Chapter 34

Chapter 34

Shameful Bastard

"Baka naman close lang talaga silang dalawa," si Nurse Relani na kanina pa parang pinagdidiinan ang insidenteng nakita namin sa pagitan nina Theo at ng bagong doktor kaninang umaga.

"Hmm..." tanging komento ko sabay tusok ng hawak na tinidor sa patatas na kinakain. Mangilan-ngilan na lang ang kumakain sa loob ng cafeteria dahil patapos na rin ang lunch break.

"Tingin mo magkakilala na sila dati pa? Sa Canada siguro, ano?"

Nagtaas ako ng isang kilay at nginuya na ang patatas na isinubo. "Puwede mong tanungin si Theo niyan o 'yong bagong doktor."

"Ayaw ko naman. Para naman akong si Risa niyan."

"Ano ba kasing nangyari kay Nurse Risa?" Inubos ko na ang natitirang isang piraso ng patatas sa plato.

"May nangyari sa kanila ni Doc Eric."

Itinabi ko ang tray ng naubos na pagkain at sumandal sa backrest ng upuan. "Ano? Nag-away na naman?"

"Nag-away sa kama."

Bumagsak ang panga ko. "S-Seryoso? Pa'no nangyari?"

"Aba malay ko. Ayaw ko namang alamin ang detalye kung pa'no sila nag-away sa kama."

Sa kabila ng pagkagulat ay nakuha ko pa ring tumawa.

"I mean pa'no nangyari, e akala ko ba mortal enemies sila?"

"Hindi ko nga rin alam. Kilala mo naman si Risa. Chismosa nga siya pero sobra namang mapagsekreto 'pag tungkol na sa personal na buhay niya."

Napatitig lang ako kay Nurse Relani. Isang linggo lang akong nawala pero ang dami ng nangyari.

"Si Doc Eric, nasaan?"

"Hayon. Tambay na sa ER. Nag-ugat na bigla ro'n. Ayaw ng umalis at do'n na yata titira."

Ngumuso ako at napatunganga na lang sa kawalan. And here I thought I am a very good observant. Hindi ko man lang napulsuhan ang nangyayari sa paligid at sa mga naging kaibigan na rin. Masyado lang din siguro akong naging okupado sa mga nangyayari sa sariling buhay lalo na nitong mga nagdaang araw.

Naghintay ako na matapos si Nurse Relani sa kinakain niyang pancit palabok. Sa kakadaldal niya kanina pa ay mas naunahan ko siyang matapos sa pagkain. Sabay na kaming lumabas ng cafeteria at kalaunan ay naghiwalay lang dahil sa ward ako tumuloy para sa routine check up.

Nagdikta ako ng mga bilin sa nurse para sa isang pasyente na madi-discharge na sa susunod na araw. Mabilis lang ang consultation kaya mas maaga akong nakalabas ng ward. Kumalam ang sikmura ko at natanaw ko sa isang station na nagtitipon ang iilang nurses habang may nilalantakang pizza. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang pasado alas tres na pala ng hapon.

"Doc Abby! Meryenda!" tawag sa akin ng isa sa mga nurses.

Natakam ako lalo na nang maamoy ang pepperoni flavor kaya lang ay napangunahan ako ng pagdududa. Nagpirmi ang mga paa ko sa kinatatayuan.

"Kaninong libre 'yan?"

"Kay Doc Sharmaine. 'Yong bagong surgeon. Kain ka!"

Bumaba ang takam ko at napalitan ito ng tabang sa lalamunan. Wala naman akong problema sa kanya kaso lang hindi ko talaga siya... feel.

"Busog ako," sabi ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagpasyang magpahinga na muna sa quarters. Pagod kong binuksan ang pinto nito at mabilis na nagsisi sa maling desisyong ginawa. Ang inakala kong tahimik na quarters ay mas maingay at magulo pa pala kaysa sa labas kanina. At ang puno't dulo ng lahat ng ito ay mayabang na nakangisi sa akin.

"I bought snacks for the staffs. Join them," aniya na kung makaasta ay feeling close.

Mariin ko siyang tiningnan. She looked so comfortable sitting on my desk and hanging out with my colleagues though she's just a new fish in the pond.

"Nag-snacks na ako," sabi ko kahit hindi naman. Nilapitan ko ang mesa. "You're sitting on my desk."

"Oops!" Maarte siyang napatakip sa bibig at kaagad na bumaba. And then she offered a hand with her freshly manicured nails. "I'm Doctor Sharmaine Rara."

Tinitigan ko pa ang kamay niyang nakabitin sa ere ng ilang segundo. "I'm Doctor Abigail Manalo."

"Nagkasama pala sina Doc Sharmaine at Doc Theo sa ospital sa Canada, Doc Abby," si Doc Christine matapos ang pakikipag-handshake ko kay Doc Sharmaine.

Simpleng pagtango lang ang itinugon ko dahil wala naman akong pake. Naupo ako sa swivel chair at pagod na hinilot ang batok.

"Ganyan ba talaga ka-strict si Doc Theo, Doc Sharmaine?"

Maarteng napairap si Doc Sharmaine. "Yeah. He's always been like that in Canada. That's why I always tell him to chill. He's strict kahit sa'kin and mind you, ako lang ang malapit sa kanya, ah." She ended it with a girly chuckle.

"Talaga?" Nagtaas ng kilay si Doc Elaine. Napansin kong abala siya sa harap ng kanyang laptop at hindi yata nakisali sa meryenda.

"Yeah. Stubborn and intelligent men are like that. They're very focused, thus makes them sexy. I understand him naman 'cuz I'm like that as well. I guess that's why we clicked. We're so alike." Another girly chuckle.

Mas lalo lang sumakit ang batok ko.

"Talaga ba, Sharmaine— este, Doc Sharmaine?" Doc Elaine smirked. Nagtitipa pa rin siya sa laptop at hindi man lang nag-angat ng tingin. "Dito kasi sa Makati Med, nakikikinig naman si Doc Theo kay Doc Abby. Hindi lang nakikinig, sunod pa nang sunod. Mind you, she's his ex."

Humupa bigla ang usapan. May isang doktor sa sulok na nabilaokan. Kaagad siyang binigyan ng juice na nasa loob ng plastic cup.

"Sa pharmacy lang ako," I announced to no one in particular. Tumayo ako at naglakad palabas ng quarters. Ngayon ay hindi lang batok ang sumakit sa akin kundi pati na rin ulo.

Humingi ako ng pain relieving pills sa nurse na nakatoka sa pharmacy. Nagtungo ako sa vending machine at kumuha ng isang bottled water. Ininom ko ang pill habang naglalakad sa may hallway. Huminto sa paghakbang ang mga paa ko sa harap ng sliding door ng ER. Dumaan sa isip ko si Doc Eric kaya binuksan ko ang pinto nito.

Guminhawa ang pakiramdam ko dahil nakitang hindi naman masyadong abala ang ER. Sa may sulok malapit sa ventilator ay nakita ko si Doc Eric na nakapameywang habang ang isa niyang kamay ay abala sa paghihilot ng kanyang noo. Sa sobrang pagod niya na rin siguro ay hindi niya napansin ang paglapit ko. Sa malapitan ay klaro ko ang eye bags niya. Namumutla na rin ang mukha niya.

"You look like shit," sabi ko sa kanya.

Sinulyapan niya ako at pagod siyang ngumiti. "I feel like shit."

"Ang sabi ko tumambay ka lang sa ER. Hindi ko naman sinabing dito ka na tumira." Itinapon ko ang empty bottled water sa trash bin na nasa sulok.

"Matutulog na ako mamaya," aniya habang nakapikit. "Three hours. Tangina. Bente kuwatro oras na akong dilat.

Palakaibigan ko siyang tinapik sa balikat. "Ipagpatuloy mo lang 'yan. Darating ang araw, matatalo mo na ang record ko."

Mahina siyang natawa. Bumukas ang pinto ng ER at sabay kaming napalingon dito. May anunsiyo ng code blue, ang ibig sabihin isang emergency alert dahil sa paghinto ng pagtibok ng puso ng isang pasyente. Isang emergency case patient ang pumasok na nakahiga sa isang gurney. Nakasakay din dito si Theo na abala namang nag-a-administer ng CPR sa pasyente.

Nadepina ang mga ugat at nagfi-flex ang muscles sa mga braso ni Theo dahil sa walang tigil na pag-a-apply niya ng chest compression sa pasyente.

"Pang-apat na cardiac arrest case na 'yan ngayong araw," bulong ni Doc Eric sa tabi ko.

"Kaya dapat maingat talaga tayo sa puso," wala sa sariling nasambit ko habang pinagmamasdan si Theo na nagmamando na sa mga nurse kung ano ang gagawin.

Muli kong tinapik si Doc Eric sa balikat at nagpaalam na ako sa kanya. Palabas na ako ng ER nang makasalubong ko naman ang papasok na si Doc Sharmaine.

Dere-deretso ang ginawa niyang pagpasok at nilagpasan lang ako na para bang hindi niya nakita. Sa halip na sundan pa siya ng tingin ay nagpatuloy na rin ako sa paglalakad ng hindi lumilingon.

Pagod at masakit pa rin ang ulo ko nang pumasok ako ng elevator para makauwi na. Ala una na rin ng madaling araw at gusto ko nang mahiga sa malambot na kama. Napasandal ako sa pader ng elevator at ipinikit ang mga mata.

Dinig ko ang pagbukas ng pinto nito. Dumilat ako at nakitang pumasok si Doc Elaine na sa ayos ay mukhang inaantok na rin.

"Mamamatay yata tayo ng maaga sa trabaho na 'to," saad niya at pagkatapos ay tumayo na sa tabi ko.

Mahina akong natawa. "Hindi na siguro tayo magiging busy dahil may bago ng doktor. Made-designate na nang maayos ang shifts."

Hindi nakalagpas sa akin ang pag-ismid niya sa komento ko.

"Bakit feeling ko mainit ang dugo mo sa kanya?" tanong ko.

"Ang super yabang niya. Kung nagtagal ka lang sa doquarts kanina, baka marami na tayong nilipad ng malakas na hangin ng kayabangan."

"Baka naman magaling talaga siya."

"Saan? Rumampa? Kung ano 'yong ikinahaba ng heels gano'n din 'yong kinaiksi ng suot na inner dress."

Natawa ulit ako at pansamantalang nakalimutan ang sakit ng ulo.

"Akala mo kung sinong linta kung makadikit kay Doc Marco at Doc Theo. Pinupuntirya talaga mga investors ng ospital."

Nanliit ang mga mata ko. "Investors? Si Doc Marco lang."

"Si Doc Theo rin. Iyan ang chika sa management."

Panandalian akong natahimik habang pinoproseso ulit. Sa likot at talas ng utak ko ay naalala ko ang mabilis na approval ng naging leave ko. Ang sabi ni Nurse Relani, galing daw sa taas. May kinalaman kaya si Theo?

"Hindi mo na dapat siya pinatulan pa kanina do'n sa quarters," puna ko pagkatapos ng ilang segundo.

"Nainis ako, e. Kung makapagsalita, bida bida. Feeling talaga siya lang ang natatanging ka-close ni Doc Theo at pareho silang magaling. Ang yabang. Ni hindi ka nga nagyabang dati na ex boyfriend mo pala si Doc Theo. Tapos sunod nang sunod pa siya sa'yo ngayon."

"Hindi na ngayon," sabay iling ko. "Hindi na siya... sumusunod."

"Napansin ko nga. Binasted mo na?"

Uminit ang pisngi ko na parang nagdadalaga lang. "Hindi naman siya nanligaw sa'kin kaya pa'no ko siya mababasted?"

Pilyang ngumisi si Doc Elaine at nagtaas siya ng isang kilay. "Sa lagay na 'yon hindi nanligaw? E, kung makatitig siya sa'yo parang hawak mo buong buhay niya."

"Imposible naman 'yan." Natawa ulit ako pero may kung anong bumundol sa puso ko.

Itinabi ko sa sulok ng isipan ang napag-usapan namin ni Doc Elaine nang makarating na ako ng condo. Kung ganoon nga ang titig ni Theo sa akin, hindi na ito totoo ngayon dahil bukod sa halatang pag-iwas niya sa akin, hindi na rin siya makatingin sa akin ng deretso kapag nagkakasalubong kami sa ospital.

Itinulog ko ang sakit ng ulo. Matagal akong bumangon kinabukasan dahil alas diyes pa naman ang duty ko sa ospital. Ang una kong ginawa nang makabangon sa kama ay ang i-text si Theo na kukunin ko si Red sa penthouse niya mamayang lunch. Isang oras pa ang lumipas bago siya nag-reply ng 'No problem.' Wala ng follow up message na sumunod dito. Dalawang salita lang. Napakatipid. Matagal ko itong tinitigan at pagkatapos ay nagdesisyon nang magtungo sa banyo para mag shower.

Nagbihis ako pagkatapos maligo. Isinuot ko ang biniling damit noong nakaraang linggo na isang white long sleeve top at peach A-line skirt. Habang isinusuot ang white heels ay naalala ko si Doc Sharmaine.

I tied my hair in a ponytail. Inayos ko ang bangs na medyo mahaba na sa magkabilang gilid. I put on a light make up and a bit of perfume. Nang maihanda na ang bag para sa trabaho ay bumaba na ako ng condo.

Dumaan ako sa paboritong café at dito na kumain ng breakfast. Hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam ko pero ganado naman akong kumain. Matapos kumain ay nagbayad na ako sa waitress, gave her a tip and then went out of the café to get to my car.

Panibagong abalang araw na naman ang nangyari sa ospital. I assisted one appendectomy surgery and discharged two patients. Masayang araw naman ito dahil nakapag-lunch nga ako kasama ang anak ko.

I stayed in the quarters in the afternoon to review for a Gastric bypass surgery kung saan mag-a-assist ako kay Doc Marco next week. Habang nanonood ako ng video ng operation niya sa isang pasyente ay pumasok bigla si Doc Sharmaine sa quarters.

"Where's everybody?" bungad niya sabay suyod ng tingin.

"Working," sabi ko.

"Oh. I didn't expect that."

Nagtaas ako ng isang kilay sa pinapanood na video. Ano bang ini-expect niya? Buong araw kaming tambay lang sa quarters?

Nang mapansing hindi siya lumabas at nanatili lang na nakapameywang habang nakatayo sa harap ng mismong desk ko ay ni-pause ko na ang video at itinuon ang buong atensiyon sa kanya.

"Can I help you?"

"You have a kid."

Hindi ko inasahan ang sinabi niya. Mabilis naman akong naka get over dito.

"Yeah.''

"Where's the dad?"

Okay. Maling-mali ang tanungan niya. Unang una sa lahat, hindi kami close para magtanong siya tungkol sa sensitibo at personal na bagay na ito. Pangalawa, pake niya ba kung sinong Poncio Pilato ang ama ng anak ko at kung nasa'n 'to.

Bumuntonghininga ako at kinalma ang sarili. "The dad is in the OR doing an Acid reflux surgery, treating a gastroesophageal reflux disease." Alam ko dahil nabanggit sa akin ni Nurse Relani ang surgery na ginagawa ni Theo maski hindi naman ako nagtanong sa kanya.

At marahil alam din ito ng nakasuot ng red heels na si Doc Sharmaine, kasing red ng bold lisptick niya, dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya at ngayon ay naging mapang-akusa nang nakapako sa akin.

"B-But, that's Theo!"

"Yep. He's the dad," sabi ko na parang wala lang at ni-resume na ang pinapanood na video.

"He didn't tell me he has a kid with you..." She's talking to herself now. "How could he keep this from me..."

Suplada nga yata ako gaya na lang ng sabi nila. Dahil kung mabait ako, dapat inalok ko na ng upuan ang nagsisimula na yatang mag-hyperventilate na si Doc Sharmaine. Dapat ay pinapakalma ko na siya. Pero imbes na gawin ito, bumuka ang prangkang bibig ko.

"Naku. Close pa naman kayo tapos 'di niya nasabi."

After saying this, she sharply turned around and walked out of the door. Hindi na ako makapag-focus pa sa pinapanood na video.

Hindi mawala sa utak ko ang hitsura ni Doc Sharmaine na mangiyak-ngiyak na kanina habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Doc Marco. Pauwi na sana ako nang ipinatawag niya dahil pag-uusapan daw namin ang finalization ng gagawing surgery next week.

Kinatok ko ang pinto at nang marinig ang boses niya sa loob ay pumasok ako. Hindi siya nag-iisa dahil nakaupo sa harap ng mesa niya si Theo.

"Take a seat, Doc Abigail," mabilis na utos ni Doc Marco nang makita ang pagpasok ko.

Bago maupo sa bakanteng upuan sa katapat ng inuupuan ni Theo ay napasulyap muna ako sa kanya. Nakita ko ang pagyuko niya at pagbaba ng tingin sa hita.

"I've called you in to tell you that I won't be able to do the Gastric bypass surgery next week because something urgent came up. I have to attend to it in the US next week," deretsahang pahayag ni Doc Marco. "I assigned Doc Theo as the primary surgeon at ikaw pa rin ang mag-a-assist."

"Okay," tanging naitugon ko dahil mukhang pinal na naman ito.

Tumunog ang private cellphone ni Doc Marco at maagap niya ito kinuha mula sa ibabaw ng mesa. Sinulyapan niya kaming dalawa ni Theo bago siya tumayo.

"If you'll excuse me." Sinagot niya ang tawag at pumasok siya sa kanyang inner office. Nang isinara niya ang pinto ay tiningnan ko si Theo.

"I have reviewed for the surgery but any input from you about it will be gladly appreciated."

"No problem," aniyang nagpapaalala na naman sa akin sa tipid na text niya kaninang umaga.

Hindi ko tinanggal ang tingin sa kanya. He cleared his throat and continued, "If you have any questions about the procedure, feel free to ask me... anytime."

"You didn't tell Doc Sharmaine that we have a kid together," bigla na lang lumabas sa bibig ko at huli na para bawiin pa.

His eyebrows furrowed. "Why would I tell her that?"

"Dunno. Dahil close kayo?" Nagkibit ako ng balikat.

Mas nadepina lang ang kunot ng kanyang noo habang mariin nang nakatitig sa akin.

"I didn't tell her that I've got a kid because for me that's personal and I don't tell people whom I don't feel close enough with my personal life."

"Sabi niya kasi... close daw kayo kahit sa Canada pa." Guilty akong nag-iwas ng tingin. Napaso pa yata ang dila ko.

"Well I don't feel the same way towards her."

"You don't feel the same way pero niyakap mo naman pabalik," I murmured.

Isang nakabibinging katahimikan. Dinig ko ang malakas na tibok ng puso. Hindi lang ako sigurado kung kanino. Kung sa akin ba o kay Theo.

"Are you jealous?" He nervously licked on his lower lip. Kaagad itong nabasa at namula. Namumungay na rin ang mga mata niya. " 'Cuz if you are... no matter how shameful I've felt towards you for the past few days, I feel fucking glad."

"Why would I be jealous? I don't have the right to be jealous."

"Of course you do. I'm... yours," paos at nanghihina niyang sinabi.

Nag-init ang pakiramdam ko. Sa inis ba o sa iba pang mas malalim na dahilan.

"And you've been avoiding me the past few days." Oh. My. God. Did I just say that? Unti-unti akong napapikit sa kahihiyan.

Hindi ko narinig ang pagtugon niya kaya dahan-dahan akong dumilat. Nakita kong bahagyang nakaawang ang mga labi niya habang masidhi at pagkatapos ay namamanghang nakatitig sa akin.

"Im... I'm ashamed. I'm ashamed because despite of what I did, what my family did to you, I still... want you. I'm still willing to beg you for another chance." Ngumiti siya pero may sakit sa mga mata niya. "Can you believe it? The shameful bastard still wants you..." He chuckled but there's no humor in it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top