Chapter 39

Chapter 39

Diamond

Napalundag ang puso ko dahil sa narinig na boses ni Theo. Pareho yata kami ng nurse na awang ang labing nagkatinginan. Ano ba namang kabaliwan itong plano ni Theo?

Dinig ko sa loudspeaker ang muling pagtikhim niya.

"Hey, Clau. I really hope that you're already inside the building and that you're actually listening." He chuckled boyishly. Nahihimigan ko naman na kabado siya.

"What are you doing, Theo?" bulong ko maski alam ko namang hindi niya ako naririnig.

"Do you wanna know when I first fell in love with you?" pagpapatuloy niya na parang nasa harapan lang niya ako. "It was in that bar, while I was drunk and heartbroken, as you read my palm and told me about my fate. I just didn't realize it back then."

Napasinghap ako.

"While you were reading me my love life, I didn't realize that I was actually falling for you. I was so down, but you were the only one who made me laugh that day."

"You told me that I would meet her in a forest. You had no idea how glad I was then that I met you there."

Naalala ko ulit na sinabi ko nga sa kanya iyon. Dahil lang naman iyon sa magulong linya na nasa palad niya!

"When I was with you in that town, where nobody knew me and everyone knew you, I was glad that I was able to learn the real you. I fell for you every time."

"Suplada ka sa Maynila. 'Di nila alam kung ga'no kabuti ang puso mo. Masuwerte ako dahil nakita ko 'yon sa probinsiya. Mas lalo lang akong nahulog sa'yo." Naging emosyonal na ang boses ni Theo. Gone was the playfulness. "Our love was eventually tested. I was so angry, pero ang hirap... hirap mong pakawalan."

Sa sobrang tahimik ng paligid ay pati paghinga ni Theo rinig ko. Lahat yata ng nasa loob ng ospital ay nakikinig sa kanya at naghihintay pa sa susunod na sasabihin niya.

"Yes, you may not be my first love, but I want you to know that you are my greatest and last love. You may not be my first fall, but you are my second fall and it is only with you I'd like to fall over and over again."

Para na akong nakalutang lang sa hangin na humahakbang palabas ng consulting room. Following his voice.

"You gave me a child. I could not ask for more."

Lahat ng nasa loob ng outpatients department ay nakatuon sa akin ang buong atensiyon habang nakikinig.

Marahang natawa ulit si Theo sa loudspeaker. "Actually, I'm still asking for more and that is... our marriage."

Halos hindi ko na naramdaman pa ang paghakbang ko dahil sa klase klaseng emosyon. Nakalabas ako ng outpatients department. Hindi ko inalintana ang manghang titig ng staffs at ng mga pasyenteng nadadaanan at nakakasalubong ko.

"You lost so much. Gusto kong punan 'yon. I want to be enough for you, Clau," he said huskily.

Tinahak ko ang mahabang daan patungo sa Information desk kung saan alam kong naghihintay si Theo. Bumungad sa akin ang maraming tao na nakatingin sa kanya. Nakatayo siya sa Information desk. On his hand is the telephone connected to the paging system of the hospital building. It was as if the entire hospital operation froze just to give him the floor to speak his heart out.

Natigil ako sa paglalakad at pinagmasdan lang siya. Malaki pa ang distansiyang nakapagitan sa aming dalawa. He looked at me and smiled.

"I love you," he softly whispered but everyone heard.

Everyone around us dreamily sighed.

Medyo malayo man ako ay klarong-klaro ko ang lubusang pamumungay ng mga mata ni Theo habang nakatitig siya sa akin na parang ako lang ang nakikita niya. Nasa akin lang ang buong atensiyon niya sa kabila ng mga taong nagmamasid at nakikinig.

"You give me a premature ventricular contractions."

Napangiti ako sa linyahang ginamit niya. Humakbang ulit ako palapit sa kanya.

"My ventricles pump for you," he grinned but his eyes remained serious.

Umirap ako at bahagyang natawa. Pati sa pag-amin ng nararamdaman, doktor na doktor, Theo!

"Sana naging coronary artery na lang ako, para ako 'yong nakabalot diyan sa puso mo."

I rolled my eyes at him once more. He chuckled. May mga sumipol pero hindi ko na nilingon pa kung sinu-sino. Humakbang ulit ako para maawat na siya sa ka-cheesy-han niya. Ilang metro na lang ang layo ko sa kanya nang mahinto ako dahil sa muling pagsasalita niya.

He cocked an eyebrow. "Are you a pulmonary embolism?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang inirapan. May kakaibang kiliti rin naman akong naramdaman sa loob ng tiyan kaya pinatulan ko na lang ang pagiging keso niya.

"Why?" Ginawa niya pa talaga akong blood flow blocker!

"Because you take my breath away," he smirked, very proud himself.

Ibinaba niya ang teleponong hawak at lumiko para makalabas na ng Information desk. Sinalubong niya ako sa gitna at huminto na ako sa paglalakad para hintayin na lang siya.

He playfully wiggled his eyebrows and gave me a smoldering look. "I hypothalamus you."

Natawa ako. "That's enough, Theo. Ang cheesy mo!"

"You are my true love and the reason of my increase level of oxytocin, dopamine, serotonin, and vasopressin."

Ngayon ay inaasar na niya talaga ako.

I raised an eyebrow at him. "I really like it when you go doctor on me."

Kinain ng isang hakbang niya ang distansiya naming dalawa. Hinawakan niya ang baywang ko.

Uminit ang pisngi ko nang marinig ang walang hiyang hiyawan ng mga kasamahan naming doktor at iilang nurses.

"If I become your personal doctor, I would gladly increase the dose of love for you," he whispered sensually near my ear.

Bahagya ko siyang tinulak dahil sobrang agaw atensiyon na talaga kami sa mga nakamasid pa rin sa amin.

May dinukot siya mula sa bulsa ng kanyang lab coat. I stared at the small black box on his hand. Kasabay ng pag-awang ng mga labi ko ay ang malakas na hiyawan ng lahat.

He carefully opened it and bit his lower lip. I gasped when I saw what's inside it. Isang makapal na white gold ring na may malaking diamond sa gitna na pinalilibutan ng maliliit pang mga bato.

Puna ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya habang kinukuha ito gaano man siya ka-confident tingnan sa panlabas na anyo. Ibinalik niya ang itim na box sa bulsa at nag-angat na ng tingin sa akin.

Kabado niyang ipinalandas ang dila niya sa kanyang labi habang tinititigan ako gamit ang namumungay na mga mata.

"I may be done professing my love to you in front of all these doctors and nurses who are the best teachers of loving life, and to the patients who want to survive because they love life, but I will never stop and get tired of showing my love to you everyday and for the rest of our lives..."

"Theo..." Nanlabo ang paningin ko sa nagbabadyang mga luha.

Unti-unti siyang lumuhod sa harap ko. Nakangiti man ako ay kumawala naman ang mga luha ko.

"Mapapatunayan ko lang 'yan kapag pumayag kang makasal sa'kin, Clau," aniya sa paos na boses.

"Mag yes ka na, Doc Abby!" hiyaw ni Nurse Relani.

Theo swallowed as he gazed at me with a look of surrender.

"Marry me and let me prove to you my love for the rest of our lives. Spend it with me, Claudine..."

"Yes, Theo," nakangiting sambit ko kaya napuno ng hiyawan ang buong paligid. "I will marry you."

Inilahad ko ang kamay sa kanya at marahan niyang kinuha ito. Madulas niyang pinadausdos ang singsing sa ring finger ko. Nagpalakpakan ang lahat at maagap na tumayo si Theo. Niyakap niya ako at malapad akong napangiti sa dibdib niya.

Sa mga sumunod na minuto ay naging abala na kaming dalawa dahil sa paglapit sa amin ng mga staffs at doctors para batiin kami. Niyakap ako ni Nurse Relani at tinapik sa balikat.

"Masayang-masaya ako para sa inyong dalawa, Doc Abby," aniya sa maemosyonal na boses.

"Thank you."

Sunod naman na lumapit sa akin ay si Doc Eric. Alanganin niyang sinulyapan si Theo sa gilid ko na kausap at kaasaran ang ibang mga lalaking doktor. Ibinalik ni Doc Eric ang tingin sa akin at pilyo siyang ngumisi.

"Congrats. 'Di na kita yayakapin at baka mas uminit lang ang dugo ng fiance mo sa'kin."

Tinawanan ko lang siya. "Thank you, Doc Eric."

"Kailan ang kasal at... iimbitahan mo ba si Risa?" Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin at napakamot sa batok. "Tingin mo, pupunta siya?"

Palakaibigan ko siyang tinapik sa balikat. "Uwian mo siya sa probinsiya."

Malalim siyang napabuntonghininga. "Galit 'yon sa'kin."

Bago pa ako makatugon kay Doc Eric ay naramdaman ko na ang pagyakap ni Theo mula sa likod.

"Let's call it a day and go home," malambing na sabi niya.

I pouted a little. "May kailangan pa akong balikang pasyente. Kanina pa nga 'yon naghihintay."

"I already took care of it. May ipinalit na akong doktor sa'yo para ngayong hapon lang."

Wala sa sarili akong napatingin kay Doc Eric. Ngumisi lang siya at tumango bilang paalam.

"You are using your power over me, Theo," mariing sabi ko sabay lingon sa kanya.

Umangat ang sulok ng labi niya at nagtaas siya ng isang kilay.

"What kind of power are we talking about here? Ikaw lang naman ang may power, ah."

Kinurot ko ang braso niyang nakalingkis sa baywang ko. Bahagya siyang napaatras sabay marahang tawa.

"Stop hurting me, Love," aniya sa marahan at malambing na tono.

"Hindi porque't investor ka ng ospital, kokontrolin mo na ang working state ko, huh," babala ko.

"Ngayon lang 'to. I swear."

"Fine," I sighed.

Nagtagumpay nga si Theo na umuwi kami ng penthouse. We spent the rest of the day on the bed, making love. Tanggap ko na naman sa sarili ko na sadyang marupok lang talaga ako pagdating sa kanya.

"Baka hinahanap na tayo ni Red?" tanong ko kay Theo. We just finished our second.

He cuddled me and wrapped his arms around me. Para siyang linta kung makapalupot sa akin galing likod. Inayos niya ang kumot para itabon sa parehong hubad naming katawan.

"She's with Liz. She'll be fine," sabi niya. Nakadampi ang mga labi niya sa leeg ko.

Kumunot ang noo ko at malalim na napaisip. "Kanina pa tayo rito sa kuwarto at naabutan na ng gabi pero hindi pa rin niya tayo kinakatok."

"She's giving us the time. She wants a baby sister and we're busy making one for her."

Nilinga ko siya at pinukol ng masamang tingin. He only chuckled and gave my mouth a swift kiss. Ang rupok ko kaya bumigay na naman ako. Pinalalim niya ang halik at hinagod ng mainit niyang palad ang tiyan ko pababa.

Nang mahinto ang halikan namin ay namumungay na ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"I don't want to get pregnant before the wedding," apila ko pero malambing naman ang boses.

"Then let's move it next month," mabilis na pakikipag-negotiate niya.

I groaned. "Two months from now is already too soon, Theo. Tapos gusto mo next month na agad?"

"Kung p'wede nga bukas agad kita pakasalan, e."

Itinikom ko ang bibig at baka magkaroon na naman siya ng ibang tusong ideya.

"But since I want a grand wedding, two months from now will do," dugtong niya.

"Maybe I should take some pills," wala sa sariling nasambit ko. "That way I won't get pregnant till our wedding day."

Humagod ang palad niyang nakapirmi lang sa bandang tiyan ko kanina.

"Meron na 'to," mayabang at puno ng kumpiyansang saad niya.

Tinampal ko ang palad niya. He chuckled and kissed my shoulder.

"How would you know? This is my body and I'm a doctor. I should know," sabi ko.

"I don't use any protection when I make love to you, Love. At baka nakakalimutan mo, doktor din ako."

Napaisip ulit ako. Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa mga nagdaang araw. Yes, I've missed my period this month at magtatapos na ang buwan, but I'm used to it. Hindi naman kasi regular ang period ko kaya sanay na ako.

"What are you thinking?" tanong niya habang mariin akong tinititigan. Umangat ang sulok ng labi niya. "If you're already thinking about possible names for our baby, I can give you some suggestions..."

"Baka naman baog na ako, Theo." Inignora ko ang pamimilit niya.

"You think so?" Pinatakan niya ng mapanuyang halik ang likod ng tainga ko. "Then, let's make love some more. Nanghihingi na ng kapatid ang anak natin."

Napahalakhak ako at hinayaan na siya.

Naging masyado na kaming abala sa mga sumunod na araw. We met with the wedding organizers. Naghanda rin kami ni Theo para sa gagawing surgery sa isang batang pasyente. Theo helped me out not just in mentally preparing for the medical procedures but also emotionally. I explained to him about my anxiety when it comes to kids as patients.

"Our daughter is with us now. Stop blaming yourself for losing her when she was just a baby. It wasn't your fault," sabi niya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Nasa loob kami ng kanyang opisina at nakaupo sa kanyang sofa habang propesyunal na pinag-uusapan ang kondisyon ng pasyente.

"I'm just probably scared that I will... fail the kids as well... Kaya siguro umaandar talaga ang anxiety ko kapag bata na ang pasyente."

He wrapped an arm around me. Napahilig ako sa dibdib niya at pumikit.

"We're not God. We're mere doctors," banayad niyang sinabi. "Hindi natin lubusang hawak ang buhay ng tao gaya na lang ng paniniwala ng iba tungkol sa'ting mga doktor."

I nodded. Listening to his words gives me comfort.

"Some patients had died on my hands as well, Clau. And it frustrated and hurt me. But it's very important that we should always forgive ourselves. We've saved more lives than we've lost and that is enough to keep us going."

"Have I already told you how much I love you, Theo?" sambit ko at tiningala na siya. Araw-araw na kasama siya ay mas lalo lang akong nahuhulog at humahanga sa kanya.

"No, you haven't," paos na sagot niya.

"I love you so much, Theo. I want you to know that everyday I fall harder for you. Hindi lang dahil sa alam kong mahal na mahal mo ako. Hindi lang dahil sa may anak tayo. I love you because you're you. I love you because my heart tells me so."

Napapikit siya at dinama ang lahat ng sinabi ko. Nang dumilat siya ay pinaghalong panghihina, sidhi, at pamumungay na ang iginawad niyang tingin sa akin.

"You helped me understand my feelings dahil alam nating pareho na hirap ako sa parteng 'yan noon pa lang," dugtong ko. "Sa lahat ng humusga sa pagkatao ko nanatili at hindi natinag ang pagmamahal at pag-intindi mo."

"That's enough now, Love," he gently whispered. Nag-aalala na naman siguro siyang nahihirapan ako.

Umiling ako. Gusto kong magpatuloy. Gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. In our relationship, he is always the one who gives, shows, and profess. Ngayon ay gusto kong ako naman.

"You are more than enough for me, Theo. You don't have to prove to me your love because I witness it every day, on how you look at me. Hindi mo na kailangan pang mabahala kung masaktan man ako dahil hinilom na ng pagmamahal mo ang sakit ng puso ko."

Theo kissed the top of my head. I closed my eyes and softly whispered, "I am so in love with you, too."

Weekend na nang nagkaroon kami ng maluwang na schedule ni Theo. The surgery we did was very successful. Uminit ang pakiramdam ko nang maalala ang ginawang pagpapasalamat ng mga magulang ng batang pasyente sa akin kahit na kay Theo naman dapat sila lubusang magpasalamat dahil siya naman ang main surgeon.

Theo, Red, and I decided to have the weekend as our family day. Nagpunta kami sa park at pagkatapos ay sa mall para manood ng sine. Nilubos na namin ang pagkakataon dahil magbubukas na rin ang klase at mag-aaral na si Red.

Kaming dalawa ni Theo ang naghanap ng magandang ekslusibong escuelahan para kay Red. Medyo nahirapan pa kami dahil sa dami ng choices. Sa huli ay pinili namin ang malapit lang sa penthouse at sa sinisimulan nang pagpapa-construct ng bahay ni Theo sa hilltop.

"Are you excited for school, anak?" tanong ko kay Red habang kumakain na kami sa isang restaurant.

"Yes, Mama. I've never been in school here in the Philippines! But I'm more excited to meet my cousins in San Pablo!"

Natawa ako sa siglang ipinapakita niya. Nasabi ko kasi sa kanya na bibisita kami sa probinsiya ko. Balak kong ipakita sa kanya ang lugar na kinalakihan ko at ang naging buhay ko roon.

Ibinaling ko ang tingin kay Theo na nakangiti lang habang nakamasid sa anak namin.

"Mag-li-leave na naman ako para sa pagpuntang San Pablo. Ang dami ko ng leave at baka hindi na ako payagan."

"I'll take care of it so don't worry."

"Gagamitin mo na naman ang impluwensiya mo, Theo?"

"Maiintindihan ni Doc Marco iyan. Plus, we need a vacation as a family. Masyado tayong naging abala sa preparation ng wedding natin. We need a break before we become busy again for Red's school and our wedding day."

"You have a point," pagsang-ayon ko. "Nga pala, dumaan muna tayong drugstore bago umuwi. Bibili ako ng mga basic na gamot at malapit ng maubos ang nasa medicine kit natin sa penthouse."

Theo nodded and we all went back to eating.

Dumaan kami sa drugstore at ako na ang bumaba. Hindi ko na pinababa pa ang mag-ama ko dahil saglit lang naman ako. May bibilhin din akong importante para kumpirmahin ang hinala ko. It's been two months at wala pa rin ang period ko. I became suspicious. Hindi naman ganito katagal na delayed ang period ko dati. This is not normal anymore.

Naalala ko rin na noong ipinagbubuntis si Red ay wala akong sintomas na naranasan. Kaya nga nagulat ako noon nang inanunsiyo ng doktor na buntis ako. Nagduda ako na baka sa ikalawang pagkakataong ito ay pareho pa rin.

I did not tell Theo about it because I don't want him to hope. Mamaya nito, sadyang delayed lang talaga ang period ko at hindi naman ako buntis.

After paying the cashier in the counter,  I carried the paperbag. Inside it were all the medicines I've bought. Sa bag ko inilagay ang pregnancy kit. Alam kong dapat sa ospital ko na lang ginawa ito pero ayaw ko kasing mabisto pa ako roon.

Lumabas ako ng store at nilapitan na ang nakaparadang sasakyan. Maagap na lumabas si Theo mula sa front seat at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at ilang sandali pa ay muli nang pinaandar ni Theo ang sasakyan.

Nang makarating na kami ng penthouse ay kaagad na nagpresinta si Theo na siyang magluluto ng dinner namin. Nag-volunteer naman si Red na mag-assist sa ama. Iniwan ko silang dalawa at pumuslit ako sa kuwarto.

I opened my bag and took the pregnancy test kit. Sinulyapan ko ang pintuan at naging kabado pa dahil baka biglang pumasok si Theo. Masyado naman siyang abala sa pagluluto sa baba kaya imposibleng pumasok siya sa kuwarto bigla.

Naglakad ako papasok sa CR dala dala ang maliit na kit. I locked the door and did the short procedure. Pinagpawisan ako bigla. Pumikit ako at unti-unting idinilat ang isang mata para silipin ang resulta ng hawak na pregnancy test kit.

Two lines.

Ngumiti ako. I was not worried at all. Ang tanging iniisip ko lang ay sana gaya ng hiling ni Red, baby sister nga ang maibigay namin ni Theo sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top