Chapter 7

[Louise]

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto. Hindi ko alam kung paano ako lalabas gayong alam kong naroon si Azellus. Bakit ba narito ang lalaking iyon? Saka, sina Rica, sina Yen, wala man lang pasabi na narito sa kwarto kanina ang lalaking iyon. Paano nalang kung 'di ko siya napansin at tuluyan akong nakapaghubad? E'di wala na, hindi na virgin ang katawan ko. Mga kaibigan ko talaga, oo! Sakit nila sa bangs!

Tumingin ako sa salamin. Naka-jogging pants at tshirt ako. Syempre, may kasama kaming lalaki ngayon dito. Saka..bakit ba parang na-conscious ako bigla sa itsura ko? Kanina pa ako tumitingin sa salamin. Confident ako saka wala namang reason para magpa-ganda ako dahil lang sa Azellus na 'yon. Sino ba siya? Dun siya kay Berry.

Huminga ako ng malalim saka napagpasyahan ng lumabas ng kwarto. Hindi ko na keri dito sa loob. Feeling ko...arrrghh!

"Buti naisipan mo pang lumabas ng kwarto?" Nang-aasar na tanong ni Yen.

Inirapan ko siya. Nasa sofa sila katabi si Azellus. Naabutan ko pa silang naku-kwentuhan na parang enjoy na enjoy sila.

E'di kayo na masaya! Saksak ko sa baga niyo 'yang chippy eh.

Dumiretso akong kusina saka kumuha ng Cheetos sa storage box. Naupo ako sa single sofa para walang katabi. Kulang nalang magsiksikan sila sa isang mahabang sofa para lang makatabi 'yung Azellus na 'yan, na talaga naman, feel at home. Kapal!

Binuksan ko ang cheetos ko saka kumain habang nakatingin sa TV monitor. Insidious II pala pinapanood nila. 'Di naman nakakatakot pero itong mga kaibigan ko halata namang nagtatakot-takutan para makadikit kay Azellus. Mga style, bulok.

"Hoy, Louise! Baka gusto mong mag-alok?" Tanong ni Rica.

Hello! Inis pa din ako sa kanila dahil sa Azellus na 'yan. "Gusto niyo? Bili kayo." Sabi ko saka siya inirapan at tinutok ulit ang tingin sa TV.

Maya maya pa ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Akala ko si Rica lang dahil nakikuha siya ng cheetos sa hawak ko. Pero napansin kong iba ang amoy. Amoy gwapo--este amoy lalaki kaya agad akong napatingin sa katabi ko only to find out na halos magkadikit na ang mukha namin ni Azellus.

"Ahh!" Napatili ako.

"Sa insidious, 'di ka tumitili sa takot. Sa'kin ka pa talaga napa-tili. Nakakatakot ba ang mukha ko?" He winks at me then licks his lips na may cheese pa from cheetos.

This guy..arghhh!

"Bakit ka ba tumatabi sa'kin?" Tanong ko. Feeling close 'to.

"Masama bang tumabi? Nakiki-share lang ako sa cheetos mo. Pahingi pa." Nagpapa-cute na sabi niya.

Talaga lang ha? Nagpapapansin ka lang eh. Dumako ang tingin ko kina Rica. Ngiting ngiti silang lahat habang nanonood sa'min ni Azellus maliban kay Berry na umiirap. Aba, tanggalan ko 'yan ng pilik-mata mamaya.

"Oh, sa'yo na!" Inabot ko sa kaniya ang cheetos. Wala kaming sparks, for me. Hindi ko nga siya feel. Naiinis lang ako kasi epal. 'Di naman kasi dapat sa'kin nangungulit 'yan eh. Dapat kay Berry. Kung si Brent pa sana 'yan, e'di matutuwa pa ako--pero galit din pala ako sa insensitive na Brent na 'yun!

He smiled at me. Lumantad tuloy ang pantay pantay at mapuputi niyang ngipin. Bwisit na ka-gwapuhan 'yan!

"Ano? Sa'yo na nga." Sabi ko saka siya inirapan. Umuusod pa ako na parang kalahating pwet ko nalang ang nakaupo. Ayoko kasing napapadikit ang braso ko sa kaniya. Nakakakilabot kaya.

"No'ng ako nanghingi, ayaw. 'Pag si Azellus, ibinigay na lahat. Wala, unfair!" Reklamo ni Rica.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa inyo na nga, oh." Sabi ko. "Ang dami niyong tsitsiria oh, ba't ba sa'kin ang pinagdidiskitahan niyo."

"Louise.." Azellus called me on his low voice. Kinikilabutan ako, shete!

Tiningnan ko siya sa tabi ko. "Oh? Doon ka nga kina Rica. Ang sikip sikip. Saka, 'di tayo close." Pagtataray ko.

Ngumiti lamang siya at lalong dumikit sa'kin na halos magkadikit na magkadikit na ang mga braso namin. "Eto. Hindi pa ba close?" Tanong niya saka kumindat.

"Yeeeeee!"

"Pag-ibig na ituuu!"

"Diyan talaga nagsimula ang lolo at lola ko eh."

Napatayo ako. Pakshit! Naninindig balahibo ko sa lalaking 'to. Idagdag pa ang kantyawan ng mga hindi ko tunay na kaibigan.

"Magtigil nga kayo." Suway ko sa kanila saka lumipat sa dulong bahagi ng sofa katabi nina Rica.

Pagtingin ko kaya Azellus ay nakatingin lamang siya sa akin habang nakangiti. Inirapan ko siya na ikinatawa pa niya. Abnormal 'tong lalaki na'to. Iniirapan na, tumatawa pa. May saltik.

"Para kayong ewan, dalawa. Ba't 'di kayo magkwentuhan?" Tanong ni Rica. Binigyan pa niya ako ng 'go-girl-look'

Umirap ako. Means, ayaw ko.

"Ayaw ni Louise eh. Hindi yata maka-move-on sa kanina. Sabi ko naman sa kaniya.."

I gave him my death glare kaya tumahimik din siya at sumubo na lamang ng cheetos. Pagkatapos kong mainis sa kaniya, makikipag-kwentuhan ako? Hindi na.

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng jogging pants ko. I opened my facebook and someone popped out.

Azellus: Wag ka ng masungit. May period ka ba?

Parang uusok ang ilong ko dahil sa tanong ng Azellus na 'to sa messenger. Tiningnan ko siya. Natawa siya. Bwisit!

Ni-like-zoned ko lang siya saka nag-tingin na lamang sa newsfeed nang magulat ako dahil lumitaw sa newsfeed ang picture ko na ngayon, nakaupo ako sa sofa, nakatingin sa phone ko habang nakasimangot.

And there the caption says, 'Kahit nakasimangot, maganda pa din.' And that picture was posted by Azellus.

"Hoy lalaki!" Sigaw ko sa kaniya.

"Yes, babae?" Sagot niya na parang nang-aasar pa.

"Binigyan ba kita ng karapatan na mag-post ng picture ko?" Mataray na sagot ko.

Sina Yen, Rica at iba ay parang mga biik na nag-iik-ikan. Mga kinikilig pa yata eh sinisigawan ko na nga 'tong Azellus nila.

"This is my facebook. Human rights."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Human rights your ass! Psh. Burahin mo 'yun. A-unfriend kita!" Sabi ko. In-accept ko nga pala friend request niya noong puamayag akong gamitin nila Berry ang pangalan ko.

Ngumiti siya ng malapad. "Sige unfriend mo na ako. Ayoko din namang maging friend ka. Gusto ko, girlfriend."

Nanlaki ang mata ko. "What the? Tigilan mo nga ako! Kainis 'to!" Tumayo ako saka nag-walk-out.

Pumasok ako sa kwarto saka malakas na isinara ang pinto. Napasandal ako sa pinto saka napahawak sa dibdib ko. Ba't kumakabog? Letseng Azellus na 'yan! 'Di na nakakatuwa ha!

[Azellus]

Nagtawanan sina Rica nang mag-walk-out si Louise. Hindi ko alam ba't natutuwa akong naiinis siya. Lalo kasi siyang gumaganda sa paningin ko. Potek, ang korni.

"Pag-pasensyahan mo na si Louise. Shy type talaga 'yan." Sabi ni Rica kasunod ang malakas na tawa.

"Shy type pa pala 'yon. Haha!" Sabi ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang sarap niyang tingnan. Tinitingnan ko lang siya, kusa na akong napapangiti. I can stand a day by just looking at her. She's really beautiful. Hindi lamang iyon, ang cute pa niyang mag-taray. Even though, napaka-close namin through call and text, natutuwa pa din ako. May pagtataka pa rin kasi na okay naman kami sa text at tawag pero sa personal, ibang iba ang pinapakita niya sa'kin. She used to be sweet at text pero puro pagtataray naman pinapakita niya. Gayunpaman, hindi niyon mababago ang katotohanang iba na 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.

Way to go, Azellus.

Damn. I really like her. Hindi naman ako luluwas dito sa Manila para lang makita siya kung hindi ko siya gusto. Ang lakas ng tama eh. Love at first sight yata.

"Uuwi ka din ba ng Laguna?" Tanong ni Berry.

Umiling ako. "Hindi pa nga kami nagkaka-kwentuhan ni Louise. Lulubusin ko na habang narito ako sa Manila. May pasok ba kayo bukas?"

"Wala!" Sabay sabay na sagot nila.

"Great, tara shot mamaya. Bonding para naman ma-enjoy ko lalo ang stay ko dito sa Manila."

"Oo ba. Sure!"

"Pwede ko bang i-invite sina Carl? Papunta din sila dito sa Manila eh." Tanong ko. Nagtext kasi sila ngayon pagkatapos nilang mag-comment sa post kong picture ni Louise kanina. Nainggit yata ang mga gunggong.

"Sure! Sure. Ako bahala kay Louise. 'Di naman makakatanggi 'yun." Sabi ni Rica.

"Ayos!"

Sana makausap ko na ng maayos si Louise mamaya. Para man lang bago ako bumalik ng Laguna, may ngiti sa labi ko. Amputa, ang bakla. Nakakabakla ma-inlove. Taena.

[Louise]

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Madilim na sa labas nang mapatingin ako sa bintana. Bumangon na ako saka dire-diretsong lumabas ng kwarto. Feeling ko inaantok pa ako pero nakakaramdam na ako ng gutom.

Kinakamot ko pa ang ulo ko habang naglalakad palabas ng kwarto hanggang sa matigilan ako.

Lahat ng mata ay nakatutok sa'kin. Ilang segundo pa ang lumipas nang ma-realize kong marami palang tao sa salas. Nanlaki ang mata ko saka napatakbo pa-balik sa kwarto.

What the? Ano 'yon? Ba't ang daming tao?

Kinusot ko ang mata ko. Nakakahiya! Itsura ko pa naman kanina! Shete!

Mabilis akong tumingin sa salamin nang may kumatok. Lumapit naman agad ako at pinagbuksan kung sino man 'yun.

"Louise."

Nanlaki ang mata ko dahil mukha ni Azellus ang bumungad. Isasara ko na sana ang pinto nang iharang niya ang paa niya.

"Ano ba!"

"Hey. Are you okay? Nagising ka ba sa ingay namin? I want to apologize. Mga kabarkada kasi namin ni Rica nagdatingan galing Laguna."

Huminga ako ng malalim. "So ginawa nyo pang tambayan itong unit ko?" Mataray na tanong ko.

"I'm sorry."

Bigla ay parang gusto kong bawiin ang ginawa kong pagtataray. Kitang kita kasi na nalungkot 'yung mukha niya. Tapos namumula pa. Ang puti pa naman niya.

"Umiinom ba kayo?" Tanong ko.

Tumango siya. "Medyo makukulit na ang iba kaya nagkaka-ingay na. Sorry. Hayaan mo, bukas aalis agad kami."

Na-konsensya naman ako bigla. "Ah, pasensya na kung natarayan kita. Ganito talaga ako kapag bagong gising. Saka nagulat lang ako. Pero okay lang naman. Hindi ko naman kayo pinapa-alis." Sabi ko. Pambawi man lang. Masyado ko na yata siyang natatarayan eh.

Bahagya siyang ngumiti. "Are you okay now? I mean, you can join us. Kasama naman 'yung mga barkada niyo. Ipapakilala na rin kita sa mga barkada ko."

Napalunok ako. "Ha? Bakit naman ipapakilala mo pa ako--"

"Huwag ng maraming sinasabi. Sige na, fix yourself. Sa susunod, huwag basta basta lumalabas ng kwarto." Natatawang sabi niya.

Umingos ako. "Psh."

"Ano? Makiki-join ka ba? Para man lang sana bago kami bumalik sa Laguna bukas."

Saglit akong nag-isip. Ano ba? Pambawi man lang sa pagtataray ko kaya? Sabagay, wala namang masama kung makisali ako sa inuman nila. After all, this is my unit.

"Sure. Susunod na ako." Sabi ko. Siyempre magpapalit pa ako ng damit. Nakakahiya namang ganito itsura ko.

Ngumiti siya ng malapad. "Alright! Hintayin kita." Sabi niya.

Nagpapa-cute pa siya hanggang sa makatalikod siya sa akin at bumalik sa salas.

Napangiti nalang ako bigla. He's nice din naman pala. And I kind'a like his attitude. Ang gaan lang. Hindi mayabang, hindi bad boy. Mahilig pang ngumiti. At talagang gwapo siya. Sa sobrang puti pa niya, namumula na siya dahil lamang sa alak--wait, bakit ko ba siya pinupuri?

Aish! Makapagpalit na nga ng damit. Assuming ko naman. Ang alam nga pala ni Azellus ay ako ang nakakatext niya at nakakausap via phone. Ngayon lang 'to. Pagbalik niya ng Laguna, si Berry na ulit.

Substitute nga lang eh. Masyado akong natuwa.

Papasok na ako sa loob nang bigla namang sumulpot si Berry.

"Louise!"

"O?"

"Huwag masyadong sweet kay Azellus. He's mine pa rin! Baka nai-inlove ka na sa kaniya. As you can see, he's so sweet and cool."

Inirapan ko siya. "Duh! Hinding hindi ako magkakagusto sa kaniya. Okay? Kaya 'wag ka ngang ano d'yan. Sa'yong sa'yo na siya."

"Talaga! Dahil akin naman talaga siya."

Sumimangot ako. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang humingi ng pabor sa'kin." Sabi ko.

Ako pa ang gaganituhin. Sila na nga ang magpilit sa'king maging substitute muna sa kaniya. Pasalamat pa nga sila, napapayag nila ako.

"Oo na. Basta ha? Hindi ka mai-inlove sa kanya. Mukha kasing type na type ka ni Azellus."

"Kahit pa. I don't care about him and hindi ako attracted sa kaniya so stop that crap, Berry. Magpapalit na akong damit. Balik ka na do'n sa Azellus mo!" Sabi ko saka sinara na ang pinto.

Akala mo inaagaw, hindi naman kaniya. As if naman ginusto ko 'to. Arghhh! Nakakainis ha! Nainis ako bigla kay Berry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top