Chapter 32
A/N: Hi! Yes, ikaw. Ikaw na nagbabasa nito pero 'di pa naka-follow sa'kin. Hit dat follow button m'kay? 'Wag mo na rin ipagdamot ang pag-vote at 'di naman 'yan nakakangalay ng daliri. Labyu! Thankies! ❤
Chapter 32
Cruel Crime
Natutulala ako habang namimili kami ni Red ng mga laruan niya sa loob ng mall. Hindi nawala sa isipan ko ang napag-usapan naming dalawa ni Theo.
Napatingin ako kay Red nang hilahin niya ako papunta sa corner ng mga naka-display na stuffed animals.
"Gusto mo 'yan?" tanong ko sa kanya dahil nakitang hinahawakan niya ang isang teddy bear na kasin-laki yata niya.
Mabilis at paulit-ulit siyang tumango.
"Then take it. We will buy it."
Kinuha niya ito at napalundag pa siya sa tuwa. Pumila na kami sa may counter para magbayad sa cashier.
"We will pick up your Kuya Baldo Baldo, Ate Meryl, and their children at the airport later," sabi ko kay Red. "And then we will go out for lunch together."
"Who are they?"
"Kuya Baldo is my cousin and Ate Meryl is his wife." Inilapag ko sa counter ang pinamiling mga laruan at inasikaso na ito ng babaeng cashier.
"Ten thousand po lahat, Ma'am."
I paid her in cash. Ako ang nagdala sa malaking teddy bear habang ang maliliit na laruang nasa isang shopping bag naman ang bitbit ni Red.
Lumabas na kami ng mall at nagpunta na sa ipinaradang sasakyan sa basement. Inilagay ko sa likod ng sasakyan ang mga pinamili.
Binuksan ko ang pinto sa may front seat at unang pinaupo rito si Red. Habang inaayos ko ang seatbelt niya ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa purse at nakitang si Nurse Relani ang tumatawag. Sinagot ko ito at isinara na ang pinto ng sasakyan. Lumiko na ako sa kabilang pinto para na rin makapasok.
"Nasa'n ka ngayon, Doc Abby?" intrada ni Nurse Relani sa kabilang linya.
"Papunta ako sa airport. May susunduin lang. May problema ba?" Binuksan ko ang pinto ng kotse at pumasok na sa loob. Muli kong isinara ang pinto nang makaupo na.
"Approved na 'yong email mo for a week leave."
Nagsuot na ako ng seatbelt. "Ang bilis naman. Kagabi lang ako nag-send, ah."
"Galing daw sa taas ang approval. Ewan. Ayaw mo no'n?"
Natawa ako at napasulyap kay Red.
"Nga pala, makakapunta ka ba rito sa ospital after lunch?" dagdag ni Nurse Relani. "May documents ka lang na kailangang pirmahan."
Muling dumapo ang tingin ko kay Red. P'wede naman siguro kaming dumaan ng mabilisan?
"Sige. I'll drop by after lunch," sabi ko kay Nurse Relani.
Ibinaba na ni Nurse Relani ang tawag. Inilagay ko ang cellphone sa purse at hinawakan ang manibela ng sasakyan.
"We'll drop by the hospital after lunch. Is that okay with you?" sabay baling ko kay Red.
"We'll visit Papa at work?" masiglang tanong niya.
Wala akong lakas na tanggihan siya at makita ang dismaya sa mukha niya. "S-Sure. We can also do a quick... visit. I also need to sign some papers real quick."
"Okay. I can't wait!"
Napabuntonghininga ako at pinaandar na ang kotse.
Sinundo namin sina Kuya Baldo sa airport. Nang makita si Red ay maluh-luha at emosyonal na napayakap kaagad sa kanya si Ate Meryl samantalang si Red naman ay kuryosong nakatingin sa mga pinsan niya.
Kumain kami ng panaghalian sa isang restaurant. Hindi pa rin makapaniwalang pinagmamasdan ni Ate Meryl si Red. Katawagan ko siya noong nakaraang gabi pa. Sa kanya ko unang sinabi ang lahat kung paano ko natagpuan ang nawawalang anak.
"Ihahatid ko muna kayo sa condo. Kailangan ko kasing dumaan muna sa Makati Med dahil may kailangan akong pirmahan," saad ko matapos naming kumain at nasa loob na ng sasakyan. "Isasama ko si Red."
"We will visit my Papa at Makati Med!" biglang anunsiyo ni Red.
Tinaasan ako ng isang kilay ni Ate Meryl. Alam ko ang tahimik na tanong ng tingin niya.
"Gusto kasi ni Red na... dumaan din kami sa Papa niya," paliwanag ko.
" 'Di ba kami makakaabala sa inyo sa condo mo, Clau?" si Kuya Baldo. "Nakakahiya naman. Nando'n din pala si Dok!"
Palihim siyang siniko ni Ate Meryl. "Hindi nga sila nagkabalikan, Baldo!" nanggigigil na bulong niya rito.
Agad na nakabawi si Kuya at ang anak ko naman ang sinulyapan.
"Hindi ba marunong managalog 'tong si Red, Claudine? " problemadong tanong niya. "Baka dumugo ilong nitong mga anak ko, ah."
Humagikgik si Ate na nakaupo sa tabi nya. "Baka ilong mo rin!"
"Nakakaintindi naman si Red ng tagalog, Kuya." Pati ako ay natawa na rin.
"Aba'y mabuti kung gano'n. Nasa Pilipinas na siya kaya mabuting matuto talaga siya. Itong mga anak nga namin ni Meryl, ang gagaling managalog!"
Sabay kaming humagikgik ni Ate Meryl. Binalingan ako ni Red at naningkit ang mga mata niya.
"What's funny?"
"Nothing, anak..."
Gaya nga ng sinabi ko kina Kuya Baldo, inihatid ko sila sa condo ko. Rito muna sila pansamantalang mamamalagi habang nagbabakasyon sa Maynila. Dalawa naman ang kuwarto ng unit ko kaya kasya pa rin kaming lahat.
Nagpaalam na muna kaming dalawa ni Red sa kanila dahil kinailangan pa naming dumaan ng Makati Med. Hawak ang kamay niya ay tinungo na namin ang Information desk.
Nang matanaw kaming paparating ay kaagad na may kinuha si Nurse Relani mula sa drawers. Huminto kami ni Red sa harap mismo ng desk.
"Pakipirma na lang. Four copies yata 'yan," sabay abot ni Nurse Relan sa akin ng documents.
Dumapo ang naniningkit na tingin niya sa anak ko. Ipinaling niya ang kanyang ulo na para bang nalilito siya.
"Hindi ba anak ni Doc Theo 'yan?" litong tanong niya.
Napasulyap ako kay Red at nakita siyang kuryosong nakatingin sa documents na hawak ko.
"Oo. Anak 'to ni Doc Theo," simpleng sagot ko.
"Pero bakit kayo magkasama—"
"Mama, what's that?" putol ni Red sa tanong ni Nurse Relani.
"These are papers which I need to sign, Red," sagot ko sa anak at tiningnan na si Nurse Relani. Nakita kong nakaawang ang mga labi niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ng anak ko.
"Uh... Pahiram naman ng ballpen. Wala akong dala, e," sabi ko.
Bumuka-sara ang bibig niya. Tinitigan niya si Red at pagkatapos ay inilipat niya naman ang tingin sa akin.
"Bakit 'Mama' ang tawag ng anak ni Doc Theo sa'yo, Doc Abby?"
Humugot ako ng malalim na hininga. Expected ko naman na may magtatanong talaga dahil na rin sa pagpunta namin ni Red ng ospital.
"A-Anak ko siya kay Theo," sabi ko sa maliit na boses.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Nurse Relani. "You mean... no'ng nakaraan ninyo? Nagkaanak pala kayo?"
"Sino'ng nagkaanak?" biglang sabad ni Nurse Risa na sumulpot sa gilid ng anak ko. Dumapo na rin ang pagod na tingin niya kay Red. "Ba't nandito 'tong anak ni Doc Theo?"
Napahilot ako sa noo samantalang si Nurse Relani naman ay nagtikom ng bibig.
"Naliligaw ba 'to?" pagpapatuloy ni Nurse Risa. Ngumiti siya sa anak ko. "Hi. Are you lost, baby girl?"
Umiling ang anak ko sa kanya. Tahimik akong inabutan ni Nurse Relani ng ballpen. Sinimulan ko na ang pagbabasa at pagpirma sa documents.
"Where's your Mommy?" Dinig kong tanong na naman ni Nurse Risa. Natawa siya bigla. "Hala ka, Doc Abby! Tinuro ka. Mommy ka raw!" Wala pa rin siyang kamalay-malay.
"She's my Mama," giit ng anak ko.
Tinawanan lang siya ni Nurse Risa. "Naghahanap ng ibang Mama si bagets. 'Yong trip ni Doc Theo!"
Mabilisan kong pinirmahan ang lahat at ibinalik na ito kay Nurse Relani.
"Papa!" tili ni Red na agarang nakapagpahinto sa tawa ni Nurse Risa.
Sinundan ko ng tingin ang anak kong nanakbo papunta sa kalalapit lang sa amin na si Theo. Kinarga niya kaagad ang anak namin at hinagkan sa noo.
"Mama signed some papers," si Red sa ama niya.
Ngumiti si Theo at bumaling sa akin. "Nag-lunch na kayo ng anak natin?"
"Tapos na. Sinundo rin namin sina Kuya Baldo sa airport kanina." Wala sa sarili akong napasulyap kay Nurse Risa at nakitang bumagsak na ang panga niya. Dinig ko ring tinatawanan na siya ni Nurse Relani.
"She also wants a sleepover. Is it okay?" dugtong ko nang maalala ang hiniling ni Red kanina sa restaurant.
"Of course," tugon ni Theo. "I'll ask Liz to send some clothes for Red. I can just pick her up the next morning if you want."
Tumango ako at binalingan na ng tingin sina Nurse Relani at ang naninigas pa ring si Nurse Risa.
"Hindi na kami magtatagal," paalam ko.
"Hatid ko na kayo sa elevator," awtomatikong presinta ni Theo.
I nodded at him and the three of us started walking towards the elevator.
"Na-approve na pala ang leave ko," pagkukuwento ko habang naglalakad kami.
"That's a great news."
Pinagtitinginan kami ng iilang hospital staffs na nakakasalubong.
"Baka kumalat na rito na may... anak tayo," sabi ko.
"I don't mind. Do you?"
Tahimik ko siyang inilingan. Huminto na kami sa tapat ng elevator. Marahan niyang ibinaba si Red.
"Have fun at Mama's place," nakangiting bilin niya sa anak namin.
"I-te-text ko sa'yo mamaya ang address ng condo ko for Red's clothes."
Bumukas na ang pinto ng elevator at pumasok na kami ng anak ko.
"Take care... " bulong ni Theo bago muling nagsara ang pinto.
Hindi kami dumeretso sa pag-uwi ni Red sa condo ko. Sa pagiging sobrang abala simula nang matagpuan ko na siya ay nakaligtaan kong kausapin si Jok at ibalita sa kanyang nagkamali siya ng akala. Buhay ang anak ko. I decided to drop by his office to inform him about it personally.
Pagdating namin ni Red sa opisina ni Jok sa isang exclusive building ay ang lalaking sekretarya niya ang sumalubong sa amin.
"Mr. Prosecutor is still in a closed door meeting with the NBI officials, Doc Manalo."
Sa madalas na pabalik-balik ko sa opisina ay kilala na ako ng sekretarya ni Jok.
"Patapos na ba siya, Lance?"
He glanced at his wristwatch. "In about five minutes po, Doc."
"Then my daughter and I will just wait for him."
"All right. Please take a seat," sabay muwestra ni Lance sa sofa. "Can I get you anything?"
"No. Thank you." Kinuha ko ang kamay ni Red at naupo na kami sa sofa.
Iginala ni Red ang kanyang tingin sa paligid bago idinapo ito sa akin. "What are we doing here, Mama?"
I gently squeezed her hand. "We're seeing a dear friend."
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas ang pinto ng conference room ni Jok at lumabas dito ang tatlong lalaki. Dere-deretso silang naglakad palabas ng opisina.
Muling bumukas ang pinto at sa pagkakataong ito ay si Jok na ang iniluwa.
"Goddammit, Lance! When those people come back, give me a head's up so I can fuck—" nabitin ang pagmumura niya nang makita ang anak ko sa sofa, "lunch," malamya niyang dugtong sabay ngiwi. "Packed lunch ko dumating na ba?"
Halos mapairap ako dahil sa desperado niyang pagsalba sa pagmumura.
"You didn't tell me that there's a kid in here," sipat ni Jok sa kanyang sekretarya.
"Si Doc Manalo rin po," pahabol ni Lance kaya mabilis na napabaling ng tingin sa akin si Jok.
"I've been trying to get a hold of you," panimula ni Jok at lumapit na sa amin sa sofa. "It's about—"
"my child," sabad ko sabay ngiti. "She's alive."
Sinulyapan ni Jok si Red. Realization finally dawned on his face.
"Thank you for everything, Attorney," sambit ko. "I've witnessed your endless efforts on finding my child. Ang laki ng naitulong mo sa'kin, Jok..."
"I'm glad that she's finally with you now. At least 'di mo na ako bubulabugin dito at sa ELights," he added, trying to lighten the mood.
"Hindi na rin ako magsasampa ng kaso kina Roy at Loida. I think justice has been served by what happened with them."
He grimaced. "Matagal na pala nilang modus 'yon. Helping other people but then extorting more money from their close relatives. Marami na rin yata silang nahuthot na pera mula sa side ng... ama ng anak mo. 'Yong bata namang nakita kasama ng mga nasunog na katawan nila ay bago nilang biktima."
Kumunot ang noo ko. A question has been bugging me for a while.
"Can I go watch the fish?" biglang tanong ni Red na nakatanaw sa aquarium sa may sulok.
"Sure. Go ahead," si Jok ang sumagot sa palakaibigang boses.
Mabilis na tumayo si Red at lumapit dito. Muli kong itinuon ang atensiyon kay Jok.
"P-Posible rin ba na... kasabwat nila ang..." Nahihirapan akong ituloy ang masamang hinala.
"pamilya ng ama ng anak mo?"tukoy ni Jok.
"Alam kong mabigat na paratang 'to," hirap na sinabi ko.
Malungkot na ngumiti si Jok. "I don't know, Abby. In my line of work, I've been trained to think the worst of people. Desperate people sometimes do desperate and cruel things." Marahas siyang nagbuga ng hininga. "And of course, in my line of work as well, we need proofs and concrete evidences for facts. And in your case, patay na ang mag-asawa. We can't ask them for facts. Hell, we can't even ask them for anything. Their mouths are forever sealed. God may never fucking rest their rotten souls." Ramdam ko ang galit ni Jok sa huling sinabi.
My conversation with Jok bothered me a bit. Ayaw kong mag-isip ng masama. Kahit na napakaraming nagawang mali ng mga magulang ni Theo sa akin, gusto ko pa ring isipin na mabubuti silang tao. That they could never conspire to such a cruel crime.
Pinagmasdan ko si Red na sobrang masiglang nakikipaglaro na sa mga pinsan niya. Naaaliw siya sa pagpapatawang ginagawa ni Kuya Baldo gamit ang hitsura nito. Dalawang oras na rin ang lumipas simula nang makauwi kami sa condo. Nabihisan ko na rin siya ng panibagong damit dahil hinatiran na siya ng damit ni Liz kani-kanina lang.
"Baka hindi na matulog 'yang mga 'yan," si Ate Meryl na tumabi sa akin sa sofa.
"Papatulugin ko 'yan maya maya."
"Ihahatid mo siya kina Doc Theo bukas?"
"Susunduin daw siya ni Theo rito." Nakita kong sinasakyan ni Red ang likod ni Kuya Baldo at ginawa pa itong kabayo. Natawa ako.
"Sinabi mo na rin ba sa kanya ang ginawa ni Doc Arthur?"
Napawi ang pagtawa ko. "H-Hindi pa."
"Kung gano'n, hanggang ngayon, wala pa rin siyang kaalam-alam?"
Tiningnan ko si Ate Meryl. "Pa'no kung... huwag ko na lang kaya sabihin? Mukhang hindi rin naman sinabi ni Doc Arthur sa kanya. Masasaktan lang siya kung—"
"Pa'no ka? Pa'no naman ang nararamdaman mo, Claudine?"
Hindi ko na matingnan ng deretso si Ate Meryl.
"Naiintindihan ko naman na walang alam si Theo tungkol sa totoong nangyari kay Red pero kasi... sa tuwing naiisip ko ang lahat ng paghihirap mo, hindi ko maiwasan na sisihin sila ng pamilya niya. Nagagalit ako para sa'yo..."
"Ate..."
"Pasensiya ka na," naiiyak at natatawa niyang sabi, "kung nandito lang si Nanay Magda baka sinabihan na naman akong mababaw ang luha."
Napangiti na rin ako. "Sigurado akong masisiyahan din 'yon dahil kasama ko na ang anak ko."
Naputol ang pagdadrama naming dalawa ni Ate Meryl dahil sa narinig naming pag-iyak ng bunso niya.
Pagod siyang tumayo. "Hala sige! Tama na ang kakalaro. Oras na para magsitulog kayo."
Tumayo na rin ako at kinuha sa sala si Red. Ngumuso siya. "But I don't wanna sleep yet."
"Matutulog na rin ang mga pinsan mo. Bukas na ulit kayo maglaro." Dinala ko na siya sa kuwarto ko.
Kinuha ko ang mga damit pantulog niya mula sa backpack na ibinigay ni Liz kanina. Binihisan ko si Red at pagkatapos ay banayad na sinuklayan ang buhok niya hanggang sa makatulog na siya.
Theo was on time the next day. Hindi na dapat ako nagtataka pa dahil hindi naman talaga siya na-li-late sa sinasabi niyang oras.
Sa lobby na kami ng condo ko nagkita. Nakakaswal na yellow shirt at denim skirt lang ako nang bumaba kasama si Red na isang dress naman ang suot. Napuna kong mukhang hindi pupunta ng ospital si Theo dahil nakasimpleng white tshirt lang siya at faded jeans. Kasama niya si Liz.
Madali ang ginawang paglapit ni Red sa ama.
"Good morning," bati ni Theo sa akin.
Iniabot ko kay Liz ang backpack ni Red. "Morning. Hindi ka pupunta ng Makati Med ngayon?"
Umiling si Theo. "Are you free today?"
"Oo naman. Hindi pa naubos ang leave ko."
Napalunok siya at naninimbang ang tingin niya. "My father... wants to talk to you. If you want to refuse, I can just tell him you're busy."
"I'll... I'll talk to him."
"Can I see Daddylo too, Papa?" hiling ni Red sabay kabig sa kamay ni Theo.
Banayad siyang tiningnan ng ama. "Sure. After the adults talk. In the meantime, you'll stay with Liz inside the car."
Nagitla ako. Mukha yatang isang seryosong usapan ang magaganap mamaya.
"Okay..."
Nahanap ulit ni Theo ang tingin ko. "Let's go?"
I nodded meekly at him.
Sumakay kami sa sasakyan ni Theo. Sa front seat ako naupo katabi niya habang sina Red at Liz naman ay nasa likod. I've noticed that it was a long drive. Pansin ko ring hindi na ito sakop pa ng Makati.
We entered a small town outside Makati. Huminto ang kotse sa tapat ng isang maliit na clinic. Tinanggal ni Theo ang kanyang suot na seatbelt. Ginaya ko na rin siya.
"Dito muna kayo ni Red sa loob ng sasakyan, Liz," sabi ni Theo.
"Sige po, Sir Doc."
Lumabas na kaming dalawa ni Theo mula sa sasakyan niya. Tiningala ko ang dalawang palapag na clinic. Mukhang sarado ito.
Naglakad si Theo palapit sa isang malaking bahay na nasa gilid lang din ng clinic. Binuksan niya ang gate nito at nilingon ulit ako. Mabilis kong itinuloy ang paghakbang kasunod niya.
Pumasok kami sa loob ng gate at huminto sa tapat ng pinto. Pinindot ni Theo ang doorbell at ilang sandali pa ay pinagbuksan na kami ng pinto ng isang matandang babae.
"Gising na ba si Dad, Manang?" tanong ni Theo pagkapasok namin.
"Oo. Naghihintay na siya sa loob ng study niya. Nandoon na rin sa loob ang Mommy mo."
Nayanig ako. Ano ba ang pag-uusapan namin at kasama ang buong pamilya ni Theo?
"She's here?" Natigilan din si Theo. Wala rin yata siyang alam.
Hindi ko narinig na tumugon ang matanda sa kanya. Tuloy-tuloy ang ginawa naming paglalakad sa may pasilyo. Biglang huminto sina Manang at Theo sa harap ng isang malaking pinto kaya napahinto na rin ako. Dalawang beses na kumatok si Theo at pagkatapos ay binuksan ito.
A different kind of scene captured my sight. Nakita kong nakahiga sa isang kama na malapit sa nakabukas na malaking bintana si Doc Arthur. Nakaupo sa gilid ng kama niya ang kanyang asawa na si Madame Aurelia. Sa likod niya ay ang malaking shelves na punong-puno ng maraming medical textbooks.
"Claudine is here," anunsiyo ni Theo sa loob ng tahimik na study.
Mula sa labas ng bintana ay unti-unting lumipat ang tingin ni Doc Arthur sa akin. He looked old and... sick. Pilit niyang inangat ang kanyang ulo. Maagap namang lumapit at umalalay sa kanya si Theo. Tumulong na rin si Madame Aurelia.
Habang pinagmamasdan sila, ang galit at sakit na bumalot sa puso ko dahil sa lahat ng ginawa nila sa akin ay unti-unting naging maamo. As I gazed at their struggles, pity replaced my anger. My pain is not for my own pain anymore. Saklaw na nito pati ang sakit na nararamdaman nila. At maski hindi pa hingin sa akin ng mga magulang ni Theo ang kapatawaran, bukal sa loob at kusa ko na itong ibinibigay sa kanila.
Nang matagumpay na nilang naipasandal ang likod ni Doc Arthur sa mga nakapatong na unan sa headboard ng kanyang kama, nagkusa na akong lumapit sa paanan niya.
Tiningnan ako ni Doc Arthur. I could see pain and sorrow in his tired eyes. He smiled. The kind of smile he gave me when he first saved me from that small dark room in San Pablo.
"Doctor Abigail Claudine Manalo," nanghihinang bati niya pero dama mo ang matinding respeto. Sinulyapan niya rin si Theo na nasa kanan niya at si Madame Aurelia na nasa kaliwa naman niya.
He sighed as if he's been holding his breath just for this moment. As if he's been waiting for a long time for this. "Now that everyone is here, I will finally confess to my most cruel crime."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top