Chapter 19
Louise
May mga bagay na hindi na dapat ipinipilit pa. Lalo na kung ayaw na talaga sa 'yo, at ayaw ng ipagpatuloy pa ang kung anong mayroon sa inyo.
"Girl, tama 'yan! So proud of you. Nakaka-move-on ka na. Buti nalang natauhan ka na." Sabi ni Apple habang abala kami sa pagluluto.
Birthday niya kasi at gusto niya, dito nalang kami sa unit ko mag-celebrate. Isa pa, mas gusto niyang mag-celebrate kasama kaming mga barkada niya---except Berry. Hindi siya invited. Galit sila sa kaniya kase siya talaga ang naging dahilan kung bakit umabot kami sa hiwalayan ni Azellus.
"Tapusin mo na kaya 'yang pagtatadtad ng sibuyas." Sabi ko.
Dalawang araw na mula nang mag-usap kami ni Azellus. Masakit, sobra. Lalo't mahal ko talaga siya. Nang gabing iyon uminom ako. Lasing na lasing ako and I almost go to Laguna just to beg. Mabuti na lang nariyan ang mga kaibigan ko. Minulat nila ang mga mata ko. Binigyang linaw nila ang isip ko at doon ko na-realize na hindi ko deserve iyon.
I did my part. Nag-explain na ako and he chose to leave me. Ano pa bang magagawa ko kung harap-harapan na niyang sinabi na tapos na kami. Wala na. Kaya nga naliwanagan ako at kinabukasan, sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang atensyon ko.
Sinamahan ako nina Apple at Yen na magshopping. Kumain din kami sa mga ice cream parlor, cafe at kung saan saan pa. At doon, sa buong araw na iyon, hindi ko naisip si Azellus.
"A-Alam mo girl, nakakaiyak talaga. Ang sakit s-sakit..."
Kumunot ang noo ko saka dumako ang tingin ko kay Apple na ngayo'y puro luha ang mga mata. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Kasi itong letseng sibuyas na 'to, e. Parang ex ko. Lagi nalang akong pinapaiyak."
Nag-pokerface ako. "Ah. Okay." Tinuon ko na ulit ang pansin ko sa pagluluto.
Sina Yen at Grace ay bumili ng cake at mga alak, syempre. Dadaan din silang grocery store. Party party kami mamayang gabi. Si Rica naman ay may pinuntahan lang.
"Hmp! Tapusin na nga natin ang pagluluto. I'm sure super sarap ng spaghetti na lulutuin mo!" Sabi niya saka tinuon na rin ang pansin niya sa mga tinatadtad niya.
Ngumiti ako. Pagkatapos ng sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari sa amin ni Azellus, nagagawa ko na ulit ngumiti. Though, andito pa din ang sakit sa puso ko, pinipilit kong hilumin ito. Para na rin sa ikakabuti ko.
Minsan kasi, hanggat hindi natin tinatanggap na wala na talaga, hindi tayo makaka-move-on. Kaya, mas mabuting tanggapin na ang nangyari. Gayunpaman, life must go on.
I am very thankful na hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. Doon mo talaga malalaman kung sino ang mga totoo mong kaibigan sa hindi. True friends will say bad words to you, but they will always be there for you.
Maya maya pa ay dumating na sina Yen at Grace. Pero hindi ko inaasahan ang kasama nila.
Si Berry.
Biglang uminit ang dugo ko. Okay ako, e. Masaya ako at nakakangiti na ako. Huwag naman sana sirain ng tao na 'yan.
"Yen." Nagbabantang tono ko. "Grace."
"Louise, ano kasi. Gusto ka niyang makausap."
Tiningnan ko sila ng seryoso. "I think this is not the right time to talk. And besides, I'm busy cooking. Wala akong oras na pwedeng ibigay sa kaniya." Pagtataray ko. I can't help it. Masama talaga ang loob ko sa kaniya. Pakiramdam ko sa ginawa niya, nag-traydor siya sa akin.
"Louise.." Panimula ni Berry. Mukha siyang kawawa na inaapi sa tono ng pananalita niya.
Tell me, karapatan kong magtaray sa kaniya 'di ba? Traydor siyang kaibigan.
"I said I'm busy. And can't you see? I'm in a good mood before you showed yourself to me. Huwag mo sana sirain."
"I'm sorry. S-sorry sa nagawa ko.." He started crying. He tried to walk towards me pero umurong ako.
Sinenyasan ko siya na tumigil. "Not now, please." Sabi ko saka tumingin kina Yen. "Please?"
"Louise, kahit sandali lang. Gusto ko lgn humingi ng tawad. Kinausap ko na si Azellus at sinabi ko sa kaniya na wala kang kasalanan. Na seryoso ka sa kaniya at---"
"Shut up."
How dare him? Ano naman kung kinausap niya si Azellus? We're done. The damage has been done. So I don't need his explanation.
"Louise alam kong mali ako. Akala ko okay na sa akin ang lahat pero may inggit pa rin pala sa dindib ko. S-Sorry. Sinira ko ang pagkakaibigan natin. Sorry..."
"Una, tapos na kami ni Azellus. Pangalawa, nag-explain na rin ako sa kaniya pero pinili niyang tapusin nalang ang relasyon namin. Pangatlo, nasa stage ng moving on ako ngayon at ayoko ng stress. Pang-apat, ayoko ng marinig ang pangalan niya. At panghuli, kaya kitang patawarin, pero hindi ngayon. Madaling magpatawad, Berry. Pero mahirap makalimot. Mapatawad man kita, hindi maaalis sa isip ko na minsan, tinraydor mo ako."
Umiyak siya lalo. It's funny when you see a gay crying like a lady. Pero hindi ko magawang matuwa dahil may hinanakit ako sa kaniya.
"Alam ko. Alam ko at kaya kong maghintay hanggang mapatawad mo ako, Louise. Nagsisisi ako sa ginawa ko."
Hindi na ako umimik.
"Pero hindi ibig sabihin no'n, hindi kita tinuring na kaibigan. Isa ka sa pinakamalapit kong kaibigan at ayokong mawala ka." He's being dramatic. Hindi ko ulit siya pinansin bagkus ay tinaasan ko lamang siya ng kilay.
"Don't ruin this day." Dugtong ko saka sila tinalikuran. Itinuon ko ang pansin ko sa niluluto ko.
Lumapit sa akin si Apple. "Louise okay lang ba na maki-join si Berry? Alam kong may nagawa siyang kasalanan pero kaibigan pa rin natin siya."
I sighed. "Ikaw ang bahala. Birthday mo 'yan. I don't mind. Basta huwag lang niya akong kakausapin muna."
"Thank you, Louise."
Hindi na ako sumagot. Matatapos na ang niluluto ko. And after this, kainan, at party na. Nagdidilim na rin kasi. Hapon na hapon na.
"Tawagan niyo na si Rica kung nasaan na siya. Matatapos na 'tong niluluto ko." Sabi ko.
"Okay!" Sagot ni Apple.
Sana ay hindi makaapekto ang presensya ni Berry ngayon. Baka kasi bigla nalang akong mawalan ng gana habang kasama siya.
-
Nagtagay si Yen ng alak sa shot glass saka inabot sa akin.
"Para sa happiness ni Louise!" Sigaw niya.
Ngumiti ako. "Para sa happiness ko." Ulit ko saka tinungga ang alak.
Kakasimula pa lamang namin uminom dahil kakatapos lang namin magkainan ng niluto ko kanina. Ngayon ay nakapalibot na kami dito sa salas. Ang dami naming pulutan, isama pa ang mga kwentuhang nakakatawa. Mas nakakalimutan ko si...never mind.
Si Berry, napapansin kong ilang beses na siyang patingin-tingin sa akin. Sorry siya pero wala pa din akong guts na kausapin siya dahil sariwa pa 'yung inis at galit ko sa kaniya.
"Nagtext si Rica. Kasama daw niya sina John. Kaya naman pala ginabi. Feeling ko may something na talaga sa kanila. Kilig!" Malanding sabi ni Apple.
So pupunta SINA John. So hindi lang si John kung hindi may iba pa. Baka sina Carl. Well, I don't mind. Sa ngayon, ang magsaya lang ang gusto kong gawin. I don't want to look to other things. Ayokong isipin ang kalungkutan o sakit. Happiness muna sa ngayon.
"Shot, shot!" Sigaw ni Grace. "Lakas uminom ni Louise."
Ngumiti ako. "Syempre naman. Masarap ang alak, e." Sagot ko pagkatungga sa laman ng shot glass.
"Hinay hinay lang. Aba." Sabi ni Yen.
"It's fine. Wala namang mag-aalala saka this is my life. I can do what I want." I said and take a glass of beer again.
Mas lumakas yata ako uminom. Sabagay, iba talaga kapag gustong mag-escape sa reality. Alak ang solusyon. Limot ang lahat.
"Naks, gumaganon ang bruha." Sabi ni Grace. "Masaya naman akong makita ka ulit na ganyan ka-alive, Louise."
"Syempre!" I proudly answered with a smirk. Kumain ako ng onion rings na binili nila sa kanto saka muling nag-shot.
"Hoy Louise, easy lang. Kinakanya mo na, e. Aba, hindi lang ikaw ang anak ng Diyos." Awat ni Yen.
Natawa ako. "Ang babagal niyo kasi uminom, e. Dali na kasi, shot agad." Sabi ko. Ang tagal kasi, e. Bago pa dumating sa akin ang turn ko, inip na ako.
"Ikaw talaga, Louise. Hayok na hayok sa alak. Akala mo hindi nakakatikim, e. Gabi gabi ka na nga diyang alak ang kaharap." Natatawang sabi ni Apple.
"Tse! Gusto ko, e. Saka masarap, e. Nakakatulog kaya agad ako kapag nakainom. Heaven ang feeling."
"Hmmmp." Nagtagay si Yen saka inabot kay Apple.
Habang wala pa ang turn ko ay nag-status ako sa facebook.
Louise Madrigal
Happiness. *beer emoticon*
Ito na ang simula ng buhay mag-isa at single ko ulit. Kakayanin kong kalimutan si Azellus. Hindi ako galit sa kaniya. Nagpakatotoo lang siya. Ayaw na niya sa akin. He ended our relationship. And so be it. Wala na nga sigurong chance pang maayos. Mabuti na iyon kasi nakakasakit lang.
Feeling ko, naging manhid ang puso ko dahil sa alak na iniinom ko. Ito naman ang gusto ko, e. Ang maging manhid. Kaya nga ganoon ang pakikitungo ko kay Berry kanina. Tigas na ng puso ko, e.
"Guyssss!"
Halos marindi ako sa tili ni Rica. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mga kasama ni Rica.
"Pasensya na guys. Sinundo ko pa sila sa terminal, e. Saka hinintay ko sila."
Si John, Carl at Azellus. I wonder why he's here. Sa pagkakaalam ko kasi galit siya sa amin. At ayaw niyang may kakausap pa sa kaniya na mga kaibigan ko.
Lakas ng tibok ng puso ko pero ayokong magpa-apekto. Siguradong kasama 'yan kasi pinilit nina John. Saka hindi ko naman birthday 'to. Kay Apple kaya wala akong karapatang magpaalis ng bisita niya. Tulad ni Berry.
Napansin ko ang pananahimik nila Yen at Grace. Awkward naman kasi. Berry, Azellus and me. Sa iisang lugar ngayon. Magkakaharap.
Well, wala naman ng dapat pag-usapan. Tapos na kami and I'm moving on. Ayokong ipakita sa kaniya na miserable ako. Gusto ko na ipakita sa kaniya na kaya ko pa ring maging matatag kahit nasasaktan ako. Kahit wala na siya sakin at kahit binitawan na niya ako.
"Girls, si Azellus at Carl. May nilakad kasi kami kanina at gabi na. Ayoko namang pauwiin ang isa sa Laguna ng hindi ako kasama. Kaya kung ayos lang na narito din sila.." Sabi ni John.
Naramdaman kong nagtinginan sila sa akin. Bakit ako? Dapat si Azellus ang tinatanong nila kung okay lang na makita niya ako. Para ngang diring diri na siya sa akin na ayaw man lang niyang hawakan ko siya noong magusap kami.
Tumikhim ako. "Shot!" Sigaw ko. Binalewala ko ang sinabi ni John. Gets na siguro nila na okay lang sa akin.
Andito man siya, hindi naman ibig sabihin ay kailangan naming magusap o magpansinan. Siguradong hindi ginusto ni Azellus na pumunta dito. No choice lang siguro sya kasi gabi na.
"Okay lang! Ano ba kayo. Birthday ko 'to and let's be happy!" Sabi naman ni Apple.
Naupo sina Carl at Azellus. Pinaggigitnaan sila nina Rica at John. Nasa gilid ako kasi sa carpet ako nakaupo. Feel na feel ko, e.
"Ako na?" Tanong ko. Tumango si Yen kaya kinuha ko agad ang shot glass saka ininom. Napangiwi pa ako kasi hard drink na pala ang binuksan nila. Naubos agad ang beer. Tinungga ko ba naman kanina.
Kumain ako ng pulutang liempo saka itinuon ang pansin ko sa phone ko.
"Azellus, iinom ka?" Narinig kong tanong ni John.
"Sige lang." Sagot niya. How I miss his voice. Miss na miss ko na siya.
Pero sadly, wala na akong karapatang ma-miss siya. We're over at dapat, lahat ng tungkol sa amin, kalimutan ko na. I will just act like he's not here. Ayokong mapunan na naman niya ang isip ko.
"Sarap nitong spaghetti. Sinong nagluto?" Tanong ni Carl.
"Sino pa ba? E'di si Louise." Sagot ni Yen.
"Ayos ah, Louise." Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.
Inilapag ni Yen sa tapat ko ang shot glass. So it's my turn again. Ang bilis ng ikot ngayon, ah.
Tinungga ko ang baso saka mabilis na kumain ng liempo. Ang pait. Kasingpait ng lovelife ko.
"Grabe, Louise. Pahinga ka kaya muna? Nahihilo ka na yata, e." Puna ni Apple.
Tumawa ako. "Huwag ka ngang KJ, Apple. Natural mahihilo ako, umiinom tayo, e. Magtaka ka kung mahilo ako nang hindi tayo umiinom."
"Baliw na si Louise. Lasing na 'yan. Kanina pa 'yan umiinom, e. Parang hayok na hayok sa alak. Gabi gabi nga 'yan umiinom." Sabi ni Grace.
Tumikhim si Rica. "Hoy Louise, tama na nga 'yan. Matulog ka na."
"Hala siya. Hindi pa ako lasing saka konti palang naiinom ko. Huwag nga kayong KJ. Masaya dapat tayo. Birthday ni Apple, oh." Sabi ko. Alam ko sa sarili ko na nahihilo na ako pero kaya ko pa naman saka, mas gusto kong kusang tumumba. Kumbaga makatulog sa kalasingan. Para wala na akong iisipin.
"Anong kaunti. E, ikaw nga umubos ng isang boteng beer kanina." Sabi naman ni Yen.
Inirapan ko sila. "Teka lang, bakit ba ako ang napapansin niyo? Iinom ako hangga't gusto ko. Okay? Huwag kayong epal. Psh."
Inagaw ko kay Yen ang shot glass saka tinungga pero hindi na iyon lumapat sa labi ko dahil may isang kamay na humawak sa basong hawak ko at pinigilan ako.
Napatingin ako kay Azellus na seryosong nakatingin sa akoin. I stared at him.
"Stop it." Pigil niya.
Inagaw ko ang baso kaya nabitawan niya ako. Ngumiti ako ng malungkot. "Why? Why do I need to stop? Iinom ako hangga't gusto ko. Iinom ako kasi birthday 'to ng kaibigan ko. I just want to have fun. Is it bad?"
Natahimik silang lahat. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa mga mata ni Azellus.
"Just stop. You're drunk."
Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. I smiled bitterly.
"No, Azellus. You stop. Stop acting like you care." Sabi ko saka tuluyan ng ininom ang alak na hawak ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Azellus. Tumayo ako.
"CR lang ako. Tuloy lang ang shot. Let's be happy tonight like what we said earlier, Apple." Sabi ko.
Mas masakit kasi iyong kumikilos si Azellus na parang may pakialam siya sa akin. Mas masakit.
Pumasok ako ng banyo saka huminga ng malalim. Mabilis akong naghilamos kasi ayokong umiyak. Tapos na ako sa pag-iyak nang dahil kay Azellus. Tama na. Saka kasiyahan ang gusto ko ngayon. Kung bakit kasi nagpakita pa siya at umaakto na parang may paki siya sa akin.
Pagkatapos kong maghilamos ay nagpunas agad ako ng towel. Sinampal sampal ko ang mga pisngi ko saka huminga ulit ng malalim.
Kalma, Louise. Don't mind him.
Lumabas na ako ng banyo pero nagulat ako nang makita si Azellus na nakatayo sa labas at nakasandal sa pader. He then looked at me. Malamlam ang mga mata niya. Malayo sa matang nanlilisik sa galit no'ng huli kang mag-usap.
Tumikhim ako saka siya nilampasan. Baka gagamit din ng banyo. Pero mas ikinagulat ko ng hawakan niya ang braso ko saka mabilis akong nahila payakap sa katawan niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Itong pakiramdam na 'to. Namiss ko ito. Him with me.
"Louise..."
Iyong pinigilan kong iyak kanina ay basta na lamang tumulo ngayon habang nanatili kami sa posisyong ganito. Nakayakap ako sa kaniya at pati na rin siya sa akin.
"....I miss you."
Mariin akong napapikit sa sinabi niyang iyon. Why?
"I miss you, babe."
And in instant, his lips touches mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top