Chapter 18
LOUISE
PARA AKONG zombie na naglalakad sa loob ng campus. Ilang araw na mula nang iwan ako ni Azellus. At mula nuon, hindi ko pa siya ulit nakikita.
Mas pinili kasi niyang hindi magpakita sa akin. Gusto ko siyang makita. Sinubukan kong puntahan siya sa Laguna kahit mukha na akong martir. Pero walang nangyari. Ayaw talaga niyang magpakita. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na naman. Kung mayroon lamang na award na Best in Crying, siguradong ako ang makakasungkit niyon.
"Louise, iyong pagre-reject ko pa rin ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? You know, single na ako. Nagbreak na kami ng girlfriend ko kasi na-realize kong ikaw pala ang gusto ko. May pag-asa pa ba---"
Naputol iyong sinasabi ni Brent dahil nilampasan ko lamang siya. Utang na loob lang kasi, move on na ako. Eto nga, oh. Nagmahal na ako ng iba, nasaktan na rin ako tapos iniisip niya na siya pa din? Nahiya 'yung lakas ng appeal ni Coco Martin sa kaniya.
Pumasok ako sa room namin. Natanaw ko agad si Apple at Yen. Classmate ko kasi sila sa subject ko ngayon--Calculus.
"Girl, anong ganap? Nag-drugs ka na naman ba kagabi? Kaloka itey." Biro ni Apple. Alam kong pinipilit lang nilang pagaanin ang awra dahil iyong nararamdaman ko, ang bigat bigat.
Umupo ako sa upuan ko. Tahimik lang ako at mas pinili kong hindi mag-react sa biro niya.
"Seryoso ang bruha. Lagot ka, Apple." Narinig kong sabi ni Yen.
Huminga ako ng malalim saka sila tiningnan. "Anong gagawin ngayon?" Tanong ko. Alam kong kahit boses ko, walang buhay.
"May quiz tayo, girl. Review ka muna." Sagot ni Apple.
"Babalik ba si Azellus kapag nag-review ako?" Desperada na ang tono ng pananalita ko. Hindi ko na nga kilala ang sarili ko. Masyado pala talaga akong na-attached kay Azellus. Kaya ngayong nawala siya, daig ko pa ang lumaklak ng asido.
Alam kong naiinis na ang mga kaibigan ko sa akin. Ilang beses na nila akong in-okray mula noong isang araw. Sobra na daw kasi ang pagiging martir ko. At sobra na rin daw ang pagpapakipot ni Azellus. Samantalang wala namang mawawala kung makikinig siya sa paliwanag ko. Pero hindi, nagmamatigas pa din si Azellus kaya ako, basag na basag pa din.
"Malala ka na, girl." Sabi ni Yen. "Nuong una, naiintindihan ko pa. Nasaktan ka. Pero kapag ganyang binabalewala ka at mukha namang walang pakialam sa 'yo, let go na. Tama na. Bitaw na."
Nalungkot na naman ako. Tama siya. Binabalewala na naman talaga ako ni Azellus. Ang sakit sakit pero bakit umaasa pa din ako na isang araw, mare-realize niya na kelangan pala niyang makinig sa paliwanag ko. Para maging maayos na ulit kami.
Bakit nga ba ang hilig nating umasa kahit alam nating masasaktan lang tayo?
"Babalik siya." Sabi ko. Mahal niya ako kaya babalikan niya ako. Naniniwala ako sa pagmamahal niya.
Sumimangot ai Yen. "Aba lintek na pag-ibig 'yan. Martir na nga talaga. Tara na't mag review! And'yan na si sir."
Laking pasalamat ko sa mga kaibigan ko na nasa tabi ko sila ngayong basag ang puso ko. Pero alam kong naiinis na rin sila sa akin. Pinili daw ni Azellus na hindi ako pakinggan kaya dapat daw, piliin ko na ring tanggapin ang katotohanang wala ng kami.
Huminga ako ng malalim saka sumandal. Pakiramdam ko wala akong buhay. Pakiramdam ko isa akong kandila na unti unting nauupos. Bawat araw na wala siya, mas nadadagdagan ang sakit.
Kung bakit kasi kailangan pang masaktan? Nagmahal lang naman ako. Hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka, nagmahal ka lang. Kelangan ba talaga may kaakibat na sakit 'yun?
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Kumabog ang dibdib ko dahil umaasa na naman ako na si Azellus ito. Kaya nga naka-vibrate ang cellphone ko ay dahil sa kaniya. Dahil naghihintay pa rin ako na kausapin niya ulit ako.
Dinukot ko sa bulsa ng blouse ko ang cellphone ko. Saglit akong pumikit saka hiniling na sana si Azellus ang nag-text.
Binuksan ko ang screen ng cellphone ko pero disappointed ako. Kasi pangalan ni Rica ang lumabas at walang Azellus.
Ayoko na sanang buksan ang message ni Rica dahil alam ko, sesermunan na naman niya ako. Alam kong magagalit na naman siya dahil hindi na naman ako kumain ng dinner kagabi dahil nagkulong lang ako sa kwarto ko.
Pero pasalamat pa din ako. Dahil may tulad nila na nag-aalala sa akin. Kaya naman binuksan ko ang message niya.
From: Rica
Nakausap ko si Azellus. At na-convince ko na siyang bigyan ka ng pagkakataon na mag-explain. Mamayang gabi. Sa unit. Kasama niya si John.
Ilang segundo ba akong nakatitig sa text ni Rica pero parang ayaw pa ding mag-sink-in sa utak ko ang nabasa ko. Totoo ba 'to? Hindi naman ako nananaginip. Martir at desperada lang ako at hindi ako nababaliw. Tama 'tong nabasa ko. Tama 'to.
Kakausapin na ako ni Azellus. Siya ang pupunta... siya..
"AHHHHHHHHH!" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatili.
"Miss Louise, go to guidance office now!" Sigaw ng professor ko. Naalala kong lagi siyang beastmode.
Tumayo agad ako saka ngumiti. Sa unang pagkakataon, napangiti na akong muli.
"Sure, sir!" Masiglang sagot ko.
Kakausapin na ako ni Azellus.
"Ay, baliw na siya." Narinig ko pang sabi ni Yen bago ako umalis ng room.
Nanginginig ako sa tuwa, sa lungkot. Lahat na ng emosyon ay nararamdaman ko. Lahat lahat.
Makakausap ko na si Azellus. Ipapaliwanag ko sa kaniya lahat. Hindi ko sasayangin ang kahit isang segundo na kaharap ko siya.
"Louise..." nakasalubong ko si Brent na mukhang naniniwala pa rin sa ilusyon niyang 'di pa ako move-on sa kaniya.
Tiningnan ko lang siya ng masama saka nilampasan. Wala akong oras para makipag-gaguhan sa kaniya. Dahil ang tanging mahalaga lang sa akin ngayon, ang makausap ko si Azellus.
-
EXCITED akong umuwi. Kasi sa wakas, pagkatapos ng ilang araw ay makikita ko na ulit si Azellus.
Kanina ay nagulat ako nang makasalubong ko sina Rica at John na magkasama. Sabi nila sa akin, nasa unit ko na daw si Azellus. Mag-isa roon habang hinihintay ako. Halos mapanganga ako dahil parang hindi ko na alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng ilang linggong hindi pagkikita. Hindi ko na nga alam kung paano ko siya sisimulang kausapin.
The said their goodluck to me saka ako huminga ng malalim. Para pa akong nag-ipon ng lakas ng loob upang harapin si Azellus.
Nang makaakyat ako dito sa floor kung saan narito ang unit ko, biglang nawala ang lakas ng loob na inipon ko kanina.
Nanginginig pa ako habang nagbubukas ng pinto ng unit ko. Knowing that Azellus is here, ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko basta ang alam ko lang, miss na miss ko na siya. I'm longing for him. I'm longing for his sweetness and his smile. And also his care.
Nang tuluyang mabuksan ang pinto ay naabutan ko si Azellus na nakaupo sa sofa. He's alone. Hindi ko alam kung nasaan ang iba but I don't care. Si Azellus lang ang mahalaga sa akin. Siya lang ang kailangan ko ngayong makausap.
"A-Azellus.." Nanginginig pa ang kamay ko at nauutal nang sambitin ko ang pangalan niya.
Agad siyang tumingin sa akin. Kapansin-pansin ang seryoso niyang mga tingin. Hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip niya ngayon.
Tumayo siya. "Let's talk?" Seryoso ngunit patanong niyang sabi.
"A-Ah, oo." Mabilis kong sagot. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may tampo akong nararamdaman.
Hindi man lang ba niya ako yayakapin? Hindi ba niya ako na-miss? Kasi ako, miss na miss na siya.
Tumikhim siya saka itinuro ang sofa. Para tuloy hindi ko 'to unit dahil para akong nangangapa.
Naupo ako sa sofa saka ipinatong ang bag ko sa gilid. Naupo siyang muli. Hindi kami magkatabi. Nasa gilid siya.
"Kung may ipapaliwanag ka, sabihin mo na lahat."
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ibang iba si Azellus. Wala 'yung jolly side niya. Wala 'yung "siya" na in love sa akin. Iyong pinapakita talaga sa akin na mahal at gusto niya ako.
"A-ah. Kasi..."
"Pakibilisan lang dahil uuwi pa ako ng Laguna."
Ibig sabihin hindi siya magtatagal? "Pwede ka namang matulog dito sa unit saka---"
"Walang dahilan para magpalipas pa ako ng gabi dito. Can you just explain your side?"
May kumirot sa bandang dibdib ko dahil sa inakto niya. Hindi ko kasi inakalang ganito kalamig ang pakikitungo niya sa akin.
"Babe.."
Bumuntong hininga siya. "Azellus." Madiin na sabi niya. Ayaw na niyang tawagin ko siya sa endearment namin samantalang dati, siya ang may gustong iyon ang tawagan namin.
Tumikhim ako saka isinantabi ang sakit na nararamdaman ko. "Azellus. Ganito kasi iyon. Si Berry iyong una mong nakakatext at nakakatawagan. Hanggang sa dumating sa point na nangulit ka na sa pagkuha ng name niya kase ise-search mo sa facebook. No choice sila kung hindi humingi ng pabor sa akin na kung pwedeng gamitin ang pangalan ko na sasabihin sa 'yo. At first, ayoko. Hindi ako pumayag kasi hindi naman kita kilala. Pero sa kapipilit nila sa akin, at sa pakikiusap, napapayag din nila ako. Kaya pangalan ko ang ibinigay sa iyo ni Berry. Kaya nga noong debut ni Rica, hindi kita gaanong pinansin kasi hindi naman talaga kita kilala. Hanggang sa hinayaan ko ng gamitin ni Berry ang pangalan ko. Hanggang sa magpunta kayo dito sa manila. Kayong magkakaibigan kaya napilitan din akong magpanggap muna kahit labag sa loob ko. Sa madaling salita ako ang naging substitute niya."
Nag-igting ang panga niya. Alam kong hindi niya gusto ang naririnig niya mula sa akin.
"Napadalas ang pagpunta niyo dito sa manila. Kaya napilitan akong magpanggap ng magpanggap. Pinakisamahan kita dahil iyon ang pakiusap nila Berry sa akin."
He faked a smile. "Great. Palabas lang ang lahat. Napilitan kalang."
"Hindi pa ako tapos. Let me finish." Sabi ko. "Habang tumatagal na nakakasama at nakakausap kita, unti unti kong nararamdamang gusto na kita. Hindi na ako nagpapanggap kapag kasama kita kasi totoo na 'yung pinapakita ko. Sinubukan kong iwasan kasi nangako ako kay Berry na hindi ako magkakagusto sa iyo pero hindi ko napigilan, e." Nagsimulang tumulo ang luha ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
Tumungo ako habang pinupunasan ang luha ko. "Pilit komg pinigilannpero hindi nagpapigil 'tong puso ko. Nag away kami ni Berry pero ilang araw lang, sinabi niya sa akin na huwag ko na raw pigilan ang nararamdaman ko. Na ayos na sa kaniya kahit mahing tayo or mahalin kita. Kaya sinagot na kita. Kaya mas naging malaya na akong ipakita sa 'yo na gusto talaga kita. Inlove ako sa iyo, Azellus. Kaya masaya ako nang mahing tayo. Masaya ako sa kung anong meron na tayo to the point na nakalimutan ko na 'yung naging substitute ako. Hindi ko na nabanghit sa iyo kasi akala ko hindi na iyom mahalaga. Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Pero maniwala ka, palabas iyon pero iyong mula nang maging tayo at iyong mga pinapakita ko sa iyo, totoo lahat iyon at hindi palabas lang."
Tumayo si Azellus saka namulsa. "Are you done? Then, we're done."
Tumingala ako sa kaniya. "Anong... anong ibig mong sabihin?"
Tiningnan niya ako. Seryoso pa din siya. Nasasaktan ako sa klase ng pagtingin niya sa akin.
"We are done, Louise." Malamig niyang sabi. Nakatitig siya sa mga mata ko. " you explained your side. I listened to you. It's all done."
Napatayo ako at hinarap siya. "Ano ngang ibig mong sabihin?" Tanong ko. Mas bumilis ang pagtulo ng luha ko. "Anong we are done. A-Ano.."
"Wala na tayo, Louise. Tapos na. Nakinig na ako sa paliwanag mo. Ayos na iyon. Ngayon, pwede na akong umalis."
Akmang aalis na si Azellus pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso niya upang pigilan siya. "Azellus mahal kita."
"Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin."
That hits me bigtime. "H-Hindi ko intensyong magsinungaling pero kung iyong nararamdaman ko 'yung tatanungin mo, hindi kita niloko." I sounded like a desperate though, desperada na talaga ako.
"Forget about me. Let's end it here. Our relation."
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang sakit sakit.
"Azellus huwag.."
Hinigit niya ang braso niya kaya nabitawan ko siya. "Huwag ka ng umasa na magkakaayos pa tayo. As what I've said, we are done. We'll end it here. There's no more us."
"Pero bakit? Nagpaliwanag na ako. Narinig mo na ang side ko. Mahal kita, Azellus." Alam kong mukha na akong kawawa dahil puno na ng luha ang mukha ko.
"Pero naroon pa din ang katotohanang niloko mo ako. You lied to me. Hindi lang ikaw. Pati ang mga kaibigan mo! Ano, masaya ba kayo na naloko niyo ako at napaniwala ha?! What? Liars!" Sigaw niya. Bakas sa mukha niya ang galit.
"Azellus.. babe."
"Stop it. We are done. Alright? Ngayon, ayoko ng may kakausap sa akin para sabihing kausapin ka. I don't want to hear anything about you. I want to forget you. I want to forget this fucking feeling, Louise. So please, leave me alone."
Pagkasabi niyon ay nilampasan niya na ako. Hanggang sa marinig ki ang pagsara ng pinto. He left me. He broke up with me. He ended our relationship. He...
Napahagulhol ako. Umupo ako sa sofa saka tinakpan ang mukha ko ng mga palad ko. Ang sakit sakit. Bakit ganoon. Bakit bigla akong nagsisi na sana hindi ko nalang siya kinausap? Sana hindi nalang..
Kasi mas mabuti na iyong hindi niya ako kinakausap at basta nalang siya nawawala kesa nakausap ko nga siya pero tinapos na niya ang mayroon aa aming dalawam
Now, we're off. We're not in a relationship with each other anymore.
Iniwan na niya ako. Tinapos na niya. Wala na. Wala ng kami.
Shit, ang sakit sakit. Bakit ganoon? Bakit.. bakit? Nagmahal lang ako. Hindi ginusyong lokohin siya o mahsinungaling siya. Pero bakit nangyayari anv ganito?
Masaya na, e. Akala ko iyon na iyon pero mali ako. At iyong pag uusap namin, akala ko pagkatapos kong ipaliwanag ang lahat, babalik na siya sa akin at patatawarin na niya ako pero nagkamali ako.
Walang nagawa 'yung paliwanag ko. Ibig sabihin, kaya lang talaga siya pumayag na makinig sa paliwanag ko ay para tapusin na rin niya ang lahat sa amin.
Hanggang dito na nga lang ba talaga kami? Tapos na ba talaga? Kaya ko ba? Paano na ako? Paano na...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top