Chapter 6
[Azellus]
Potek. Ang bakla pero nakakagago. Bakit biglang nag-walk-out si Louise? Bakit parang gulat na gulat pa siya na makita ako? Tsaka bakit 'di man lang siya bumalik pagkatapos niyang mag-walk-out. I tried to call her but she did not answer it. I also sent her a message but then, wala ding reply.
Naguguluhan ako. Sa pagkakaalam ko kasi, okay naman kami no'ng huli kaming mag-usap.
"Hoy, brad? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Carl.
Nandito kami sa isang mesa sa may garden nina Rica. Madaling-araw na at nag-iinom pa kami kasama ang ilang barkada ni Rica. Damn. Si Louise ang gusto kong makasama at makausap pero wala siya. Tch.
"Ayos lang." Cold na sagot ko. I'm still thinking about Louise. What's wrong with her?
"Whoah. Dahil ba kay Louise? Wrong move ka brad. Bigla mo ba namang yakapin. Rush hour, brad?" Sabi ni John kasunod ang pagtawa.
Nagtawanan din ang iba kong kaibigan. Tch.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Yen--barkada nina Rica.
"Si Azellus kasi, biglang sinunggaban ng yakap si Louise kanina. Ayun nagulantang yata kaya nag-walk-out." Sagot ni Carl.
Masama bang yakapin siya? Natuwa lang akong makita siya sa personal. Saka hindi naman ako aware na iyong closeness pala namin thru call and text, hindi applicable kapag personal.
"Talaga? Nilapitan niya bigla si Louise?" Tanong ni Berry--yung kaibigang bakla nila Rica. Medyo brusko pa nga ang boses.
"Oo. I wonder why she acted like that." I said.
"Pagpasensyahan mo na, Azel. Pagod lang siguro si Louise." Dipensa ni Rica.
Naiintindihan ko naman kung pagod siya. Hindi ko lang talaga maiwasang maguluhan sa ikinilos niya.
"I understand. I'll talk to her tomorrow."
"Hala. Aalis na rin kami pabalik ng Manila bukas." Sabi ni Rica.
"Oo nga, Azel. Some other time nalang siguro." Sabi ni Berry.
"Intindihin mo na nga lang muna sa ngayon si Louise." Dugtong ni Yen.
I sighed. Ano pa nga ba? I have patience but damn. We're near together yet so far. Andun na eh. Makakausap ko na siya. Nakaharap ko na siya but fuck, ayaw yata ng destiny.
Sana sagutin na niya ang tawag ko bukas kung pabalik na sila sa Manila. Wala na rin pala akong pagkakataon na makausap siya ulit or makaharap in person. Di bale, gagawa ako ng paraan. Ngayon ko lang naramdaman 'to. I'm craving for her. There's something in her..shit.
[Louise]
Feeling ko pagod na pagod ang katawan ko. Kanina kasi ay maaga kaming nag-byahe mula Laguna hanggang dito sa Manila. Kung pwede lang um-absent ay gagawin ko kaso sayang. Major subject pa naman. Isa pa, hanggang alas dos ng hapon lang naman ang klase ko today. Pagtiya-tiyagaan ko na.
Narito ako sa room namin and guess what? Classmate ko si Brent. Abala siya sa phone niya. I bet ka-text niya ang girlfriend niyang mas maganda pa ako. Psh.
Kulang na lamang ay kumawala sa mata ko ang eyeballs ko sa kakaikot. Kainis kasi. Hanggang ngayon 'di pa ako nakaka-move-on sa Brent na 'yan.
Kung kasinggdali lang sana ng epekto ng alak sa katawan ang pagmo-move-on, e'di sana limot ko na agad siya.
I sighed. Wala pa ang professor. Napaka-tagal. Naiinip na ako to the point na gusto ko ng lumabas ng room na'to.
Napatingin ako sa phone ko nang nag-beep ito. I swiped it and saw one message received.
Si Berry.
Girl! We need to talk. Please. Mr. Abueva will not attend the class. Galing ako sa department so get out of that room. Nasa may lobby ako kasama sina Yen.
What the? At inalam pa nila kung darating ang prof ko. Ano bang problema ng mga 'yun?
Huminga ako ng malalim saka tumayo. Binitbit ko ang bag ko pero biglang ngumiti sa'kin si Brent.
"Hindi ka a-attend ng class?" Tanong ni Brent.
Napatigil tuloy ako. Dito kasi siya nakaupo sa first row malapit sa pinto so madadaanan ko talaga siya.
Umiling ako. "Wala daw si Mr. Abueva." I said in my cold tone. Asa kang papa-cute pa ako sa'yo.
"You looked pale. Okay kalang?"
"Pagkatapos mo akong i-reject, tingin mo magiging okay ako?" I whispered.
"Anong sabi mo?"
"Ah, sabi ko wala. Antok lang 'to. Sige, mauna na ako." Paalam ko saka lumabas na ng room.
Sarap batukan ng Brent na 'yun. Napaka-insensitive. Hindi man lang ba niya naisip ang nararamdaman ko? Hello! He just rejected me four weeks ago. Correct me if I'm wrong basta ilang weeks na.
Bumaba ako sa hagdan papunta sa lobby. Mabuti nalang at sa second floor lang ang room ko. Hindi ko kasi ma-gets 'tong sina Berry. Sila 'tong may kailangan, sila ang ayaw lumapit.
Natanaw ko sina Rica na nakaupo sa bench sa may lobby. Ang seryoso nilang tingnan. Sabagay, sa pagkakaalam ko, may hang-over pa ang mga 'to.
"O, ba't ka nakasimangot?" Tanong agad ni Apple.
Lalo akong sumimangot. "Si Brent kasi napaka-insensitive. Papansin! Tanungin ba naman ako kung okay lang ako. Mukha daw akong nangangayayat. Eh gago ba siya, ni-reject niya ako eh! Napaka-manhid niya!" Pagmamaktol ko.
Nagsisimula na akong mainis ng sobra sa kaniya.
"Hayaan mo na 'yun, Louise. Sa dami ba naman ng tagyawat no'n sa mukha, talagang magiging manhid 'yun." Tumatawang sabi ni Yen.
Nagtawanan din sina Berry.
Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kelan talaga 'tong si Yen, napaka-hard kay Brent eh--actually, lahat pala sila.
"Eh kayo? Ano bang problema at basta niyo nalang ako tinatawag?"
"Louise.." Malambing na panimula ni Berry.
I smell something bading--I mean, something fishy. "What's wrong?" Tanong ko.
"Ano kasi.." Parang nag-iipon pa ng lakas ng loob si Berry.
"Ganito kasi iyon. Bagal naman oh. May klase pa ako." Sabi ni Rica. "Louise, sorry pero humihingi kami ng pabor sa'yo. Just this time. Kausapin mo si Azellus 'pag nakita mo ulit siya in person. Down na down kasi siya dahil sa pagba-back-out mo kagabi. Lakas pa naman mangantyaw ng mga barkada namin."
Okay. Umiinit ang dugo ko. "'Di ba nasabi ko na kagabi, Rica. Ayokong magpanggap. Tama na 'yung nag-substitute ako by giving him my name."
Hinawakan ako ni Berry sa mga kamay ko. "Please, Louise. He called me a while ago and he's frustrated. Naapakan ko ang ego niya. Nasaktan siya sa pinakita mo kagabi. Please just this once. Isang beses lang. Please. You just need to talk to him lang naman like you're close with each other."
I puckered my lips. Napahawak ako sa sentido ko. "Kailangan ba talaga? Bakit kasi 'di mo nalang inamin sa kaniya kagabi na ikaw talaga ang nakakausap niya at hindi ako?"
"Dahil kitang-kita sa mga mata niya 'yung happiness. Lalo na kagabi noong makita ka niya noong magsisimula palang ang party. Nakatingin na ako noon sa kaniya and I saw something in his eyes while looking at you."
Sinamaan ko ng tingin si Berry. "Kaya nag-e-english ka na ngayon? Kaloka 'to. Ikaw kasi. Pinapaasa mo 'yung tao."
"Sorry. Masarap kasi siya eh--I mean, masarap kausap." Sabi ni Berry.
"Ano na, Louise. Payag ka na?" Tanong ni Rica. "Sagot na dali. Magka-klase na ako eh."
"Ano bang kailangang gawin? Shete naman eh."
"Ie-entertain mo lang naman siya kapag nakita mo ulit siya sa personal. Baka kasi lumuwas siya dito sa Manila. Hindi ko lang alam kung kelan. Talk with him as if you two are close."
I rolled my eyes. "Grabe. You're dragging me into this situation.."
"Isa ka pa ring pa-english-english d'yan. Pumayag ka na kasi, please?" Sabi ni Berry.
"Sabi niyo, just this once. So isang beses lang. Mag-promise kayo na hindi na 'to mauulit. Isang beses lang then please, huwag niyo na akong ipagtulakan diyan sa Azellus na 'yan!"
"Oo isang beses lang. So payag ka na nga?" Tanong ni Rica.
Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat ay naka-abang sa sagot ko. Mga epal talaga 'tong mga 'to. Ako 'tong nagmo-move-on, ako pa ang binibigyan ng problema.
"Oo na!" Sagot ko. Napilitan pa ako niyan.
"Yes! Thank you, Louise. Ipag-sho-shopping talaga kita!" Sabi ni Berry.
Umingos ako. "Sus. Para sa Azellus na 'yan, nagagawa niyo akong pagka-isahan."
"Hindi, Louise 'no! Saka ayaw mo no'n? Mada-divert ang attention mo sa iba. At 'di mo na maiisip ang homo sapien mong crushy!" Sabi ni Apple.
Homo sapien. Lahat ng tao nanggaling sa ganyan. Sa-sama ng ugali eh.
"Ewan ko sa inyo!" Sabi ko. "Babalik na nga ako sa room ko."
"Hep! May nakalimutan akong ipaalala sa'yo." Sabi ni Berry.
"Ano na naman ba?"
"Huwag kang mafa-fall sa kaniya. You know, he's mine."
Aba 'tong baklitang 'to. "Sabunutan kaya kita d'yan? Isaksak mo sa bahay-bata mo kung meron. Kayo 'tong ipinipilit ako dun sa Azellus na 'yun tapos maggaganyan ka?"
"Hindi naman. Sareh! Okay? Alam mo na kasi, friend. You're such a cutie and prettyness! So, you know. Baka kasi magustuhan ka niya or magustuhan mo siya."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay. Inaamin ko na-gwapuhan ako sa kaniya. Makalaglag bra nga eh. Hindi ko expected na ganoon siya ka-gwapo at ka-hot pero kilala niyo ako. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo--"
"We know that. Patunay si Brent." Singit ni Yen na nagpipigil ng tawa.
"Isa pa, Yen. Tatamaan ka na sa'ken." Sabi ko saka inirapan siya. "Hindi porket gwapo, mafa-fall na ako. Jusko naman sa'yong sa'yo na 'yang Azellus na 'yan."
"Talaga!" Sabi ni Berry.
"Wushu! Pero boto ako kay Louise para kay azel." Malakas na tawa ang pinakawalan ni Rica.
"Rica! Ang sama mo!" Pagmamaktol ni Berry.
"Bahala nga kayo d'yan. Mga istorbo kayo!" Sabi ko saka tumalikod na saka ko naaninang si Mr. Abueva na paakyat ng hagdan.
Nanlaki ang mata ko. "Akala ko ba wala si Mr. Abueva?" Pasigaw na tanong ko kina Berry.
Nag-peace-sign silang lahat sa'kin saka alanganing ngumiti.
"Mga echoserang frog talaga kayo! Humanda kayo sa'kin mamaya! Tse!" Sigaw ko saka tumakbo paakyat.
Shete ng mga 'yun. Kaibigan ko ba talaga sila? Ayoko pa namang uma-absent sa major subject. Letse!
-
Kararating ko lang dito sa building ng condo unit namin. Galing pa kasi akong mall. Nagliwaliw mag-isa. Alam ko kasing 'pag umuwi ako agad, maiisip ko na naman si Brent lalo na't nagpapansin siya kanina. Kainis talaga ang pagiging insensitive niya! Hay.
Bumaba na ako ng elevator. Narito na ako sa floor kung saan naroon ang unit namin. Sabi ni Rica sa text kanina, narito sina Berry, naka-tambay. Mga 'yon, kulang nalang dito na tumira eh.
Binuksan ko agad ang pinto ng unit. Naabutan ko sina Berry at Yen na nagmo-movie marathon sa living room.
"Feel at home ah. Asan si Rica?" Tanong ko.
"Nasa kitchenomiks! Nagluluto ng fingerfoods." Sagot ni Berry.
Tumingin ako sa kanan ko at doon nakita ko si Rica na nagluluto nga. Sipag. Hindi ko na siya inabala. Mukhang seryoso eh.
"Anong movie 'yan?" Tanong ko.
"How to move-on." Sagot ni Yen.
"Letse ka!" Sigaw ko. "Makapagpalit na nga lang ng damit. Psh." Pagtataray ko. Sama talaga ng ugali.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin ni Rica. Ipinatong ko sa study table ang bag ko at paperbag ng binili kong bagong slipper kanina sa havaianas. Dumiretso agad ako sa closet ko saka kumuha ng damit pam-bahay.
Maghuhubad na ako ng blouse ko nang may gumalaw sa peripheral vision ko. Napatingin agad ako at doon nanlaki ang mata ko.
"AHHHHHHH--hmmmm."
Si Azellus na nakaupo sa kama ko kanina ay mabilis nakalapit sa'kin at tinakpan ang bibig ko.
"Sshh. Sorry nagulat kita. Kakagising ko lang kasi. Nakatulog ako sa paghihintay sa'yo."
Nanlaki ulit ang mga mata ko. "Hmmm!" Pilit akong kumakawala sa kaniya.
Paano kasi halos magkadikit na katawan namin. Nasa likod ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit inalis sa bibig ko. "Ano ba!" Sigaw ko nang maalis ko ang kamay niya.
"Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang--"
"Labas sabi!"
He smirked at me. "Oo na. Lalabas na nga. Easy. Beast mode ka agad eh. Wala pa naman akong nakita. Soon, makikita ko din 'yan. Kapag napangasawa na kita."
Nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" Sigaw ko ng pa-galit.
Tumawa lang siya saka lumabas ng kwarto. What the? Paano 'yan napunta rito? At sina Rica? Walang sinabing nandito 'yan! Mga gagang 'yun talaga, pinag-iinit ulo ko! Argh.
I'll deal with you later, Azellus. Nalintikan na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top