Chapter 6

Chapter 6

Vacation

Sa mangha at gulat niyang reaksiyon ay napagtanto ko ring hindi niya inasahan ang pagkakita sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagkasabay pa kami sa pagsabi ng parehong tanong.

Bumuka-sara ang bibig ko at hindi pa rin makabawi sa gulat. Kaswal lang ang kanyang suot na isang manipis na vneck shirt at faded jeans. He is also wearing a casual gray loafers.

"T-Taga rito po ako," sagot ko na namamangha pa rin.

"Oh. I didn't know that." Nahalata ko nga sa hitsura niya. Lumagpas ang kanyang naniningkit na tingin sa likuran ko.

"I'm with my... cousin po," sabi ko sabay tanaw na rin sa tinitingnan niya. "How about you, Doc? Bakit ka nandito?"

"I'm on vacation."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Vacation? Sa lugar na ito? And then it hit me, tapos na yata ang kasal ni Winona. Is he perhaps... trying to escape because of being heartbroken?

Imbes na usisain siya sa totoong rason ng pagpunta niya sa San Pablo ay ipinaalam ko na lang ang pakay ko.

"Nasaan na iyong may-ari nitong bahay?"

"Nasa Manila." Napasulyap siya sa loob ng bahay bago muling tumingin sa akin. "I'm temporarily renting this house. Gusto mong pumasok?" Mayroong pag-aalangan sa kanyang imbitasyon.

Tumango ako bilang respeto at pagpapaunlak na rin sa imbitasyon niya. Siyempre manghihiram din ako sa kanya ng mga bagay na iniutos ni Kuya Baldo sa akin.

Tinanggal ko ang suot na tsinelas at inilagay sa may gilid ng pintuan. Pumasok na ako sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng bahay nina Mang Teban na sa pagkakaalala ko noon ay isang kubo lang. Wala akong masyadong nakikitang mga gamit sa sala bukod sa sofa. Ni wala nga ring TV. Hindi maliit ang bahay ngunit hindi rin naman masyadong malaki. Sa hitsura nito ay tila ba pasadyang kinuhanan na ng mga gamit upang ibenta.

"Gusto mo ba ng maiinom?"

Dahil sa tanong ni Doc Theo ay naalala ko na ang sadya kaya tumigil na ako sa paggala ng tingin at bumaling sa kanya na nakapamulsa sa likuran ko.

"Hihiram sana ako ng itak... at baso."

Ilang segundong nagtagpo ang kanyang kilay na para bang napakahirap na palaisipan ang mga binanggit kong gamit. Kalaunan ay nakabawi naman siya.

"May baso pero hindi ko alam sa itak..." Itinuro niya ang pinto na marahil ay patungo sa kusina. "We can check..."

Sumang-ayon ako at sumunod na sa kanya patungo rito. Nawe-weird-uhan pa rin ako na narito siya sa probinsiya ko. Sa lahat ba naman ng pupuwedeng pagbakasyunan, dito talaga?

Maliit lang din ang kusina na may isang round table. May isang ref din dito. Napatingin ako sa banda niya nang mag-squat siya at binuksan ang cabinet sa ibaba.  Siguro ay naghahanap na sa itak. Nagsimula na rin akong tumulong upang mapadali ang paghahanap. Binuksan ko naman ang kabilang cabinet.

Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Ang tanging tunog lang ng mga iginagalaw naming gamit ang namayani. Hindi ko rin magawang magtanong sa kanya kung bakit talaga siya narito at kung kailan siya magtatagal dito dahil hindi naman ako ganoong klase ng tao. Hindi ako nakikiusyoso sa buhay ng iba.

"I think I found it," bigla niyang nasambit sa kalagitnaan ng paghahanap.

Dumalo ako sa kanya at nakita nga ang paghahawak niya ng maliit na itak na matulis ang dulo. Naniningkit ang mga mata niya habang tinititigan ito.

"Bolo knife. Puwede na ba 'to?" sabay tayo at baling niya sa akin.

"Ah oo! Sige. Salamat!" Tinanggap ko ito pagkaabot niya.

Binuksan niya na rin ang cabinet na nasa taas at kumuha siya ng mga baso rito.

"How many glasses do you need?"

"Tatlo lang," tugon ko.

Kumuha siya ng tatlo at inilapag sa mesa. Kinuha ko ang isa at natigilan ako nang makitang okupado na ang dalawang kamay ko dahil sa hawak na bolo knife sa isang kamay.

"I'll bring the other two," pagpepresenta niya. "Sa labas, 'di ba?"

"Uh... Oo." Nauna na akong naglakad palabas ng kusina at papuntang sala. Naiwan namang nakabukas ang front door kaya dere-deretso ang ginawa naming paglabas ng bahay.

Napatanaw na sa amin si Kuya Baldo at ang bumili ng mga kahoy. Lumipat sila ng lokasyon at ngayon ay nasa lilim na ng puno na may dalawang magkatapat na parihabang upuan na gawa sa tabla. May isang mesa rin sa gitna nito. Kumunot ang noo niya habang mariin na nakatitig sa likod ko. Nagtataka siguro kung bakit may estrangherong lalaki na nakasunod sa akin.

Nang makahinto na sa harap nila ay iniabot ko na kay Kuya Baldo ang bolo knife. Nakatingin pa rin siya sa likod ko kahit na kinuha na niya ang bolo knife na ibingay ko.

"May nagrerenta na po pala sa bahay ni Mang Teban," saad ko sabay lapag ng hawak na baso sa mesa.

Sumunod naman si Doc Theo sa paglapag ng hawak niyang dalawang baso sa mesa.

Bumaling siya kay Kuya Baldo na ni head to foot pa siya ng tingin at naglahad ng kamay.

"I'm Doctor Mattheo Hemendez, Abby's colleague," pormal na pagpapakilala niya sa pinsan ko.

Medyo nabigla ako sa deretsahan niyang pagpapaalam sa pagiging magkatrabaho namin. May kaguluhan naman sa hitsura ni Kuya Baldo habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Doc Theo.

"Ano raw sabi niya, Clau?"

"Katrabaho ko siya sa Maynila, Kuya. Doktor siya," paliwanag ko.

Napalitan ng mangha ang hitsura ni Kuya Baldo at kaagad na tinanggap ang kamay na inilahad ni Doc Theo. He shook it eagerly and grinned.

"Magandang hapon po, Ser— este Doc!"

Napatingin ako sa dalawang kamay nila. Nakita ko ang laki ng agwat ng kanilang balat. Kay Kuya Baldo na sobrang kayumanggi na halos masunog na dahil sa pagbubukid samantalang, maputi at mamula-mula naman ang kay Doc Theo, napaghahalataang mayaman.

"Inom po tayo ng buko juice, Doc," alok ni Kuya Baldo matapos makipagkamayan.

Awtomatikong napabaling sa akin ng tingin si Doc Theo. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at tipid na ngumiti.

Gamit ang bolo knife ay binutasan na ni Kuya Baldo ang gilid ng mga buko. Ako naman ang nagsasalin ng mga juice nito sa loob ng baso. Habang ginagawa ito ay napagtanto kong tatlong baso lang pala ang hiniram ko. Nga naman, pupuwede namang deretsuhin lang ang pag-inom ng juice sa mismong buko.

Bale sampong buko ang binutasan ni Kuya Baldo. Nang makitang puno na ang lahat ng baso ay naupo na ako sa pinakadulo ng upuan na yari sa tabla. Naupo na rin si Kuya Baldo sa tabi ko. Sa tapat naman namin nakaupo sina Mang Arnulfo at Doc Theo.

Kumuha ako ng isang buong buko dahil nauuhaw na. Walang pagdadalawang isip kong iniharap sa bibig ang maliit na butas sa gilid nito at idinampi na upang inumin ang sabaw. Sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang pagmamasid ni Doc Theo sa ginagawa ko.

"May baso naman, Clau na puwede mong gamitin," saway sa akin ni Kuya Baldo na nahihiya pang napasulyap kay Doc Theo.

Tuloy tuloy na paglagok na muna ang ginawa ko bago tumigil. Uhaw na uhaw ako at ngayon lang ulit ako nakainom ng fresh buko juice. Nang mapauwi ang uhaw ay ibinaba ko na ang buko at inilapag sa mesa. Pinunasan ko ang bibig gamit ang likod ng kamay.

Kinuha ni Kuya Baldo ang isang baso na puno ng buko juice at inilahad kay Doc Theo. Tingin ko, dahil sa nalaman niyang katrabaho ko ang doktor, mas extra ang pagmamagandang loob niya rito.

Sa halip na tanggapin ang basong inilahad ni Kuya Baldo sa kanya ay nasa akin ang atensiyon ni Doc Theo.

"Mas masarap ba 'pag sa mismong buko uminom?"

Wala sa sarili kong ipinalandas ang dila sa ibabang labi na para bang malalasahan pa ang juice dito.

"Medyo naman." Teka. Is this his first time? Nga naman, buhay mayaman.

He smiled at me. Kumuha na rin siya ng isang buong buko at uminom mismo rito. Sa kanyang hitsura na nakatingala habang sinisipsip ang laman ng buko ay mas nadepina ang kanyang mahabang leeg. Napatitig na rin ako sa adam's apple niya na nagiging depina dahil sa sunud-sunod na mabibigat na paglagok. Sa ilang buwan kong hindi siya nakikita ay napuna kong parang mas lumapad lang yata ang kanyang dibdib.

Nauhaw ako bigla nang dumapo ang tingin ko sa dalawang braso niyang may hawak ng buko. Klaro ko kasi ang pag-usli ng mga ugat niya rito. Ibinagsak ko ang tingin sa pinangangalahatian ko na yatang buko juice. Uminom ulit ako mula rito.

Sandali silang nagkausap na dalawa ni Kuya tungkol kay Mang Teban. Minsan ay sumasali naman si Mang Arnulfo sa usapan. Nakikisali lang ako sa usapan nila kapag tinatanong. Base sa narinig ko, ikalawang araw pa lang ng pamamalagi ni Doc Theo sa bahay ni Mang Teban. May common friend sila ng anak nito sa Maynila at napag-alaman niyang lumuwas ang matanda upang magbakasyon sa anak doon kaya maiiwan na bakante ang bahay. May plano rin yata ang matanda na ibenta na ito.

Nang malaman ito ni Doc Theo mula sa kaibigan, siya na ang nag-alok na pansamantala munang mangungupahan. Biglaan din kasi ang pagpapasya niya na... magbakasyon na muna.

Bago magpaalam sa kanya dahil hindi rin naman kami magtatagal ay sumunod ako sa pagpasok sa bahay para isoli ang mga gamit na hiniram. Bitbit ko ang dalawang baso habang nakasunod sa kanya sa likod.

"Bakit ka nga pala nag-resign sa Pillars?" bigla niyang naitanong matapos kong mailagay ang mga baso sa lababo. Nag-offer ako kaninang ako na ang maghuhugas nito ngunit kaagad niya naman akong pinigilan.

Naalala ko ulit ang lahat ng nangyari sa Maynila. Ang mga magulang niya. Sa kahihiyan na rin ay nag-iwas ako ng tingin.

"Was there an offer for a much better job opportunity? O rito ka na ba magna-nurse?" tanong niya sabay tanaw sa malaking bintana ng kusina kung saan mas marami pang punongkahoy kaysa kabahayan ang makikita sa labas.

"Nag-shift na po ako ng career," sagot ko sa magaang na boses.

Naningkit ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.

"I work in a small market now. Nagtitinda ng mga gulay..." dugtong ko. Hindi malaman kung bakit pa nagpapaliwanag sa kanya.

"Oh. Cool," nasabi niya na lang.

Hinatid niya pa ako palabas ng bahay. Dumeretso ako sa kanina ay inupuan namin upang kunin ang payong. Wala na sina Kuya Baldo at Mang Arnulfo. Nauna nang umalis dahil may pipirmahan pa sa barangay.

Tinanaw ko si Doc Theo na nakasandal lang sa hamba ng pintuan habang nakatanaw naman sa akin. Itinuro ko ang kalsada.

"Mauna na ako!" paalam ko.

"Maglalakad ka lang?"

Tumango ko at awkward na napangiti. Naninibago sa sitwasyon naming dalawa.

"Diyan lang naman ang bahay namin? Iyong nag-iisang dalawang palapag na bahay pagkatapos ng niyugan!"

Tumango siya na para bang nakuha niya ang sinasabi ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad na patungo sa kalsada. Hindi na mainit kaya hindi ko na binuksan pa ang dalang payong.

Tinulungan ko si Tiya sa paghahanda ng hapunan namin. Ibinalita niya rin sa akin na bibisita sina Kuya Baldo at ang buntis na asawa nito. Sa bahay na rin sila maghahapunan.

Pinagsaluhan namin ang pritong isda at sinabawang karne ng baka. Nakaupo si Tiya sa kabisera samantalang nasa gawing kanan niya naman ako. Sa tapat ko naman nakaupo sina Kuya Baldo at Ate Meryl.

Maganda si Ate Meryl. Napag-alaman ko na dalawang taon ang tanda niya kay Kuya Baldo. Kayumanggi ang kanyang balat at makapal at sobrang itim din ng kanyang mahabang buhok. Pinoy na pinoy ang hitsura.

"Ilang buwan na?" tanong ko sa sabay sulyap sa kanyang tiyan.

Ngumiti siya at awtomatikong hinaplos ito. "Anim na. Excited na nga si Baldo, eh."

Napatingin ako sa pinsan ko na abala sa pagkukuwento kay Tiya sa naging pagkikita namin ng bumili ng Mahogany.

"May nangungupahan pala kina, Teban." Dinig kong sinabi ni Kuya kay Tiya. Napatingin siya sa akin. "Kaibigan nitong si Claudine. Taga Maynila at doktor sa pinagtatrababhuhan niya."

Mabilis na napabaling si Tiya sa akin. "Ganoon ba? Aba'y imbitahin mo bukas dito sa bahay Clau at nang personal naming mapasalamatan."

"Hindi naman po kami close noon at bakit niyo pa iimbitahan para pasalamatan?"

"Mukha nga pong pamilyar iyong hitsura, Tiya. Parang... Parang nakita ko na dati. May kamukha..." Naningkit ang mga mata ni Kuya Baldo na nakatingin sa kawalan. Napapaisip.

"Anak po 'yon ni Doc Arthur," saad ko. Hindi na itatago ang parteng ito.

Pinitik ni Kuya Baldo ang daliri sa ere. "Iyon! Kaya pala pamilyar. Mayaman din ang hitsura."

"Aba kung ganoon, mas lalong dapat na imbitahan dito, Clau para mapasalamatan!" singhap ni Tiya.

"Oo nga, Clau," segundo naman ni Kuya. "Papabili tayo ng beer. Halatang maraming pera—"

"Kuya..." matalim kong saway.

Mahina siyang natawa. "Biro lang, ito naman."

"Huwag na po, Tiya," giit ko. Wala akong balak na magkaroon pa ng koneksiyon kay Doc Theo. At sa pagpunta nito sa lugar namin, halatang gusto nitong mapag-isa at ng katahimikan.

"Ano ka ba at kay lapit lang ng tinitirhan niya. Imbitahan mo rito bukas para mananghalian. Iihawin ko iyong inahin natin at magluluto ako ng tinolang manok," pinal na utos ni Tiya at pagkatapos ay nauwi na sa usapang manok ang kuwentuhan.

Sa walang tigil na pangungulit ni Tiya sa akin hanggang kinabukasan ng umaga ay nakita ko na lang ang sarili kong nasa tapat ng pinto ng bahay ni Mang Teban. Mag-iisang oras na yata akong nakatayo sa harap nito dahil nagdadalawang isip pa rin kung kakatok.

Naisip kong paano kaya kung umuwi na lang ako ng bahay at sabihin na lang kay Tiya na tumanggi ito? Tama! Iyon na lang ang gagawin ko. Ngunit upang hindi masyadong maging guilty, kumatok ako ng isang beses sa pinto para naman masabing may ginawa rin ako.

Bahagya akong ngumisi sa magandang ideya at tumalikod na upang maharap ang kalsada. Ngunit hindi pa ako nakakaapak ay narinig ko ang biglaang pagbubukas ng pinto. Nanindig ang balahibo ko sa batok.

"Abigail?"

Napapikit ako nang mariin at halos magdugo na ang ibabang labi dahil sa pagkagat nito. Inayos ko ang ekspresyon sa mukha at sana lang hindi nito makita ang pamumula ko. Unti-unti ko siyang nilingon at nagplaster ako ng palakaibigang ngiti maski hindi naman ako sanay sa ganitong ekspresyon kahit na noong nasa Maynila pa.

Tumigas ang ngiti ko nang mahagip ng tingin ang kurting v sa ibabang bahagi ng kanyang katawan dahil kasalukuyan pa lang siyang mabilisang nagbubutones ng kanyang white button down colar shirt at tanging sa itaas na bahagi pa naiayos ang butones! Kaagad kong iniangat ang tingin sa kanyang hitsura.

"Sorry. I just got out from the shower."

Saka ko pa lang pinansin ang basa niyang buhok dahil sa kanyang sinabi. Ang fresh niyang tingnan. Hindi lang dahil sa suot niyang isa na namang kulay puting shirt at faded jeans. Maputi rin kasi siya at.... guwapo ika nga nina Kim at Jane at ng iba ko pang mga kasamahan noon sa Pillars.

"Nag-lunch ka na ba, Doc?" sabi ko. Bumilib pa sa sarili dahil sa naging kaswal na tono.

Marahan siyang umiling. Ewan ko ba at bigla na lamang bumaba ang tingin ko sa kanyang mga paa. He was barefoot and seeing his naked feet suddenly made me... blushed.

"Gusto ka kasing imbitahan ng Tiya ko na sa bahay na namin mananghalian," sabi ko na nakatingin pa rin sa kanyang mga paa. "Naikuwento kasi sa kanya ni Kuya Baldo na nakasama kita sa trabaho sa Maynila."

"Are you talking to my feet?"

Maagap akong nag-angat ng tingin dahil sa nahihimigang tawa sa tono ng kanyang boses. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang pagkurba ng gilid ng kanyang labi.

Kumurap ako at umayos na. He chuckled lightly.

"Sige ba. Pauunlakan ko ang imbitasyon mo."

"Ng Tiya Magda ko," mabilis na pagtatama ko.

Mahina siyang natawa. "Ng Tiya mo kung ganoon."

Hindi ko maipaliwanag pero may biglang umusbong na iristasyon sa akin. Napansin niya yata iyon dahil bumalik sa pagiging seryoso ang awra niya. Nilinga niya ang loob ng bahay bago muling tumingin sa akin. Sumulyap din siya sa hawak kong nakatiklop na payong.

"Do you want something to drink? Naglakad ka pa naman papunta rito at baka nauuhaw ka."

"Hindi na. Sanay kaming mga taga probinsiya na maglakad lang lalo na kung malapit lang naman ang pupuntahan." Tumalikod na ako dahil inaasahan na naman ang pagsunod niya.

I heard a silent but deep chuckle coming from him again. Ang tunog naman ng isinarang pinto ang narinig ko kalaunan.

"Ah gano'n ba. Tulad ng panghihiram ng mga gamit sa kapitbahay," aniya sa mapaglarong tono ng boses.

Malalaki nga yata ang mga hakbang niya dahil mabilis siyang nakalebel sa akin ng paglalakad. Binuksan ko na ang payong nang makatuntong na kami sa kalsada. Sa liit nito ay isang tao lang ang kasya at hindi naman siya nakipayong. Isa pa, hindi rin naman tirik ang araw.

"People call you Clau here? Not Abby?" kuryosong tanong niya habang naglalakad at komportableng nakapamulsa. It seems like he is in a good mood today. At marahil napansin niya ang pagtawag ng ilang beses ni Kuya Baldo ng Clau sa akin kahapon.

"Oo."

"It's Abigail Claudine, right?"

Napataas ako ng kulay sa sarili. Siguro nga alam niya dahil sa signature ko sa charts.  "Yeah."

"Which one do you like better? Abby or is it Clau?"

Habang naglalakad ay napatanaw ako sa nadadaanan naming mga puno. May mga hayop pa gaya ng kalabaw at mga kambing.  I sighed. Nasa probinsiya na nga ako.

"Clau, I guess."

"I see."

Tiningnan ko siya at nakitang nakatingala na siya. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang malaking ibon na nasa himpapawid.

"It's nice here," malamyos na bulong niya.

"Is this your first time here? I mean, to be in a place like this?"

Nagbaba na siya ng tingin sa akin. "Nakakapagbakasyon naman ako sa rest house namin sa province. Pero hindi ganito ka... liblib."

I grinned. "Liblib gaya ng mas marami pa ang puno kaysa kabahayan?"

"Something like that." Ngumisi na rin siya. He is very good looking. Not in a bad boy kind of way but in a kind and gentle man. Bakit kaya hindi siya ang pinili ni Winona?

Itinuon ko na ang tingin nang matanaw na ang bahay namin. Itinuro ko ito sa kanya.

" 'Yan ang bahay namin."

"Looks cozy," komento niya. Ano kaya ang iniisip niya gayong alam kong mayaman sila?

Mas binilisan ko ang paglalakad nang makita si Tiya na may mariing tinititigan sa aming bakuran. Wala naman kaming bakod kaya dere-deretso ang paglapit ko. Bago ko pa siya mabati ay nilingon niya na kami.

"Magandang umaga po," magalang na pagbati ni Doc Theo na nasa likod ko.

"M-Magandang umaga rin, h-hijo," bati niya pabalik na nakangiti ngunit batid ko ang pagiging balisa ng kanyang mga mata.

"May problema po ba, Tiya?"

Malalim siyang napabuntonghininga at nag-angat ng kamay. May itinuro siya at nang makita kung ano ito ay umawang ang labi ko. Ang manok na inahin ay pagala gala na ngayon sa bakuran namin!

"Hindi niyo pa nadakip, Tiya? Paano na ang pananghailan natin?" singhap ko.

"Nakatakas! Sobrang ilap pa naman dahil ilang araw ko ng hindi naikulong."

Kung ganoon... Ano ang ipapakain namin kay Doc Theo?

Sa pagkabahala ko na rin ay awtomatiko akong napalingon kay Doc Theo sa likod. Nagtaka ako nang makitang kasalukuyan niyang itinutupi hanggang bandang siko ang sleeves ng kanyang suot.

Matapos ang ginagawa ay nag-angat siya ng tingin sa akin. My heart almost leaped out of my chest when I saw him smirked.

"Don't worry. I'll catch it," puno ng kumpiyansa niyang sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top