Chapter 38


Chapter 38

Seloso

Dinala ako ng mga maiinit na halik ni Theo sa kuwarto niya. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na isuyod ang tingin sa hitsura ng kanyang kuwarto dahil sa mapupusok na halikan naming dalawa. Isinandal niya lang ako sa likod ng kanyang pintuan at sinamba na niya ang mga labi ko.

Tinanggal ko ang sports coat niya. Hindi magpirmi sa iisang bahagi ng katawan niya ang mga kamay ko. His calloused hands were also everywhere. Feeling me. Humigpit ang kapit ko sa kanyang white button up shirt. Holding him close. Hinalikan niya ang panga ko. His calloused hand cupped my breast against my dress. Napapikit ako nang mariin sabay daing. He captured my mouth for another deep kiss.

Nalulunod man sa sensasyon ay naramdaman ko pa rin ang pagbaba ng magaspang na palad niya sa hita ko. Masyadong maiksi ang damit ko kaya walang kahirap-hirap niyang naipasok ang kanyang kamay sa loob. Hindi siya nagdalawang isip pa na hawiin ang panty na suot ko para pagbigyang daan ang daliri niya. His finger touched my folds. A loud moan escaped my lips.

"Theo... Ahhh..."

Sa bigat ng mga talukap ko ay nakuha ko pa ring dumilat para tingnan siya. His eyes were full of pure and unadulterated passion and desire. Nakaawang ang mga labi niya at nakatitig lang siya sa mukha ko habang abala ang mga daliri niya sa loob ko.

Kumapit ako sa bisig niya at muling napapikit. I gasped when he pinched me down there. Bumaba ang halik niya sa tainga ko.

"I'm crazy for you..." bulong niya.

I screamed while my body convulsed. My legs were shaking at kung hindi niya pa ako hinawakan ay baka natumba na ako.

He chuckled on my ear before he lifted me up. I automatically wrapped my legs around his waist though my legs were weak. He carried me towards the bed still kissing my neck. Marahan niya akong nilagay sa kama.

He covered me with his body. He attacked my lips with so much passion as his hand covered my peak. My head fell back. Inangat niya ang laylayan ng dress ko at isang pasada itong hinubad sa akin. And now I am only wearing nothing but black underwear.

His hot lips trailed small kisses on my neck. Hinihila na ang talukap ko sa klase klaseng sensasyong ipinadarama niya sa akin. He unclasped my bra and throw it away. When I felt his calloused finger on my swollen peak, napaliyad ako.

Nawala ang daliri niya sa dibdib ko at pumalit dito ang labi niya. I was just too far gone when his tongue licked my hard peak.

"Theo, please..." pagmamakaawa ko sabay liyad. Wanting to feel him against his jeans. His arousal was an absolute steel.

"What is it, Love? Hmm?" mapang-uyam na boses niya.

I moaned. Sa isang madulas na paraan ay naibaba niya ang panty ko.

His hot and calloused palm shamelessly touched me down there. Napaliyad ulit ako. He murmured soft curses against my jaw. I became impatient because of what he's making me feel. Sa nanginginig na kamay ay pilit kong kinalas ang bawat butones ng button up shirt niya. Tinulungan niya naman akong gawin ito hanggang sa magtagumpay ako.

I touched his chest. Hinagod ko ang palad sa maninipis na balahibo sa kanyang dibdib. Klarong-klaro ko ang pamumula ng dibdib niya hanggang sa kanyang leeg. Lasing na ang mga mata niyang nakatitig sa hubad na katawan ko.

I ran a hand down his belt. Sinubukan kong kalasin ito at dahil nahihirapan din ay tinulungan niya ako. He stood a bit and took off his jeans. Siya na mismo ang nagbaba ng kanyang boxers. He looks so strong, big, and potent.

He covered me again and placed his tip on my entrance. I grind on him. Gusto kong maramdaman siya. He held my waist to stop me from moving. He entered me in one swift move, I had to bite my lip to stifle a scream. The bed creaked. Hinalikan niya ako sa leeg. He pulled my left tigh upward and hold it in place. He filled me to the brim. He started thrusting.

"Fuck!" mura niya sabay tingala at buga ng hangin.

I moaned the pain and desire. I moaned his name louder when he started hammering me on the bed. Mas lalo lamang siyang bumibilis at nagmumura.

Natagpuan niya ulit ang mga labi ko at siniil niya ako ng halik. I wanted to respond but he's making me feel so much.

My toes curled up when I felt reaching my peak. Alam kong malapit niya na ring maabot ang kanya dahil padaskul-daskol na ang paglabas masok niya. I moaned so hard when I felt my release I could see stars. He cried out my name and cursed out loud as he spilled his liquid inside me.

Pareho kaming hingal sa nangyari na parang nag-marathon lang. Sobrang bigat ng mga talukap ko. Nasa aking leeg ang kanyang mukha. His heavy breathing caressed my neck.

"I love you, Clau," he murmured.

I closed my eyes. I was too tired to respond but I smiled.

I woke up the next morning with the smell of brewed coffee. Unti-unti akomg dumilat at napansing wala na si Theo sa tabi ko. I am already wearing one of his big white shirts at ramdam ko rin na may suot na akong isang boxer. Si Theo yata ang nagsuot nito sa akin habang tulog ako. I also remembered him cleaning me up last night but I was too sleepy.

Ibinaba ko ang tingin sa paanan at nagulat nang makita silang dalawa ng anak namin na nakatayo.

Napasinghap ako at mabilis na napatingin ulit sa suot na tshirt na sa laki ay hanggang tuhod ko. Na-conscious ako bigla habang masayang pinagmamasdan ni Red.

"Papa's shirt looks good on you, Mama!" saad niya.

Halos mapapikit ako sa kahihiyan dahil sa nadatnan ng anak. Tiningnan ko si Theo. May hawak siyang isang tasa sa kamay.

"I made you coffee."

Tumikhim ako at umayos habang pilit na hinagilap ang kaonting dignidad na natitira. Dahan-dahan akong napabalikwas ng bangon at naupo na lamang sa kama.

"Good morning," nakuha ko pang bumati kahit na medyo nininerbiyos.

"Morning," sabay na bati ng dalawa.

"May nakahanda na ring breakfast sa baba," si Theo sabay abot sa akin ng tasa ng kape. "Hihintayin ka namin ng anak natin para sabay na tayo."

"Alright," paos na tugon ko.

Lumabas na silang dalawa ni Red. Bago sumimsim sa kape na hawak ay nagpakawala na muna ako ng isang malalim na buntonghininga na kanina ko pa pala pinipigilan.

Napainom ako sa kape habang ilang segundong nakatulala. Masyadong... gigil si Theo kagabi. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang buong pangyayari.

Tumayo na ako mula sa kama at inilapag ang tasa ng kape sa ibabaw ng bedside table. Hinanap ko ang bathroom ni Theo para makapaghilamos man lang at maayos ang masyadong magulong buhok. Nang mahanap ang kulay gray na pinto ng banyo niya ay binuksan ko ito.

Unang nakaagaw ng pansin ko ang malaking salamin dito sa itaas ng kanyang sink. Masyadong malaki rin ang banyo niya. Triple ang laki nito sa bathroom ko sa condo. There's a little hallway na sa unahan ay makikita na ang smoked glass ng shower area.

Ibinalik ko ang tingin sa malaking salamin at lumapit sa sink para makapaghilamos. I stared at my reflection on the mirror. Ang pula-pula ng mga labi ko. Naalala ko ang pagkagat ni Theo rito kagabi. Ipinilig ko ang ulo at ni-on na ang kanyang faucet. I washed my face. Sa condo na lang ako magsho-shower pagkauwi ko.

I turned the faucet off when I was finished. Napansin ko ang itim na panlalaking hairbrush sa gilid ng sink kaya kinuha ko ito at ginamit pangsuklay sa buhok. I could not tame my wild bangs. Sinuklay ko ito patagilid kaya mistulan na itong side bangs na kulot.

I sighed once more and returned the hairbrush. Tinalikuran ko ang salamin at lumabas na ng bathroom. Hinanap ko ang dress na isinuot kagabi nang mapadaan muli sa kama pero hindi ko na ito nakita pa.

Lumabas na lang ako ng kuwarto at bumaba. Nakita ko si Liz na nagva-vacuum sa malaking sala. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nahihiyang bumati.

"Nasa dining area na po sila, Ma'am Doktora."

Hindi ko na pinuna pa ang paraan ng pagtawag niya sa akin dahil naalala kong Sir Doc ang tawag niya kay Theo. Iginala ko ang tingin sa malaking living area. First time ko rito at sa laki ay tiyak na mawawala ako.

"Sa'n ba rito ang papuntang dining area?"

"Ay sorry po." Agaran niyang pinatay ang vacuum at binitiwan na ito. "Sumunod po kayo sa'kin."

Ganoon nga ang ginawa ko at sinundan na siya. Naglakad kami sa isang malaking pasilyo.

"Ilang floors ba 'tong penthouse ni Theo?" tanong ko.

"Bale tatlo po."

Napatingin ako sa nadaanan naming malaking painting ng isang swan.

"At ilang kuwarto?"

"Anim po. Dalawang kuwarto rito sa first floor, maids' quarters po. Apat naman sa second floor. Sa third floor po ay gym na at movie theater at saka home office ni Sir Doc."

Kumunot ang noo ko. "Totoo bang wala pang kama ang dalawang kuwarto?"

Nagtataka niya akong tiningnan. "Meron na naman po. Sinigurado po ni Doc na ready na ang lahat sa penthouse noong lumipat kami."

Bahagya akong napabagal sa paglalakad. Sinasabi ko na nga ba at palusot lang ni Theo iyong sinabi niya na walang kama!

"Medyo istrikto po si Sir Doc at gusto niyang maging handa at pulido ang lahat para raw po sa paglipat niyo rito."

"Hmmm," tanging nasabi ko.

Huminto na kami sa bukana ng dining area. Nagpaalam na sa akin si Liz at itinuon ko ang pansin sa mag-ama ko na nakaupo na sa hapag habang pinagsisilbihan ng dalawang katulong. Marami ng pagkain ang nakalapag sa mesa.

Pareho silang nag-angat ng tingin sa akin at ngumiti. Maagap na tumayo si Theo mula sa pagkakaupo sa kabisera at lumiko sa katapat na gawi. He pulled a chair for me, sa tabi ni Red.

"Dito ka."

Lumapit ako rito at naupo. "Thank you."

"You're welcome," aniya sabay gawad ng halik sa pisngi ko.

Nanatili siya sa gilid ko at sobrang lapit niya pa rin ng mukha niya sa mukha ko. Sa lapit niya sa akin ay naamoy ko ang mabangong aftershave niya. Sa namumungay na mga mata ay tinitigan niya pa ako. Napangiti ako sa kanya at narinig ang banayad na singhapan ng dalawang katulong. Tiningnan ko sila at kaagad silang kumilos at inabala ang sarili. Inilipat ko ang tingin kay Red at nakitang nangingiti siyang nakamasid sa amin ni Theo.

"Maupo ka na," nahihiyang sabi ko.

He smirked. "Are you shy? You shouldn't be. Ganito na tayo araw-araw kaya dapat masanay ka na."

Umirap ako kaya natawa siya. Hinalikan niya rin sa pisngi ang anak namin bago siya bumalik sa kanyang upuan.

Nagsimula na kaming kumain. Noong una ay tahimik pa kaming sumusubo ng pagkain, kalaunan ay nagsalita na si Theo.

"I'll tell my people to get your things from the condo today."

"Kaonti lang naman ang mga gamit ko kaya mabilis lang 'yon," sabi ko. "Uuwi rin ako pagkatapos ng breakfast para doon na muna maligo at magbihis. Pupunta ako sa ospital ngayong araw."

Tumango si Theo. "Ihahatid na kita. Papasok din ako sa Makati Med ngayon kaya sabay na tayo."

Hindi ako nakipagtalo at pumayag na. Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos na ay sumimsim ako sa baso ng tubig. Saka ko pa naalala na naiwan ko pala ang tasa sa loob ng kuwarto ni Theo.

"I want a baby sister."

Muntik ko nang maibuga ang tubig na nasa bibig dahil sa biglang sinabi ni Red.

Naubo ako saglit at sa nanginginig na kamay ay inilapag ang baso.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Theo.

"Y-Yeah," I croaked.

Ibinaling ni Theo ang atensiyon sa anak namin. "We'll give you a baby sister," aniya na parang ang dali nito at bibili lang sa mall!

"When, Papa?"

Theo glanced at my stomach and smirked confidently. "Very soon."

Pinamulahan na yata ako dahil sa init na nararamdaman ko sa pisngi. Nasapo ko ang noo at naisip na posible siguro. We did not use protection last night and we did it twice!

Lumapad ang ngiti ni Red at wala akong lakas ng loob na kontrahin pa ang ipinangako ng ama niya.

Inihatid ako ni Theo sa condo unit ko. Naghintay siya sa akin sa loob dahil nag shower pa ako at nagbihis. Sabay nga kaming pumasok ng ospital at hindi na nagtaka pa ang mga kasamahan namin nang makita nila kami. Lalong-lalo na si Theo na hanggang sa paglalakad sa lobby area ay nakayakap pa rin ang braso sa baywang ko.

"Should we discuss about the surgery for next week?" sabi ko nang maihatid niya ako sa loob ng quarters. Dala-dala pa ni Theo ang itim na leather doctor bag niya dahil dumeretso talaga siya sa paghatid sa akin imbes na dumaan na muna sa kanyang opisina.

Napasulyap ako sa ibang kasamahang mga doktor na nasa loob lang din ng quarters. Tahimik man sila ay alam kong nagmamasid at nakikinig sila sa amin.

"We can do that in my office whenever you're free," he whispered sensually behind my ear.

Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran dahilan para mapangiwi siya. He chuckled. Inilapag ko ang bag sa ibabaw ng mesa. Bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Doc Eric na may dalang ipad sa isang kamay. Natigilan siya pansamantala dahil sa ayos naming dalawa ni Theo.

Bahagya akong gumalaw para umusog at bigyan ng distansiya ang pagdikit ni Theo sa akin.

"Uh... May ipapa-consult lang sana ako sa'yo, Doc Abby," si Doc Eric na hindi alam kung saan titingin.

"S-Sure. May 10 minutes pa naman akong bakante."

Napatingin si Doc Eric kay Theo. Matalim naman ang titig ni Theo sa kaibigan ko.

"Pumunta ka na sa opisina mo," pagtataboy ko kay Theo dahil hindi na nagiging komportable si Doc Eric sa paraan ng pagtitig niya. It was very intimidating.

Inilipat ni Theo ang matalim na tingin sa akin. Ngayon ay ako na itong parang may nagawang mali.

"We will discuss about the surgery at home tonight. Before we go to our bed," malamig na pahayag ni Theo. Sa lakas ay dinig ng lahat.

Napapikit ako dahil sa hindi man derekta ngunit lantaran naman ng pag-anunsiyo niya sa relasyon naming dalawa. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko at pagkatapos nito ay para na siyang malamig na hanging lumabas ng quarters.

Pilyong ngumisi si Doc Eric at lumapit na sa mesa ko. Pagod naman akong bumagsak sa swivel chair.

"Ang seloso naman ng boyfriend mo," mapaglarong puna niya.

Seryoso ko lang siyang tiningnan. "Anong ipapa-consult mo?"

"About this EGD test..."

Iginugol ko ang sampong minuto sa pagdi-discuss ng EGD kay Doc Eric. Sabay naming ni-review ang medical procedure at nagbigay na rin ako ng advice sa kanya tungkol dito dahil ilang beses ko na rin itong nagawa sa iilang pasyente.

Hindi rin ako nagtagal sa loob ng quarters dahil may mga consultations pa ako sa naka-schedule na mga pasyente. Quarter to eleven na nang makatanggap ako ng isang message galing sa isang number na hindi nakaregister sa contacts ko.

Do you have time today? Can we talk? Mommy ito ni Theo.

Dumiin ang hawak ko sa cellphone. I was anticipating what Madame Aurelia wanted to say. Tapos na naman siguro ang panunumbat niya o baka... may panibago siyang isusumbat sa akin?

Kinagat ko ang ibabang labi habang nag-iisip. Nang makapagdesisyon ay nagtipa ako ng reply.

Ako: Free po ako sa lunch break na.

Mabilis siyang nag reply.

Can we meet in the nearest restaurant from you hospital? Ayaw kong ma hassle ka pa, hija at ako naman itong makikipagkita sa'yo. Hehe.

Nanliit ang mga mata ko sa reply niya. Bakit parang mabait siya rito?

Nagtipa ako ng reply.

Ako: Sige po. We can meet at El Benido's. 12 o'clock.

Hinintay ko muna ang reply ni Madame Aurelia bago ibinalik ang cellphone sa bulsa ng suot na lab coat.

Hindi nag-isang minuto ang lumipas ay nag reply ulit siya.

Okay. I'll see you there and take care sa pagpunta, hija.

Inilagay ko na ang cellphone sa bulsa at hindi na nagtipa pa ng reply sa kanya.

Naging okupado ako sa nalalabing isang oras bago ang schedule ng pagkikita namin ni Madame Aurelia. Iniisip ko kung ano pa kaya ang gusto niyang sabihin sa akin.

Maagang natapos ang consultations ko sa umaga dahil hindi sumipot ang panghuling naka-schedule for appointment na pasyente sa akin. Dumaan ako sa locker at hinubad ang suot na lab coat. Inilagay ko ito sa loob at nagbaba ng tingin sa suot na white dress shirt at white slacks. I am all white today except for my black thick heels sandals.

Pinasadahan ko ng mga daliri ang mahabang buhok na kulot sa dulo at itinali na. I swept my long bangs to the side. Nang sa tingin ko ay naging parehong komportable at presentable na ay umalis ako ng locker area at nagtungo sa elevator para makababa.

My phone beeped for a message. Kinuha ko ito mula sa puting purse at binuksan.

Theo: Let's have lunch together.

Kinagat ko ang ibabang labi habang nag-iisip kung dapat ko bang sabihin sa kanya na magkikita kami ng ina niya. Sa huli ay nagpasya ako na huwag na muna itong ipaalam sa kanya. Nagtipa ako ng reply.

Ako: I'll eat my lunch outside. I have to meet a friend.

Mabilis siyang nakapag-reply.

Theo: Lalaki?

Umirap ako pero nakangiti naman. Seloso!

Ako: Babae. I'll be back. I'll see you later.

Theo: Take care and you can also invite your friend to our penthouse.

Na-imagine ko ang mommy niya sa loob ng penthouse. Ngumuso ako at hindi na siya ni-reply-an pa.

Maiksing minuto lang ang ibiyenahe ko papuntang El Benido's. Nang makarating ay ni-park ko na ang kotse sa kanilang parking space. Lumabas ako ng sasakyan at dahil glass ang buong pader ng restaurant ay mabilis kong nakita si Madame Aurelia na nakaupo sa loob at mukhang nagpa-reserve na ng mesa.

Sinulyapan ko ang suot na relo. Wala pang alas dose ay nasa loob na siya. Mas maaga pa siya kaysa sa akin. Taas noo akong naglakad at pumasok na ng restaurant. Tipid at tila ba kabado siyang ngumiti sa akin nang makita akong naglalakad na palapit sa kinauupuan niya.

"H-Hello," bati niya. "Maupo ka, hija."

Naupo ako sa upuan na nasa tapat niya.

"We should order." Tinawag niya ang waitress na nakaantabay.

Ginaya ko na rin siya at kinuha na ang menu na nasa mesa. Matapos niyang sabihin ang kanyang order ay ako naman ang nagsabi ng order ko sa waitress. The waitress repeated our orders for confirmation and then left.

Sumimsim si Madame Aurelia sa kanyang baso ng tubig. Hinagod niya ako ng tingin sa gilid nito.

"You look good in your clothes," puri niya.

"Thank you," sabi ko kahit na nagtataka pa rin sa kasalukuyang inaasal niya.

"And your hair looks nice!"

Hindi naman yata siya nakipagkita sa akin para purihin lang ako?

Naningkit ang mga mata ko. Awkward siyang natawa.

"I'm sorry. Pasensiya na at kinakabahan ako ngayon."

Nagulat ako sa pag-amin niya. Hindi ko inasahan na ganito ang nararamdaman niya.

Yumuko siya na tila ba nahihiya pa akong tingnan. "The painful words I said to you. How I treated you..." dismayado niyang inilingan ang sarili. "It was unforgivable though I still want to apologize sincerely."

Sa pagkabigla ay walang salitang lumabas sa bibig ko. Nakatanga ko lang siyang pinagmamasdan.

"I was fooled by the couple. They were criminals," dagdag niya na nakatingin na sa akin ng deretso. "They fed me lies and extort money from me."

"That was their modus," sabi ko, medyo gumaan ang pakiramdam dahil na-realize nang wala talaga siyang kinalaman. Sa kuryoso niyang tingin ay nagpatuloy ako, "Nagpa-imbestiga rin po ako. Hindi ako tumigil sa paghahanap kay Red."

Maluha-luha na ang mga mata niya. "I'm sorry, hija. Hindi ako naniwala sa'yo noon. At first I thought you were a bad person. A bad mother. Napagtanto ko rin na nilamon ako ng inggit."

"Inggit para po saan?" Naguluhan ako dahil nasa kanya naman ang lahat kaya bakit pa siya maiinggit sa akin?

A tear escaped her right eye. "I was jealous because your mother was Arthur's first love. Noon pa man ay alam kong kasal man siya sa'kin, nasa ina mo pa rin ang kanyang puso. I could never compete with that. And when I thought that you were his mistress, mas lalong umusbong ang galit at inggit ko. Inisip kong marahil ay naalala niya sa'yo si Inocencia."

"Doc Arthur was my hero," sambit ko. "I looked up to him and wanted to be like him."

"Alam ko na iyan ngayon. I am very sorry for wrongfully accusing you. I thought I was also protecting my son."

Hindi ako nakapasalita dahil dumating na rin ang pagkaing in-order namin.

We ate in silence. Hindi naman ako masyadong gutom at mukhang ganoon din si Madame Aurelia. Mabilis kaming natapos sa pagkain.

"How's Red?" tanong niya sa malungkot na boses.

"Mabuti naman siya."

"Hindi na ako nakabisita sa kanya." Napatitig siya sa kanyang juice na hindi niya nagagalaw.

"Pinagbawalan po ba kayo ni Theo?"

Marahan siyang umiling. "H-Hindi naman. He just asked me to... give you some space. At baka nga ay magalit iyon sa akin dahil nakipagkita ako sa'yo."

"P'wede niyo namang dalawin si Red sa penthouse. Wala naman ako palagi roon dahil nasa trabaho."

Maingat niya akong tiningnan. "Sa penthouse ka na rin nakatira?" Kabado siyang natawa. "That's good. That's good. Dapat ay magkasama na... kayo. It's just that, my son did not tell me the address."

"Sasabihan ko po siya na-"

"No, it's okay, hija," agap niya. "I will give you space. He is right. Ang makita mo ako ay magpapaalala lang sa lahat ng masasakit na sinabi ko sa'yo."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin.

Malungkot niya akong nginitian. "My son loves you very much. Na kahit... siraan na kita sa kanya noon ay hindi niya matanggap. He preserved his love for you. Sa dami dami ng kasinungalingan noon, ang pagmamahal niya lang sa'yo ang nanatiling totoo."

"Mahal ko rin po si Theo," matapang na pag-amin ko.

Bumanayad na ang tingin niya sa akin. "Thank you for loving my son."

Nagtagal ako sa loob ng kotse. Matapos ang usapan namin ni Madame Aurelia ay nauna akong nagpaalam sa kanya at lumabas na ng restaurant. Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko. Ang buong akala ko ay mahihirapan akong harapin siya. Inakala ko kasing huhusgahan niya na naman ako.

Napatingin ako sa cellphone na hawak. I read Theo's text message.

What time are you coming back?

Nagtipa ako ng reply sa kanya at sin-end ito.

Ako: Pabalik na ako. Nag-lunch ka na?

Hindi nag-reply si Theo. Mag-aala-una na kaya naisip ko na baka tapos na siya at abala na sa kanyang rounds. Ibinalik ko sa purse ang cellphone at inilapag ito sa upuan. Pinaandar ko na ang kotse.

I parked my car in the hospital basement. Sumakay agad ako ng elevator paakyat. Nang makapasok na sa tamang floor ay binati agad ako ng mga staffs sa hallway. Dumeretso ako sa locker at binuksan ang purse. Kinuha ko mula rito ang cellphone at nakitang wala pa ring reply si Theo.

Inilagay ko sa loob ng locker ang purse at kinuha ang naka-hang na lab coat. Sinuot ko ito para sa paghahanda sa consultations ko na naka-schedule sa hapon. Inilagay ko sa bulsa ng lab coat ang cellphone at tinalikuran na ang locker.

Naglakad ako papunta sa outpatients department. Nasa pinakadulo ito ng floor kaya medyo malayo ang nilakad ko. Nang marating ito ay pumasok na ako sa loob at nadatnan ang nurse na mag-aassist sa akin malapit sa reception desk.

Sumabay siya sa akin at pumasok na kami sa consulting room.

"Ilang outpatient meron ako this afternoon?" tanong ko sa nurse habang nakaupo na sa swivel chair.

"Limang patients lang po ang nagpa-appointment sa inyo this afternoon, Doc."

"Alright. You may now call the first patient so that we can start," utos ko.

Hindi pa man siya nakakahakbang palabas ay narinig namin ang malakas na pagtunog ng paging system. Sa lakas ng loudspeaker nito na maski nasa labas lang ng consulting room ay umabot na sa loob.

"Paging, Doctor Abigail Manalo. Please proceed to the Information desk," banayad na bosed ng babae.

Pagod akong napasinghap. Kakaupo ko lang, pinatawag na agad.

"Paging, Doctor Abigail Claudine Manalo. Please proceed to the Information desk."

Nagtiim bagang ako. "Oo na."

Tumayo ako at sinulyapan ang nurse. "Papasukin mo na lang iyong pasyente. Check his vitals first. Baka mabilis lang 'to."

We both turned our head towards the door when we heard someone clearing his throat in the paging system. And this time, it's a man's voice.

"Paging, Doctor Abigail Claudine Manalo. Please proceed to my heart now," baritonong boses ni Theo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top