, gusto ko pa ring nakikita siya. Gulo ko. Basta! Ah, basta. In love ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top