Chapter 17

[Louise]

Dalawang araw na mula nang magalit sa Azellus. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi niya sinasagot ang tawag at text ko.

"Louise, namamayat ka na. Pumapanget ka na, oh. Kumain ka na kasi ng maayos," sabi ni Yen. "Dalawang araw ka ng nagkukulong dyan sa kwarto mo."

Masakit, e. Bakit kung kelang mahal ko na siya at na-attached na ako sa kaniya, saka siya mawawala? Ang sakit sakit kasi seryoso ako sa kaniya at totoo ang pinapakita ko.

Inaamin ko na mali din ako dahil hindi ko man lang naisipang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Berry. Na hindi talaga ako ang una niyang nakaka-text. Sa sobrang saya ko kasi sa kaniya, hindi ko na naisip na gawin iyon.

"Sinabunutan ko nga pala ang baklang Berry kanina no'ng nakita ko sa campus. Echosera siya!"

Tumingin ako kay Yen. "Hindi mo dapat ginawa 'yun." Sabi ko saka pinunasan ang luha ko ng tissue. Yumayaman na nga 'yung tindahan ng tissue dahil sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang roll na ang naubos ko dahil sa kakaiyak.

"Dapat lang sa kaniya 'yun! Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon! Hindi porke iniwan siya ng bago niyang kalandian ay sisirain na niya kayo ni Azellus. Grabe siya, ha!"

Naiintindihan ko si Berry. Nainggit lang siguro siya. Iniisip siguro niya na siya ang namuhunan kay Azellus tapos ako ang nakinabang. Ako 'yung masaya at hindi siya.

Ayaw tumigil ng luha ko. Mabuti na lang at walang pasok ng one week kaya narito lang ako sa unit. May program sa school kanina. Nagyaya sina Yen pero nagpaiwan nalang ako. Mas gusto kong mapag-isa.

Ilang beses ko na ring pinapa-asa ang sarili ko na tutunog ang phone ko at lalabas ang pangalan ni Azellus sa screen. Pero dalawang araw na, wala pa din. Ang dami dami kong text and missed calls sa kaniya, pero never siyang nag-response. Talagang galit na galit siya sa akin.

"Yen..." Tumingin ako sa kaniya ng mariin. "Kasalanan ko rin naman, e. Saka may karapatang magkaganon si Berry."

"May karapatan siyang magkaganon, pero wala siyang karapatang siraan ka! Hay naku, Louise. Tigilan mo 'yang pagiging mabait mo. Makakasabunot talaga ako ng bakla sa pangalawang pagkakataon."

Huminga ako ng malalim. "Sinubukan mo na bang i-text si Azellus?" Tanong ko. Iniba ko na lamang ang usapan. Ayoko kasing magalit kay Berry. Ewan ko nga kung bakit, basta sa ngayon, sakit lang ang nararamdaman ko.

"Louise..." Lumungkot ang mukha niya. "Tinawagan ko siya. At sinagot naman niya pero sabi niya 'wag na 'wag ko na daw siya tatawagan. Naka-bloked na rin kami nila Apple sa facebook."

Lalo kong naramdaman ang sakit dito sa puso ko. Gano'n ba siya ka-galit?

"Iniisip kasi yata niya na pinaglaruan niyo lang siya. Na hanggang ngayon, fake 'yung pinapakita mo sa kaniya. 'Yun kasi ang sinabi ng bruhang Berry na 'yun." Sumimangot na naman siya. "Gusto ko talagang i-wrestling ang baklitang 'yun! Panira sa forever, e."

Ngumiti ako ng bahagya. "Puro ka kalokohan. Siguro, kailangan lang ni Azellus ng time."

"Time? Duh, Louise! Huwag kang ano d'yan! Dapat kamo, makipag-usap na siya sa 'yo para malaman niya ang totoo! Pabebe din kasi 'yung si Azellus na 'yon. Kajirits!"

Huminga ako ng malalim saka muling tiningnan ang cellphone ko.

Out of nowhere ay pinindot ko ang call button sa number ni Azellus. Nanlaki ang mata ko nang sinagot 'yun.

"H-Hello?"

"Who's this? Could you please stop calling? You're annoying!"

Napalunok ako. Nalaglag ang phone ko sa carpet kung saan ako nakaupo.

"Louise? Ano 'yun?"

Tumulo na naman ang luha ko. "B-Babae..."

"Babae ang anak mo? What, ano ba?"

"Babae ang sumagot. 'Yung number ni Azellus..." Humikbi ako. "May iba na siya."

"Agad-agad? Baka naman kaibigan lang? Huwag nega, Louise!"

Umiling ako at napahagulhol. Umubob ako sa tuhod ko. Nasasaktan na nga ako na hindi niya ako binibigyan ng pagkataon na magpaliwanag, nasaktan na din ako sa hindi niya pagpansin sa tawag at text ko tapos ngayon sinasaktan niya ako lalo dahil sa babaeng sumagot sa phone niya.

May iba na agad siya? Sa loob ng dalawang araw? Bat ang sakit sakit...

"Louise..."

Patuloy ako sa pag-iyak. Martir na yata ako pero gusto ko pa din si Azellus. Gusto ko siyang mabawi.

Tumunghay ako saka pinunasan ang pisngi ko kahit hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko.

"I-Inom tayo..."

"Whoa! 'Yan naman ang gusto ko, Louise! Game game! Ako na ang bibili sa baba ha? Wait ka lang d'yan."

Tumayo na siya at iniwan ako dito sa kwarto ko. One thing I like about my friend, dadamayan ka. Iinom ka, iinom din sila. Iiyak ka, tatawanan ka. Pero pag alam nilang nasasaktan na ako, nariyan sila para i-comfort ako.

Pero si Berry...

"Anong ganap?" Tanong ni Rica na mukhang kararating lang. "Iinom na naman? Nakasalubong ko si Yen. Bibili daw siyang alak."

Tumango lang ako. "E 'di iinom."

"Louise, hanggang kelan ka magkakaganyan?"

"Hangga't 'di ako kinakausap ni Azellus. Hangga't 'di niya ako pinupuntahan.." Lalo akong naiyak.

"Pero..."

"Martir ko 'di ba? Mahal ko, e." Inunahan ko na siya dahil totoo naman, e. Siguradong nagmumukha na akong tanga pero hindi ko kasi talaga matanggap na gano'n gano'n nalang kami matatapos.

Isang araw, masaya kami. Tapos biglang ganito? Napaka-unfair naman, o.

"Hindi naman solusyon ang alak sa problema, e. Sinusubukan ko pa ring makipag-usap kay Azellus pero sarado ang tainga niya. Ayaw niyang makinig sa kahit kanino sa amin na kaibigan mo. Nakausap ko din si John na lagi daw umiinom si Azellus. Hindi din daw nila makausap ng maayos."

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. "Ano bang dapat kong gawin?"

"Hayaan muna natin siya, Louise. Hangga't galit siya, hindi siya makikinig dahil hindi magiging maayos ang pag-iisip niya."

Hindi na ako sumagot dahil hindi ko alam kung kaya ko siyang hayaan. Gusto ko muna siyang makausap. Gusto ko siyang makita. Pero paano? Wala akong magawa.

Miss na miss ko na siya.

-

ILANG bote na ng alak ang naubos ko. Kasama ko sina Yen, Apple at Rica. Narito kami sa salas at nagkakantahan pa sila.

Palibhasa, ilang araw pang walang pasok.

"Louise, tama na 'yan. Lasheng ka na." Sabi ni Rica na may tama na rin.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay uminom pa ako lalo.

"Isa ka pa, Rica. Lasheng ka na din." Sabi ni Yen.

"Hindi pa 'no! Shaka, pupunta si John dito. Maya maya, andyan na 'yan."

Bigla akong nabuhayan ng loob. "Kasama si Azellus?" Tanong ko agad.

"Hindi. Huwag ka ng umasa, masasaktan ka lang." Mabilis na sagot ni Rica.

Nalungkot na naman ako. Dati, laging pumupunta dito si Azellus. 'Yung tipong parang walang araw na hindi niya ako nami-miss kaya kahit galing pa siya sa malayo, pupuntahan niya ako, makita lang ako.

Pero ngayon. Naiba nalang bigla. Bigla nalang siyang walang pakialam sa akin. At masakit. Ang sakit sakit.

Nagbukas ako ng panibagong bote ng alak saka nilaklak 'yon. Gusto kong malasing ng sobra hanggang makatulog ako. Kasi alam ko, hindi din naman ako makakatulog ng maayos kung hindi ako lasing. Iiyak na naman ako at iisipin magdamag si Azellus.

"O! Andyan na si John." Sabi ni Rica. "Pagbuksan ko lang."

Nagpatuloy ako sa pag-inom. Gusto kong gumawa ng paraan para magka-usap kami ni Azellus o kahit makita ko lang siya pero wala akong magawa. Wala.

"Kantahan kita, Louise." Sabi ni Yen. "Maiiyak ka dito sigurado. Haha!"

Sira-ulo talaga 'tong mga 'to. Pero on the other side, alam kong gusto lang nila akong patawanin.

Uminom nalang ako hanggang sa dumating si Rica kasunod si John.

"Hi, John! Nasaan ang sira-ulo mong kaibigan?" Tanong agad ni Yen. Alam kong si Azellus ang tinutukoy niya.

Napailing na lamang si John. "Nagpapaka-sira-ulo pa rin."

Nagtawanan sina Yen at Apple. Ako, tahimik lang siyang nginitian. Alam kong namamaga at namumula pa ang mga mata ko sa pag-iyak. Magta-tatlong araw ng walang Azellus. Kakayanin ko pa ba?

Pinagpatuloy ko ang pag-inom.

"Namamayat ka, Louise. Mukhang napapabayaan mo ang sarili mo." Sabi ni John.

"Mabuti na 'to. Baka sakaling maawa sa akin si Azellus at pansinin na niya ako." Nangingilid na naman ang luha ko.

Bakit kasi ang sakit sakit magmahal.

"Louise..."

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng mga kaibigan ko.

"Martir na nga ako." Sabi ko saka muling uminom.

Hanggang kelan ako magkakaganito? Hanggang kelan ako kayang tiisin ni Azellus? At iyong babaeng sumagot sa phone niya, may bago na ba agad siya? May kapalit na ba agad ako? Gano'n nalang ba kadali sa kaniya ang kalimutan ako? Wala na bang pag-asa? Kelan niya ako kakausapin? Kelan niya ako papansinin. Hindi ba siya naaawa man lang sa akin?

Ang daming tanong sa isip ko.

Gusto kong ipagsigawan kay Azellus na nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan pero alam kong sa ngayon, wala siyang pakialam.

"Louise, tama na 'yan."

Umiling lang ako saka pinagpatuloy ang pag-inom.

"Tutulungan ka naming makausap si Azellus. Alam naming mahal mo talaga siya."

Pinilit kong ngumiti habang tumutulo ang luha ko. "Alam nyong mahal ko siya. Bakit siya, bakit siya hindi alam? Hindi ba niya nararamdaman? Hindi ba niya nakikita na mahal ko talaga siya? Bakit mas pinaniwalaan niya ang sinabi ni Berry sa kaniya? Bakit ganon..."

Niyakap ako ni Rica. "Sshhh. Tama na."

"Hindi ko kayang tumigil kasi ang sakit sakit pa din, e. Hindi ko din kayang sabihin sa sarili ko na tama na kasi mahal ko talaga siya." Kasunod niyon ay napahagulhol na ako.

"Louise, lahat ng bagay madadaan sa maayos na pag-uusap. Sa ngayon, sarado palang talaga ang utak ni Azellus. Intindihin nalang din natin siya. He felt betrayed. Pakiramdam niya napaglaruan siya." Sabi ni John.

"I know... Alam ko." Sagot ko. "Hayaan niyo nalang muna ako. Okay kang ba? Hayaan niyo akong umiyak, or uminom."

"Pero Louise, paano ka namin hahayaan? Kaibigan ka namin. Nag-aalala kami sa 'yo. Baka mamaya magulat nalang kami na kailangan mo ng dalhin sa ospital dahil sa sa stress."

Tiningnan ko sila. "Parang mas maganda nga 'yun, e. Baka sakaling puntahan na ako at kausapin ni Azellus."

"Louise! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" Sabi ni Yen saka ako niyakap.

Umiyak lang ako. Desperada na ako. Desperada na akong mapansin ulit ni Azellus.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top