Chapter 15
Dalawang linggo mula no'ng tanggapin ko ang alok ni Azellus na i-enjoy namin ang company ng isa't isa. Sabi nga niya, hindi ko kailangan mag-overthink kapag kasama ko siya.. dahil sabi nga niya ulit, mahal niya ako at ako, inlove na sa kaniya. Ayoko ng itanggi dahil nakakapagod tumanggi lalo't napaka-kuli ni Azellus.
Kaya nga nitong mga nakaraang araw ay lagi akong may load-dahil sa kaniya. Lagi kaming magkatext o kaya ay magkausap sa phone. Nakausap ko na rin siya ng maayos na hindi na niya kailangang lumipat dito sa Manila para lamang sa akin at sumunod naman siya sa akin. Ayoko lang may masabi ang pamilya niya. Sayang din kasi, naroon naman sa Laguna ang mga kaibigan niya at handan niyang iwan para sa akin. Baliw talaga.
"Louise, beastmode na naman ang boyfie mo. Nakakailang ring na ang phone mo. Baka mamaya, nariyan na 'yan, kumakatok. Haha!" sabi ni Rica.
Busy ako dito sa assignment ko na hindi ko maintindihan kung saang lupalop na libro kinuha ng professor ko. Hindi ko tuloy masagutan.
"Hindi ko siya boyfie. Huwag ka ngang issue." Pagtataray ko.
Akala yata nila kami na ni Azellus. MU lang kami. We're just enjoying each other's company pero wala kaming label. Pero nagpapalitan kami ng 'I love you', kasi.. naman!
"Sus! Kaya pala, maka- I love you parang wala ng bukas."
Inirapan ko lamang ulit si Rica saka kinuha na ang phone ko na nakasaksak. Nagcha-charge kasi pero itong si Azellus ayaw akong pagpahingahin sa pag-uusap o pagte-text namin. Hindi man lang siya nauubusan ng sasabihin o iku-kwento samantalang ako, nai-kwento ko na yata lahat ng pangyayari sa buhay ko mula nung fetus pa ako.
Saktong tumunog na naman ang phone ko kaya sinagot ko na.
"Babe, sorry kung makulit ako. Are you okay? Bakit hindi mo sinasagot ang text ko or tawag? Are you busy with someone? Pinagpapalit mo na ba ako?"
Nag-straight face ako. "Wala ka talagang bilib sa itsura mo 'no?" ang gwapo gwapo niya, ipagpapalit ko pa ba siya? Susme!
"Meron. Alam kong gwapo ako, babe. Pero maganda ka. Maraming pwedeng umagaw sa 'yo sa akin."
"Magpapa-agaw ba ako?" kalmado kong tanong.
Lumalabas na kasi ang pagiging possessive ni Azellus sa akin. Gusto ko ang pagiging gano'n niya pero minsan kasi, paranoid na siya.
"Sorry.."
"Huwag kang mag-sorry. I am fine. May ginagawa lang akong assignment and naka-charge 'tong phone ko kanina kaya hindi ko nasasagot ang text or tawag mo."
I heard him sigh. "Alright. It's saturday. Mamaya luluwas ako diyan."
Ano pa bang magagawa ko. Parang pabebe girls iyang si Azellus, e. Hindi mapipigilan. "Okay."
"With the gang," dugtong niya.
"Sure. Papupuntahin ko nalang ang mga friends o dito mamaya para mas marami, mas maya."
"Yeah. Pero kahit ikaw lang, sobrang saya ko na."
"Korni mo talaga." Tumawa ako. "So..anong ginagawa mo?"
"Thinking of you?"
Napalunok ako. Kapag mga ganyan ang sinasabi ni Azellus, hindi ko maiwasang kiligin. Lakas talaga ng epekto sa akin ng lalaking ito.
"Asuss.."
"Ayaw mo maniwala? Gusto mong ipa-XRAY ko pa ang isip ko para makita mong ikaw lang ang laman nito?"
Natawa na naman ako. "Oo nalang. Dami mong alam."
"Sige na, tapusin mo muna ang assignments mo. Magpe-prepare na rin ako paluwas diyan. Get ready for me, babe. Mamaya, akin na ang oras mo."
"Oo na nga." Sagot ko nalang dahil hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa kaniya.
"So, I'll hang-up. Bye, babe. I love you."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Yes, yes. I love you."
Pinatay ko na ang tawag. Napahawak na naman ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog.
"I love you. Nye nye.."
Tumingin ako kay Rica na ginaya pa ang boses ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Baliw ka talaga."
"Mas baliw kayo ni Azellus. Saying I love you to each other.. pero walang relasyon. Huwag ako."
"Wala nga. MU lang kami. Saka wala kaming label. Okay na kami ng ganito." Paliwanang ko. Ayaw kasi niyang maniwala na hindi talaga kami mag-on ni Azellus.
"So, landian kayo ganern?"
"hindi sa landian. Basta mahirap i-explain. Basta ang ano do'n, wala kaming label. Hindi boyfriend dash girlfriend. Okay?"
She rolled her eyes at me. "Sus, ayaw pa kasi maging official. Mukha namang seryoso kayo sa isa't isa at saka kitang kita naman na pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa."
Bakit nga ba wala kaming label? Iyon ang napag-usapan namin ni Azellus, e. Naniniwala kami pareho na hindi namin kailangan ng label. As long as gusto namin ang isa't isa, mag-stay kami sa isa't isa.
"Okay na iyon. Ang mahalaga nga, masaya kami. Kahit ganito lang kami."
"Pero, naisip mo ba na kapag wala kayong label, wala pa rin kayong karapatan sa isa't isa? Saka mas iba pa rin kapag may label. Masasabi mo talagang sa 'yo siya."
Napaisip ako. Bakit? Sabi naman ni Azellus, sa akin lang siya. At ako, sa kaniya. Hindi pa ba sapat iyon? Kelangan pa rin ba talaga ng label?
"Ayokong isipin 'yan.." sabi ko nalang.
"Hmpp. Basta, kung mahal mo talaga siya, mas masarap pa rin sa feeling na masasabi mong kayo talaga-na pag-aari niyo na ang isa't isa."
Sumimangot ako. "BAgo ko 'yan isipin, sasagutan ko muna itong assignment ko. Makakapaghintay ang lovelife na iyan ero itong assignment ko, hindi. Mamaya pupunta sila dito, lalo ko lang 'tong 'di magagawa dahil for sure hnggnag bukas ng gabi na naman 'yun dito."
"Kulang na nga lang talaga dito na tumira si Azel, e." Tumawa si Rica. "TInamaan talaga sa 'yo ang gagong iyon. Ang daming nagkakandarapa sa kaniya pero kita mo naman, ikaw ang pinagtiya-tiyagaan."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinagtiyagaan talaga?"
Tumawa lamang siya bilang tugon kaya binato ko na lamang siya ng throw pillow.
Tumayo ako saka kumuha ng juice sa ref. Nakakauhaw ang usaping love. Minsan ayokong isipin ang kung anong meron sa amin ni Azellus pero kapag ganitong may sinasabi si Rica, hindi ko maiwasang mappaisip.
Gusto ko na bang magkaroon kami ng label?
-
Nagulat ako nang magising ako na mukha ni Azelus ang nabungaran ko. Paano ba naman, hilig na niyang pumasok dito sa kwarto ko ng walang paalam.
Kaya ngayon? Nakasimangot ako kay Azellus. Kung may sakit ako s apuso, e'di inatake na ako sa gulat dahil sa kaniya.
"Huwag ka ng mainis, babe. Masama bang titigan ang mukha mo?"
Inirapan ko siya. "Pero nagulat ako. Saka gano'n ka ba talaga tumitig? Face to face?"
"What do you want, nakatalikod ako habang tinititigan ka?" nakapokerface niyang sabi.
"Whatever."
"Sorry na, babe. May pasalubong ako sa 'yo. Pizza. Favorite mo. Nasa kusina. Saka ayan, chcoolates." Itinuro niya iyong paperbag na itsura palang ay alam ko ng puno ng chocolates iyon.
Pinilit kong alisin ang pagkakakunot ng noo ko. "Oo na."
Ngumiti siya at susme, ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Nasaan ng hustisya?
"Pa-kiss na ako."
Napalunok ako. Naalala ko na noong last time na magpunta siya rito, bigla nalang niya akong halikan. At ako naman, hindi man lang siya pinigilan. Tumugon pa ako. Nakakahiya kaya.
"Huwag ka ngang ano d'yan.." nahihiya ako. Letseng Azellus 'to, bakit kasi kailangan pang ipaalam kung gustong manghalik. Pwede naman tulad noon, na basta nalang siya nanghalik. Mas nakakahiya kasi 'pag nagpapaalam pa siya.
Tumawa siya. "Mamaya na nga lang." He winks at me saka ako hinila patayo mula sa kama ko.
Nang makatayo ay bigla niya akong niyakap saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "I miss you.."
Ang tibok ng puso ko, ang lakas. My golly!
"O siya, tama na ang momentum chuvarlush niyo. Magsaya na tayo sa salas, dali!"
Bigla akong napahiwalay kay Azellus dahil sa sigaw ni Apple. Panira ng moment.
"Tch. He ruined our moment." Sabi ni Azellus sa akin.
Nginitian ko lang siya. "She. Not he."
"He's still a boy. Tch." Hianwakan niya ang kamay ko saka kami lumabas ng kwarto.
Nagsusungit na si Azellus. Nakakatuwa siya 'pag nagsusungit, e.
"Oo na lang."
Naabutan namin ang lahat ng may kaniya kaniyang ginagawa sa salas at kusina. Ang iba ay nagvi-videoke na. Ang iba, nag-aayos na ng center table sa living roon ng mga pulutan at iinumin.
"Lumabas rin ang lovers." Sabi ni Grace.
Inirapan ko lamang siya kasunod ng pagtawa. Mga bitter!
"Hey, babe."
Tumingin ako kay Azellus.
"Hindi ka pwedeng magpakalasing." Bilin niya. Well, lagi namang ganyan ang bilin niya. Kaya nung hling mag-inuman dito sa unit, siya ang nalasing kasi iniinom niya iyong para sa akin. Baliw talaga.
Ang sabi niya, ayaw daw niyang malasing ako dahil baka may mangyaring hindi inaasahan nire-respeto daw niya ako kaya mabuti nang nag-iingat. Hindi din daw niya kas masasabi kung mapipigilan niya ang sarili niya kapag nakainom din siya.
"Hindi naman ako magpapakalasing." Sabi ko habang inaalalayan niya akong umupo sa sofa. Syempre naman, magkatabi kami.
Kung dati, sinusungitan ko pa siya, ngayon, may holding hands na kami, lumalabas na kami sa malls, nagmo-movie marathon at kung anu-ano pang bonding moments. Nawala na nga ang pagkailang ko sa kaniya. Halos isang linggo lang naman ang lumipas mula nang subukan naming maging ano sa isa't isa pero naging kumportable agad ako sa kaniya.
"Shot, shot!" sigaw ni Carl.
Si Rica at John, busy masyado sa pinag-uusapan nila. Ang iba, kaniya kaniya rin ng ginagawa. Kumportable na rin sila dito sa unit ko. Parang feel at home sila masyado.
"Anong ganap na, girl?" tanong sa akin ni Yen na kanina pa abala sa paglalaro ng COC sa phone niya.
"Anong ganap?" balik-tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Sa inyo ni Azellus. Ano pa ba?"
"Wala nama. Okay naman kami."
"Asus, nag-kiss na kayo?" tanong niya. Parang wala sa tabi ko si Azellus na nakikipag-kwentuhan na kay Carl.
Hinampas ko ng bahagya si Yen. "Huwag kang maingay. Tsismosa ka talaga. Um-attack ka na nga lang diyan." Tinuro ko iyong phone niya.
She rolled her eyes. "Kunwari pa naman, e."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya.
"O, Louise, ikaw na." Inabot sa akin ni Carl ang baso ng alak.
Kinuha ko naman ang baso pero iinom palang ako nang agawin sa akin ni Azellus at punasan ng tissue ang bibig ng baso bago ibinalik sa akin.
Baliw talaga 'tong Azellus na ito. Kinuha ko ang baso saka ininom na. Ngumiwi pa ako kaya kumuha agad ako ng chicharon saka kinain iyon.
"Kaya mo ba?" tanong agad ni Azellus sa akin.
Tumango ako. "Oo naman."
"Tell me kapag hindi mo na kaya, okay?"
"Kaya ko."
"Tch."
Ngumiti ako at pinisil ang matangos niyang ilong. Ang dali talaga niyang mainis, e. "Iyong noo mo, nakakunot na naman." Sabi ko.
Ngumiti naman agad siya saka basta na lamang akong hinalikan. Nagulat ako bago ako nakapag-react at nahampas siya sa braso niya.
"Nakita ko iyon! Wooooo!"
"Orayt!"
Feeling ko tuloy namumula ang mukha ko dahl sa ginawa niya. "Bakit ka kasi nanghahalik?" pasigaw pero mahina lang.
He just smirked at me. Inakbayan pa niya ako. "Because you're mine."
What the? Hinalikan niya ako kasi sa kaniya ako. Wow, hanep sa reason. E, sa akin din siya 'di ba? So pwede ko siyang halikan, ganern? Hay naku, bakit ba ganito naiisip ko? KAsalnan ni Azellus!
"Huwag mo ng uulitin iyon.' Sabi ko sa kaniya.
At tulad ng sabi ko, idol niya ang pabebe girls. Dahil sa halip na tumango siya sa sinabi ko, umiling pa siya.
"Hindi mo ako mapipigilan." Sagot niya.
Sabi na nga, idol talaga nito ang pabebe girls, e.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top