Wakas
A/N: Hello po! Maraming salamat at hindi kayo bumitaw hanggang dulo. Ang dami kong pinagdaanan last year at this year. Umabot ako sa point na pati sa pagsusulat ay nawalan na rin ng gana dahil sa recent issue. But I am grateful that you stayed with me. Through my ups and downs. Through my successes and failures. Magpapatuloy po ako hanggang sa kaya ko pa kaya sana ay kasama ko pa rin kayo.
See you sa fourth series!
"I do not deserve your cruel judgement. I am a self-made woman. I reached success because of my wit, hardwork, and dedication. And never because of some weak and stupid man." —Doctor Abigail Claudine Manalo 2022
Wakas
"I'm sorry. We did everything we could but... we could not save your daughter," the doctor announced with a forlorn face.
Nanlamig ako. To hear a hopeless news like that stabbed something sharp in my gut. If saying things like this is a doctor's job, then I don't want to become one. Or so I've told myself.
Sinulyapan ako ni Doctor Alejandro matapos niya itong i-anunsiyo sa immediate family ng pasyente. His eyes told me, "This is what you've signed up for." I swallowed hard and accepted the challenge. Maski na gustong bumaliktad ng sikmura ko. And just ran for the hills. I was on my first year of residency back then.
Kapag tinatanong sa'kin ng mga kakilala ko kung bakit Medicine ang kinuha ko, hindi ko alam ang insaktong isasagot. It wasn't because my parents are both doctors nor do I see myself as a philanthropist. I can be passionate sometimes, but cold most of the time.
When I finished my residency, I decided to make my own name in the field of Medicine. Kilala na ang mga magulang ko sa Pilipinas kaya nagdesisyon ako na magpuntang Canada para gumawa ng sariling pangalan. There I met Winona. I had my first fall then.
I guess fate had other plans. Fate had allowed my heart to be broken so I could love again. Love better. Be loved back.
"So, you'll meet someone else and you'll fall in love again—"
"That's impossible," I cut Claudine off. I was too stubborn and felt like what she said was ridiculous. "Si Winona lang ang mamahalin ko."
"Mas mamahalin mo siya kaysa kay Winona," she insisted.
I muttered a soft curse. Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras na makinig sa kanya? Hindi naman ako naniniwala sa hula. Tao ang nagdidikta ng kapalaran niya, hindi ang palad. It's not luck that will get you somewhere but hard work and dedication.
"Let's say na totoo 'yan," sabi ko para lang matigil na ang kahibangan. "How does she look like? Where do I find her?"
"Sa gubat."
Natawa ako. Naisip ko na ang lasing ko na siguro para makinig sa kabaliwang 'yon.
But damn, she was right. I met her again in the forest she mentioned. In that forest of love where I was only a tree, she bloomed next to me.
Sa hindi inasahang pagkakataon at lugar, naging malapit kami sa isa't isa. Mas nakilala ko siya. And eventually, I fell for her. Kung gaano naman kasagad ang inihulog ko sa kanya ay gano'n din kasagad sa buto ang sakit na naramdaman ko nang itaboy niya ako.
I would understand if her reason was that she fell out of love. Kaya ko namang respetuhin iyon. Ang hirap lang tanggapin na hindi niya pala ako minahal dahil ang ama ko ang gusto niya.
"You had feelings for him," sabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng rebelasyon nila sa gabing iyon. I brought her as my date for my mother's birthday. I introduced her to my parents as the woman I love.
"Theo, it was in the past. I was just con—"
"He's a married man and you knew that! He's my father!" I shouted. Hindi ko na nakimkim ang galit ko. Ni ang sugat nga sa kamao ko dahil sa pagsuntok sa pader ay hindi ko na naramdaman pa.
Nakita ko ang pinagsamang takot at pangamba sa mga mata ni Claudine.
But I was afraid too. Takot ako na ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya ay para sa ama ko.
"And now you're with me. What does that make me, huh?" paos na tanong ko.
"Theo, mahal kita," pag-amin niya.
Kung hindi lang ako galit at nasasaktan, baka nagdiwang pa ako dahil sa sinabi niya. But my doubts clouded my judgement. My doubts made my real emotions hid in the corner of my bitterness.
"At ngayon sa'kin ka naman umaamin," I said, my voice laced with bitterness. "Sa anak ka naman umaamin, Claudine."
I could forgive her feelings, but I could never forgive her lies. Matagal niyang itinago sa'kin ang akala ko ay relasyon nila ni Dad. I felt betrayed. Mas minahal ko nga siya kaysa kay Winona pero tangina, mas sinaktan niya naman ako kaysa kay Winona.
Iniwan ko siya para may maramdaman naman ako ulit dahil sobrang manhid ko na. I wanted to nurse my broken heart but before I could take care of myself, I had to take care of her first. I had to make sure that she's alright.
Nag-utos ako sa isa sa mga staffs na tumawag ng taxi. I also asked him to give Claudine some water. And then I went to a bar to drink the night away.
Seeing her the next days was so hard. Iniwasan ko siya dahil pareho kaming nahihirapan. I volunteered for a conference just so I could get away. At habang ginagawa ko iyon ay mas lalo lang akong nagiging miserable. Hanggang sa humantong na ako sa pagiging wala ng pake.
I went to her apartment. Naisip ko na magmamakaawa ako para lang pakinggan niya ang pagmamahal ko. Maybe then she'd take me back. Maybe then she'd realize that her feeling's the same with mine.
"I love you. I don't care if you liked my father. What we have is what matters the most." I was that desperate for her to accept my love. I was willing to beg.
Ang sakit pala kapag nakikita mong wala ka na talagang pag-asa. It was as if she was begging me to give it up, to give us up.
"Kapag tinititigan kita, si Doc Arthur ang nakikita ko..."
Napapikit ako dahil nadurog na naman. Fuck! Ang hirap makipagkompetensiya sa pagmamahal niya sa ama ko. Sa lahat lahat, ang tatay ko pa.
"Ako naman ang mahal mo," giit ko. Pero totoo nga ba o baka naman assuming lang ako?
"Kaya umalis ka na lang dahil 'di rin naman tayo para sa isa't isa. Hindi kita kayang... mahalin," she told me coldly.
With her final statement, she basically shattered my hopes. Ayaw kong ipilit ang pagmamahal ko dahil ayaw ko siyang mahirapan kaya kahit hindi ko tanggap ay lumayo na ako.
I went back to Canada after a few days. Ni hindi alam ng pamilya ko ang mga plano ko sa buhay. My dad and I were estranged to each other. My relationship with my mother was decent but rocky.
I studied again to become a surgeon. Para 'di na masyadong maalala ang pagkahulog at sagad na pagsubsob sa pagmamahal ko kay Claudine ay inabala ko ang sarili sa pagdadagdag ng achievements sa career ko.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng spleen removal surgery video sa laptop nang napansin ko ang tawag ni Dad sa private phone ko. I sighed and picked it up.
"What is it?"
"How are you, son?" Dad's voice was hesitant.
Napahilot ako sa sentido. "Fine. I guess."
"Have you... Have you talked to Abigail?"
My jaw clenched. Why was it so easy for him to mention her? Kinontrol ko ang iritasyon.
"No. She didn't want me so why would she talk to me?" May pait na bumara sa lalamunan ko.
Dinig ko ang malalim na buntonghininga na pinakawalan niya sa kabilang linya.
"You're not seeing each other?" dagdag ko na tunog pang-aakusa. "I'm sure she'd rather talk to you."
"Theo."
Isang banggit niya lang iyon sa pangalan ko, naalala ko na ang dapat na respetong ibigay ko sa kanya. I felt like I was back to being a kid again, reprimanded by my father.
I squeezed my eyes shut. I was both tired from work and angry from the topic and resurfacing bitter emotions.
"I need to go," sambit ko sa kontroladong boses. I ended the call.
I didn't want to get angry with Claudine so I became angry with myself. Galit ako dahil kuryoso pa rin ako tungkol sa kanya. Pride na lang ang tanging pumipigil sa akin para makibalita tungkol sa kanya.
That's the reason why I became so surprised and devastated when my mother told me that Claudine and I had a kid together.
"She gave your child away, Cain Mattheo! She could not even handle the responsibility. Are you listening to me?" my mother ranted on the other line.
Halos mabali ko ang hawak na ballpen sa isang kamay dahil sa galit na nararamdaman.
"Uuwi ako ng Pilipinas. I will personally talk to her—"
"Para saan pa? Para lokohin ka na naman niya?!"
Hindi ako makatugon sa paratang ng ina ko dahil sa takot na maaaring maging totoo nga ang sinasabi niya.
"I know you, Theo," she continued. "You easily get swayed because of her. You're a very intelligent man but when it comes to her..."
"I want to see my child. I'm coming home," saad ko para matahimik na siya at ibinaba na ang tawag.
Nothing and no one could ever change my mind in coming home. Kukunin ko ang anak ko. Kung hindi... Kung hindi kaya ni Clau ang responsibilidad ay ako lang ang aaku nito. My daughter needed a parent and if it's only going to be me then so be it.
Bumalik ako ng Pilipinas sa sumunod na mga araw. I talked with the couple who took care of Red. Napag-alaman ko rin na nagkaroon din pala ng heart surgery ang anak ko.
"Ibinigay niya sa'min ang bata noong nalaman niya ang kondisyon nito," the woman said. Kabado niyang sinulyapan ang katabing asawa bago ibinalik ang tingin sa akin. "Ang sabi ni Abigail... liability daw para sa kanya ang bata."
Umigting ang panga ko dahil sa panibago na namang galit.
"Kukunin ko ang anak ko," sabi ko sa malamig na boses. "I'll transfer some money in your bank account. Thank you for taking care of her for me."
They were both glad to return my daughter to me. Red was just almost a year old. Maingat ko siyang kinarga. As if she's very fragile. She was wearing a red sweater. My anger was tamed when she smiled at me for the first time.
"What's her full name?" paos na tanong ko sa mag-asawa.
"Red Claudia, uh Manalo."
"And this sweater?"
Kabadong natawa ang babae. "Uh... Personal na tinahi 'yan ni Abigail. Nabagot siguro no'ng mga panahong 'yon."
I nodded. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapan. Dinala ko si Red at hindi rin kami nagtagal sa Pilipinas. Bumalik ako ng Canada kasama ang anak namin ni Claudine.
I hired a babysitter for Red. Hindi naman kasi ako palaging nasa tabi niya dahil na rin sa trabaho. At first I didn't know how to be a parent. Heck, I didn't even know how to be a father. I had to admit that my mother's guidance was a huge help.
"Naasikaso mo na ang papers niya?" si Mommy nang bumisita sa bahay ko sa Vancouver. Karga karga niya si Red at nakaantabay naman sa gilid niya ang kasambahay na ipinadala niya mula sa mansiyon namin sa Pilipinas.
Tumango ako at pabagsak na naupo sa sofa dahil sa matinding pagod. Kauuwi ko lang galing ospital.
"And? Did you change her name?"
I craned my neck to the side because of it's stiffness.
"You didn't?" pagpapatuloy ni mommy na halos magtaas na ng boses.
"I told you. I'm not going to change her name," pagod na pahayag ko.
I could see the adamant protest in her eyes. "You like her to be called Red? What is she, a crayon?"
Umiyak ang anak ko na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ng lola niya. My mother probably upset her. Pagod na pagod man ay tumayo pa rin ako.
"Give her to me," I said and opened my arms wide.
Bumuntonghininga si Mommy at pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko. I could see concern in her eyes.
"I'll take care of her. Why don't you hit the sack and get some rest?" she offered.
Mabigat man ang talukap ay mariin ko pa rin siyang tinitigan sa mga mata.
"Don't upset her. She loves her name."
Inirapan ako ng isang Doctor Aurelia Hemendez. "Bakit ba kasi Red pa ang ipinangalan niya," bulong-bulong niya. "That's too bold for a name. It's like fire..."
I kissed my daughter's forehead. Tinalikuran ko na silang dalawa para magpunta na sa kuwarto.
Thinking about my daughter's name and Claudine being a firecracker made me smile. Napawi rin ito kaagad nang maalala ko ang pader na nakapagitan sa aming dalawa ng mama niya.
Lagi kong ipinapaalala sa sarili na maski ano pa man ang nangyari sa pagitan namin ni Claudine at kahit ano pa man ang ginawa niya, mananatili siyang ina ng anak namin. Ayaw kong lumaki si Red na iniisip niyang ipinamigay siya ng sarili niyang ina. I didn't what her growing up thinking that she's not good enough. I wanted our daughter to know her mother well. Kahit sa pictures man lang ay ipinakilala ko pa rin kay Red si Claudine.
Hindi iyon naging mahirap sa'kin lalo na't sobrang interesado ng anak namin na makilala ang ina niya. So I told her all about Claudine.
Red wanted to meet her so bad the reason why we went home to the Philippines. I wanted to give Claudine the chance. Maski na hindi niya hiningi sa'kin. Kaya lang, sobra akong nahirapan nang itanggi niyang naging ina siya. Is she saying that she even forgot about our daughter? Gayong laging siya ang bukambibig ng anak namin?
Pero habang tumatagal na nakakasama ko siya ulit ay nakikita ko ang mga pagbabago sa kanya. Despite her cold facade was the woman who's broken inside. Na kahit gaano man niya itago ito ay klarong-klaro pa rin ng mga mata ko. At dito ko siya minahal ng husto.
"Hindi ka na talaga nadala! Siya ang apoy na tutupok sa'yo, Theo!" babala sa'kin ni Mommy nang malaman niyang nagpapakatanga na naman ako ulit kay Claudine.
"E 'di nakangiti akong magiging abo." I grinned. The hell I care anyway.
Desidido na ako. Kung mahuhulog man ako ulit, gusto kong kay Claudine pa rin. Kay Claudine lang. Sa kanya ko lang hahayaan ang sarili na bumagsak, saluhin man niya ako o hindi.
At tuluyan na nga akong bumagsak. Lalo na nang malaman kong kasinungalingan lang pala ang lahat.
"She needed a heart surgery. W-Wala akong pera..."
Fuck! Bakit kailangan niya pang magdusa nang gano'n? I have a lot of money. Binili ko nga ang mga lupain ng mga Minerva para lang maipaghiganti ko siya!
"I-Inilayo nila sa'kin si Red, Theo... Kinuha nila sa'kin ang anak... natin."
I am not an angry person. Pero sa pagkakataong iyon ay halos tupukin na ako ng matinding galit para sa mga taong nagdulot sa'min ng ganoong klase ng sakit.
I told Claudine that our daughter's alive. Sa aming tatlo ay siya itong sobrang naagrabyado. Ang dami kong sana. Sana hindi ako naniwala kaagad. Sana mas sinigurado ko pa kung totoo nga ba ang sinabi ng mag-asawa. Sana personal kong tinanong si Claudine. If only I could turn back the time...
I wanted everything to be fine for Claudine. Ayaw ko ng masaktan pa siya. Sa lahat ng tao, siya iyong pinakanawalan. I wanted to give her everything. If seeing me was hard for her then I would gladly vanished until she could recover. I just wanted to spare her from all the pain.
Gustong-gusto ko na ipakita sa kanyang mahal na mahal ko siya. Gusto ko na magkaroon ulit ng karapatan na mahalin siya kaya lang pati iyon ay ipinagkait sa'kin lalo na nang malamang ang puno't-dulo pala ng lahat ng mga kasinungalingan at sakit ay ang mismong ama ko.
Claudine was too good to the people who were so cruel. Pinatawad niya ang ama ko. Ni hindi ko mapatawad ang sarili ko.
Pabagsak akong napaluhod sa harap niya matapos ang ginawang rebelasyon ng ama ko. When I imagined all the pain and the struggles she's been through because of my family, I wanted to surrender my life to her. I wanted her to be the one who would end me.
Simula pa pagkabata niya ay matinding abuso na ang naranasan niya sa maraming tao. Nawalan siya ng ina. Nawalay sa kanya ng matagal na panahon ang anak namin. Wala akong nagawa para sa kanya. Wala akong kuwentang magmahal.
I avoided her. Kung magpapaalala lang ako sa kanya sa lahat ng sakit ay iiwas ako hanggang sa makakaya ko. Nga lang, nang maramdaman kong nagseselos siya sa bagong dating na babaeng doktor na kakilala ko ay nawalan na ako ng kakayanang umiwas pa.
"Why would I be jealous? I don't have the right to be jealous."
"Of course you do. I'm... yours," paos na sambit ko.
Wala kang dapat pagselosan, Clau dahil sayong-sayo lang ako. Bakit pa ako titingin sa iba kung ikaw lang ang nakikita ko?
I was determined. I wanted another chance with her. Ang dami na naming pinagdaanan. Ngayon pa ba ako susuko? Nakaplano na ang buhay ko kasama siya at ang mga anak namin. Claudine and I will get married. We will live in a penthouse as a family. We will eventually transfer to the huge house I've been building.
Liligawan ko siya ulit. Liligawan ko siya araw-araw. Kung papalarin at sagutin niya ako, liligawan ko pa rin siya.
At ngayon, pagkatapos ng kasal namin, hindi ako titigil sa panliligaw sa kanya.
The corners of my eyes dampened when I saw her walking down the aisle with her cousin, Baldo and her Ate Meryl. Sila ang naghatid sa kanya dahil wala na ang mga magulang niya. And I promise that I will be her family. I, Red, and the baby in Claudine's tummy will be her family. We will be a family to one another.
Ang daya dahil malapad lang siyang nakangiti habang nakatingin sa'kin samantalang nanginginig naman ang mga labi ko na para bang maiiyak na.
Why are you so beautiful, Clau? I mentally whispered.
Sinulyapan ko si Red na nasa banda ng mga bride's maids. She is our maid of honor. It was just last week when her school bus met an accident. Mabuti na nga lang at wala namang nasaktan sa mga estudyanteng pasahero. They were only brought to the hospital to make sure that they're all okay.
Ibinalik ko ang tingin kay Claudine. Tuluyan na nga siyang nakalapit sa harapan, sa tabi ko. Tinapik ako ni Kuya Baldo sa balikat at ngiti naman ang iginawad sa akin ni Ate Meryl.
Mabilisan kong ipinasada ang tingin sa mga bisitang nasa loob ng simbahan. I looked at my father who's on a wheelchair and my mother who's crying beside him. Naalala ko ang naging seryosong usapan namin tungkol sa last will ni Dad.
We were having dinner together. Claudine insisted that she wanted to revoke the content of the will. Ayaw niyang tanggapin ito. My mother also insisted that Claudine should accept it. Pero sadyang matigas lang talaga ang paninindigan ng magiging asawa ko. In the end, she won the argument.
Nanalo rin naman ako dahil kapalit naman nito ay ang pagpayag niya sa wakas na hindi kami magkaroon ng pre-nuptial agreement. I will spoil her and our children.
Inilipat ko ang tingin sa naging matalik ko ng kaibigan. Winona was grinning widely at me. I grinned back at her.
Ibinalik ko ang buong atensiyon kay Claudine. She glanced at our little maid of honor from the side. Kinawayan niya ito para lumapit sa amin. Red gladly obliged and came over.
"Will you hold this for me, anak?" marahang tanong ni Clau sabay abot kay Red sa hawak niyang bouquet.
"Sure, Mama!"
Matapos tanggapin ng anak namin ang bouquet ay inalalayan na siya ni Ate Meryl sa gilid. Ibinalik ni Claudine ang tingin sa akin.
"We're marrying each other now," aniya sa maliit na boses at parang hindi pa rin makapaniwala.
"I always wanted to get married to you," pag-amin ko.
Maski may veil na nakatabon sa mukha niya ay kita ko pa rin ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya sa gulat.
"R-Really? Since when?"
"Since that day when I tried to catch a piglet for you."
Humagikgik siya at pagkatapos ay biglang ngumuso. "Pero pinakawalan mo 'yon sa gubat."
Umangat ang sulok ng labi ko. "My love sets free."
"Maski hindi na bumalik? Tulad no'ng biik?"
"Pero bumalik ka." I smiled. "Because we're fated to each other."
"That's because I love you too," she softly confessed.
"I love you. Always and forever. " I whispered.
She smiled and then we both turned to face Him. Maybe it was fate that brought Claudine and I together, but it's our love that will keep and strengthen our relationship and our family. With God and the people as our witnesses.
Nobody else can tell me about my fate except for my Doctor Abigail Claudine Manalo-Hemendez. That is because she is my fate. And I will be her believer. Forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top