Chapter 37

Chapter 37

Family

When the food we ordered arrived, we ate in a comfortable silence. Ninamnam ko ang kinakaing ribeye steak na tila ba sa lambot ng karne ay hindi ko na kailangang nguyain pa. Kusa lang itong natutunaw sa lalamunan ko. Pareho kami ng in-order ni Theo and we are both taking our time as we eat.

"Ano ng mangyayari kay Doc Sharmaine? May trabaho pa ba siya? You fired her," sabi ko sabay simsim sa wine.

"She can apply for another hospitals. It's not like I blacklisted her or something."

Inilapag ko ang wineglass at kinuha ulit ang tinidor. "Nagkasalubong din kami ni Leslie Minerva sa Makati Med." Napaisip ako saglit. "It was weird because she was avoiding me. Tingin ko nagkausap sila ni Doc Sharmaine. Kumalat din kasi sa ospital ang tungkol sa panghuhula ko sa San Pablo dati."

Sumubo siya sa kanyang steak. "It's probably my fault."

"What do you mean?"

Ibinaba niya ang hawak na kubiyertos at mariin akong tinitigan. "I may have done something to their properties. That's probably why she wants revenge."

"Tulad ng?"

"I bought them."

Umawang ang labi ko at nanghina ang hawak ko sa kutsilyo at tinidor.

"You what?"

Kinuha ni Theo ang table napkin at nagpunas ng bibig. Panandaliang nawala ang focus ko sa tanong dahil napansing tapos na siyang kumain.

"I bought their properties in San Pablo. Most of their lands actually," pahayag niya sa normal na boses.

"At nagkaroon ka ng interes sa lupain nila dahil?"

Napasandal siya sa backrest ng kanyang upuan. He lazily took his wineglass and shook it a bit. The liquid stirred. Mas lalo rin itong naging pula na tila ba dugo.

"I want them to fail. That's what they get for abusing their power to inflict pain to others. For hurting you," tumalim ang tono niya sa huling sinabi.

Nagbaba ako ng tingin sa plato. Bumalik sa akin ang alaala ng muntik ng nangyaring panggagahasa ng mga lalaki noon sa akin dahil sa utos ni Leslie Minerva. Because she just wanted to have fun and scare me.

"You didn't have to do that, Theo. The law can-"

"The law failed to protect you," giit niya. "It failed to give you the justice you deserved."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa emosyon na bumubuhos sa akin. Nakausad nga ako sa buhay pero ang masakit na naranasan noon ay nakaukit pa rin sa loob ko. The scars remained.

Muli akong napasulyap kay Theo dahil inabot niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. He leaned forward and stared at me with apologetic eyes.

"My dad..." hirap na panimula niya at bahagyang napapikit pa bago nagpatuloy. Umigting ang panga niya. "I can give you the justice for what he did to your mother. I know that he apologized and you've forgiven him but if you want..."

Umangal ako sa pamamagitan ng mabilis na pag-iling. "I'm not asking for it anymore, Theo."

Nakita ko ang protesta sa mga mata niya kaya ngumiti ako para mawala na ang pag-aalala niya.

"Pinatawad ko na si Doc Arthur," I gently stated. "I want to move forward now and leave the past behind."

"Are you sure?" paos na paniniguro niya. " 'Di porke't ama ko siya, 'di na kita bibigyan ng hustisya."

Kinalas ko ang kamay na hawak niya at ipinatong ito sa kamay niya. Banayad ko siyang tinitigan.

"Your father is suffering, Theo. Nagdudusa siya hindi lang dahil sa sakit niya kundi dahil na rin sa pagsisisi niya sa nakaraan. And that is justice enough for me."

Pumikit ulit siya. Na para bang nawala na ang mabigat na nakadagan sa kanya. Sa pagdilat niya ay nanunuot sa akin ang pagmamahal niya.

"I love you," marahang bulong niya.

I believe him because he makes me feel it. Hindi lang sa mga ikinikilos niya kundi pati na rin sa kung papaano niya ako tingnan. Humigpit ang paghawak ko sa kamay niya. Sa pamamagitan ng pagkapit ko ay gusto kong iparating sa kanyang mahal ko rin siya. Na pareho ang nararamdaman naming dalawa.

Matapos ang naging intimate dinner ay lumabas na kami ni Theo ng Etheral Palace at pumasok na sa sasakyan niya. Habang nag-a-adjust ng seatbelt ay sinulyapan ko si Theo. Nakatutok siya sa screen ng kanyang cellphone.

"What's wrong?" tanong ko.

"Liz just texted me. Gising pa raw si Red."

Awtomatiko akong napatingin sa suot na relo. Mag-aalas nuebe na.

"Bakit hindi pa siya natutulog?"

"She knows I have a dinner date with you. Ang sabi ni Liz maghihintay daw ang anak natin sa'yo sa penthouse." Iniligpit na niya ang kanyang cellphone.

Naisip ko ang sariling condo ngunit ayaw ko namang biguin ang anak namin.

"Maybe I can just say goodnight to her bago mo ako ihatid sa condo ko?"

"You can sleep in the penthouse, you know," agap niya. Na para bang ito ang magiging solusyon sa problema.

"Ilan ba ang kuwarto ro'n?"

Napuna ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. "Apat. 'Di pa kasama ang kuwarto ng mga katulong. Walang kama sa dalawang kuwarto kaya ro'n ka na sa kuwarto ko."

Pinukol ko siya ng mapagdudang tingin. "Talaga ba? Bakit naman walang kama ang dalawang kuwarto? Ang weird ha."

"Kalilipat lang namin kaya 'di pa handa ang lahat. So ano? Sa penthouse ka na ba matutulog?" pag-iwas niya sa tanong ko.

"Wala akong ibang damit. Mag go-goodnight lang ako sa anak natin," pinal na sinabi ko. "Nga pala, ano 'yong importanteng inasikaso mo? Work-related ba?"

He looked disappointed with my answer. He put his hands on the steering wheel and maneuvered the car.

"It's family-related."

"Oh." Kinabahan ako bigla. "Okay lang ba ang... parents mo?"

Kumunot ang noo niya na parang hindi niya naisip ang mga magulang.

"They're fine. I meant our family. You, Red, and I." Deretso ang tingin niya sa kalsada nang sabihin ito. He bit his lower lip. Naghahanda sa susunod na sasabihin.

"I met with the contractors for our house," kabadong saad niya at isang beses na sumulyap sa akin. "I'm planning to build a house in the hilltop I had shown you."

"Pero may penthouse ka naman."

"Iba pa rin 'yon. I want to build a home for us. If we want peace and quiet, away from the busy city, we can have a place to stay."

Naging speechless ako dahil mukhang napag-isipan na niya itong mabuti.

"My target is one year of building. In the mean time, we can live in the penthouse," pagpapatuloy niya.

"Hmm. I have my condo," I pointed out.

His eyes looked weary and a bit hopeful. "Yeah. I'll wait till you decide to live with us."

"Pero puwede rin... para makatipid na ako ng bills at makasama ko si Red."

Ngayon ay nagkaroon na ng panibagong sigla ang mga mata niya. Napatuwid siya ng upo.

"Kaya nga mas mabuti na sa penthouse ka na," pangungumbinsi niya. "Tipid na tipid talaga."

Ngumisi ako at mapagdudang tiningnan ang poker face niya. Sinusubukan niya talagang magpakita ng seryoso at inosenteng mukha pero nanatiling tuso ang mga mata niya.

"Alright. I'll consider it," sabi ko.

Bumiyahe kami sa daan patungo sa penthouse ni Theo. Nakarating kami sa penthouse niya na nasa isang luxury residential building. First time kong bumisita rito simula noong lumipat sila ni Red. Siya na mismo ang nag-park ng sasakyan maski halata namang may valet service ang building.

Pumasok kami sa elevator at pinindot niya kaagad ang top floor unit. Hindi nga malayo ang lokasyon nito sa condo ko. It is located in one of the most expensive and renowed towers in Makati.

Its huge door opened in one swipe of a card which was held by Theo. Pumasok kami sa loob at agarang sinalubong ni Red na nakasuot na ng pantulog. Hindi ko maisuyod ang tingin sa loob ng penthouse dahil abala na sa yakap ng anak ko.

Ngumiti ako sa anak at pinatakan siya ng marahang halik sa noo.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" malambing na tanong ko.

"I'm not sleepy yet, Mama. Are you gonna sleep here?"

Bumuntonghininga ako at napasulyap kay Theo na nasa likod. He looked at me helplessly. Muli kong tiningnan si Red. "I only came to say good night and give you a good night kiss."

Nanlabi si Red at hinawakan niya ang braso ko. " I wanna show you my room, Mama. Come!"

Nagpatianod ako sa anak at nahawa na rin sa energy niya maski gabi na. I used the time as we walked towards her room to survey the place. It's very huge with high ceiling. May furnitures na rin at malaking smart tv sa sala. Iba ang kombinasyon ng pintura nito roon sa dating condo ni Theo. This one looks.... more homey.

Ibinalik ko ang tingin kay Red na nagbubukas na ng pinto ng paniguradong kuwarto niya. Pumasok kaming dalawa sa loob. Tahimik naman na sumunod sa amin si Theo.

Namangha ako sa loob ng kanyang kuwarto. Malaki rin ang espasyo nito at kulay pink ang pintura ng walls. She has a bed with a unicorn bed sheet and a mini library in the corner. Dumapo ang tingin ko sa ibabaw ng shelves na may mga nakapatong na picture frames. Maliban sa solo pictures niya ay may iilan din na kasama ako. Bagong kuha lang ito, noong lumabas kami.

"Are you gonna live with us, Mama?"biglang tanong ni Red habang abala pa ang mga mata ko sa paggala sa buong kuwarto niya.

I quickly glanced at Theo. Naalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina sa restaurant. Ngumiti ako kay Red na masyadong nag-aasam ang mga matang nakaabang sa akin.

"Soon, anak," sabi ko. Naging desidido na talaga.

Mabilis na umaliwalas ang mukha niya. Hindi na naitago pa ang tuwa. Binalingan niya ang ama na lumapit na rin sa amin. "Daddylo and Mommyla won't live with us?"

"They won't, Red," sagot ni Theo.

"Why not?"

Matagal pa bago nakasagot si Theo. "It'll just be you, Mama, and Papa. It's just gonna be us."

Dismayado siyang tiningnan ni Red. "But they're also family. My teacher said that family must stick together no matter what."

Lumapit si Theo sa kanya. He crouched a bit so he can have a close eye to eye contact with our daughter.

"That is not always true, Red," banayad niyang sinabi. "Sometimes a family can hurt you so bad that you have to separate yourself away from them in order for you to heal."

"And they hurt Mama so bad," malungkot na pahayag ni Red. Tila ba nauunawan ang nangyayari.

"Yes," nanghihinang tugon ni Theo.

"But they already said sorry. The priest said that we should forgive the people who say sorry."

Gusto kong pumikit dahil sa sinasabi ng anak namin. Kung ako ang nasa posisyon ni Theo ay hindi ko alam ang isasagot.

"He's right," pagsang-ayon ni Theo. "But forgiving doesn't always mean fixing broken relationships. Forgiving can also mean moving on and leaving that relationship. It doesn't mean that we don't respect those people anymore. It's just that we respect our feelings and pain."

Sinulyapan ako ni Red. May pangamba at matinding pag-aalala sa mga mata niya. Mga mata niyang tulad na tulad sa ama niya.

"Are you still hurting, Mama?"

"A bit." Ngumiti ako pero may kaonting kirot dito. "But I am doing better now."

"That's why we have to shower Mama with so much love," si Theo sabay ngiti sa akin.

Mabilis ang ginawang pagtango ni Red. "I can do that! I can give Mama so much love!"

Mahina akong natawa dahil sa sigla niya. Tumabi ako kay Theo at pinagmasdan si Red. "We were all hurt in the past so we will shower each other with so much love."

Tiningnan ko si Theo at nakita ang pamumungay ng kanyang mga mata habang nakatitig sa mukha ko.

"Kasali rin ba ako diyan?" bulong niya, sapat lang para hindi marinig ng anak namin.

"Siyempre. We're family," tugon ko.

Napagpasyahan kong hindi na muna umuwi dahil na rin naglambing si Red. Sinamahan ko siya sa kama at hinile siya para makatulog. Kinanta ko ang palagi kong kinakanta sa kanya noong baby pa siya. Uminit ang puso nang makitang unti-unti siyang hinila ng antok na may ngiti sa mga labi. She looked happy and very satisfied.

I looked at Theo who was silently gazing at us. He smiled at me. The kind of smile that says he is now contented with his life and that he could not ask for more.

Inayos ko ang maliit na kumot ni Red at unti-unti akong bumangon mula sa pagkakahiga sa tabi niya.

"Uuwi ka na ba?" Dinig ko ang takot sa boses niya. He is staring at me intently.

I gave him a reassuring smile. "Babalik ako rito bukas kasama na ang mga gamit ko."

His lips parted and then he nodded. "I'll take care of that for you. I'll hire some people."

"Okay." Hindi ako tumanggi sa alok niya at pumayag na dahil alam kong mas mapapadali ito sa tulong niya.

Muli kong iginala ang tingin sa kuwarto ni Red. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na telang nakasabit sa maliit na wardrobe niya. Naningkit ang mga mata ko at dinala ako ng mga paa palapit dito. Hindi umimik si Theo at sinundan lang niya ng tingin ang ginawa ko.

Marahan kong kinuha ang naka-hang na damit at napasinghap ako nang maalala kung ano ito. Ang pulang sweater na itinahi ko para kay Red!

"B-Bakit nandito pa 'to?" manghang baling ko kay Theo.

"I kept it," namamaos niyang tugon.

Hinaplos ko ang maliit na sweater at bumuhos sa akin ang mga alaala. Tiningnan ko ulit si Theo.

"Paano?"

Naglakad siya palapit sa akin. Siguro ay para hindi magising si Red.

"She was wearing that when I first met her." He swallowed. "Ang sabi ng... mag-asawa ikaw daw mismo ang nagtahi niyan. So I... kept it."

Natigilan ako at namangha sa ginawa niya. "Even when you thought I gave Red away?"

"Even that," hirap niyang sambit.

Namungay ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya.

"Do I even deserve you, Theo?" I whispered hoarsely.

He gently smiled. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at marahang kinuha ang kamay ko. His hand is so warm and comforting.

"You didn't even have to ask, Clau," bulong niya. "I only want to be deserving of your love."

Mas inilapit ko ang sarili sa kanya. He closed his eyes and kiss the top of my head. Bumaba ang halik niya sa noo ko.

"I love you," sambit ko sa nanginginig na boses.

His lips parted in shock. Dumaan ang lahat ng emosyon sa mga mata niya at sa huli ay mas pumungay pa ito. Nga naman, ito ang kauna-unahang beses na sinabi ko sa kanya ang salitang iyon simula nang magkabalikan kami.

He then kissed my lips. Mabagal ngunit mariin. Tumugon ako sa halik niya na puno ng pagmamahal at pagsamba.

"Mawawala na ba ang lipstick ko nito?" malambing na tanong ko sa gitna ng halikan naming dalawa.

"Let's see. The night is still young," he whispered as he kissed me deeper.
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top