Chapter 8
Chapter 8
Trespasser
Nagkaroon ulit kami ng bisita sa sumunod na araw. Tinotoo nga ni Mariel ang sinabi niya kay Tiya na bibisita siya sa akin.
Kaklase ko si Mariel noong elementary hanggang high school. Hindi naman kami malapit sa isa't-isa ngunit wala rin naman akong naaalala na isa siya sa mga nam-bully sa akin noon. Malugod ko siyang tinanggap sa bahay dahil umalis na rin si Tiya para sa palengke.
Tulad ni Ate Meryl ay malaki na rin ang tiyan ni Mariel. Napag-alaman ko rin base sa kanina pa naming usapan na hindi siya pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Taga ibang bayan ito at nang nalaman na nagdadalantao siya, bigla na lang daw nawala na parang bula.
"Ang ganda mo na. Sabagay kahit naman noon, maganda ka na talaga," nakangiti niyang papuri sa akin. "May iniwan ka bang boyfriend sa Maynila?"
"Naku wala," tanggi ko kaagad. "Focused lang talaga ako sa pag-aaral noon at nang makapagtrabaho na, naging abala rin ako."
"Totoo ba na malaki ang Maynila?"
Ibinaba ko ang hawak na baso ng orange juice sa mesa. "Oo. At masyadong abala rin ang mga tao roon."
"Siguro kung doon ako tumira, mawawala ako!" Natawa pa siya. Kinuha niya ang baso ng kanyang juice at sumimsim habang nakatingin pa rin sa akin.
"Kalaunan naman masasanay ka rin. Lalo na kapag gumala ka. Magiging pamilyar ka na sa mga lugar."
"Madalas ka bang gumala roon?"
"Hindi naman madalas. Kapag may mga pagkakataon lang."
Tumango-tango siya. Dumapo ang tingin ko sa kanyang tiyan.
"Nagpa-check up ka na ba?"
Maagap siyang tumango sabay lapag ng baso sa center table. "Ah. Oo! Doon sa may center sa bayan."
"Kumain ka ng mga masusustansiyang pagkain tulad ng gulay. Uminom ka rin ng vitamins. Hindi ka na mag-isa ngayon at may isang buhay na riyan sa sinapupunan mo."
Ngumiti siya. "Oo nga pala at nurse ka."
Ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Sabay kaming napatanaw sa may pintuan dahil sa naririnig na boses na nagtatawag mula sa labas. Kumunot ang noo ko habang pinapakingnan upang matukoy kung sino ang nagmamay-ari nito.
Nagulat ako nang sa wakas ay makilala na ito. Si Doc Theo pala.
"Daluhan ko lang 'yong kumakatok at tumatawag sa labas," sabi ko kay Mariel at tumayo na. Iniwan ko siya sa sala at naglakad ako palapit sa nakasarang pintuan.
Pinihit ko ang doorknob upang mabuksan na ang pinto. Pagbukas ko nito ay tumambad nga sa harapan ko si Doc Theo. Bukod sa kanyang pawisang noo nakuha rin ang atensiyon ko ng kulay brown na putik na nakadikit sa suot niyang puting vneck na tshirt. Nakasuot din siya ng kulay gray shorts at branded na tsinelas.
"I have a... problem," pambungad niya sa akin.
Sa isang saglit ay nawalan ako ng kakayahang magsalita dahil nakapako pa rin ang titig at buong atensiyon ko sa dumi na nakadikit sa tshirt niya.
Ipinilig ko ang ulo at sinubukang mag-focus sa nangyayari. Tiningnan ko na siya sa mukha.
"Anong nangyari?"
"A cow just trespassed inside my house," tensiyonadong paliwanag niya.
Namilog ang bibig ko kasabay ng pagtango. Nang mapagtanto ang sinabi niya ay nabunutan ako ng tinik at naging kalmado na rin. Nagpakawala ako ng mababaw na buntonghininga.
"Akala ko naman pinasok ka ng magnanakaw."
"What?" Nanliit ang kanyang mga mata.
Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto bilang imbitasyon kung sakaling gusto niyang pumasok.
"Gusto mong pumasok o tubig na maiinom?"
Sa gulantang niyang hitsura ay mukha siyang musmos na nawawala sa kalsada.
"Nasa loob pa ng bahay ang baka," mariin niyang sinabi. Sa tono nito ay tila ba pinaiintindi pa ako.
Suminghap ako. Tinapatan ko na ang gulat na hitsura niya kanina. "Hindi mo pa pinalabas?!"
Napahilot siya sa noo. "I tried. He kicked me."
Muling lumipad ang tingin ko sa mantsang nasa tshirt niya. Kaya naman pala may bakat na hugis paa sa damit niya!
Pagod akong bumuntonghininga at nilingon si Mariel na kuryosong nakatanaw sa amin mula sa kinauupuan nito.
"Sandali lang at magpapaalam lang ako," sabi ko kay Doc Theo at pagkatapos ay tinalikuran na muna siya.
Pinuntahan ko ulit si Mariel at ipinaalam sa kanya ang nangyari. Kaagad naman siyang tumayo sapo-sapo ang kanyang malaking tiyan.
"Kung gano'n, eh aalis na rin ako!"
"Sigurado ka? Hindi naman yata ako matatagalan at babalik din agad."
Mabilis siyang umiling at nakuha pa ring ngumiti. "Okay lang talaga at baka hinahanap na rin ako sa bahay. Babalik na lang ako sa susunod na araw."
Hinayaan ko na siya sa kanyang desisyon. Sabay na kaming naglakad palapit sa pintuan at lumabas na ng bahay. Muli kong isinara ang pinto at pagkatapos ay hinarap na ulit si Doc Theo na tahimik lang na naghihintay sa labas.
Nang mapagtantong kuryosong nakatingin si Mariel sa kanya ay napagpasyahan kong ipakilala sila sa isa't-isa.
"Uh... Si Doc Theo nga pa, Mariel. Doc, si Mariel. Kaklase ko noon."
Malapad na ngumiti si Mariel at tipid naman na tumango si Doc Theo. Halatang okupado pa rin ang isipan.
"May traysikel ka ba na masasakyan?" baling ko kay Mariel na manghang nakatingala pa rin kay Doc Theo.
Tumikhim ako dahil hindi yata nakikinig ang kaklase ko noon. "Yel?"
Napakurap siya sabay mahinang natawa. Sa huli ay tiningnan na niya ako.
"Ay, oo! Nag-text na naman ako kay Papa. Papunta na 'yon dito para sunduin ako. "
Sa kanyang sinabi ay insakto namang narinig namin ang maingay na makina ng traysikel sa kalsada. Pareho kaming tatlo na napatanaw dito. Hindi na kami nagtagal pa at nagsimula na kaming maglakad patungo sa may kalsada.
Dahil hindi naman kami kasya sa maliit at lumang traysikel ng ama ni Mariel ay naglakad na lang kami ni Doc Theo matapos umandar paalis ng traysikel. Malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan niya. At siguro naman wala pang nasira na mga gamit sa loob ng bahay ang hayop. O baka nga nakalabas na ito.
Medyo binilisan naming dalawa ang paglalakad.
"Hindi ka nagsasara ng pinto?" tanong ko habang naglalakad kami.
Problemado siyang umiling. "Hindi. Binuksan ko kasi para makapasok ang preskong hangin."
"Sa susunod huwag kang masyadong makampante."
"Does this usually happen in this place? Animals coming inside people's houses?"
Ngumuso ako at tumango. "Hindi kasi itinatali ng mga tao rito ang mga hayop nila dahil iyon na ang nakasanayan. Kaya minsan hindi maiiwasan na pumapasok sa bahay. Ang ending, ang mga taga rito na ang nag-a-adjust at isinasarado talaga ang mga pintuan."
"Wow. That's... that's..."
"So unlike Manila, huh?" dugtong ko sa mapaglarong boses.
Malalim siyang bumuntonghinga. May multo ng ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin pa rin ng deretso sa kalsada.
"Can't blame you. City boy ka kasi," pagpapatuloy ko.
I heard him chuckle. Napangiti na rin ako sa sitwasyon.
Nang makarating na sa bakuran ng bahay na tinutuluyan ni Theo ay nakita kong sarado ang pinto nito. Bahagya akong napahinto sa paglalakad sa para balingan siya.
"Isinara mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nagtagpo na rin ang kanyang kilay at nabasa ko ang kaguluhan sa kanyang ekspresyon.
"Yeah. Baka kasi... may magnanakaw?"
Literal kong natampal ang sariling noo.
"Why? What did I do wrong?"
Kinagat ko ang ibabang labi upang mapigilan ang paglabas ng tawa dahil sa nakakatawang desisyon na ginawa niya.
"Paano makakalabas iyong baka niyan kung hindi mo iniwang nakabukas ang pinto kanina noong pumunta ka sa amin?" sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang makahinto sa tapat ng pinto.
"Shit," malutong na pagmura niya sa gilid. "Tama ka nga. Ang bobo ko sa probinsiya."
Humagikgik ako at hinawakan na ang doorknob. "Ayos lang 'yan. Isekreto na lang natin 'to para walang ibang makaalam at hindi ka na mapahiya." Matapos mabuksan ang pinto ay tiningnan ko ulit siya. Namatay ang tawa ko at tumigas ang ngising nakaplaster sa mga labi ko nang makitang tahimik siyang nakatitig sa akin.
"B-Bakit?" Bumalik na naman ang hindi normal na tibok ng puso ko.
Wala sa sarili siyang nailing. Unti-unting sumilay ang banayad na ngiti sa labi niya.
"Ngayon lang 'ata kita narinig na tumawa. You're always serious at work."
Inayos ko ang ekspresyon sa mukha dahil naging conscious na sa puna niya at sa sitwasyon. Hindi ko gusto ang ipinaparamdam niya sa akin. Ayaw kong kabahan sa tuwing kausap siya.
"Mas bagay sa'yo ang... laging masaya," dagdag niya sa nag-aalinlangang tono ng boses. Tila ba nag-aalala na ma-offend na naman ako. Bakit ba ang sobrang considerate niya sa feelings ng iba?
Hinarap ko nang deretso ang pinto upang maiwasan siya. "Pasok na tayo at baka kung ano na 'yong nagawa ng baka," sabi ko para maiba ang usapan at naglakad na papasok ng bahay. Sumunod naman siya sa likod.
Nagbago kaagad ang dahilan ng kaba ko nang makitang wala ang baka sa sala. Medyo humupa naman ito ng bahagya nang makitang wala namang gamit ang nasira dahil wala rin namang masyadong mga muwebles sa loob nito.
"I swear I just left him here," agap ni Theo. Nakatayo na siya sa gilid ko.
Mabilis akong napamura nang nagkaroon na ng hinala kung saan ito nagpunta.
"Saan banda 'yong cr dito?" tanong ko.
"Nasa gilid lang ng kitchen."
Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil alam ko na naman kung nasaan ang kitchen niya at hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng bahay. Nakasunod ulit si Doc Theo sa likod ko.
Tama nga ang kutob ko pagkakitang nakabukas ang kulay puting pinto ng cr. Lalong-lalo na nang makita ang puwet ng puting baka sa bukana nito. Nang mas nilapitan namin ito ni Theo ay pareho naming nakita ang kasalukuyang pagsubsob ng ulo nito sa isang malaking balde ng tubig. Uhaw na uhaw ang baka at abalang-abala na sa kaiinom ng tubig. Ni hindi na nga kami pinansin pa ni Theo.
"Somebody's thirsty," tahimik na komento ni Doc Theo.
Hinintay na muna naming matapos ang baka sa pag-inom. Kawawa rin naman kasi ito. Nag-offer ng upuan sa akin si Theo na kinuha niya sa ilalim ng dining table. Tinanggap ko ito at naupo. Nanatili naman siyang nakatayo lang sa likod ko. Pareho naming pinagmamasdan ang baka na walang pake sa amin dahil nakapokus lang sa ginagawa nito.
"Ang init kasi ng panahon at baka pakiramdam niya mas convenient ang maghanap ng tubig na maiinom dito sa loob ng bahay," paliwanag ko sa city boy na kasama.
"The owners just let them roam around? Paano kung manakaw ang hayop?"
"Wala naman kasing magtatangkang gawin 'yan. Mababait ang mga tao rito." Natahimik ako matapos iyong sabihin. Naalala ko ang pangungutya ng mga kaklase sa akin noon.
"If I were a bad guy, I'd probably have him as a steak for dinner."
Mahina akong natawa at nilingon siya. "Ang payat niyan. Hindi 'yan puwedeng steak."
Ngumisi siya at kalmanteng nagkibit lang ng kanyang balikat. Lihim akong napangiti nang ibinalik na ang tingin sa baka. I have never imagined that I could have a very comfortable conversation with him. Lalong-lalo na sa ganitong pangyayari. Lalong-lalo na sa lugar kung nasaan kami.
"Tapos na yata siya."
Napukaw ako mula sa malalim na iniisip dahil sa anunsiyo ni Doc Theo. Tumayo na ako at nilapitan na ang baka na palabas na rin ng cr. Bahagya itong sumulyap sa amin ni Theo bago nagsimulang maglakad. Dere-deretso ang ginawa nitong pag-iwan sa amin kaya nagkatinginan kami ni Theo. Mahina siyang natawa at ngumisi naman ako.
Ang uminom lang talaga yata ang balak ng baka kaya ito pumasok ng bahay ni Mang Teban. Hindi na nga sapilitan ang ginawa naming pagpapalabas dito dahil kusa lang itong lumabas ng bahay.
"Baka maamo lang 'yon dahil nakita ka niya," buntonghininga ni Theo habang pareho naming tinatanaw mula sa pintuan ang tuloy-tuloy na paglalakad ng baka sa bakuran.
"Hindi ko nga alam kung kaninong baka 'yon," apila ko.
Inignora niya ang sinabi ko at mariin pa ring tinatanaw ang papalayong baka.
"He probably likes pretty women. I can't blame him."
Nasamid ako sa sariling laway. Parang wala lang naman yata sa kanya ang naging pahayag niya dahil hindi siya natinag sa pag-ubo ko.
Umayos na ako ng tayo at hinarap siya. "Aalis na ako. Huwag mong kalimutan na isarado ang pinto mo at baka sa susunod ay hindi baka ang pumasok kundi baboy ramo na."
Umangat ang sulok ng labi niya. Namangha ulit ako sa guwapo niyang mukha. "Alright. Thanks for helping me out. I guess I'll see you tomorrow."
Natigilan ako dahil sa pagtataka sa huling sinabi niya.
"P-Pupunta ka ulit sa bahay bukas?"
"Inimbitahan ako ng pinsan mo na mangisda sa ilog bukas. Ang sabi niya sasama ka raw... Hindi ba?"
Ano na naman kaya ang balak ni Kuya Baldo at idinadamay pa ako?
"Hindi niya nabanggit sa'kin," sabi ko na lang.
"Ah," tango niya. Ngumiti siya nang kaonti. "I guess... I'll just see you around then."
Medyo nagtagal pa ang tingin ko sa kanya. Nang mapagtantong kailangan ko na pa lang umalis ay tinanguan ko siya. Unti-unti na akong tumalikod at humakbang paalis.
"Hatid na kita hanggang kalsada," bigla niyang alok.
"Hindi na at kaya ko na," tanggi ko kaagad sabay hinto sa paglalakad para lingunin siya.
"Ganito naman sa probinsiya, 'di ba? Hinahatid ang bisita hanggang sa kalsada..."
Nawalan ako ng idadahilan dahil sa paggamit niya sa rason na ibinigay ko noon sa kanya. Mismong ako pa yata ang nasupalpal sa pangangatuwiran ko. Kaya naman ay pumayag na ako at hinayaan siyang sumunod sa akin hanggang sa makarating ako sa kalsada.
Maski nasa kalsada na ay nanatili pa rin siyang nakatayo habang nakatanaw sa akin na naglalakad na papalayo sa kanya. I guess he's making sure that I go home safely. Ang ayos naman talaga ng pagpapalaki sa kanya nina Doc Arthur at Madame Aurelia. Aside from being handsome, thoughtful, and very considerate, Doc Theo is also such a gentleman. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ang daming may gusto sa kanya sa Pillars.
Kinahapunan ay pumunta ako sa palengke para tumulong kay Tiya sa pagtitinda. Pilit niya pa akong itinataboy pauwi dahil wala naman daw masyadong taong namimili at hindi abala. Nanindigan naman ako na mababagot lang kung sa bahay mananatili buong araw.
Nang napadaan si Kuya Baldo sa palengke galing sa pag-deliver ng mga niyog ay tinanong ko na siya sa usapan nila ni Doc Theo.
"Ah oo! Nabanggit ko kasi sa kanya nang nagkita kami kaninang umaga nang mapadaan ako sa bahay ni Mang Teban habang nag-di-deliver ng mga niyog."
"Pero bakit mo sinabi na sasama ako?"
Iniabot niya kay Tiya ang supot na naglalaman ng isda na binili niya mula sa vendor na nasa katapat na puwesto lang namin.
"Huwag na at ulamin na lang ninyo iyan ni Meryl," pag-angal ni Tiya sabay tulak sa supot pabalik kay Kuya Baldo.
"Nakabili na po ako ng isda kanina. Para sa inyo 'yan ni Clau," giit niya kay Tiya. Muli siyang bumaling ng tingin sa akin. "Sumama ka na. Isasama ko rin kasi si Meryl. Gusto niyang maligo ro'n sa talon."
Naningkit ang mga mata ko. "Akala ko ba mangingisda ka?"
"Mangingisda nga kami ni Dok. Sumama ka na para masamahan mo si Meryl sa pagligo."
Pagod akong bumuntonghininga. "Sige na nga."
"Sige. Daanan ka namin bukas ng umaga."
Inihatid kami ni Kuya Baldo sakay ng kanyang traysikel pauwi ng bahay. Umuwi rin siya kaagad sa tinitirhan nila dahil naghihintay na si Ate Meryl sa kanya.
Ako na ang naglinis at nagluto ng isda. Si Tiya naman ang nagsaing. Pinagsaluhan naming dalawa ang hapunan nang mag alas sais na ng gabi.
Kinaumagahan habang naghihintay sa pagsundo ni Kuya Baldo ay binisita ko ang kuwarto sa gilid ng bahay kung saan ko isinasagawa ang panghuhula noon. Napansin ko na pinalitan na ito ni Tiya ng pader at nakabukas na rin ang maliit na bintana. May liwanag ng nakakapasok sa loob kaya maaliwalas na tingnan.
Naging storage room na rin ito dahil sa nakikita kong mga lumang gamit na nakatambak sa gilid. Wala ng bakas na noon ay malaking bakante ng espasyo para sa customer na huhulaan ko.
Lumabas din ako kaagad matapos marinig ang maingay na tunog ng traysikel ni Kuya Baldo. Tingin ko ay handa na akong maligo sa suot na manipis na simpleng white tshirt at maikling blue stripe board shorts. Nakatsinelas lang din ako.
Mabilis akong naglakad papuntang kalsada nang iparada niya ito. Binati ko si Ate Meryl na nakaupo sa harapan. Umusog siya ng kaonti at ginawaran ako ng ngiti.
"Tabi tayo, Clau."
Ngumiti ako at pumasok na sa loob. Naupo ako sa tabi niya.
"Daanan pa natin si Dok," anunsiyo ni Kuya.
Napalingon ako sa kanya. "Kasya ba siya riyan kung aangkas siya sa likuran mo, eh ang tangkad no'n."
Muli na niyang pinaandar ang sasakyan. "Puwede naman siyang yumuko at saka malapit lang naman ang ilog na pupuntahan natin."
"Maganda roon, Clau," sabad naman ni Ate Meryl na nakangiting nakatigin sa akin. "Mainit ang tubig galing sa talon pero malamig ang nasa ilog. Maraming dumadayo maski taga ibang bayan."
"Bago lang ba 'yon, Ate? Hindi ko matandaan na may bagong talon dito sa San Pablo."
"Oo, bago lang. May malaking baha kasi noong nakaraang taon kaya nabuo ang talon."
Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan ngunit hindi rin naman nagtagal dahil malapit lang ang bahay ni Mang Teban kaya kaagad kaming nakarating. Ipinarada ni Kuya ang traysikel sa tapat ng bahay. Hindi na namin kinailangan pang hintayin si Doc Theo nang matagal dahil insakto naman ang ginawa niyang paglabas mula sa pinto. Tinanaw niya kami at kaagad na naglakad patungo sa amin.
Isa na namang kulay puting tshirt ang suot niya at kulay dark blue na shorts. Mas lalo siyang naging neat at presko tingnan sa umaga. Nagbaba ako ng tingin sa sariling suot nang may napansin.
"Terno kayo ni Doc, Clau ah!" panimulang hirit ni Kuya. Balak na naman yatang mang-alaska.
"Baka naman mahilig lang talaga sa mapuputing tshirt ang mga nagtatrabaho sa ospital, Baldo," si Ate Meryl ang dumepensa para sa akin.
Hindi na nasundan pa ang pang-aasar ni Kuya dahil nakalapit na sa amin si Doc Theo. Nagnakaw ako ng tingin sa kanya. Simple man ang suot na damit ay nagsusumigaw naman ito ng mamahaling brand na may check na marka. Pati na rin ang suot niyang kulay itim na Gucci flip flop.
Hinagod ko paakyat ang tingin sa kanyang katawan. Nahuli niya ang tingin ko kaya napatuwid ako ng upo at nagpanggap na hindi siya pinapasadahan ng tingin kanina lang.
"Good morning," bati niya sa baritonong boses. May multo ng ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa akin.
Hindi pa ako nakakabati pabalik ay inilipat niya na ang tingin kay Ate Meryl.
"Morning, Doc," si Ate na ang bumati pabalik.
"Okay lang ba sa'yo, Doc na sa likod ka na umangkas? Ang tangkad mo pa naman at tiyak mauuntog ka na sa bubong nitong traysikel ko," sabad ni Kuya Baldo.
"Oo naman. Puwede naman akong yumuko. Walang problema."
Matapos makaangkas ni Theo ay muli ng pinaandar ni Kuya ang kanyang traysikel.
"Nagluto pala ako ng kamote at saka saging, Clau," pagkukuwento ni Ate Meryl habang bumibiyahe kami.
"Masarap 'yan, Ate."
Matamis ang ngiti niya. "Oo para na rin may baon tayo at doon na mananghalian. Inilagay namin sa likod ng traysikel katabi ng lambat ni Baldo." Inilapit niya ang mukha sa akin. "Nagdala rin kami ng kanin kung sakaling alam mo na... hindi kumakain ng nilagang kamote at saging iyang doktor."
Ngumiti lang ako at hindi na nagbigay pa ng komento.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top