Chapter 40

Final Chapter

Chapter 40

Life line

I haven't told Theo or Red about my pregnancy yet. Gusto ko silang sorpresahin at sabihin ito sa kanila pagdating na namin ng San Pablo.

I took my own further test the very next day I went to the hospital. I found out that I am 5 weeks pregnant. Mas doble na ang pag-aalaga ko sa sarili.

"Wow. Is that a cow, Mama?" manghang tanong ni Red habang tinuturo ang isang baka na nadaanan namin.

"Yes, Red," sagot ko.

Nakasakay kami sa kotse ni Theo at bumibiyahe na papunta sa bahay ni Tiya Magda na ngayon ay tinitirhan na ni Kuya Baldo at ang pamilya niya.

Magkatabi kami ni Red sa may backseat habang si Theo naman ang nagmamaneho ng sasakyan. Napagpasyahan naming hindi na isama pa si Liz lalo pa at dalawang araw lang naman kaming mananatili sa probinsiya dahil sa trabaho at iba pang kailangang asikasuhin sa Maynila.

"I only see cows in books and TV! It's so cool!"

"There's even a cow that went inside my house near the house where your Mama lived, Red," sabad ni Theo sa harapan.

Manghang napasinghap si Red at ibinaling na ang buong atensiyon sa ama.

"What was he doing there, Papa?"

"He wanted to have a drink."

"So you gave him a glass of water?"

Humalakhak si Theo. Sumabay na rin ako sa kanya sa pagtawa.

"More like a pail of water," sagot ni Theo, may tawa pa rin sa boses.

"Were you scared?" usisa ni Red.

"Yeah. A bit. He was one strong cow." Theo glanced at me through the rear-view mirror. He grinned. "Good thing that your Mama came to rescue me."

Bumaling sa akin si Red. "Mama is very brave!"

"Yes, she is," paos at may kung anong emosyon sa boses ni Theo nang sabihin ito.

"I'm brave like Mama because when I was a baby I had surgery."

Banayad kong hinaplos ang buhok ng anak ko. "Brave ka nga, anak."

Ngumiti siya at mabilis na inilipat ang tingin sa kalsada. Excited ulit siyang nagturo ng daliri sa harap.

"Look! There's a chicken!"

"Well, you will see some chickens in your Lola Magda's house," saad ko.

Her eyes widened. "Talaga, Mama? There are chickens? I can't wait! How many are they and what kinds of chickens?"

At iginugol nga namin ang nalalabing oras sa pagbiyahe sa pag-uusap tungkol sa mga manok at iba pang hayop.

Dahil nagdala naman kami ng sasakyan, dumeretso na kami sa bahay ng namayapa ko nang tiyahin. Hindi pa naipaparada ang sasakyan sa labas nito ay nakita na namin ang mga anak nina Kuya Baldo at ate Meryl na nagsisipagtakbuhan para salubungin kami.

Lumabas din ang pinsan ko at si Ate Meryl. Tinawag nila ang mga anak at pinagsabihan kaya nagsibalikan ang mga ito sa tabi nila. Natawa lang ako dahil sa siglang nakikita sa kanila. Nang sulyapan ko si Red ay nakita kong malapad din ang ngiti niya habang tinitingnan ang kanyang mga pinsan.

Ipinarada ni Theo ang sasakyan sa lilim ng malaking kahoy na nasa gilid ng bahay. Binuksan ko na ang pinto at inalalayan si Red pababa ng kotse. Pag-apak niya pa lang sa lupa ay agaran na siyang lumapit sa mga pinsan niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay at hinayaan na muna ang mga bata na maglaro. Nagkumustahan kami at pagkatapos ay kumain na rin ng panaghalian.

We hang out under the Acacia tree. Nag-inuman sina Theo at Kuya Baldo habang kami naman ni Ate Meryl ay nagkukuwentuhan lang. It was just like the old times.

"Kailan ang kasal?" tanong ni Ate Meryl sabay sulyap sa suot kong engagement ring.

"Two weeks from now. Pumunta kayo nina Kuya Baldo at ng mga bata sa Maynila sa kasal namin ni Theo ha. Kami na ang bahala ni Theo sa tickets ninyo," nakangiting tugon ko.

Maagap na umiling si Ate Meryl. "May ipon naman kami ni Baldo, Clau. Kami na ang bahala sa tickets kaya huwag mo na 'yang alalahanin pa."

"Masaya ako na kayo pa rin talaga sa huli. Deserve na deserve mo ang maging masaya, Clau," madamdaming dugtong niya.

Tumango ako at nilunok ang bumarang emosyon sa lalamunan. Sinulyapan ko si Red na nakikipaghabulan sa mga pinsan niya sa may damuhan.

We went to bed that night. Ang bagong renovated room talaga ang inihanda nina Ate Meryl para sa amin kaya medyo malawak ito at kasya kaming tatlo nina Theo at Red.

Tapos na akong magpahid ng lotion sa katawan at tumayo na para samahan ang mag-ama ko sa malaking kama. Inayos ko ang spaghetti strap ng suot na silky nightgown. Mula sa pakikipagkulitan sa anak ay nag-angat ng tingin sa akin si Theo.

"Antok ka na?" his voice was hoarse.

"Hindi pa naman gaano pero kailangan na rin nating magpahinga. May picnic pa tayo sa talon bukas."

"Can I swim sa ilog?" sabad ni Red sa excited na boses.

"Sa mababang parte lang. Babantayan din kita," si Theo.

"Okay!"

Nahiga na ako sa gilid ni Red. Pinagitnaan namin siya ni Theo sa malaking kama.

"May lakad kayo ni Kuya Baldo bukas ng hapon?" sabay tingin ko kay Theo.

"Oo. Titingnan ko lang ang mga nabili kong properties dito."

I nodded. Naisip ko na may mga nabili nga pala siyang lupa ng mga Minerva. Thinking about the reason why he bought them made me feel warm.

Bahagya siyang umusog at hinagkan ang noo ng anak namin.

"Good night, Red," bulong niya.

"Night, Papa and Mama," nakangiting sambit ni Red at nagsimula nang pumikit.

Hinagkan ko rin ang pisngi niya. "Good night, baby."

Theo leaned forward and gave me a soft kiss on the lips.

"Good night, love," he whispered.

"Night, love," sambit ko habang nakapikit pa at dinamdam ang halik niya.

Lagaslas ng daloy ng tubig ang narinig namin habang naglalakad na kami papasok ng gubat kung nasaan ang talon at ang malawak na ilog. Iniwan namin ang sasakyan ni Theo sa gilid ng kalsada.

Naka-piggyback ride sa likod ni Theo si Red dahil kanina lang ay nadapa ito ng masapid ng isang kahoy sa lupa. Nasa unahan nila ako at nakasunod sila sa akin sa likod.  Nasa unahan ko naman naglalakad sina Kuya Baldo.

Nilingon ko sina Theo at bumaba ang tingin niya sa bag na hawak ko.

"Let me carry that," sabi niya.

"Hindi na," tanggi ko. "Hindi naman 'to mabigat at extra clothes lang naman ang nandito sa loob."

Nagtagal pa ang titig niya sa bag na sapo ko bago tumango. Muli akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Pasado alas diyes na nang marating namin ang talon. Namangha ulit ako sa linaw ng tubig sa malawak na ilog na nasa ibaba nito.

Tumabi sa paglalakad si Theo sa akin at hinintay niya akong makalapit sa kanya. Kinuha niya ang isang kamay ko upang alalayan ako dahil mabato na ang daan. Ang noon ay nag-iisang kubo lang, ngayon ay naging apat na. May iilang duyan din akong nakikita sa lilim ng punongkahoy.

Napatingin ako sa malaking balsa na ngayon ay nasa gitna ng ilog. Wala ng kubo rito gaya ng dati. Marami na ngang pagbabago simula noong huli kaming nagpunta rito.

Tumuloy kami sa pinakaunang kubo kung saan nakapuwesto sa gilid ng talon. Sa ibaba nito ay ang malinaw na ilog. Medyo mas malaki ang kubo na ito kumpara sa iba pang mga kubo.

Inilagay ko ang dalang bag sa upuan na gawa sa kawayan. Ibinaba naman ni Theo si Red.

"I want to swim now!" masiglang hiyaw niya.

Nagsimula na rin kasi sina Kuya Baldo kasama ng mga anak niya sa pagbaba sa gilid ng ilog.

"Hintayin mo si Papa, Red," paalala ko. Yumuko ako bahagya sa kanya. "Let's take off your dress first so you'll just be in your swimwear."

She pouted. "Are you not swimming with us, Mama?"

"I'll swim later. Tutulungan ko muna si Tita Meryl mo na ihanda ang mga pagkain natin dito sa mesa."

"Okay! Let's swim now, Papa. Mama's still busy!" Hinila niya ang suot na plain black cotton shorts ni Theo.

"Alright," sabi niya sa anak namin na ngayon ay nakasuot na lang ng kanyang purple one-piece. Sinulyapan ulit ako ni Theo. "Sumunod ka na lang sa'min ng anak natin."

Tinanguan ko siya at nginitian. Lumabas na ang mag-ama ko sa kubo at naiwan naman kaming dalawa ni Ate Meryl sa loob. Tinulungan ko siya sa paglalapag sa mesa ng mga pagkaing dala namin.

"Ako na nito. Maligo ka na," saway niya sa akin.

"Hindi ka maliligo, Ate?"

"Mamaya na siguro. Ilalagay ko lang itong mga kakanin sa mesa."

Tumango ako at isinuyod ang tingin sa ilog. May nakikita rin akong iilang naliligo.

"Mabuti at naisipan nilang mas i-improve pa ang lugar, Ate," komento ko.

"Oo nga, e. Dumarami na kasi talaga ang mga dumadayo rito kaya maganda rin sa turismo ng bayan."

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakitang nakasandal na siya sa upuang kawayan. Nakalatag na ang lahat ng pagkain sa mesa.

"Maligo na tayo," sabi ko.

"Sige. Magpapalit lang ako ng shorts." Pinasadahan niya ng tingin ang suot kong maxi dress. "Hindi ka magpapalit?"

"Huhubarin ko lang po 'to. May two piece naman sa loob nito."

Ngumisi siya at may mapang-asar na kislap sa mga mata niya.

"Mas lalong mahuhulog si Doc Theo sa'yo niyan. Kung may isasagad pa ang pagkahulog niya!"

"Ate naman..."

"Asus. Rurupok 'yon sa'yo at baka magyaya kaagad na umuwi sa bahay para masolo ka sa kama. Baka nga ay maging Ate na si Red. Iyon ay kung hindi pa," pang-aasar niya sabay sulyap sa bandang tiyan ko.

Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Kahit na gusto ko mang ikuwento sa kanya ang pagbubuntis ko ay pinigilan ko ang sarili. Gusto kong ang mag-ama ko muna ang unang makaalam nito.

Nagpunta ako sa may sulok at doon na hinubad ang maxi dress. Si Ate Meryl naman ay nagtungo na muna sa maliit na bahagi ng kubo kung saan may takip na pader para doon na rin magbihis. Hinintay ko siyang lumabas para sabay na kaming magpunta sa may ilog.

Sabay kaming lumabas ng kubo ni Ate Meryl. Nakasuot na siya ngayon ng spaghetti strap shirt at isang shorts. Pumusyaw naman ang balat ko sa suot na isang black two piece bikini. Hindi pa naman klaro ang tiyan ko kaya alam kong hindi pa ako mabibistong buntis.

Namataan ko kaagad sina Red at Theo na nasa gilid lang ng talon. Nakalusong si Theo sa ilog habang nakaantabay kay Red samantalang si Red naman ay nakaupo lang sa bato kung saan sa kanyang likuran ay ang rumaragasang talon.

Theo was busy looking out for our daughter. Kaya naman nang tumili ang anak namin habang tinatawag ang pangalan ko ay saka pa lang siyang napatingin sa akin.

His lips slowly parted. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. His eyes were intense and a bit sensual. Naging conscious ako bigla sa suot at parang gusto ko na tuloy magsuot ng shorts.

"May isa pang bakanteng kuwarto sa bahay. P'wedeng do'n na muna matulog si Red mamayang gabi," bungisngis ni Ate Meryl sa tabi ko.

Uminit ang pisngi ko pababa sa aking leeg dahil sa susestiyon ni Ate Meryl. Maingat akong naglakad sa mabatong daan. Nilapitan ko ang mag-ama kong nakaabang sa akin.

Habang dumadaan akong nakapaa sa linya ng mga bato sa ibaba ng talon ay tumatama ang tubig sa kanang bahagi ng balikat ko. Nang makalapit na sa kanila ay dahan-dahan akong naupo sa tabi ni Red.

"I want to go down and swim now!" si Red.

Inakbayan ko siya para na rin mahawakan siya at hindi mahulog sa ibaba kahit na nakaabang naman si Theo sa kanya.

"Hawak ka kay Papa mo," paalala ko.

"You don't know how to swim too. Hawak ka rin kay Papa?"

"Of course, she will, Red," si Theo sa siguradong tono maski hindi pa ako nagbibigay ng sagot.

"Hahawak lang ako kapag nasa malalim na parte. Hindi naman tayo pupunta ro'n sa malalim kaya ayos lang ako."

"Hahawak ka pa rin sa'kin, Clau," paos na utos ni Theo. "O... ako ang hahawak sa'yo."

I rolled my eyes. "How clingy..."

Imbes na mainsulto siya ay ngumisi lang siya sa akin. Tumayo siya ng maayos at inangat ang dalawang braso. Hanggang beywang lang ni Theo ang tubig kaya alam kong hindi naman ito malalim sa parteng iyon.

"You can go down now, Red," pahayag ni Theo.

Inalalayan ko sa pagtayo ang anak namin. Maingat na hinawakan ni Theo ay baywang ni Red at inangat na siya pababa ng ilog. Lumapad ang ngiti ni Red nang nasa tubig na siya pero siyempro, nakahawak pa rin sa kanya ang ama.

"Go down, Mama!" tili ni Red.

Alerto akong tumayo at ngumisi sa kanilang dalawa. "I'm going to jump," puno ng kumpiyansang sabi ko. Nasisiguro ko namang safe pa rin ito sa pagbubuntis ko.

"Please, don't," angal ni Theo na nakatingala sa akin. "Baka mapano ka."

"Fine." I chuckled. Dahan-dahan akong muling naupo at marahang bumaba na sa tubig.

Theo's right arm automatically snaked around my waist. Mas naging malapit ako sa kanila ni Red na hawak naman niya sa kabilang braso.

I stared at the beads of water falling from his hair down to his naked wide chest.

"Punta tayo sa medyo malalim," he suggested.

"Malulunod na tayo, Theo! Dito lang tayo!" awat ko kaagad.

Seryoso at determinado niya akong tiningnan. "I won't let anything bad happen to our family."

"I want to go near the raft, Papa," hiling naman ni Red sabay turo sa balsa kung saan sumampa na rito sina Kuya Baldo.

Mula sa balsa ay nagsisitalunan na rin ang dalawang anak niya, halatang sanay na sanay ng maligo sa ilog. Hawak naman ni Ate Meryl ang bunso at pinipigilan itong gumaya sa kanyang mga kuya.

"Malalim ba diyan, Baldo?" sigaw ni Theo habang nakatingin kay Kuya.

"Hindi!" Itinuro ni Kuya ang dulong bahagi ng ilog. "Sa bandang do'n lang malalim!"

Theo bit his lower lip. Masuyo niya akong tiningnan. "Is it okay with you if we go there?"

Binalingan din ako ni Red. She looks very hopeful that I would agree. Ibinalik ko ang tingin sa banda nina Kuya Baldo at nakitang tumalon pa talaga siya sa tubig at ipinakita sa akin na hanggang dibdib lang niya ang lebel ng tubig. Kumaway kaway pa siya.

Tiningnan ko ulit ang dalawa. Tinanguan ko na ang mag-ama ko.

Hindi ako nagsising nagpunta kami sa balsa dahil nakita kong mas nag-enjoy si Red dito. Naaaliw siyang pinagmamasdan ang mga pinsan niyang lalaki na tumatalon sa tubig. Hindi siya nagreklamo nang hindi namin siya payagang gumaya sa kanila. It was enough for her to just observe.

Gutom na ang mga anak nina Ate Meryl kaya nag-aya na silang mananghalian. Nagpa-iwan na muna kami nina Red at Theo saglit dahil ayaw pa ni Red na bumaba ng balsa. Hindi pa rin naman kami gutom kaya sinabihan na lang namin silang susunod na lang kami.

Naupo kaming tatlo sa dulo ng balsa. Our feet were dangling on the water below. Nakakandong sa akin si Red habang si Theo naman ay nakaupo sa tabi ko. Pinakinggan namin ang huni ng mga ibon, lagaslas ng tubig, at tawanan ng ibang magpapamilyang naliligo.

I leaned on Theo's shoulder. His arm tightened around my waist. And right then and there, I know that it is the perfect moment.

I gaze at Theo with the hopes that he can see the love in my eyes. His eyes mirrored mine.

"Soon, it's not just going to be the three of us in here... but us, four," sabi ko sa namamaos na boses. I took his hand on my waist and placed it on my naked stomach. My exposed skin tingled because of his calloused palm.

"I'm pregnant, Theo."

His eyes grew more intense but it did not widen in surprise. Umawang ang labi ko at ako pa itong nagulat dahil hindi siya nagulat sa balita ko.

"A-Alam mo?"banayad na singhap ko.

He licked his lower lip. Unti-unti siyang tumango.

"Of course, I know. I know your body. I memorize every inch of you every time we make love," he whispered in a hoarse voice.

"What? Wala namang pagbabago sa katawan ko, ah."

He leaned closer and kissed the side of my ear. "Your nipples always turn so pink every time I kiss them, love," marahang bulong niya.

"Theo, naman!" Walang lakas ko siyang tinulak ngunit tinawanan niya lang ako.

Sinulyapan ko si Red para makita kung narinig niya ba ang sinabi ni Theo pero mukhang hindi naman dahil abalang-abala siya sa panonood sa mga naliligo sa ilog.

"It turns me on so damn much, so it's okay," halakhak niya.

Tinampal ko ang bandang likod niya. Mas natuwa pa yata siyang naiinis ako.

"At mas suplada ka kaya akala mo ba 'di ko napapansin?" hirit niya ulit habang nakataas ang isang kilay. "I was just waiting for you to tell us. Ayaw kong pangunahan ka sa pagdedesisyon."

Nilingon kami ni Red. Kumunot ang noo niya. "What's going on? What are you two whispering about?"

Pumungay ang mga mata ni Theo. Ngayon ay nakapuwesto na siya sa likod ko. "You tell her, Clau..."

Napalunok ako at tumango rin. Sinuklian ko ang kuryosong titig ni Red.

"You're going to be an ate soon, Red," banayad na sabi ko. "I can't promise a baby sister though, but even if your sibling is going to be a baby brother I want you to love him too, alright?"

Hinarap niya ako at niyakap ng mahigpit. "Of course, Mama! I will be a loving ate! I promise!"

I smiled. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Ramdam ko naman na niyakap na rin kami ni Theo galing likod.

Bago kami bumalik ng Maynila ay pinakita ko kay Red ang maliit na kuwarto kung saan ako nanghuhula noon.   Hindi ito pinagiba ni Kuya Baldo at ginawa na lamang stock room. May nakikita pa nga akong bike ng mga anak niya sa may sulok.

Red was very amazed as she listened to my stories. Ikinuwento ko sa kanya ang mga karanasan ko noon. Ipinaintindi ko rin sa kanya na siyempre, hindi tama ang ginawa ko dahil isa rin iyong panloloko.

She was very understanding. Siya pa ang nagsabi sa akin na bata lang daw ako. That I did not have any other choice.

"Can you also read my palm, Mama?" hiling niya.

"Sure."

Nakaupo siya sa kandungan ko dahil tanging nag-iisang upuan na gawa lang sa kahoy ang nasa loob ng maliit na kuwarto.

Kinuha ko ang kanang palad niya at hinaplos ito gamit ang mga daliri. Tinitigan ko ang mga linya rito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang love line niya. Masyadong mahaba at hindi na ako nagtaka pa dahil sobrang mapagmahal din siya. I stared at her marriage line but I did not focus on it. Ayaw kong isiping darating ang araw na magpapakasal din ang anak ko.

Dumapo ang tingin ko sa kanyang fate line. "You're going to be rich, anak," I chuckled.

Nilingon niya ako. "Really, Mama?"

"Yes, sweetie. And that will be because you're going to be wise and hardworking in the future."

"Just like you!"

I nodded at her. Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa kanyang palad. Dumapo na ngayon ang tingin ko sa kanyang life line. Nakaramdam ako ng lamig sa katawan at bahagyang natigilan.

"What is it, Mama? What else did you see?"

Kumurap ako at isinantabi ang pangamba. Hindi totoo ang panghuhula ko kaya bakit ako maniniwala at matatakot?

"You're going to have a long and happy life, anak," sambit ko.

Tinakpan ko na gamit ang daliri ang nag-iisang napakaiksing linya sa palad niya. Her life line is very short, it terrifies me. I hugged her tighter. I will never lose her again.

Umuwi kami ng Maynila para asikasuhin na rin ang naiwang mga kailangang asikasuhin. Ang kasal namin ni Theo. Ang opening ng classes ni Red.

She's so excited for her school. Magiging schoolmate din naman niya ang anak ni Winona na si Dakota kaya excited talaga siya.

Hindi ako mapakali nang makaalis na ang school bus na sumundo sa kanya. Nanatili ako sa labas ng penthouse habang nakayakap naman sa likod ko si Theo.

"Dapat siguro tayo na ang naghatid sa kanya sa school, Theo."

"Gusto ko rin naman 'yon, Clau. But this is part of the regulations in their school to avoid separation anxiety even from the start of school. It's part of the school tradition as well during the kids' first day."

I wrapped my arms around myself. Malamig ang pang-umagang hangin. "I'm not comfortable letting her go."

"Don't worry about it. Bukas ay p'wede na natin siyang ihatid. Susunod naman si Liz sa kanya mamaya."

"And we will pick her up later after school right?" sabay lingon ko kay Theo.

"Yes, we will." He looks amused. "I was worried for Red about her first day of school. Dapat pala sa mama niya ako nag-alala."

"Hmp! Maghanda na nga tayo para sa pagpuntang ospital." Tinalikuran ko na siya. Natawa naman siya habang sumusunod sa akin sa likod.

"Suplada naman ng buntis ko," panunuya niya.

Batid ko ang excitement ng buong General Surgery Department sa pagdating naming dalawa ni Theo. Binungad nila kami kaagad ng paulit-ulit na pagbati dahil sa susunod na linggo na ang kasal naming dalawa. Almost all of the doctors and staffs are invited. At siyempre, ninong din namin sa kasal si Doc Marco.

"Ang chismis ay batalyon din daw ang inimbitahan ng future mother in law mo para sa kasal ninyo ni Doc Theo," si Nurse Relani nang may itinanong ako sa Information desk.

Natawa ako. "Hindi naman. At bago naman siya nag suggest ng mga taong iimbitahan niya ay kinunsulta niya naman ako. Nahiya pa nga siya."

"Ang papa ba ni Doc Theo, e makakapunta? 'Di ba sabi mo may sakit 'yon?"

"Susubukan daw. Baka isasakay na lang sa wheelchair."

Tumunog ang telepono kaya sinagot na muna ito ni Nurse Relani. Saka ko pa tuloy naalalang naiwan ko pala ang cellphone sa penthouse kanina. Patatawagan ko na lang kay Theo si Liz mamaya para ipahatid ang cellphone ko sa ospital. Mamaya ko na sasabihan si Theo at abala pa siya sa ginagawa niyang appendectomy surgery.

Gumala ang tingin ko. Nahulog ang dalang files ng isang nurse na papalapit sa Information desk kaya nilapitan ko siya at tinulungang pulutin ang mga ito mula sa sahig.

Inabot ko ang mga papeles sa kanya at nagpasalamat siya pero hindi ko na siya napagtuonan pa ng pansin dahil nang muli akong napatingin sa gawi ni Nurse Relani, nakita ko ang mabilis na pamumutla ng kanyang mukha.

I just nodded towards the nurse and left her. Lumapit ako kay Nurse Relani na hawak pa sa ere ang telepono at ni hindi pa yata niya ibinababa ang tawag.

"Okay ka lang, Nurse Relani?" nag-aalalang tanong ko.

"D-Doc Abby..."

"What's wrong?"

Nanginig ang mga labi niya at napansin ko rin ang panginginig ng kamay niyang may hawak ng telepono.

"Na... Naaksidente daw ang school bus na... sinasakyan ni Red..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top