Chapter 8

[Louise]


Nang matapos akong magpalit ng damit ay naglagay ako ng kaunting polbo sa mukha ko saka ako huminga ng malalim.


Bakit ba ako kinakabahan? Sina Azellus lang naman 'yun. Psh.


Lumabas na ako ng kwarto at narinig ko na naman ang ingay nila. Nagtatawanan at nagkakantahan pa. Napaka-saya ng mga 'to.


"Louise!" Tawag agad ni Azellus. Namumula na ang mukha niya. Lasing na yata ang loko.


Ngumiti ako ng bahagya bago ako napatingin kay Berry na matamang nakatingin sa'kin. So ano? Bantay sarado? Kaniyang-kaniya na ang Azellus na 'yan.


"Dito! Dito!" Sigaw ni Rica na nakainom na din. Tumabi ako sa kaniya. Pinaggigitnaan tuloy nila ako ni Berry.


"Whoa! So she's Louise?" Tanong nung isang lalaki na mukhang jolly na 'di ko naman kilala.


"Oo. Louise, si Carl nga pala." Pakilala ni Azellus.


Ngumiti ako. "Hi." Matipid na sabi ko saka tumingin naman sa kamay nung katabi niya--kilala ko 'to. Close 'to ni Rica eh. Nakikita ko lage sa pictures.


"John."


"Hi din." Sabi ko ulit. May isa pang lalaking naglahad din ng kamay niya.


"Kevin."


"Nice meeting you all." Mabait na sabi ko. Oo, mabait. Baka sabihin naman nila mataray ako.


"Whoaa! Kaya pala naman napapapunta ng wala sa oras dito sa Manila si Azellus. Worth it naman pala ang pupuntahan! Haha!" Sabi no'ng Carl.


"Yeeeaah! Baby, I'm worth it!" Biglang nagkantahan 'tong sina Yen. Mga nakainom na. Mga bangag na yata.


Hindi ko alam kung ma-o-overwhelm ako sa sinabi nila.


"Louise, pwede bang makuha number mo?" Sabi nung Carl.


"Ulol!" Singit ni Azellus. "Back off."


Napalunok ako. What was that? Bakit parang nakaka-overwhelm naman 'yun? Ayaw niyang may kumuha ng number ko? Eh kung sabagay, ano bang alam nila? Kahit si Azellus, hindi naman niya alam ang number ko--kay Berry ang alam niya.


Nagtawanan sila.


"Possessive, men!" Sigaw nung Kevin.


"Wahahaha!" Tawanan pa nila.


Pati sina Rica nakikitawa. Sarap sabunutan ng mga 'to. Pinagti-trip-an ba nila ako?


"Haba ng hair, Louise!" Sabi ni Rica.


"Uminom na nga lang kayo." Sabi ko nalang saka kumain ng calamares na nasa mesa. Pulutan nila.


Nagkanya-kanya na naman sila. Nagkakantahan at nagku-kwentuhan. Napatingin ako sa tapat ko nang may ipinatong si Azellus na basong may yelo pagkatapos ay nilagyan niya ng beer.


"Pakonti-konti lang ha?" Sabi niya habang nakangiti.


Geez! Bakit ba naga-gwapuhan talaga ako sa kaniya. Ngayon pa na mamula-mula ang pisngi niya.


"Naks! Ang sweeeettt!" Sigaw ni Rica. "Dito ka nga! Ako diyan." Tumayo si Rica saka lumapit kay Azellus sa tapat namin. Pinatyo niya bago siya umupo do'n.


Baliw talaga 'tong si Rica.


"Upo na sa tabi. Nahiya pa eh! Uuwi na ng Laguna bukas brad, aba!" Sigaw nung Carl.


Parang nahihiya pang lumapit sa'kin si Azellus. Naupo siya sa tabi ko. Rinig ko pa ang paghinga niya ng malalim.


Uminom ako ng beer--brought to me by Azellus. Na-appreciate ko naman ang ginawa niya.


"Alam niyo ba? Broken hearted sa panget 'yang si Louise? Haha!" Sigaw ni Yen na halatang lasing na. Sasabunutan ko nga 'yang babae na 'yan bukas nang matauhan.


"Shabu pa, Yen. Itulog mo na 'yan." Sabi ko na tinawanan ni Azellus sa tabi ko.


"Wooo! Basta Azellus! Boto kami sa'yo! Mabuting ikaw nalang para maganda ang lahi. Aba kawawa kaming magiging ninang ng mga junakis ni Louise kapag homo sapien ang napangasawa niyan!" Patuloy ni Yen.


Nagtawanan na naman sila. Sa-saya ah!


Binato ko siya ng cornik sa mukha. Saktong magsasalita siya kaya ayun, shoot sa bibig. Sapul. Natawa tuloy ako. Dapat sa'yo 'yan sa ka-daldalan mo.


"Strike!" Sabi ni Azellus sa tabi ko.


"Aray!" Late reaction talaga 'tong si Yen eh. Talagang nginuya muna niya 'yung kornik na nasalo ng bibig niya bago nag-react.


"Itulog mo na 'yan. Psh." Pagtataray ko.


"Ihatid na nga kita sa kwarto!" Nag-volunteer na si Apple na mukhang antok na din. Tahimik eh. "Matutulog na rin ako."


"Hoy, hoy! Baka may milagro kang gawin kay Yen ah!" Sabi agad ni Rica.


"Accckk! Nakakasuka ka, Rica. Ewww! Hindi kami talo!" Sabi agad ni Apple saka inalalayan patayo si Yen saka sila pumuntang kwarto.


Inom pa, Yen! Lagot ka saken bukas.


"Totoo ba 'yun? Na-broken-hearted ka daw sa panget? Gaano ka-panget?" Tanong nung Carl.


Sinamaan ko siya ng tingin.


"Hehe. Pero pwede namang hindi mo i-kwento. Tara inom!" Sigaw nito. Nadala sa tingin.


"Tch. Manahimik ka nga d'yan, Carl." Suway ni Azellus saka tumingin sa'kin. "Na-brokenhearted ka nga?"


Nagpoker face ako. "Isa ka pa."


"Wahahahahah! Gago ka talaga, Azel!" Tawanan nina Carl.


Nagkamot sa ulo si Azellus. "Nagbibiro lang." Sabi niya. "You want more?" Tanong niya. Ang tinutukoy niya ay beer. Hawak niya kasi ang bote.


Hindi ko napansing naubos na agad ang nasa baso ko. "Sure."


Nilagyan niya ulit ng beer ang baso ko.


"Ang sweet talaga! Oh, goalsss!" Sabi ni Rica na tuwang tuwa pa. Isa ring may tama na. "Kelan mo ba liligawan si Louise, Azel?"


Muntik na akong mabulunan. Kahit si Azellus ay parang nasamid sa sinabi ni Rica. Baliw talaga.


"Hindi pa ba panliligaw ang pagpunta ko dito mula Laguna?" Sabi ni Azellus saka nag-smirk pa.


"Wooo! You're the man!"


"Tama 'yan, brad! Hindi uso ang torpe sa'ten!"


"Well, well, boto talaga ako!" Ngiting-ngiting sabi ni Rica. Mga baliw talaga. Ano ba ako dito, hotseat?


"Ako din!" Sabi ni Grace na nakikipagkwentuhan lang kay Kevin kanina.


Para naman ako na-freeze. Grabe! Ano bang sinasabi nitong Azellus na'to?


Di pa man ako nakaka-react ng bongga sa sinabi niya ay padabog na tumayo si Berry sa tabi ko saka diretsong lumabas ng unit ko. Problema niya?


"Whoa! Lasing na yata si Berry!" Sabi ni Carl. "Napa-walk-out eh. Wahahaha!"


Galit ba si Berry? Kanino, sa'kin? Wala naman akong kasalanan ah.


"Tumigil nga kayo." Suway ko sa kanila.


"Pero seryoso, brad?" Tanong ni John.


Tumingin sa'kin si Azellus saka ngumiti. "Paano ba 'yan, Louise. Nakakantyawan na ako. Pwede ba akong manligaw? Itatanong ko na habang malakas pa loob ko."


What the? No. Hindi pwede.


Tumingin ako kay Rica. Asking for her help pero ang loka, tinanguan pa ako. At o-oo ako dito? No! Hindi naman ako ang nagustuhan niya nanakaka-usap niya eh. Si Berry.


"Ah, pwede bang pag-isipan?" Sabi ko nalang. Ayokong sumagot ng oo o hindi dahil baka maguluhan sila. Ayoko ring sirain ang kasiyahan nila.


"Yun oh!"


"So hintay hintay nalang, brad!" Sabi ni Carl.


Napatungo naman ako saka uminom nalang ng beer. Ayoko ng ganitong sitwasyon. Feeling ko kase naiipit ako. Kailangang makausap ko na si Berry tungkol dito. Ayoko ng patagalin pa 'to. Sa ikli ng panahon na nakilala ko si Azellus, nakita kong mabuti siyang tao. Totoo siya sa sarili niya. Hindi niya deserve na lokohin ng ganito. Ayoko na ring hayaan pang maniwala siya na ako talaga ang nakakausap niya o nakaka-text niya.


Dahil ang totoo. Substitute lang ako.


Kinabukasan..


[Louise]


Dahil walang pasok, walang magawa. Puro may hang-over pa ang mga luka luka.


"Sakit ng ulo koooo!"


"Inom pa." Pagtataray ko kay Rica.


Sumimangot siya. "Porke kotang-kota ka sa kilig kagabi eh."


"Duh! As if naman ginusto ko 'yun?" Inirapan ko siya.


Biglang dumaan si Berry diretso sa kusina. Akala ko umuwi na siya kagabi after niya mag-walk-out. Hindi pa pala. Tumambay lang pala sa convenience store sa baba pero dito pa rin natulog sa unit ko.


"Kunwari pa. Hindi daw magkakagusto pero tuwang tuwa sa sinasabi ni Azellus kagabi. Malandi."


Nagpantig ang tainga ko. Tumayo ako. "Anong sabi mo?" Nilapitan ko siya.


Humarap naman siya at tinaasan pa ako ng kilay. "Sabi ko kunwari kapa. Isa ka rin namang malandi. Gustung-gusto mo talaga 'yung inaasar ka kay Azellus eh! Feel na feel mo pa na katabi mo siya. Pakipot ka pa!"


What the hell? "Eh, letse ka pala eh! Ako pa ang sasabihan mong malandi ha?! Inaano kita, Berry? Kaibigan kita pero ayusin mo mga sinasabi mo!" Sigaw ko.


"Tama na 'yan. Chill guys!" Pigil nina Rica at Yen.


"Chill? Kayo kaya ang sabihan ng malandi? At pakipot? Punyeta nagpapakatotoo lang ako! Oo, mabait si Azellus, lakas nga magpakilig eh tapos gwapo pa pero letse, hindi ko siya papatulan dahil alam ko kung saan ako lulugar!" Nagsisimula ng tumulo ang luha ko. Nakakainis lang na masabihan ng masamang salita.


"Louise, tama na.." Awat ni Rica.


"Ano ha? Ako malandi? Dahil sa Azellus na 'yan?! Punyeta pala kayo! Dahil unang una hindi ko ginustong makilala ang lalaking iyon. Na unang-una kayo ang nagpilit sa akin at humingi ng pabor. Wow guys, nasaan ang utang na loob niyo? Ha?!" Patuloy ko.


"Louise.."


"Hindi porket broken-hearted ako, lalandi na ako sa iba. At 'di porket saksakan ng gwapo si Azellus ay papatulan ko na siya." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero 'di ko kaya.


"Tama na, Louise."


Hindi ko pinansin si Yen. Tumingin ako kay Berry. "You asked me a favor. I don't deserve this crap! You should've thank me! Pero ano? Nagmumukha pa akong masama! Kung ayaw mo naman palang nakikita si Azellus na natutuwa sa ibang babae, magpakilala ka sa kaniya! Tell him na ikaw ang nakakausap niya at hindi ako. Nang matapos na. Dahil punyeta ayokong nasasabihan ng masakit na salita lalo't alam kong wala akong ginagawang masama! You dragged me in this situation. Tapos ikaw ang magma-maktol ng ganyan? Shit ka pala eh!"


"Guys, kalma na. Pag-usapan niyo ng maayos 'yan." Singit ni Grace.


"Pag-usapan ng maayos? Well, sinimulan niya ito! Hindi ko deserve na makaramdam ng sakit na ganito. Kaibigan ko kayo eh. 'Yun ang masakit. Kaibigan ko kayo pero kayo pa ang nagpapasama ng loob ko."


"Louise.."


Tiningnan ko silang lahat. "I need fresh air. Ipapaalala ko lang, hindi ko ginusto 'to. So yeah, burn!" Sigaw ko saka lumabas ng unit ko.


Bumaba ako sa ground floor saka pumunta sa park malapit. Nakakainis. Dahil sa lalaki, magkaka-ganito kaming magka-kaibigan? At ang masakit pa, ako pa ang naging masama. Ako pa ang malandi.


Pinahid ko ang luha ko. Naha-habag ako sa sarili ko. Feeling ko napaka-kawawa ko ngayon.


Ano bang mali ko? Lagi nalang ba akong sasaktan ng ganito? Una, sinaktan ako ng lalaking gustung-gusto ko tapos ngayon kaibigan ko naman.


Nakaka-letse naman oh. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top