Chapter 33
Chapter 33
Peace
"My sin in the past has been the root of all of your pain," dugtong ni Doc Arthur. Mataman niyang tiningnan ang asawa. "Abigail was never my mistress gaya na lang ng lagi kong paliwanag sa'yo sa loob ng maraming taon."
"Then why is she here?" malamig na tanong ni Madame Aurelia.
"For Christ's sake, Aurelia. Tame your anger and be done with your incorrect and cruel judgment. Among the three of us in this room, Abby's the one who has sacrificed the most."
Madame Aurelia gritted her teeth. Ramdam ko ang kagustuhan niyang magprotesta pero nangibabaw pa rin dito ang pagpipigil sa sarili.
Hindi maginhawa ang ginawang paghugot ng hininga ni Doc Arthur. As a doctor, I started wondering again how much he is suffering.
"Inocencia, Abby's mother, was my first love, but it doesn't mean that my love for you is unreal, Aurelia," pagpapatuloy ni Doc Arthur.
Hindi ko nakitaan ng gulat ang mukha ni Madame Aurelia. Mukhang alam niya yata ang parteng ito. Lumipat ang tingin ko kay Theo. A look of surprise was painted all over his face.
"She chose a different man, an honorable man, and that's Abigail's father." Mapait na ngumiti si Doc Arthur bago nagpatuloy. "I did not take it well... Despite what seemed to be a successful marriage with you, Aurelia, and a wonderful son. Deep in my heart, I was bitter."
Yumuko si Theo, taking it all in. Making sense of it all. Naalala ko na ganito rin ang reaksiyon ko noong una kong nalaman ang lahat.
"When she came to me after many years because she was ill and in need of a surgery, I... hesitated."
"What the fuck..." marahas na bulong ni Theo.
"I became a heartless bitter man, a cruel bastard. I assigned her to a different surgeon despite of me knowing the risks I was putting her in. Because I was a coward and couldn't do it myself."
Napasinghap si Madame Aurelia. The indifference on her face earlier is now replaced with utter disbelief. Bumagsak ang mga balikat ni Theo at nanghihina niyang tinitigan ang ama.
"And when I finally decided to do it," pumikit si Doc Arthur, "I was too late. She... died. I covered it all up. I wrote on her records that she refused the surgery, that her family couldn't afford it."
Naikuyom ko ang mga palad. Hearing it all over again doesn't even make the pain any less than hearing it the first time.
"My guilt ate me. And when I felt like it wanted to devour me, that's when I looked for Inocencia's daughter. I thought and promised myself that I should pay for what I did through saving and being gracious to Abigail."
Banayad na tiningnan ni Doc Arthur si Theo na nakayuko pa rin habang bagsak na bagsak ang mga balikat.
"Abigail was in a relationship with you when she discovered the truth. I had seen how devastated and lost you were when she pushed you away but I still did not say anything, son."
Paulit-ulit na umigting ang panga ni Theo ngunit nanatili siyang bigong nakayuko.
"I found out that she was pregnant with your child after she collapsed because of too much stress, burden, and pain. I caused it all."
I squeeze my eyes shut remembering it all though it just seemed a distant memory.
"She asked me to keep it from you and I understood that she meant to protect you from the pain of knowing what I did to her mother."
Hindi ko maipaliwanag pero gusto ko ng matapos ang lahat ng mga rebelasyon ni Doc Arthur.
"That's why you wanted an annulment," si Madame Aurelia. "That's why you left."
"I am not worthy of any of you." Malungkot na ngumiti sa akin si Doc Arthur. "I am glad that you have reunited with your daughter. Noong sinabi sa akin ni Aurelia na ipinamigay mo raw si Red, hindi ako nahirapang maniwala. You told me you did not want any connections with us. Inisip ko na siguro nga ay nahirapan kang makita ang bata."
Isa-isa niya kaming tiningnan. "I want all of you to know that despite of me telling you all of this, the guilt and burden will never be lifted off of me. That's my most cruel crime which I'll be bringing to my grave."
Ibinalik niya ang tingin sa kanyang asawa. Sa kabila ng sakit at pagod ay nakita ko ang pagmamahal niya rito.
"I am sorry, Aurelia. My love for you was not enough to be truthful. I asked for an annulment not because I did not love you, but because I was not worthy of your love."
"Arthur..." Bumuhos ang mga luha ni Madame Aurelia.
Dahan-dahang lumipat ang tingin ni Doc Arthur kay Theo. "I am sorry, son. My sin and cowardice risked your heart. It sacrificed your love. It made you live in pain and doubts."
And then Doc Arthur's gaze finally landed on me. "I apologize but never demand for your forgiveness, Abby. Alam kong napakarami mong isinakripisyo. You kept my sin and received judgment that you do not even deserve because of it. You lost a lot and I would forever take responsibility for it."
"I forgive you," sambit ko, hindi alam kung saan nakuha ang katatagan. "I forgive you not because you're sick nor because you deserve it. I forgive you not because I'm kind but because this time, I want to be selfish. I am forgiving you for myself and for my own peace."
A tear escaped his eye. "Thank you, Abigail."
Lumapit si Madame Aurelia kay Doc Arthur at humagulgol. Marahan at paulit-ulit siyang tinapik sa balikat ni Doc Arthur habang inaalu. I looked away and quietly stepped outside because I felt like I was intruding a private moment.
Dumaan ako sa sala at nadatnan ang matandang katulong na naglalapag ng dalawang tasa sa ibabaw ng center table. Nakita niya ako at ngumiti siya.
"Magkape ka muna, hija." Napatingin siya sa likuran ko at napalitan ng lungkot at pag-aalala ang ngiti niya kanina. "I-Ikaw din, Theo."
Hindi ko narinig ang sagot ni Theo kaya naman ako na ang sumagot, "Hindi na po. Salamat."
Tumango lang ang matanda at nanatili ang tingin niya sa likod ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng bahay. Ramdam ko naman na tahimik lang na nakasunod sa akin sa likod si Theo hanggang sa lumabas na kami ng gate.
Tinanaw ko ang nakaparadang sasakyan at naalalang naghihintay ang anak sa loob. Naisip ko na mas maigi pa sigurong mag commute na lang ako para naman makasama na muna ni Red at Theo ang mga magulang niya.
I started to turn around and faced him.
"I think it's okay if—" Naputol ng pagsinghap ko ang sasabihin sana sa kanya nang makita ko ang pabagsak na pagluhod niya sa semento.
"Theo..." anas ko, gulat na gulat.
"Papa!"
Napatingin ako sa bandang sasakyan at nakitang nakababa na mula rito si Red. Mabilis siyang tumakbo papunta sa amin ni Theo.
Ibinalik ko ang tingin kay Theo. Parang patay na nasa magkabilang gilid niya ang kanyang mga kamay. Nakayuko siya na para bang isang talunan. His shoulders sagged in defeat as well.
"Theo, get up," utos ko sa mahinang boses.
"Papa..." Red tugged at his sleeve.
Nagmatigas siya at para na siyang bato na nakayuko lang. His shoulders shook. Sumabay dito ang mga luha niyang pumapatak na sa sementadong kalsada.
Parang piniga ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Ang kilala kong matatag na lalaki, ngayon ay napakahina ng tingnan na nakaluhod sa harap ko.
"Theo, you're making our daughter worry," marahang alu ko sa kanya.
"I-I'm... sorry, Clau," aniya sa basag na basag na boses sabay iling at nakayuko pa rin.
Bumalik sa akin ang nangyaring rebelasyon kanina. How hard it must have been for him to hear? At base na rin sa nakikita ko sa kanya ngayon, binasag siya nito.
He shakily breathed in and breathed out.
"I'm sorry... I'm sorry," paulit-ulit niyang hikbi.
His cries touched a deeper part in me. Kumawala na rin ang mga luha ko. Inangat ko ang isang kamay at marahan itong ipinatong sa balikat niya. Ramdam ko ang yanig sa buong katawan niya dahil sa pag-iyak.
Humakbang ako ng isa pang beses para mas malapitan pa siya.
"Papa..." Umiyak na rin si Red sa gilid niya.
"Look at me, Theo," banayad kong sinabi sa kabila ng panginginig ng mga labi.
Umiling lang siya na hindi pa rin ako tinitingnan. Na para bang nahihiya siya. Na para bang wala siyang karapatan na tingnan ako sa mga mata.
In the moment of weakness, I indulged myself and gave in. I gently wrapped my arms around his shoulders and hugged him.
Sumandal siya sa akin. Lahat ng sakit ang pagsisisi niya ramdam ng buong katawan ko. I embraced him. Niyakap siya ni Red sa braso. Maybe it was such a sight. Kaming tatlo na nag-iiyakan at nagyayakapan sa gilid ng kalsada habang tirik ang araw. And we stayed like that for a long long time.
We could have stayed like that forever if Red did not complain because it was hot. Natuyo na ang mga luha ko sa pisngi at unti-unti na ring tumayo si Theo.
"Do you want to see your Daddylo," si Theo sa paos na boses. Dala ng matinding pag-iyak kanina.
Napasulyap muna si Red sa akin bago sa ama. Malungkot siyang ngumiti. "Maybe next time..."
"Are you sure, anak?" tanong ko. "It's okay. I can wait inside the car."
"It's okay, Mama. I just... want to go home now."
Tiningnan ko si Theo para matulungan niya akong kumbinsihin ang anak namin na okay lang. He wouldn't look at me.
"Let's get you home then," aniya sa anak namin.
We walk towards the car in silence. Alerto kaming pinagbuksan ni Liz ng pinto ng sasakyan. Kanina pa siya tahimik lang na nakatayo sa gilid nito.
Bumalik ako sa puwesto sa may front seat. Walang imik na pinaandar ni Theo ang sasakyan. His eyes were red from crying. Masyadong tahimik ang naging biyahe namin. Pati nga si Red ay hindi rin nagsasalita sa may backseat. Hindi pa rin ako matingnan ni Theo.
"Ihahatid ka muna namin sa condo mo saka kami tutulak ng mansiyon," si Theo nang makabalik na kami ng city.
Napalinga ako sa nadadaanan naming establishments. "Mas malapit tayo sa mansiyon ninyo. And besides, pagod na rin si Red."
"But you... you don't like—"
"Oo at ayaw ko nga sa mansiyon," sa mahinang bises ko sinabi para hindi marinig ni Red sa likod. "Hindi na ako bababa ng kotse." Medyo nairita ako bigla. Ewan ko ba kung dahil ito sa pagod o dahil sa pakikitungo ni Theo.
Hindi na siya nagsalita ulit. He did not even glance my way. Mas nairita lang ako.
Nauna nga naming inihatid si Red sa mansiyon. Yumakap siya sa amin ni Theo bago bumaba ng sasakyan kasama ni Liz. Hindi nagtagal at bumiyahe kami ulit papunta sa condo ko.
Kung posible lang na may mas ikatatahimik pa kanina sa loob ng sasakyan ay ganoon nga siguro ang nangyari. Maski 'small talk' ay walang nangyari sa pagitan namin ni Theo. Ayaw ko namang pangunahan siya lalo pa at hindi ko naman alam ang sasabihin matapos ang lahat ng nangyari kanina.
Pinasalamatan ko siya matapos niya akong maihatid sa condo.
Hindi ako masyadong naging aktibo nang kumain kami nina Ate Meryl sa labas. Pinagmasdan ko ang mga anak nila ni Kuya Baldo na ganadong-ganado habang kumakain ng fried chicken. Naisip ko ulit si Red.
"Bibisita ba ulit si Red mamayang hapon?" tanong ni Ate Meryl sa akin.
"Oo. Ihahatid siya ni Theo pero kukunin din mamayang gabi." Nang maalalang wala pa kaming plano na gagawin mamayang hapon ay nagpatuloy ako, "Manood tayo ng sine mamayang hapon, Ate."
Mariin akong tiningnan ni Ate Meryl. Nakaupo siya sa tabi ko kasama ng bunso niya kaya madali niyang nakita ang ekspresyon sa mukha ko.
"Mas mabuti siguro na magpahinga ka," marahang suhestiyon niya. Aapila na sana ako kaya lang ay nagpatuloy siya, "Huwag mo na kaming iisipin pa. Kami na ni Baldo at ng mga bata ang mamamasyal. Isasama na namin si Red. Sa mall lang naman at hindi naman siguro kami mawawala."
Napangiti ako sa huli niyang sinabi. "Sige. Magpapahinga na muna ako sa condo. Ipapasama ko sa inyo si Red para hindi siya mabagot."
"Hindi talaga 'yon mababagot 'pag kasama 'tong mga pinsan niya," si Kuya Baldo na nakikinig pala sa usapan. "Mas maganda rin na madalas nilang nakakausap 'yong anak mo kasi pansin ko, gumagaling na sila sa Ingles, e."
"Talaga, Kuya? Bakit at ano bang sabi?" Naging kuryoso na rin ako.
Nilagyan niya muna ng panibagong fried chicken ang mga pinggan ng dalawang anak bago siya nag-angat ng tingin sa akin.
"Tinanong ni Red 'tong si Dave ng 'How are you?' "
"Oh. Tapos anong sagot ni Dave?"
Proud na proud na ngumiti si Kuya Baldo. "I'm nine years old!"
Sa unang pagkakataon sa araw na iyon, humalakhak ako.
Inihatid si Red sa condo ko kinahapunan. Nga lang, nagtaka ako dahil imbes na si Theo, ang nagpakilalang drayber nila na si Alan ang naghatid sa anak ko.
"May... ginagawa ba si Theo?" pahabol na tanong ko bago muling makapasok ng sasakyan ang drayber.
"Nag-aasikaso po si Doc ng mga gamit ni Red para ilipat sa bagong penthouse niya."
Kumunot ang noo ko. "Penthouse?" Akala ko ba sa condo niya.
"Bumili po si Doc ng penthouse."
"Ah. All right. Salamat ulit sa paghatid sa anak ko."
Tumango ang drayber at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng sasakyan. Binalingan ko si Red at bahagya akong yumuko.
"Is that fine with you? Living in your Papa's new penthouse?"
"It's okay, Mama. Plus, Liz is going too and Manang Lupe. And Papa said that it's for you as well."
Naubo ako bigla. "F-For me?"
"Yup. Papa said that it'll be easier for you to pick me up."
Muli kong naisip ang sinabi ni Theo na balak nga niyang ilipat si Red sa condo dahil alam niyang hindi ako komportable sa mansiyon ng mga magulang niya. Pero bakit imbes na sa condo ay bumili pa siya ng penthouse? May kinalaman kaya rito iyong nangyaring pang-aakusa ni Madame Aurelia sa akin doon sa condo niya? Iniisip ba ni Theo na hindi rin ako magiging komportable kahit pa sa condo niya dahil doon?
Napukaw ako sa pag-iisip dahil sa paghila ni Red. Gusto na niyang umakyat sa condo ko para makalaro na ang mga pinsan niya.
Red was very understanding when I told her that I wanted to rest instead of going with them to watch a movie o baka naman dahil enjoy na enjoy rin siya kasama ang mga pinsan niya. Bago magpaalam sa akin ay hinalikan niya ako sa pisngi. Nagbilin ako na mag behave siya at makinig kina Ate Meryl.
Nang makaalis na sila ay bumagsak na ako sa kama. I felt exhausted. Mas napagod lang yata ako nang maalalang ilang araw na lang ay babalik na ako sa trabaho. Habang iniisip ito ay hinila na ako ng antok.
Nagising ako kalaunan dahil sa isang bulong malapit sa tainga ko.
"Wake up, Mama. It's time for dinner."
Pumikit ako lalo at masayang pinakikinggan lang ang banayad na boses ng anak ko.
"Mama, wake up..."
Unti-unti akong dumilat at nakita si Red ba inilalapit ang kanyang tainga sa dibdib ko. Tahimik niyang pinakikinggan ang tibok ng puso ko.
Walang pasabi ko siyang niyakap at ikinulong sa mga bisig.
"Mama!" masayang tili niya.
Kiniliti ko siya kaya malakas siyang natawa at alam kong abot hanggang labas ng kuwarto ang tawa niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at pumikit ako. I felt very at peace.
"Papa's outsie having dinner."
Awtomatiko akong dumilat. Umalerto ang buong katawan ko.
"W-What did you say, Red?"
"Papa's outside, eating with Ate Meryl, Kuya Baldo, and my cousins. It's dinner time now, Mama. Let's go."
Napakurap pa ako ng ilang beses bago bumalikwas ng bangon. Hinila ni Red ang kamay ko. Napatingin ako sa suot na lumang brown sweater at shorts. Awtomatiko rin akong napahawak sa ulo. Ang gulo ng buhok ko!
"I-I need to fix myself first," natatarantang sabi ko.
"It's okay, Mama. Papa already finds you very pretty."
Naeskandalo ako sa sinabi ng anak. Hindi naman ako mag-aayos para sa... ama niya!
Dahil sa tagal kong nakapag-react sa naging komento ni Red ay nahila na niya ako palabas ng kuwarto.
Habang naglalakad na kami sa dining area ay abala naman ako sa pagpupusod ng buhok ko. Ni hindi ko na nga ito nasuklay pa!
"We're here! We're here!" maingay na anunsiyo ni Red nang makalapit na kami sa dining area.
Mabilis na nahanap ng mga mata ko si Theo. Nakaupo nga siya sa tapat nina Ate Meryl at may mga pagkain na sa mesa.
Alistong tumayo si Theo habang nakatingin sa akin at sa nakikita kong tensiyon sa katawan niya, mukhang magpapaliwanag pa siya sa akin kung bakit siya nasa loob ng condo at nakikikain pa sa dining table ko. Nga lang, naunahan siya ni Kuya Baldo.
"Nagluto ng marami si Meryl kaya hindi ko na muna pinauwi si Dok Theo at Red."
"Maupo na kayo ni Red, Claudine," si Ate Meryl naman na nakangiti man ay kita pa rin ang kaba sa mga mata.
Nagpunta sa may lababo si Red para maghugas ng kamay. Maagap naman akong sumunod sa kanya at inalalayan siya. Matapos kong mahugasan ang sariling mga kamay ay bumalik na ulit kami sa hapagkainan.
Naunang naupo si Red sa bakanteng upuan sa tabi ni Theo. Naupo naman ako sa tabi ni Red. Si Theo na ang naglagay ng mga pagkain sa pinggan ng anak namin. Tahimik ko namang kinuha ang kubiyertos at naglagay na rin ako ng kanin sa pinggan.
Tahimik at awkward naming pinagsaluhan ang dinner. Si Kuya Bakdo lang ang nag-iingay sa harap ng hapag. Sumasagot lang din si Theo kapag tinatanong siya ng pinsan ko tungkol sa trabaho.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin sina Theo. Inihatid ko sila sa basement kung saan naka-park ang sasakyan niya.
"I'll text you the address of my penthouse if you want to take Red tomorrow," aniya habang naglalakad na kami papunta sa sasakyan. Nasa gitna namin si Red.
"You bought a penthouse. Ayaw mo na sa... condo mo?" maingat na tanong ko.
He nervously chuckled. "I just think it's more convenient. It's bigger," naalala kong malaki rin naman ang condo niya, "and it's closer to your condo. I mean... you know, more convenient whenever you want to pick up our daughter," agap niya nang kunot-noo ko siyang tiningnan.
Nakarating na kami sa sasakyan niya kaya hindi na ako nang-usisa pa.
Hinagkan ko si Red sa pisngi at bumulong sa kanya, "I love you."
"Love you too."
Tumayo na ako ng maayos at binalingan na si Theo. Namumungay ang mga mata niya at nang makitang nakatingin ako sa kanya ay napayuko siya.
"Ingat kayo sa pag-uwi," bilin ko.
He nodded. Pinagbuksan niya na ng pinto ng sasakyan ang anak namin at ilang minuto pa ang lumipas ay nakaalis na sila ng basement.
Two days later, inihatid na rin namin ni Red ng airport sina Kuya Baldo at ang pamilya nito. Nangako akong bibisita kami ni Red ng San Pablo kapag may pagkakataon. Hindi lang ako sigurado kung kailan ang pagkakataon na ito lalo na at kinabukasan ay babalik na ako ng ospital.
Baon ang sigla dahil sa isang linggong pahinga kasama ang anak ay masaya akong bumalik ng trabaho. Bitbit ang cups ng take out coffee mula sa paboritong café ay dumaan ako sa Information desk. Mabilis na dinumog ng ilang staffs ang dala kong kape.
"Welcome back, Doc Abby!" bati nila sa akin.
"Doc Abby, parang mas gumanda ka pagkatapos magbakasyon."
"Oo nga, Doc Abby!"
Natawa na lang ako sa naidulot ng panlilibre ko ng kape.
"Absent si Nurse Risa ngayon?" tanong ko kay Nurse Relani dahil hindi ito nakita.
"Umuwi ng probinsiya."
"Huh? Bakit?"
"Tanungin mo si Doc Eric." Napangiwi siya at may duda ako na hindi lang ito dahil sa pait ng kape na dala ko.
Hindi na dinugtungan pa ni Nurse Relani ang sinabi dahil abala na siya sa pagtanaw sa bandang likuran ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang matangkad at morenang babae na naglalakad kasabay ni Doc Marco. Napansin ko rin na sobrang iksi ng suot niyang inner dress sa suot na puting lab coat. Mas mukha siyang modelo tingnan kaysa doktor.
"Mukhang may bagong recruit na namang doktor si Doc Marco," pagsasatinig ni Nurse Relani sa naiisip ko.
Nawala saglit ang tingin ko sa bagong saltang doktor dahil nakita ko si Theo na naglalakad kasabay ng isang nurse. Mukhang pupunta na siya sa rounds niya.
Nag-iwas ako ng tingin. He's been avoiding me the past few days. Masyado itong naging obvious sa akin dahil si Alan na ang palaging sumusundo kay Red sa condo ko. Simula noong sumabay si Theo sa dinner namin sa condo ko ay hindi na niya ulit sinundo pa si Red.
Ibinalik ko ang tingin sa bagong dating na babaeng doktor. Mula sa pakikinig kay Doc Marco ay nakita ko ang unti-unti niyang pag-angat ng tingin sa deriksyon ni Theo. Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"Theo!" hiyaw niya.
Tiningnan ko si Theo at nakita rin ang pagsukli niya ng ngisi sa babae.
Magkakilala sila?
Mabilis na naglakad ang babaeng doktor papunta kay Theo. Akala ko ang galing ko ng magsuot ng mahabang heels pero habang tinitingnan siyang walang kahirap-hirap na tumatakbo papunta kay Theo ay nagkamali ako.
Niyakap niya si Theo. At si Theo naman ay... yumakap sa kanya pabalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top