Chapter 16
[Louise]
Days, weeks and almost two months na kaming attached ni Azellus sa isa't isa. Masaya kasi nasa kaniya na lahat ng gugustuhin mo sa isang lalaki. Napaka caring and thoughtful niya. Tsaka hindi nagbago ang ugali niya mula nu'ng simula kaya talagang napakasaya ko. Siya na nga yata ang ka-forever ko.
"Louise, saan mo balak pumunta? One week na walang pasok." Tanong ni Apple. Nakasabay ko siya palabas ng school.
One week na walang class kasi foundation week sa department namin. Pero kanina, naka-usap ko si Rica at nagyaya siya na doon kami mag-stay sa kanila sa Laguna para masaya daw.
"Nagyaya si Rica sa kanila, 'di ba?"
"Nagyaya ba siya? Oh! Gusto ko 'yan! Hindi pa kami nagkikita, e. Pero kung kina Rica, gorabels aketch!" Tuwang tuwa pa si Apple. Palibhasa, maraming gwapo doon kina Rica sa Laguna.
Nginitian ko siya. "O, siya. Sakay ka na sa jeep." Sabi ko. Sumasakay pa kasi siya sa jeep pauwi sa inuuwian niya. Ako naman, pwede ng maglakad.
"Babush na, girl. Basta text text ha?"
Tumango lang ako. Sumakay na siya sa jeep. Nagsimula na akong maglakad pauwi nang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng blouse ko.
Si Azellus. Alam na alam talaga niya ang oras ng uwian ko, e.
"Hello?" Sagot ko.
"Hey. Out ka na? Pauwi ka na?" Tanong niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napapangiti ako. Ewan ko nga. Parang automatic na napapangiti ako kapag kausap ko si Azellus.
"Oo. Naglalakad na ako pauwi."
"Ingat ka. Tch. Mag-isa ka lang? Or may sumasabay sa 'yo?"
Umaandar na naman ang pagka-possessive niya. "Ako lang po. Ikaw talaga."
"Malay ko ba kung may ibang pumoporma sa 'yo. Wala pa naman ako diyan."
Lalo akong napangiti. "Wala. Ang paranoid mo. Saka, wala ka bang tiwala sa akin?"
"I trust you. Tch."
"Kitams. Psh. Huwag ka ng masungit diyan." Sabi ko. "Oo nga pala, baka andyan kami sa Laguna bukas."
"Dito? Really? Wala kayong pasok?"
Nakarating na ako ng building namin kung saan 'yung unit ko. Pumasok ako at sumakay sa elevator.
"Wala. Kasi foundation week namin." Sagot ko.
"Week? So one week walang pasok?"
"Yes?"
"One week kayo dito sa Laguna?"
Siguradong nagtatatalon na 'yung lalaking 'yun. "Baka?" Sabi ko kahit sa totoo lang, one week talaga kami doon.
Si Rica kasi, gustong-gusto kami doon sa kanila.
"Wow. Sana one week. Aabsent ako no'n." Sabi niya.
Umingos ako. Bumaba na din ako ng elevator saka naglakad papunta sa unit ko. "Anong a-absent ka diyan? One week 'yun. Hindi pwede."
"Tch. Sayang 'yun. One week kitang makakasama."
Binuksan ko ang unit ko saka pumasok. "Sayang ka d'yan. Sayang ang grades mo 'pag hindi ka pumasok."
"Mahalaga ka sa akin kaya mas uunahin kita." Sabi niya. Kinilig naman ako pero bawal.
"Mahalaga din ang studies mo." Sabi ko. Ayoko namang i-tolerate siya. Kaya kahit alam kong, oo nga, pagkakataon na 'yon para makasama ko siya ng matagal-tagal, mali pa din kasi may pasok siya.
"Pero ikaw ang priority ko."
Kikiligin ba ako? Grabe si Azellus. Dami niyang katwiran at laging may sagot sa 'yo.
"Babe..." Naglalambing na ako. Ilang weeks din, tinawag ko na siyang 'babe', mapilit kasi siya.
"Don't babe me. Basta a-absent ako. Walang makakapigil sa akin."
Hanggang ngayon, idol pa din niya ang pabebe girls. Hindi mapipigilan, e.
"Hay, nako."
"I love you. Nasa unit ka na?" Pag-iiba niya ng usapan.
Aaminin ko, kinikilig ako lagi kapag nagsasabi siya ng 'I love you', wala kasing mintis. Araw araw, hindi niya nakakalimutang sabihin 'yung three words na 'yon.
"I love you." Sagot ko. "Oo, andito na ako sa unit. Magpapalit na sana ako ng damit."
"Whoa. Init!" Tumatawa pa siya.
"Baliw ka talaga!" Sabi ko. "Sige na, magbibihis na ako. May aayusin pa ako. Text nalang kita mamaya." Paalam ko.
"Alright. Text me after. I love you, babe."
"I love you." Pinatay ko na ang tawag saka nag-dive sa kama ko. Hindi talaga pumapalyang magpakilig ang Azellus na 'yun!
Nagpalit na ako ng damit saka lumabas ng kwarto. Saktong kakapasok lang sa unit ni Rica.
"Uy, ano? Anong balak?" Tanong niya.
"Sabi mo, sa inyo."
Namilog ang mata niya. "Talaga, talaga? Kaka-GM ko nga lang sa barkada na sumama sila sa Laguna para masaya. Ipapasyal ko kayo do'n. Sana sumama sila."
Naupo ako sa sofa saka binuksan ang TV. "Nakasabay ko kanina palabas ng school si Apple. Nabanggit ko 'yung sa Laguna. At ayun, na-excite ang bakla. Gora daw siya."
"Ayun! Ayos. Sana lahat sila gora para happiness overload!" Tuwang-tuwang sabi niya. "Bihis muna ako sa kwarto. Kapag hindi sila nagreply, tatawagan ko sila. Kasi bukas na ang punta natin sa amin sa Laguna."
Tumango lang ako.
Tatlong araw din nung last day na nakasama ko si Azellus. Siya pa 'yung pumunta dito sa manila. Bukas, ako naman ang pupunta sa kaniya. Sabi pa naman niya no'ng nakaraan, ipapakilala na niya ako sa parents niya one of these days. Kinabahan naman ako bigla. Baka kasi bukas bigla niya akong ipakilala kasi nasa Laguna kami.
Handa na ba ako? Wala pa nga kaming two months. Pero mahal ko siya. At sigurado ako sa nararamdaman ko. Isa pa, masaya ako sa kaniya. Siya ang nagpapasaya sa akin ngayon.
-
Laguna
Kararating lang namin dito sa bahay nina Rica sa Laguna at nakakatuwa dahil accomodating talaga ang pamilya niya. Pinaparamdam din talaga nila na welcome kami dito.
Lahat kami nakasama maliban kay Grace. Uuwi daw kasi sa kanila. Pero si Apple, Berry at Yen kasama namin.
Tumawag si Azellus kanina. Pag-out daw niya galing school, pupunta daw siya dito sa bahay nina Rica. May class pa kasi siya hanggang five. Anong oras palang ngayon, tanghali na. Gusto ngang mag-cutting, pinigilan ko lang. Loko talaga 'yun.
"Bawi muna ng tulog!" Sigaw ni Yen.
"Ay, oo nga. Kelangan ng beauty rest para sa mga gwashi mamaya." Sabi ni Apple.
Gwashi means gwapo. Si Apple talaga, o. Hilig sa gwapo, e.
"Magpahinga lang kayo, matulog! Kahit ano gawin niyo. One week tayong free at malayo sa school. Nakaka-relax." Sabi ni Rica.
Tahimik lang ako hanggang sa may kumatok sa kwarto na tinutuluyan namin.
"Ate, andiyan sa baba si Kuya Azellus." Sabi nung kapatid ni Rica.
Napa-pokerface ako nang magtinginan saken ang lahat.
"Hindi makatiis si loverboy!" Pang-aasar ni Yen.
Inirapan ko siya. Saka tumingin kay Rica. "Bababa na ako."
Pasaway talaga 'yung lalaki na 'yun. Sinabi ng 'wag mag-cutting. Aba't nag-cutting pa yata.
"Sige, Louise. Masyado ka na yatang miss. Basta kami, dito muna!" Sabi ni Berry.
Tumango lang ako saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa salas at naabutan ko si Azellus. Nakasuot ng maong shorts tapos naka-tshirt na black. Nakasuot din siya ng snap back palabliktad.
"Babe." Ngiting-ngiti ang loko.
"Akala ko may class ka pa hanggang mamaya?" Tanong ko agad sa kaniya. Tanghali palang kaya.
Niyakap niya ako. Hindi na ako nailang kasi nasanay na ako. "Namiss kita."
Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Masungit na sabi ko.
"Tch. Wala ng klase." Sabi niya.
Piningot ko ang ilong niya. "Huwag kang magsinungaling."
"Wala na ngang klase, babe."
I glared at him.
"...sabi ko nga nag-cutting ako."
Namaywang ako. "Pasaway ka talaga."
"Sabi ko naman sa 'yo, ikaw ang priority ko. Tch. Mamahalin ba ako ng pag-aaral? Di ba hindi naman? E, ikaw. Mamahalin mo ako. Minamahal na pala."
Hinila ko siya palabas ng bahay. "Mga katwiran mo talaga, e."
Ngumiti siya saka bigla akong ninakawan ng halik sa lips. "Mahal ka, e."
"Psh."
"Huwag ka ng masungit. At least nagcutting ako para sa 'yo, hindi para sa iba."
Kahit kelan talaga baluktot ang katwiran nitong lalaking 'to, e. Pero... mahal ko 'to.
"So, bakit maaga ka?"
"Makikipagbonding sa 'yo. Saka, ipapakilala na kita sa parents ko mamaya."
Kinabahan ako bigla. Anong klaseng parents kaya meron si Azellus? Makakasundo ko kaya sila? Oh my.
"Kinakabahan ako."
"Don't. Please, babe. Easy ka lang. Mabait parents ko. Saka kilala ka na nila. Kinu-kwento kita."
Etong lalaking 'to ang laging think positive, e. Never ko siyang nakitang nagalit, nainis ng seryoso at naging negative. Go with the flow lang lagi.
"Azellus!"
Nilingon namin sina Rica. Kasama sina Berry. Ewan ko, pero iba ang ngiti ni Berry kay Azellus. Inlove pa din kaya siya kay Azellus? Pero may iba na siya, sa pagkaka-alam ko.
"Uy..." Binati ni Azellus ang mga kaibigan ko.
"Samahan mo naman kami ni Berry. Mamamalengke at grocery. 'Yung motor mo gamitin natin. Sige na, kasi party party tayo mamaya dito sa bahay." Sabi ni Rica.
Nabanggit nga niya na magpapaluto siya sa Mama niya ng mga pagkain para sa foodtrip namin mamaya.
"Si Louise nalang isasama ko." Sabi ni Azellus.
"E, kasi si Berry malaki katawan niyan. Taga buhat ko 'yan saka ako nakakaalam ng mga bibilhin, e. Eto naman, para saglit lang maiiwan si Louise." Sabi ni Rica.
Tumingin ako kay Azellus. "Oo nga. Sige na, samahan mo muna sila. Mamaya na lang."
"Are you sure babe?" Parang nag-aalangan pa siya. Gusto niya talaga akong sumama pero hindi naman kasi kami kakasya sa motor. Saka tama naman si Rica, tagabitbit niya si Berry. Kahit girlalu na siya, malaki naman ang katawan niya.
Tumango ako. "Oo, ano ka ba! Sige na samahan mo sila."
Ngumiti siya saka lumapit sa akin. He kissed my cheek. "Later."
I smiled back saka tumingin kina Rica. "Ingat kayo."
"Oo naman!"
Sumakay na si Azellus sa motor niya saka umangkas sina Rica at Berry. Kumindat pa siya bago tuluyang umalis.
Ang gwapo talaga ng lalaki na 'yun.
"Louise, tara na sa loob. Baka tubuan ka ng ugat diyan." Natatawang sabi ni Yen.
I rolled my eyes at her. "Movie marathon nalang tayo." Sabi ko.
"Okay ba!"
Pumasok kami sa loob ng bahay at tumambay sa living room. Nagpatulong kami sa kapatid ni Rica na i-set-up 'yung DVD player. Ang dami kasing movie ni Rica kaya nanood muna kami.
Tawa kami ng tawa ni Yen at Apple kasi comedy ang pinapanood namin, obviously. Hindi na halos namin namalayan na patapos na ang movie. Isang oras na pala ang lumipas. Wala pa sina Azellus.
"Ano, isa pa?" Tanong ni Yen.
Tapos na ang isang movie. "Kayo bahala." Sagot ko. Kasi bigla akong nainip. Ang tagal naman nila.
"Game, isa pa!" Sigaw ni Apple.
Saktong nakarinig kami ng ugong ng motor. Sina Azellus na siguro. Tumayo ako saka sinilip agad sa labas.
Sila na nga.
Ngiting ngiti ako pero napansin kong iba ang awra nila. Si Rica na mukhang nag-aalala. Si Berry na masama ang tingin sa akin. At si Azellus...
"Anong nangyari?" Tanong ko agad. Kasi baka kung napano sila.
Nilampasan ako nina Rica at Berry. Si Azellus nalang ang kaharap ko ngayon. Masamang masama ang tingin niya saken tapos namumula ang mata niya na parang galing sa iyak.
"Uy, anong nangyari?"
"Let's stop this."
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. "H-Ha?"
"I said, let's stop this. I don't want to see you anymore."
Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari? "Babe..."
"Stop calling me that."
"Azellus, ano bang nangyari? Bakit? Ba't biglang ganito? Anong problema?" Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Natatakot kasi ako sa mga sinabi ni Azellus. Natatakot ako kasi nasasaktan ako.
Sumama lalo ang tingin niya sa akin. Kitang-kita ang galit sa mga mata niya.
"Ang tanga ko." Sabi niya.
"Azellus." Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya agad. "Babe..."
"Tama na. Itigil na natin 'to. Wag mo na akong kakausapin at ayoko ng makita ka."
"Azellus hindi ko maintindihan..." Gulong-gulo ako. Ano ba talagang nangyayari?
Okay naman kami kanina. Pero bakit ngayon? Bakit ganito..
"You're a liar. Manloloko ka. And I hate you because of that." Sabi niya saka ako tinalikuran.
Hinabol ko siya. "Azellus! Ano bang sinasabi mo. Ipaliwanag mo naman oh.." Umiiyak na sabi ko.
"Bitaw." Sabi niya nang 'di ako nililingon.
Lalo akong naiyak. "Azellus nasasaktan ako..."
"Wala akong pakialam."
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Basta ang alam ko lang ayokong umalis siya. Ayoko 'yung sinabi niya na ayaw na niya akong makita.
"Huwag ganito, please..." I looked like a desperate but I don't care. I can't lose him. Ngayon pa na na-attached na ako sa kaniya at mahal ko na siya.
Hinigit niya ang braso niya saka sumakay sa motor niya. Pinipigilan ko siya pero tinatabig niya lang ako.
"Azellus! 'Wag. Azellus."
Wala na akong nagawa. Mabilis niyang pinatakbo ang motor niya. Hindi man lang niya ako nilingon.
Napaupo ako saka humagulhol. Bakit gano'n? Bakit...
"Louise.."
Tumingala ako. Nakita ko si Rica na umiiyak na rin. Lalo pa akong naiyak.
"A-Ano bang...ano bang nangyari? Ba-bakit gano'n? Bakit..."
"Sorry. Alam na niya. Alam na niya ang tungkol kay Berry. 'Yung pag-substitute mo."
Nagulat ako. Nakagat ko ang labi ko saka pailing.
"Ba't...bakit ngayon pa..." Humagulhol ako lalo. Bakit ngayon pa kung kelan mahal ko na siya.
Totoo naman 'yung pagmamahal ko sa kaniya, at pinapakita. Pero bakit gano'n. Alam kong niloko ko siya at nagsinungaling ako tungkol sa katauhan ko pero bakit hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag?
"Ma--mahal ko si Azellus..."
"Alam ko, Louise. Alam ko." Niyakap ako ni Rica pero hindi sapat iyon para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sana...nananaginip lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top