Chapter 35


Chapter 35

Chance

Nanuyo ang lalamunan ko. Seeing him gazing at me with shameful eyes makes me speechless. May kakaiba rin akong naramdaman sa loob ng tiyan na parang nagliliparan.

Bumukas ulit ang pinto ng inner office ni Doc Marco kaya naputol ang titigan namin ni Theo.

"Oh! You two are still here? Sorry. I forgot to dismiss you."

Mas nauna akong tumayo kay Theo.

"If you have any questions, Doc Abigail and I'm not around," si Doc Marco sabay sulyap kay Theo, "just ask Doc Theo for help, okay?"

"Sure, Doc," sagot ko.

Pareho kami ni Theo na nagpaalam na kay Doc Marco. Si Theo na rin ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong lumabas. Sumunod naman siya sa akin.

"Uuwi ka na?" tanong bigla ni Theo sa likod ko.

"Yeah." Mabagal ang ginawa naming paglalakad. Tahimik na rin ang hallway. "Ikaw?"

"Uuwi na rin."

Tumango-tango ako. Dahil sa bagal ng paglalakad ko ay nakasabay na siya sa gilid ko.

"Sabay na tayong bumaba?" sabi ko at tiningnan siya.

Bumalandra ang gulat sa mata niya na parang hindi niya inasahan ang suhestiyon ko. Napawi ang gulat at napalitan ito ng panibagong sigla.

"I would love that," aniya, tunog kontento.

Tahimik na ulit naming tinatahak ang daan papunta sa elevator. Maikli lang ang ginawa naming paghihintay sa labas nito dahil bumukas din naman kaagad ang pinto ng elevator. Pumasok kami sa loob at magkatabing nakatayo sa may dingding.

"They say that you're one of the investors in the hospital. Is that true?" tanong ko para mabawasan ang dead air sa pagitan naming dalawa.

He nodded nonchalantly. "Bago lang."

"Did you have something to do with my quick leave approval?"

Umawang ang labi niya at napalunok siya. "I may have... ordered something like that."

I raised an eyebrow at him. "Making use of your authority?"

"If it's for the sake of the people I love, then yes. I should make use of my money." Wala akong naaaninag na hiya sa mukha niya.

I sighed. Bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nakababa na kami ng basement. We both stepped out of it. Naglakad na kami papunta sa kanya-kanyang sasakyan. Napansing kong isang kotse lang ang nakapagitan sa kotse naming dalawa.

Bago ko pa buksan ang pinto ng sasakyan ay bumaling ako sa kanya. Nanatili siya malapit sa sasakyan ko at hindi pa nilalapitan ang kanya. He looked at me expectantly. Kung makatitig siya ay mukhang handang-handang makinig sa anumang sasabihin ko.

"You should never be ashamed, Theo," mataman kong sinabi. "I never blamed you for anything."

"My family hurt you."

I shook my head. "You're right, but you are not your family."

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang segundo. Nang makumbinsi ko ang sariling natanggap niya na ang sinabi ko ay muli na akong humarap sa sasakyan at binuksan ang pinto nito.

"I want another chance with you." His voice rang with clarity.

Nabitin ang pagbubukas ko ng pinto ng kotse. He was very straightforward this time. Unti-unti ko siyang nilingon.

Tanging determinasyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

He wetted his lips. "I haven't moved on. I still carry a torch for you all these years. I still think about you every second of every day. I am still so in love with you."

Bumagsak ang panga ko sa matapang na pag-amin niya. Para yatang naging go signal niya iyong sinabi ko sa kanya kaninang hindi dapat siya mahiya.

"Theo, if this is about us having a daughter together..."

Nanliit ang mga mata niya. "I'm not even thinking about our daughter at this very moment though I love her to bits."

"What if I say no?" I challenged him.

"I can be very... persuasive."

Humalukipkip ako sa harap niya. "Persuade me then. Tell me why we should be together. Convince me why I should take you back."

"Like right now?"

"Uh huh."

Iginala niya ang tingin sa buong basement bago ibinalik ang tingin sa akin.

"I met this fortuneteller..." pagsisimula niya. "She gave me a palm reading and told me my fate."

Domoble ang tibok ng puso ko habang inaalala ang ginawa kong panghuhula sa kanya noon. Katuwaan lang naman iyon kaya nagulat akong natatandaan pa niya.

Sumidhi ang titig niya sa akin. "She told me that I'd meet someone else and that I'd fall in love again."

"Naniwala ka naman sa kanya?" patuya kong sinabi.

"I didn't believe her. I thought I was too heartbroken to fall in love again."

"Then why did you?"

"I didn't have any other choice." Namumungay na ang mga mata niya ngayon. "Even now, I still don't have a choice but to fall again. Harder. Deeper."

Nag-iwas ako ng tingin. I suddenly felt trapped and cornered by his straightforwardness.

"And she was right," Theo continued. "Mas minahal ko nga siya at mas mamahalin pa."

Kumalabog ang puso ko. In the past, in one of those rare moments, I would indulge myself and temporarily set my pain aside. I would daydream that I found my daughter and that Theo and I would get back together. We would live happily. But as I said, those were indulgences I probably could never afford in the past.

Pero paano naman ngayon? Puwede na kaya? Magiging madali lang kaya ang lahat kapag bumigay na ako? Maybe this is my shot at happiness. Maybe I should just give in.

"I'll... think about it," sabi ko.

Mabilis na umaliwalas ang mukha niya. May takot man sa mga mata niya, pilit pa ring nangingibabaw ang pag-asa.

"Maghihintay ako, Clau," marahang pangangako niya.

I found the courage to turn my back on him and finally opened my car door.

Bahala na. Ito iyong naiisip ko habang nagmamaneho na sa daan. Giving him another chance is also giving myself a chance for happiness. I deserve this. Theo deserves my chance as well.

Nagkaroon ako ng sinat kinabukasan. I called in and told the management na liliban muna ako ngayong araw. An hour later, I heard a sudden knock on my front door. Suot ang malaking sweater at itim na leggings ay pinagbuksan ko ang kumakatok. Nagulat ako dahil nakitang si Theo ito kasama ng anak namin. Parehong-pareho ang pag-aalalang nakikita ko sa hitsura nilang dalawa.

Isang casual white shirt at faded jeans lang ang suot ni Theo. Si Red naman ay nakasuot ng jacket at miniskirt.

"Mama!" Niyakap ako ni Red at tumingala siya sa akin. "Papa said that you're sick."

Hindi pa ako masyadong nakayakap sa kanya pabalik dahil hindi pa makabawi mula sa pagkabigla sa pagdating nila.

"You shouldn't be here. Baka mahawa ka sa'kin," banayad na sinabi ko kay Red. Sinulyapan ko si Theo.

"I've heard about it from Nurse Relani," ani Theo, nakita siguro ang tanong sa mga mata ko.

"Pasok muna kayo sa loob." Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto.

Pumasok ang mag-ama ko. Hindi pa rin ako nilulubayan ng nag-aalalang tingin ni Theo.

Nag-angat siya ng isang palad. "Can I?"

Kinagat ko ang ibabang labi sabay tango. Marahan niyang idinampi ang kanyang palad sa noo ko at pinakiramdaman kung mainit ba ako. His palm is big yet so gentle as he touched my skin.

"I already checked my temperature earlier. It's normal," sabi ko para mapagtakpan ang malakas na pintig ng puso.

He pursed his lips as his focused stayed on me. Kunot noo at kritikal niya lang akong pinagmamasdan. Nagtagal lang ilang sandali ang palad niya sa noo ko bago niya ito tuluyang ibinaba.

"I'll make you a porridge," agap niya.

"Huwag na! Ayaw ko ng porridge."

"What do you want to eat then? I'll cook for you," he said indulgently. Medyo namumungay na rin ang mga mata niya.

Ngumuso ako.  "I want to eat chicken tinola."

"Alright. I'll cook it." He licked his lips. The moist only heightened the redness of his lips.

Bago pa ako makaalma ay nagpatuloy na siya sa kusina kaya kami na lang dalawa ng anak ko ang naiwan sa living area.

"Hindi niya na kailangang mag-abala pa," bulong ko sa sarili.

"Papa's really worried about you, Mama," si Red na nakangiti sa akin.

Bumuntonghininga ako. "Kumain na kayo ng breakfast?"

"Opo." Hinila ni Red ang kamay ko papunta sa kusina. "Let's watch Papa cook in the kitchen!"

Nagpatianod ako sa anak. My kitchen looks small because of Theo's masculinity. Naupo kami ni Red sa counter stools. Abala naman ngayon si Theo sa pagbubukas ng fridge ko at paglalagay ng mga ingredients sa ibabaw ng countertop. Mabilis niyang nakita ang karne ng manok sa loob ng refrigerator at hinugasan ito sa may sink. He looks comfortable as he does it. Na para bang sa condo ko siya nakatira.

He took one of my pots and prepared for the chicken broth.

He took the knife and the chopping board from my sink. Nagsimula na siyang maghiwa ng mga rikados. Umuusli ang mga ugat sa kamay habang bumibilis ang paghihiwa niya. Sobrang focused niya sa ginagawa. He looks very passionate.

"This may take time," aniya sabay sulyap sa akin. "Bibilisan ko para 'di ka gutumin."

"Hmm, sure," wala sa sariling sambit ko habang pinagmamasdan ang pag-fi-flex ng muscles sa braso niya.

Hindi naman ito ang first time na ipagluluto niya ako. Noong kami pa ay madalas na niya akong ipinagluluto. At inaamin ko, nami-miss ko rin ito.

Binilisan nga niya ang bawat paggalaw. Namamangha ko siyang pinagmamasdan. Hindi rin nagsalita si Red at pareho kaming nanood lang sa ama niya. Unti-unting bumaling sa akin si Red.

"Papa said that he only cooks for special people. That means you and I are special to him, Mama."

Nahulog ang puso ko sa pahayag ni Red. Nahiya ako bigla kay Theo kaya hindi ko makuhang mag-angat ng tingin sa kanya. Tumikhim ako at umahon na mula sa inuupuang stool.

"I-se-set ko lang ang table natin. Mag breakfast kayo ulit," sabi ko sa normal na boses. Hindi halata rito ang totoong nararamdaman.

Maagap na sumunod sa akin si Red. Tinulungan niya na rin ako sa paghahanda ng mesa. Habang naglalagay ako ng mga pinggan sa ibabaw nito ay pinagmasdan ko si Theo na naglalagay na ng sabaw sa isang malaking bowl. Sinulyapan ko rin ang anak naming nakasunod sa akin na naglalagay ng mga kutsara't tinidor sa pinggan.

We look like a typical family. Na para bang hindi kami dumaan sa matinding pagsubok. Gone are the wounds of the past. Maybe not totally gone. There are still remnants of scars that we would still remember sometimes. These will remind us of our pain but it will also remind us of our strength. Siguro nga ay hindi pa sobrang buo ang relasyon namin ngayon ni Theo, pero isa lang ang sigurado ako. I will protect this relationship and this family no matter what.

Naupo na kaming tatlo sa harap ng dining table. Katabi ko si Red habang si Theo naman ay naupo sa tapat ko. Nilagyan ko ng sabaw ang bowl ni Red. Si Theo naman ang naglagay ng sabaw sa bowl ko. Nilagyan ko na rin pati ang bowl ni Theo. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita ko ang paninitig niya sa ginagawa ko. Isinunod na namin ang paglalagay ng kanin. Ganoon pa rin ang ginawa namin.

Nagsimula na kaming kumain. Gamit ang kutsara ay una kong tinikman ang sabaw at hinigop ito. Napapikit ako dahil sa sarap nito. Dumaan man ang maraming taon ay hindi nagbago ang lasa ng luto ni Theo. It's like coming home.

"Hindi nag-iba ang lasa ng tinola mo. Gaya pa rin ng dati," komento ko sabay baba ng kutsara.

He smiled. "Hindi rin naman kasi nagbago ang pagmamahal ko sa'yo. Gaya pa rin ng dati."

Parang gusto ko yatang humigop ulit ng sabaw dahil sa nerbiyos. Pilya ko siyang nginitian para matakpan ang kaba. "Talaga? Hindi nagbago?"

He pursed his lips. Nagkunwari siyang nag-iisip. "Actually, it did change."

Napaayos ako ng upo at seryoso na siyang tiningnan.

"Sabi ko na..."

He licked his lips and gazed at me longingly. He then glanced at our daughter. Ibinalik niya ang tingin sa akin at niyakap ng sidhi ng titig niya ang buong katawan ko.

"Mas mahal kita ngayon," he whispered, enough for me to hear.

"Are you two back together now?" biglang manghang nasambit ni Red.

Nasamid ako at napaubo. Kinuha ko ulit ang bowl ng sabaw at humigop mula rito. Hindi na ako makalma samantalang si Theo naman ay napakakalmado lang na nginitian ang anak namin.

"I'm still courting your Mama, Red."

"What's courting, Papa?"

Theo's brows knitted. He looks thoughtful. "I'm still making your Mama my girlfriend with her permission of course."

Gusto kong maubo ulit. Pero imbes na gawin iyon ay tinuloy-tuloy ko na lang ang paghigop sa sabaw hanggang sa maubos ito.

Walang hiyang ngumisi si Theo. Kabaligtaran sa nakikita kong pamumungay sa kanyang mga mata. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Hindi na rin matanggal ang ngiti ni Red.

Hindi sila umalis kaya nanood na lang kami ng movie sa sala ng condo ko. It was a kid's movie pero puwede rin naman sa adults dahil sa mga aral na mapupulot tulad na lang ng kahalagahan ng isang pamilya. Theo would sneak a glance at me every time na masyadong focused si Red sa pinapanood.

Hapon na silang umalis ng condo para umuwi sa penthouse. Inihatid ko sila sa basement. Nagtaka ako dahil mabilis na pumasok sa loob ng kotse si Red. Iniwan kaming dalawa ni Theo sa labas.

"You just told our daughter that you're courting me," saad ko.

" 'Yan naman ang totoo. At hindi rin ako naglilihim sa anak natin."

I nodded. Naiintindihan ang sinasabi niya. Hindi nga siya naglihim kay Red na ako ang ina nito.

"Bakit hindi ka nga pala nagpunta sa ospital ngayon?" tanong ko.

"May importante sana akong aasikasuhin ngayong araw. But then I heard you were sick so..."

Nag-alala ako bigla. "Sinabi ko naman sa'yong ayos lang ako. Nagtagal pa kayo rito..."

"It's okay, Clau. I'll just do it tomorrow. Hindi na rin ako pupuntang ospital," aniya. "Besides, I don't regret it. Spending this day with you and our daughter is a lot  better. Hindi ko maipagpapalit 'to sa kung ano man."

"I understand. I feel the same way."

Tumalon ang gulat sa mga mata niya. Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Kapares nito ang panghihina sa kanyang mga mata.

"I can't see you tomorrow the whole day...but can I see you tomorrow night?"

"For dinner ba kasama si Red?" I feel warm inside. Theo always makes me feel warm.

Marahan siyang umiling. He put his hands inside the pockets of his jeans. "Tayong dalawa lang sana. I want a date with you."

May lumilipad yata sa tiyan ko. "S-Sure."

Sumidhi ang titig niya at dumapo pa ito sa labi ko. "I'll pick you up tomorrow night."

"Sige. I'll wait."

Nagpirmi pa rin ang titig niya sa mga labi ko. Hindi nakatakas sa akin ang pag-aasam sa mga mata niya.

"Can I kiss you?" paos na tanong niya.

"Akala ko ba manliligaw pa kita?" I asked in a girly voice. Sandali lang. Kailan pa ako naging 'girly'?

"Damn it." He chuckled to himself. "Maybe tomorrow night, huh? If you'd let me..."

"Let's see..." Hindi ko na mapigilan at nangingiti na sa kanya.

"I can't wait," he whispered weakly. "I don't think I can sleep tonight."

Ako naman ang natawa. "Sige na at naghihintay na sa'yo sa loob ng kotse ang anak natin."

"Anak natin..." pag-uulit niya sabay ngiti. "I'll kiss you tomorrow, Clau." Pilyong umangat ang sulok ng labi niya. "I mean, I'll see you tomorrow."

"Kiss you tomorrow," sabi ko sabay ngisi ng malapad dahil sa gulat na ekspresyon niya. "I mean, see you tomorrow."

"Goddammit. 'Di nga yata talaga ako makakatulog ngayong gabi," bulong-bulong niya at pagkatapos ay tumalikod na.

Naglakad ako papasok sa main entrance ng ospital kinabukasan. Bumabagal ang paglalakad ko habang inaalala ang nangyari kagabi. Napapangiti ako sa sarili at hindi ko maipagkakailang excited na rin ako sa mangyayari mamayang gabi.

Nadulas mula sa balikat ko ang sling ng shoulder bag na dala dahil sa aksidenteng pagbunggo sa akin ng isang babae na nagmamadaling lumabas.

Mula sa pag-angat ng bag ay napatingin ako sa babae na pamilyar sa akin. She's wearing a white jumpsuit and paired it with a pair of black stilettos. Halos magkapareho kami ng suot kung hindi lang gray ang jumpsuit na suot ko at puting heels.

"Leslie?" gulat na tanong ko.

Bahagya siyang huminto sa paglalakad at hinagod ng tingin ang suot ko. Tumalim ang mga mata niya. Sinadya niya akong ignorahin at tinalikuran. Nagpatuloy siya sa deretsong paglalakad paalis.

Nandito siya sa Maynila? Ilang taon ko na rin kasi siyang hindi nakikita. Hindi naman sa close kaming dalawa sa San Pablo. Hindi niya ako gusto at halatang hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya sa akin maski siya naman itong may atraso sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Maraming bulong-bulungan ang sumalubong sa akin sa hallway. Naging conscious ako dahil humihina ang boses nila kapag dumadaan ako sa harap nila. Pinagmamasdan nila ako gamit ang mapanghusgang mga mata. Ano bang nangyayari? Wala na naman akong isyu kung tungkol ito sa anxiety ko pero bakit pinagtsi-tsismisan ulit nila ako?

Dumaan ako kay Nurse Relani. Ganoon din ang napapansin ko habang tinitingnan ako ng ilang nurses. Nahinto kaagad ang usapan nila hindi lang dahil sa pagdating ko kundi dahil na rin sa pagsipat ng tingin sa kanila ni Nurse Relani.

"Mabuti at maayos na ang pakiramdam mo," aniya pero may kakaiba akong nakikita sa mga mata niya.

"Anong nangyayari? Bakit pakiramdam ko ako na naman ang pulutan ng usapan?" deretsahang tanong ko sabay sulyap sa nabuwag na pagtitipon ng ilang nurses.

Kabado at nag-aalala akong pinagmasdan ni Nurse Relani.

"May kumakalat na tsismis tungkol sa'yo." Hininaan niya ang kanyang boses.

"Anong tsismis?"

Napakamot siya sa kanyang noo. "Huwag mo na lang pansinin at alam ko namang hindi totoo."

Parang may natapong malamig na tubig sa tiyan ko. "Anong tsismis, Nurse Relani?"

"Na... mangkukulam ka raw noong bata ka pa."

Naisip ko ang pagkikita namin ni Leslie kanina. May kinalaman kaya siya at bakit ang bilis naman kung meron nga?

"Kung anu-ano na lang talagang kawalang kuwenta ang gustong i-chismis ng mga Marites kaya hayaan mo na."

" 'Yan lang ba?" Naging kalmado na ako dahil hindi na naman ako apektado kapag pinag-uusapan ang parteng ito ng nakaraan ko.

Hindi na ako matingnan ng deretso ni Nurse Relani. Sinubukan kong hulihin ang tingin niya dahil duda akong may iba pa.

"May iba pa ba, Nurse Relani?"

"Ipinagkakalat din ni Doc Sharmaine na... na kabit ka raw ng daddy ni Doc Theo noon," sabad ng isang nurse na tahimik kanina at bigla na lang nakisali sa usapan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at binalingan siya ng matalim na tingin. Nakita ko ang takot na bumalot sa mukha niya.

"At na... ginagamit mo raw ang anak niyo ni Doc Theo maski... pabaya ka namang ina," dagdag niya sa takot na boses.

Kung kanina ay lamig pa ang naramdaman ko, ngayon ay matinding init na dahil sa galit na namuo sa loob ko. Nagtagis ang bagang ko. Napaatras dahil sa takot ang nurse na nagbunyag ng mga ipinagkakalat ni Doc Sharmaine. Ang husgahan ako bilang tao at doktor ay kaya ko pang sikmurahin pero ang kuwestyunin ang pagiging ina ko ay ibang usapan na!

"Hindi mo na dapat sinabihan si Doc Abigail, Nurse Mica," sabi ni Nurse Relani sa mahigpit na tono.

"Nasa'n si Doc Sharmaine?" malamig na tanong ko.

Nakitaan ko ng pagkabahala ang hitsura ng dalawang nurses na kausap ko.

"Diyos ko. Huwag mo na siyang patulan, Doc Abby," pigil ni Nurse Relani sa akin. Nabasa niya yata ang galit at panggigigil sa mga mata ko.

"Kung gano'n, hahayaan ko na lang ba siya? Hahayaan ko na lang ba siyang sirain ang pagkatao ko?" ratsada ko at pinasadahan ng tingin ang iilang nurses na nasa paligid na alam kong nakikinig. "Hanggang kailan ako magtitiis sa mga pang-iintriga ninyo sa buhay ko? Pagbibigyan ko na lang ba kayo lagi sa pamumuna ninyo sa mga pagkakamali ko? Gaano ba kayo ka-perpekto?"

Bigo at guilty silang napayuko. Nahihiwa siguro sa talim ng mga tanong ko. Hindi ko naman sila nilalahat dahil may iilang nurses naman na hindi mga chismosa. Sa tagal ng pamamalagi ko sa ospital ay palagi kong pinalalampas ang pamumuna nila sa akin, sa anxiety ko, sa pagiging mapag-isa ko. Pati na rin ang pagiging malapit ko kay Doc Marco ay binibigyan nila ng issue. Lahat ng iyon hindi ko sila kinompronta. Ngayon lang.

Simula noong bata ako ay nasanay na ako sa mga panghuhusga ng mga tao. Dahil dito, minsan iniisip ko na lang na baka nga tama sila kaya naman sa ganitong pag-iisip ay hinahayaan ko na lamang sila. Pero ngayon ay hindi na ako iyong musmos na walang kalaban-laban.

Oo at mabuti ang manahimik sa kabila ng mga bumabato sa'yo ng wala namang basehan na pang-iintriga pero minsan kailangan din nating magsalita para maipagtanggol ang sarili.

The virtue that speech is silver, silence is golden is not always true. Lalong-lalo na kapag masyado nang tinatapakan ang pagkatao mo. It is not always wise to be silent or avoid speaking when people throw hateful comments about you. Silence is not always the right weapon in fighting against judgmental people. Sometimes, speaking out is golden and silence is defeat. At kapag ang anak ko na at ang pagiging ina ko ang inaagrabyado, I will never be defeated.

"Where is Doctor Sharmaine?" ulit ko.

"N-Nasa d-doctors' quarters."

Tinalikuran ko na sila agad at naglakad na ako papunta sa doquarts. Hindi ko alam ang ipinapakita ng ekspresyon sa hitsura ko. Ang napapansin ko lang ay napapaatras ang ilang staffs na nakakasalubong ko sa daan.

Hindi ko na kinatok pa ang pinto ng doquarts at marahas na itong binuksan. Lahat ng doktor na nasa loob ay napatingin kaagad sa akin.  Apat silang nasa loob. Panglima si Doc Sharmaine na nakaupo na naman sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko nakita si Doc Elaine sa loob.

Si Doc Sharmaine lang ang hindi nagulat sa biglaan kong pagpasok. Slow motion pa ang ginawa niyang paglingon sa akin.

"Puwede ba tayong mag-usap, Doc Sharmaine?" sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.

Awtomatikong nagsitayuan ang iba pa naming mga kasamang doktor.

"You guys don't have to leave," pigil ko sa kanila sa matapang na boses.

Unti-unti silang kabadong napaupo pabalik habang maingat ang palipat-lipat na tingin sa aming dalawa ni Doc Sharmaine.

"Ano 'tong ipinagkakalat mo sa lahat? Ang dami mong pinagsabihan pero hindi mo ako isinali?" pahayag ko na may bahid ng sarkasmo sabay lapit sa kanya. I crossed my arms.

May kaba man sa mga mata niya ay pinagtakpan niya ito sa pamamagitan ng maarteng pagmamasid niya sa kanyang mga daliri.

"I just heard from an acquaintance na fortuneteller ka sa probinsiya. Hindi ba at totoo naman?" Nagtaas siya ng isang kilay. "You scammed people for money."

"Oo. Ano ngayon?" matapang na sagot ko.

Nagsinghapan ang lahat dahil sa gulat ng deretsahan kong pag-amin.

May ngiting tagumpay na sumilay sa mga labi ni Doc Shairmaine. Mayabang niyang tiningnan ang mga kasamahan naming doktor.

"See? I told you I was right." Ibinalik niya ang tingin sa akin. Puno na ito ng galit na hindi niya na natakpan pa.

I wonder how long she's hating on me. Bago lang naman kaming nagkakilala.

"My mother told me that Tita Aurelia suspected you of being Tito's mistress. Aaminin mo rin ba?" she sharply asked.

Kumukulo man ang dugo ay napigilan ko pa rin ang magwala. At Tita Aurelia? Hindi ko alam na close pala sila ng ina ni Theo.

"Bakit naman ako aamin sa bagay na hindi naman totoo?" sabi ko.

Unti-unti siyang tumayo. She looked at me smugly as she crossed her arms.

"Criminals don't admit to their crimes. Tita Aurelia and my mom are close friends so I know things. You are using your attention seeker of a daughter to get Theo. Malay ba namin at baka anak mo naman talaga siya sa ibang lalaki. Wala ka namang kuwentang ina dahil ipinamigay mo ang anak mo—"

Isang malakas na lagitik ang nagpahinto sa kanya bunga na rin ng malakas na pagtama ng palad ko sa pisngi niya.

"Para 'yan sa pandadamay mo sa anak ko," malamig kong saad.

"How dare you—"

Isang sampal na naman ang iginawad ko sa kanya kaya napangiwi siya.

"Para 'yan sa pang-iinsulto mo sa pagiging ina ko," I said while looking at her coldly.

Napahawak siya sa mukha niya gamit ang dalawang palad sabay atras na tila ba takot na takot na sasampalin ko ulit siya. Tumaas baba ang kanyang dibdib habang namumula na siya dahil sa matinding galit.

"I... will report you to the administration!" pagbabanta niya.

"Do it," matapang na hamon ko. "Kapag 'di ka pa tumigil sa pagpapakalat at paninira mo sa'kin at sa anak ko, isang daang sampal pa ang ibibigay ko sa'yo."

Mas idiniin niya ang pagtatakip sa kanyang mukha at pag-iwas sa akin. Mistulang takot na kuting siyang napatingin sa mga kasama naming doktor na mangha lang na nakamasid sa akin.

Bumuhos ang luha niya pero walang ni isa sa kanila ang lumapit sa kanya. Galit niya akong tiningnan. Nang ma-realize niyang wala siyang mahihitang kakampi mula sa kanila ay frustrated siyang nanakbo palabas ng quarters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top