Chapter 36
Chapter 36
Jealous
The entire General Surgery Department is awfully quiet. Naisip ko ulit ang ginawang pag walk out ni Doc Sharmaine sa quarters kanina. Tahimik akong lumabas matapos mapakalma ang galit nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang mga kabadong kasamahang doktor.
Naghintay ako na ipatawag ng admin dahil alam kong malaking eskandalo ang nangyari. Lalong-lalo ang ginawa kong pananampal kay Doc Sharmaine. Aware ako na unethical iyon sa trabaho. I can be suspended because of it. Or worst, I can get fired for behavioral misconduct.
Hindi basta-bastang mapapalampas ang ginawa ko kaya naman ay nagtataka ako na natapos na lang ang lunch period ay hindi pa rin ako ipinapatawag ng department head para sa isang disciplinary action.
Nagpaalam na ako sa huling pasyente at lumabas na ng ward. Nakasunod naman sa akin ang isang nurse. Sinulyapan ko siya at nakitaan ko ng kaonting takot ang mga mata niya. Masyado na ba talagang kumalat ang ginawa kong pananampal na parang lahat sila ay takot sa akin?
"Hindi pa ba bumabalik si Nurse Risa?" tanong ko. Hindi ko sinasadya ang malamig na tono.
"Uh... Naka indefinite l-leave po siya, D-Doc Abigail."
I was walking briskly kaya naman muntik na akong matalisod nang makasalubong ko si Theo sa hallway. Nagulat ako dahil ang sabi niya ay hindi siya pupunta ng ospital at may aasikasuhin siyang importante. What is he doing here?
He is wearing another white button down shirt. Nakatupi ang sleeves niya hanggang siko. He looks... stressed and worried about something but still hot and handsome. Nasa akin lang ang buong atensiyon niya. Naghuhuramentado na ang puso ko.
Mabilis na kinain ng malalaki niyang hakbang ang distansiyang nakapagitan sa aming dalawa.
"I've heard about what happened..." aniya nang makalapit. "You slapped Doctor Sharmaine."
Sa pagbanggit niya sa pangalan nito ay umakyat ang iritasyon ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi naman alam ang patutunguhan. Walang kahirap-hirap na sumunod si Theo. Nawala rin bigla ang nurse na kasama ko kanina.
"Why did you do it, Clau?"
Lumala ang iritasyon ko. Is that concern I heard in his voice? Concern siya sa babaeng iyon? Akala ko ba hindi sila close?
I stopped and glared at him. "Kung nandito ka para pagsabihan ako dahil sa ginawa ko sa babae mo-"
He groaned as if frustrated about something I just said.
"Hindi ko siya babae at hindi kita pagsasabihan," depensa niya.
"Then why are you asking me about my reasons for doing it? Hindi mo ba narinig ang kumakalat na chismis ng dahilan ng pananampal ko sa babae mo?"
He groaned again. Nakita ko ang pagod sa mga mata niya ngunit nakuha pa rin nitong mamungay habang pinagmamasdan ang mga labi ko. Hinigit niya ang palapulsuhan ko at marahan akong hinila papunta sa ibang deriksiyon.
"Where are we going?" inis na tanong ko.
"To my office. We will talk!"
"Hindi na natin kailangan na mag-usap pa," sabi ko pero wala rin namang magawa kundi ang magpatianod sa kanya. "At ano ba ang ginagawa mo rito sa ospital? 'Di ba may importante ka namang gagawin?"
Binuksan niya ang pinto ng kanyang opisina na hindi man lang bumibitaw sa akin. We went inside.
"This is more important." Hinarap niya ako at pinagmasdan gamit ang naninimbang na tingin.
Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Why? Dahil involved ang babae mo?"
"Ikaw lang naman ang babae ko," iritado niyang pahayag. I can feel him almost losing his patience.
"Hindi yata alam 'yan ni Doc Sharmaine at hanggang langit ang galit niya sa'kin."
Theo curse silently. "I've dreamed of you being jealous but now that you are... fuck. I don't like it even a bit."
Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang sariling emosyon. Mas nainis lang ako.
"Excuse me! I am not jealous!"
He gazed at me smugly but his eyes are too tired. "Really? Then why do you keep on insisting that Doc Sharmaine is my girl?"
"Kasi nga concern ka sa kanya at babae mo siya-"
"I told you she's not my girl and I am not concerned about her. You are my girl and I am only concerned about you. No one else!"
"Close sila ng Mommy mo at tinawag niya siyang tita!" Shit. Okay. Dapat ay tumigil na ako bago ko pa lubusang mapahiya ang sarili.
Nalusaw ang inis sa mga mata niya at napalitan ito ng awa at pag-aalala.
Marahan niyang hinagilap ang siko ko at hinila ako palapit sa dibdib niya.
"Wala akong pake kung malapit sila ng ina ko. Ikaw lang ang gusto ko, Clau. Ikaw lang," malambing niyang sinabi. "So stop being jealous please."
Nanghina ako bigla dahil sa lambing niya. Tuluyan akong bumagsak sa dibdib niya. Niyakap niya ako at ramdam kong naging kalmado na rin siya tulad ko.
Humilig ako sa kanya at nagpaubaya. "I'm not jealous," I murmured.
"Sure you're not," aniya sa magaan na boses. Hindi man nakikita ang mukha niya ay alam ko namang nakangiti siya.
"I'm not," I insisted in a soft voice. Diyos ko. Ano na ba ang nangyayari sa akin?
His head tilted to one side almost reaching my left ear. "Whatever you say, love..."
I inhaled his manly scent. Mas isiniksik ko ang sarili sa kanya. Humigpit naman ang yakap niya sa baywang ko. I feel so comfortable in his arms. He always makes me feel comfortable.
"Baka mawalan na ako ng trabaho at mapatalsik sa ospital," sabi ko makalipas ang ilang minuto.
"Hmm. Don't worry about it."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang pagnguso niya. "How can I not worry about it? Kung magrereklamo si Doc Sharmaine sa ginawa ko..."
"She won't," agap niya. Idikit niya ang mukha sa bandang leeg ko. His lips touched my skin. "I already fired her."
Mabilis akong kumalas sa yakap niya pero hindi niya ako hinayaan. Nanatili ang braso niya sa baywang ko. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
"Bakit mo ginawa 'yon? At may karapatan ka bang gawin 'yon?" Of course he has. He is an investor!
"I don't want anyone insulting you," kalmante niyang sagot.
Umawang ang labi ko at mangha ko siyang tiningnan. I know he can be cold but I didn't know that he can be this ruthless! Inilagay ko ang dalawang palad sa dibdib niya para may kaonting espasyo naman dahil dikit na dikit talaga ako sa kanya. Pinagmasdan niya ang mga kamay ko sa dibdib niya at tumalim ang titig niya sa espasyong ibinigay ko.
Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa. "Ang tagal ng maraming nang-iinsulto sa'kin sa ospital at kaya ko naman-"
"Who?" Naging malamig ang boses niya at ngayon ay sa mga mata ko na siya matalim na nakatingin.
Umirap ako. "Some... staffs from the department. Matagal na akong pinagtsi-tsismisan-"
"I'll fire them."
Humagikgik ako. "Marami sila, Theo."
"I don't care. I'll fire whoever insults or talks ill about you." Theo looks so determined. Like an angry angel ready for war.
Hinaplos ko ang panga niya para mabawasan ang pag-igting nito.
"Wala ng matitira sa department kapag ginawa mo 'yan," malambing kong sinabi.
Ngayon ay nagkunot na siya ng noo at naging mas problemado pa yata. May mainit na puwersa na yumakap sa puso ko. He is so fierce and protective. This only reminds me of how I fell in love with him in the first place. Of how I can fall in love again. And it still will be with him.
Pumungay ang mga mata ko at unti-unti kong pinatakan ng marahang halik ang mga labi niya. My move surprised him that he was not able to react at first. I kissed him again and this time he responded. My kiss was shallow but his was deep.
"Akala ko ba manliligaw mo pa ako?" he whispered between our kisses. "Ba't nagpapahalik ka na?"
I kissed the corner of his lips. "Ayaw mo ba?"
He bit his lower lip. Halatang nagpipigil sa temptasyon na inaalok ko.
"Sagutin mo muna ako, Clau..."
Huminto na ako sa paghalik sa kanya dahil suplado siyang nag-iwas ng mukha. Tila ba ipinagdadamot pa ang mga labi niya.
I chuckled. "Ano ba 'yong tanong?"
Ibinalik niya ang tingin sa akin. He looked at me passionately. Bukod dito ay may kaba rin.
"Am I," he swallowed nervously, "your boyfriend now?"
Kumurba ang sulok ng labi ko. "Kailangan pa ba no'n, e may anak na naman tayo?"
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakita kong umusbong ang iritasyon sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"I have plans for us," naiinis na sambit niya.
"Plans? Like?"
"I want to do it the right way," mariin niyang sinabi. "I want you to be my girlfriend first. And then eventually make you marry me. Not because we have a kid but because we love each other."
"Have me as a fiancee this evening and make me a wife the next morning, eh?" panunuya ko nang maalala ang sinabi niya dati.
Hindi nagpatinag ang seryosong hitsura niya. "I am serious, Claudine."
"Fine," buntonghininga ko.
Mas lalo lang siyang nagsuplado. "Anong fine?"
Namula na siya. Gosh. He is such a mestizo. Mas lalo siyang naging hot sa paningin ko at gusto ko yata siyang asarin pa. Nga lang, alam kong dapat hindi ko siya sagarin dahil may limitasyon ang pasensiya gaano man ito kahaba.
"Fine. I am your girlfriend now."
Awtomatikong pumungay ang mga mata niya. Walang abiso niyang inatake ng halik ang mga labi ko. I responded to it quickly. He held my nape just so he could deepen the kiss. His kisses are potent. Uhaw na uhaw at gigil na gigil.
Umakyat ang mga kamay niya mula sa baywang ko. Hinagod niya ang likod ko at pagkatapos ay lumipat ito sa ibabaw ng tiyan ko. Hinawi niya ang suot kong lab coat para mabigyang daan ang mapaghanap niyang mga palad. I moaned when his hot palms eventually landed on my breasts.
"Theo..." daing ko.
"Fuck."
Huminto siya sa paghalik sa akin. His hot palms left my chest. Unti-unti itong bumaba sa baywang ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at dahil sa tangkad niya ay tiningala ko pa siya.
"Why did you stop?" reklamo ko.
"I don't want to take you here. I'm not a boy who can't control his raging hormones."
Sa pahayag niya ay napatingin ako sa ayos namin. My God. I look like a wanton woman. Dikit na dikit talaga sa kanya na parang isang linta! Hindi ako si Sharmaine!
Talaga ba, Clau?
Shit!
Umayos ako at tumuwid ng tayo. Tinanggal ko ang mga kamay sa balikat niya at kumalas. Hinayaan niya naman akong tanggalin ang sarili mula sa pagkakadikit sa kanya. Inayos ko ang medyo nagusot na lab coat.
Sa kakarampot na natitirang dignidad ay taas noo ko siyang tiningnan.
"Tapos na yata ang break ko. Babalik na ako sa trabaho."
"I'll pick you up later tonight. May date pa tayo," paalala niya.
"I'll see you then," kalmado kong sinabi na para bang hindi siya inakit kanina.
He opened his door for me. I glanced at him and saw the ghost of smirk on his lips.
"Babalikan ko 'yong inaasikaso ko kanina," aniya. "And stop giving our colleagues a deadly look. I'll make sure they won't bother you anymore."
Nahinto ako at hindi na muna lumabas. "Hindi naman ako suplada, ah."
He smirked. "Suplada ka. But you are my suplada so it's okay."
Umirap ako at tinalikuran na siya para lumabas na ng kanyang opisina.
Napag-alaman ko nga mula kay Nurse Relani noong dumaan ako ng Information desk na pinatalsik na talaga si Doc Sharmaine. Effective immediately. Hindi alam ng lahat na si Theo ang nag-utos dito ngunit duda ako na may hinala silang si Theo dahil sa koneksiyon niya sa akin. I know it was unfair dahil pareho kaming na-involve ni Doc Sharmaine sa isang eskandalo at siya lang itong napatalsik sa ospital.
And maybe I am not very kind dahil wala na akong ginawa pa sa bagay na ito. Natapos ang shift ko na wala na akong narinig na usap-usapan galing sa mga kasamahan sa trabaho. Hindi ko alam kung anong sinabi o ginawa ni Theo at napahupa niya ito na parang wala lang.
Nasa loob na ako ng sasakyan at pauwi na nang mabasa ang text message niya. Sinabi lang niya kung anong oras niya ako susunduin. Ibinalik ko ang cellphone sa upuan at medyo binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nang mapagtantong nagmumukhang excited naman yata ako ay binagalan ko ulit ang pagpapatakbo at kinalma ang puso.
I took a quick shower pagkauwi ng condo. I wore a slip mini black dress. I paired it with black stilettos. I tied my hair in a messy bun. Kinulot ko na rin ang fringe bangs ko. I applied a bit of light make up but darkened my eyeshadow. I looked paler when I put a nude lisptick kaya naman ay nilapatan ko rin ang labi ko ng isang red lipstick.
At sa insaktong alas siyete ng gabi ay narinig ko na ang katok ni Theo sa pintuan. Kinuha ko ang aking purse at tinalikuran na ang malaking salamin. Pinagbuksan ko siya at parang tambol ang puso ko habang nakatayo sa harap niya. Nakasuot siya ng isang kulay blue na sports coat at sa loob nito ay isang white button up shirt. He completed his casual look with a pair of dark jeans and some brown loafers.
I absentmindedly craned my neck, checking him out. Umakyat ang tingin ko sa mukha niya at nakita ang paninitig niya sa bandang leeg ko na klarong klaro dahil sa ayos ng buhok ko.
He sensually licked his lips. "Ang ganda naman ng girlfriend ko."
Uminit ang pisngi ko. "Bolero!"
"Come here," marahang utos niya.
Parang alipin na sumunod ang katawan ko at lumapit na sa kanya.
He wrapped his arms around my waist. I put a hand on his chest para na rin makahinga ng maayos dahil dumagundong na ang puso ko sa malakas na pintig nito.
Inilagay niya ang kanyang daliri sa ibabang labi ko at marahan itong pinalandas.
"Your lipstick looks good on you," puri niya. "This is not your usual shade of lipstick."
Hindi ko magawang magkomento sa pamumuna niya. At talaga namang pati shades ng lipstick ko binabantayan niya ha. Naaalala ko tuloy iyong mga paninitig niya sa akin dati noong nagpapapansin pa siya sa akin sa ospital.
"Nag-experiment lang naman ako."
"Hmm." He gave me a soft kiss on the forehead. "Baka mawala rin 'yan mamaya..."
Naningkit ang mga mata ko at napaangat ng tingin sa kanya. "Bakit naman mawawala?"
Bumaba ang halik niya sa tungki ng ilong ko. " 'Cuz I'm gonna kiss you later on. Non stop."
Napalunok ako at parang mas natuwa pa sa pangako niya. Bago pa ako mag-cancel sa date namin at yayain na lang siya sa loob ng condo ay tumayo na ako ng maayos.
"Saan tayo magdi-dinner?"
He sighed. Parang nagsisisi pa siya na magdi-dinner pa kami.
"There's this great restaurant I know." Kinuha niya ang kamay ko. "Are you ready to go?"
Tinanguan ko siya. "Oo. Kanina pa."
He chuckled at that. Bumaba na kami ng unit ko at nagtungo sa naka park niyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan. I slid inside at napaangat ang suot kong mini dress kaya nalantad ang hita ko. Napatitig si Theo rito.
"I just realized your dress is very short."
"Okay lang yan. Gabi naman."
He tilted his head to the side. Ngayon ay mukhang problemado na siya.
"What?" asik ko. "Gusto mo bang magpalit ako?"
Mariin niya akong tinitigan. "Komportable ka ba sa suot mo?"
Nagkibit ako ng balikat. "Oo naman."
"Then that's fine." Pagkatapos itong sabihin ay isinara na niya ang pinto at lumiko siya para pumasok sa kabila.
He went inside and sat on the driver's seat. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan.
The drive to the restaurant wasn't that long. May valet service ito kaya ipinasa ni Theo ang susi ng Aston Martin niya sa valet nang makalabas na kami ng sasakyan. Tumingala ako sa matayog na istruktura ng gusali. Nagsusumigaw ito ng pagiging mamahalin.
Etheral Palace, it says. Nadadaanan ko lang namin ito dati at ni isang beses ay hindi pa ako nakakapasok sa loob. I am aware that this is a five star hotel and restaurant.
Pinagsiklop ni Theo ang mga kamay namin at iginiya niya na ako papasok sa isang malaki at babasaging double doors.
May kinausap si Theo na marahil ay isa sa mga supervisors nito. Iginiya kami ng babae sa table na pina-reserve ni Theo. It was quite isolated and more private. Mas naging intimate din ito tingnan dahil sa candlelight sa gitna ng mesa. May bote ng wine na rin at dalawang wineglasses sa ibabaw.
Nang maupo na kaming pareho ay awtomatiko kaming nilapitan ng isang chef. We told him our orders as we glanced at the fancy menu. Nang makaalis na ito para asikasuhin ang order naming pagkain ay binalingan ko si Theo.
"Ilang beses ka ng nakapunta rito?" tanong ko sabay sulyap sa isang staff na lumapit at nagbukas ng wine. Sinalinan nito ang wineglasses namin ni Theo at pagkatapos ay umatras din sa may sulok.
Nag-isip pa si Theo bago sumagot. "This is my third time, I guess."
Ngumuso ako. "Sinong kasama mo? Babae?"
Inignora niya ang tono ko. "The first time was because of a medical conference which was held in their hotel, and the second time was for a speech I did. What about you?"
"This is my first time."
"Your first and only with me," banayad niyang saad.
Sumimangot ako. "How can you be so sure that it'll only be with you? Malay mo at makabalik naman ako rito na iba ang kasama ko."
"Sino namang isasama mo?" he asked with an annoyed expression.
"Si Doc Eric?" Tuso akong nagtaas ng kilay.
Nanatili ang iritasyon sa mga mata niya. "I'm your boyfriend."
Kinuha ko ang wineglass at sumimsim dito. "Boyfriend pa..."
"I'm the father of your child. And will be your husband very soon."
Nasamid ako sa wine na iniinom dahil sa huling sinabi niya. Inabutan niya ako ng tissue at tinanggap ko ito sabay baba ng wineglass sa mesa.
"Are you jealous?" I asked. Pinunasan ko ang bibig gamit ang tissue.
"Yeah," he admitted shamelessly.
I gawked at him. Tumikhim ako at umayos na sa pag-upo. "May iba ng gusto si Doc Eric."
"Dapat lang," he muttered. Kinuha niya ang kanyang wineglass at sumimsim na rin sa kanyang wine.
Lihim akong napangiti at... kinilig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top