Chapter 20

Louise

Mabilis kong itinulak si Azellus. Nagulat kasi ako. Bakit bigla biga ay sasabihin niyang miss na niya ako, plus tinawag pa akong 'babe', at ang pinakamatindi, basta na lamang niya ako hinalikan na para bang nasa maayos na estado kami.

Minsan, napaka-insensitive talaga ng mga lalaki. Sasabihing ayaw na sa 'yo, tapos kung kailan kinakalimutan mo na siya, saka naman siya muling magpaparamdam. Nakakagago lang.

Pero hindi ko itatanggi. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ngayon na kaharap ko ang lalaking tinitibok ng puso ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Nauutal pa ako dahil napakalakas ng kabog ng dibdib ko.

He cleared his throat. "I can't. Hindi ko kaya, Louise. Hindi ko na kayang tiisin 'yung mga araw na wala ka sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na sa araw araw, mabubuhay ako na walang ikaw sa tabi ko."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaka-touch 'yung sinabi niya, at the same time ay nakakakilig. Damn you, Azellus.

"Akala ko kaya ko. Akala ko ang angas ko na basta ka nalang balewalain. Akala ko, ilang araw lang, limot na kita pero...tangna! Hindi ko kaya. Mahal kita, babe. Mahal kita, Louise. And I don't know how to face a day without you." Dugtong pa niya.

Wala man lang lumalabas na kahit anong salita mula sa bibig ko. Matiim lang akong nakatitig sa kaniya. Dinadama at ninanamnam ang bawat salitang binibigkas niya.

Pero punyeta, kinikilig ako. Nanghina na naman ako sa mga salita niya. Akala ko ba, nagmo-move-on na ako at desidido na akong kalimutan siya pero bakit ganito? Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tayo?iyong kahit gaano ka kagalit sa kaniya at kahit gaano ka niya nasaktan, isang "mahal kita" niya lang, burado na lahat iyon?

Umiling-iling ako. Baka nananaginip lang ako. Baka dala lang 'to ng pagkahilo dahil sa nainom ko.

"Are you for real?" Tanong ko. Nakakunot pa ang noo ko. Isinantabi ko muna ang kalambutan ng puso ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko and I can see sincerity in his eyes.

"Louise. I've been an asshole to you. Napakatanga ko na sinaktan kita. Napakatanga ko na nagpadala ako sa galit. Napakatanga ko na hindi ko napanindigan ang sinabi ko sa 'yong hindi kita sasaktan. I am sorry. I'm really sorry. Please give me a chance to prove to you that I love you. I will never hurt you again. Not anymore."

Parang may bumara sa lalamunan ko. Tatanggapin ko ba agad? Bibigyan ko ba siya ng chance? Pero sincere siya sa mga sinabi nita. At ramdam ko naman na mahal niya ako. Alam ko rin na nadala siya ng galit niya nuon kaya niya ako nagawang saktan. In the first place, may mali naman talaga ako kaya siya nagalit. Sa akin talaga nagsimula ang lahat.

"A-Anong nakain mo at biglang nabago ang ihip ng hangin? Yesterday, you were pushing me away. And now, you're...different."

"Sorry. Nauntog ako. Namulat ako sa katotohanan na kung may mali ka man, mas mali ako. Kasi hindi maaayos ang problema kung papatungan ko pa ng isa pang problema. I've never been an understanding boyfriend to you. I'm such a fool. I'm sorry."

Ano bang gagawin ko. Pwede bang, call a friend?

Huminga ako ng malalim. "I don't know, Azellus..."

"I can wait." Mabilis niyang sagot. "After all, I deserve this. I understand if you're doubting now."

I bit my lower lip. Bakit kasi mahal ko ang lalaking ito, at hirap akong balewalain siya. Hay, love. Nakakainis 'yang pag-ibig na 'yan, o!

"Okay. Give me time. Give me five minutes."

Mukhang nagulat si Azellus sa sinabi ko. Kahit ako ay nagulat. Seryoso, five minutes? Nag-isip pa ako. Ano bang puso 'to! Nakakainis.

Ngumiti siya. "Five minutes. Kakabahan na ba ako?"

Inirapan ko siya at nagmartsa pabalik sa living room. Masaya silang nag-iinuman na para bang 'di man lang sila nagtaka na magkasunod kami ni Azellus.

"Rica." Tawag ko sa kaniya pagkaupo ko sa carpeted floor.

Tumingin siya sa akin. Makahulugang tingin. Alam kong ito 'yung tingin na nagtatanong about kay Azellus.

"Humihingi siya ng chance. Nag-sorry na siya at...hindi ko alam ang isasagot ko."

"Mahal mo ba?" Tanong niya.

Binatukan ko siya. "Magpapakalunod ba ako sa alak gabi gabi kung hindi? Ano 'yun, trip ko lang? At isa pa, iiyak ba ako gabi gabi kung 'di ko siya mahal? Ano 'yun, feeling artista lang ako, ganern?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Batok pa ha. Psh." Pabiro niyang hinila ang buhok ko. "Iyon naman pala, e. Humihingi ng chance. Sino ka para ipagdamot ang chance na iyon. Nasaktan ka nga niya, pero aminin mo siya rin naman ang magpapasaya sa 'yo. Saka mahal ka din naman niya. Gwapo siya, nag-sorry na. Aarte ka pa ba?"

"Kasi..." Nag-aalangan ako.

"Kasi ano? Puro ka ano. Tapos, mamaya, kapag hindi mo binigyan ng chance, iiyak-iyak ka? Hay naku, Louise. Umayos ka nga. Go lang go."

Ang galing talaga ng kaibigan kong 'to.

Humarap naman ako kay Yen. "Uy."

"O?" Tanong niya saka tumungga ng alak.

"Nag-sorry na si Azellus. Humihingi siya ng chance, anong gagawin ko? Bibigay ko ba?" Mahinang sabi ko habang nakatingin sa gawi ni Azellus na kausap si Carl sa tapat namin.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Go na girl. Bigay mo na ang perlas ng silanganan." Sabay tungga ng bote ng beer.

"Grabe." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Napaka-supportive ng sagot mong 'yun. Gusto ko maiyak."

Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ni Azellus. Ngumingiti siya at naiinis ako.

"Girls, sorry kung nasaktan ko si Louise. Pero---"

"Wait, Azellus. Kasama ba ako sa girls na 'yan?" Singit ni Apple.

Natawa kami.

"Of course." Nakangiting sagot ni Azellus. "Sabi ko nga, nag-sorry na ako sa kaniya at humihingi ako ng chance para makabawi. Mahal na mahal ko ang kaibigan niyo kaya sana, tulungan niyo ako na mapapayag siya na bigyan ako ng chance."

Napanganga ako. 'Yung totoo, harap-harapan? Tina-traydor ba nila ako? At itong Azellus na 'to, nilalason utak ng mga kaibigan ko.

"Of course! Bibigyan ka niyan ng chance. Ang arte naman ng byuti ni Louise kung hindi, no!" Sabi ni Apple.

Ang galing.

"Bibigyan ka niya! Hay naku, huwag na kayong pabebe." Sabi naman ni Grace.

Ang galing talaga.

"Azellus and Louise forever. Pero wala pa ding forever. Pero ang chance, hindi 'yan pinagkakait sa isang taong alam mong malinis ang konsensya." Namumungay na ang mga mata ni Yen.

Ang galing ng mga kaibigan ko. Nakakaiyak sila. Super sweet. Sarap nilang itapon sa kanal.

"Ganito kasi iyon, Azellus. Wala namang masama na bumawi ka, e. Pero mas maganda na gawin mo nalang. Iyong hindi mo na kailangan pang hintayin na sumagot si Louise. Just show her how much you love her. That's it."

Buti naman may sense ang sinabi ni Rica kahit may tama na. Inom kasi ng inom.

"At makikita mo? Wala pang ilang minutes, bibigay na 'yan sa iyo. Mahal ka niyan, e." Dugtong pa ni Rica.

Grabe! Akala ko matino na ang sagot niya. Tunay talaga silang kaibigan. The best! Woo!

"Alam kong ako ang naging dahilan ng pag-aaway at pagkakalabuan niyo, at gusto kong pormal na mag-sorry sa inyong dalawa. Louise and Azellus. Sana ay magkaayos kayo kasi nakikita ko na mahal niyo talaga ang isa't isa." Sabi ni Berry.

Natahimik kaming lahat. May sama pa din ako ng loob sa kaniya pero hindi ko naman siya itinatakwil bilang kaibigan.

Siya man ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Azellus, siya din naman ang dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Azellus.

Huminga ako ng malalim. "Shot na!" Sigaw ko habang nakangiti sa kanila.

"Paano 'yung sagot mo?" Tanong ni Azellus.

Ngumiti ako ng matamis. "Wala ka namang dapat pang patunayan kasi naparamdam at napakita mo naman na mahal mo ako. Wala akong doubt doon. Hindi nga lang talaga siguro maiiwasan na may mga pagsubok na darating kaya nagkasakitan tayo. But at the end of the day, what matters most is you love me, and I love you. And that's the most important thing."

"So?" Parang kumikinang na ang mga mata ni Azellus habang naka-abang sa sinasabi ko.

Ngumiti ako ng mas malapad. "Let's celebrate." Sabi ko.

"Alin?" Halos sabay sabay nilang tanong

"Ang pagbabalikan namin ni Azellus." Sabi ko saka it inaas ang bote ng beer. "Cheers?"

"Shit." Azellus cussed. He smiled in victory. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin saka ako hinila patayo.

Mabilis niya akong niyakap. Mahigpit na mahigpit. "I love you, Louise."

Ang gaan sa pakiramdam. Parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko. Ang love talaga, nakakaloka.

"I love you too, Azellus."

Kumalas siya ng pagkakayakap sa akin saka ako tinitigan. Lalapit na sana ang mukha niya sa mukha ko nang tumikhim ang mga kaibigan namin.

"SPG brad, huwag! Bata pa ako." Sabi ni Carl.

"Girl, akala ko ba cheers? Bakit kiss yata ang mangyayari? Landi ni Azellus!" Sigaw ni Yen.

"Umupo nga kayong dalawa! Hindi makapagpigil, e. Kayo ha. Ang ba-bata niyo pa!" Saway ni Rica.

I rolled my eyes at them and kiss Azellus's lips. Nagulat pa siya saka siya tumugon.

And there, he lifted my chin up and smiled. "Five minutes nga." He winked then hugged me again.

Tinugon ko ang yakap niya. One of the safest place---in his arms. And it feels good.

"Woooo! Ayos!"

Ngumiti ako kay Azellus. "Subukan mong saktan ulit ako."

He slightly pinched my cheeks. "Hindi ko mapapangako na hindi na ulit kita masasaktan. Basta ang mapapangako ko, hindi hindi kita iiwan. Mahal kita, Louise."

Ba't napaka-sweet ng lalaking 'to? Kainis talaga. "Mahal din kita."

Umupo na kami sa carpeted floor nang magkatabi.

"O, shot!" Inabot sa akin ni Yen ang baso ng alak na agad namang inagaw ni Azellus.

Kinindatan niya ako. "Dating gawi. Hindi ka na pwedeng uminom ng sobra. Tch." Aniya saka tinungga ang baso.

Ganito nga ang love. May upside down. Dadaan ka sa saya, kalungkutan at sakit. Pero kapag talagang nagmamahalan kayo, maranasan niyo man ang mga bagay na iyan, malalampasan niyo iyon. Dahil walang relasyon ang hindi dadaan sa mga pagsubok. At nasa kamay niyo na kung paano niyo ito malalampasan---kung papabayaan na lamang, o patuloy na haharapin ito at lalaban.

"Babe."

Tumingin ako kay Azellus. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I love you."

Sweet nga talaga.

"I love you too, Azellus. Always remember that." I said and smiled without any pain in my heart.

-THE END-

Thank you so much sa lahat ng sumubaybay sa love story nila Azellus at Louise. Love lots!

Picture ni true to life LOUISE.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top