Chapter 4

Chapter 4

Innocent Confession

"May consultation kayo ni Doc Theo, Nurse Abby?" kuryosong tanong ni Kim.

Tumayo na ako mula sa swivel chair at nag-spray na muna ng alcohol sa kamay.

"Wala naman. Mamayang hapon pa," sagot ko.

"Kung gano'n bakit ka niya need sa kanyang clinic?"

"Hindi ko alam. Kaya ko nga rin siya pupuntahan para malaman."

"Hmmp," impit niya.

Lumabas na ako ng station at iniwan silang dalawa ni Jane. Tinungo ko ang clinic ni Doc Theo. Nang nasa tapat na ng kanyang pinto ay tatlong beses akong kumatok.

"Come in," malamig na boses niya.

Pinihit ko ang doorknob at binuksan na ang pinto. Nadatnan ko siya na nakaupo sa kanyang silya sa likod ng mesa. Mula sa binabasang file sa folder ay nag-angat siya ng tingin.

"Have a seat." Iminuwestra niya ang upuan na nasa harap ng kanyang mesa.

Humakbang ako palapit dito at naupo.

"May kailangan po ba kayo sa'kin, Doc?"

Binitiwan niya ang folder at inilapag ito sa mesa. Sumadal siya sa backrest ng kanyang swivel chair. Marahan niyang ipinalandas ang kanyang hintuturo sa ibabang labi at ilang segundo akong tahimik lang na pinagmamasdan.

"You called my father last night." It was a statement, not a question.

Pansamantala akong nablangko at nangapa sa sasabihin. Ipapaalam ko ba ang koneksiyon ko sa ama niya?

"Magkakilala kayo?" dagdag niya.

"Y-Yes po,"matapat kong pag-amin. "He's my...benefactor when I was studying at a university."

Tumango-tango siya. "You're one of his scholars, then."

I nodded.

"I hope nobody will know about what happened last night," mataman niyang sinabi.

"I don't have any plans of telling anyone."

"Thank you," pormal niyang saad. "You can go now."

Tumayo ako at tinalikuran niya. Naglakad na ako patungo sa pintuan nang maalala ang bilin ni Jok kagabi. Unti-unti ko siyang nilingon pabalik.

"May sasabihin ka?" tanong niya.

"Bayad mo raw sa ininom mo kagabi sa ELights."

May multo ng ngiti sa kanyang labi. "Ikaw ba ang tagasingil? Sa'yo ko ba ipapadala?"

Tumikhim ako at awkward na nag-iwas ng tingin. "Puwede namang ikaw na ang magpunta ro'n."

"All right."

Akma na sana akong tatalikod dahil tingin ko ay wala na siyang idadagdag pa nang muli siyang magpatuloy.

"Are you a regular customer?"

Alam kong ang ELights ang tinutukoy niya. Bahagya akong umiling. "Hindi naman. Just when I feel like it."

He nodded once. Dismissed na yata ulit ako. Tuluyan ko na siyang tinalikuran at binuksan na ang pinto. Lumabas na ako ng kanyang clinic.

Napagtanto ko na iyon na yata ang pinakamahaba naming naging pag-uusap simula nang dumating siya sa Pillars. Noon naman kasi, habang nag-a-assist ako sa kanya sa tuwing may consultation siya sa residents, palaging propesyonal lang ang pinag-uusapan namin. That was the first time we talked about other things not related to the Pillars. Hindi counted ang kagabi dahil lasing siya noon.

Hindi na nagtagal pa sa isipan ko ang usapan namin dahil naging pokus na ako sa trabaho buong araw. Habang nasa lunch break at mag-isang kumakain sa cafeteria ay pinagmamasdan ko ang cellphone na inilapag ko sa mesa. Inaabangan ko ang tawag ni Doc Arthur dahil iyon ang sabi niya sa akin kagabi.

Nadismaya ako dahil malapit na akong matapos ngunit hindi pa rin siya tumatawag.

"Sinong hinihintay mong tumawag?"

Napasinghap ako dahil sa biglaang pagtanong ni Jane sa akin. Dahil kanina ko pa tulala lang na tinititigan ang cellphone na nasa mesa, hindi ko tuloy napansin ang paglapit niya sa akin.

Inilapag niya ang kanyang food tray sa mesa at naupo na sa tapat ko.

"Lalaki ba ang hinihintay mong tumawag, Nurse Abby?" usisa niya.

Matamlay ko siyang tinanguan dahil tama naman ang hula niya. Lalaki naman si Doc Arthur.

Namilog ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala akong tiningnan.

"Wow. Boyfriend mo?"

"Wala akong boyfriend," tanggi ko.

"Nanliligaw sa'yo?"

Kumunot ang noo ko at inilingan siya. Si Doc Arthur manliligaw sa akin? Uminit bigla ang pisngi ko.

Nagulat ako sa pagsinghap ni Jane sa tapat ko. Itinuro niya ako. "Crush mo?!"

Mas lumalim lang yata ang kunot sa aking noo dahil sa kaguluhan. Crush ko si Doc Arthur?

"Crush?" tanong ko kay Jane.

Umawang ang labi niya na para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Paglaon ng ilang segundo ay umiling siya habang mangha akong pinagmamasdan.

"Wow. Alam kong weird ka pero hindi ko alam na hindi mo alam ang salitang crush."

"Siyempre alam ko kung ano ang depinisyon ng salitang crush," naiirita kong sinabi. "Naguguluhan lang ako kung bakit mo naiisip na crush ko ang lalaking hinihintay ko na tumawag."

Umirap siya. Napatingin ako sa pagkain na hindi pa niya inaatupag.

"Kasi nga inaabangan mo ang pagtawag niya."

Nagtagpo ang kilay ko. Mas naguluhan lang sa sinabi niya. "Ano ngayon kung inaabangan ko? Kapag ganoon ba, eh crush na?"

Sa wakas ay pinulot na niya ang kanyang tinidor at nagtusok na ng kanyang chopsuey. Isinubo niya ito at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Masaya ka ba kapag tumatawag siya at nagkakausap kayo?"

"Oo," sabi ko.

"Humahanga ka ba bawat kilos niya?"

Naisip ko ulit si Doc Arthur. Mataas ang tingin ko sa kanya at hinahangaan ko naman siya. Tumango ako kay Jane.

"Gusto mo ba sa tuwing napapansin ka niya?"

Napaisip ulit ako. Masaya naman talaga ako sa tuwing napapansin ni Doc ang ginagawa ko. Gusto ko ring maging proud siya sa akin.

"Oo naman," sagot ko kay Jane.

"Eh, 'di crush mo siya. You like him."

"I do?" seryoso kong tanong kay Jane.

Mariin niya akong tinitigan. "Ang galing mong magbasa ng expressions at emotions ng ibang tao, Nurse Abby pero pagdating sa sarili mong emosyon, hindi mo alam."

Seryoso ko siyang tiningnan. Kaswal na siyang nagpatuloy sa kanyang pagkain. Nagkabuhol-buhol naman ang mga impormasyon sa utak ko. Yes, I do like Doc Arthur. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko rito sa Maynila. Simula noong binigyan niya ako ng pagpipilian na ibahin ang landas ng buhay ay tumaas lang ang paghanga ko sa kanya. I regarded him as my own hero.

Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Jane hanggang sa pag-aabang ko sa labas ng ospital ng masasakyan pauwi. Kaya naman halos hindi ko na mapansin ang pagtunog ng ring tone ko dahil sa isang tawag ni Doc Arthur. Agaran ko itong sinagot.

"Doc?"

"Abby. Is it the end of your shift?"

"Yes po." Sinulyapan ko ang mga sasakyang nagdaraan sa kalsada. "Actually, naghihintay na po ako ng masasakyan pauwi."

"Alright." Natahimik siya ng ilang sandali. Naghintay naman ako. "May itinanong ba si Theo sa'yo?"

"Tinanong niya lang po kung magkakilala ba tayo. Sinabi ko po na benefactor ko kayo dati sa university."

"Okay. Mabuti na iyon..."

May dumaang taxi sa harapan ko ngunit hindi na ako pumara rito. "Pauwi na po ba kayo?"

Pagod siyang bumuntonghininga.  "No. Not yet. Mamayang alas siyete ng gabi pa yata ako uuwi."

"I can bring you dinner," mabilis kong pagpresinta. "Puwede po akong magluto at ihatid na lang sa clinic niyo."

"Hindi na, Abby. Ayaw kong makaabala pa sa'yo."

"I insist po. Hindi naman po kayo makakaabala. I just... "kinagat ko ang ibabang labi at nakaramdam ng lungkot habang iniisip ang tahimik na apartment. "I just... don't want to eat alone."

Marahan akong napapikit habang kinakabahan sa magiging sagot niya.

"Okay. Let's have dinner together."

Walang kahirap hirap na sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Madali na akong pumara sa paparating na taxi.

"Pauwi na po ako at magluluto! See you po sa clinic."

Ibinaba na ni Doc ang tawag. Pumasok na ako sa loob ng taxi. Hindi matanggal ang ngisi ko.

I quickly prepared the ingredients when I arrived home. Palaging healthy foods ang kinakain ni Doc Arthur kaya maliban sa nilulutong lemon garlic butter chicken ay gumawa na rin ako ng vegetable salad. Hindi masyadong mahilig si Doc sa pork at mas gusto niya ang chicken meat.

Nang matapos magluto ay inilagay ko ito sa food containers at hinayaan na munang lumamig. Iniwan ko ito sa mesa at pumasok na ng kuwarto para mag-shower nang mabilisan.

Simpleng strapless blouse lang na kulay puti ang isinuot ko at skinny jeans. Nag-blower na rin ako ng buhok upang matuyo. Upang hindi maging maputla ang mga labi ay naglagay ako ng kaonting kulay pula na lipstick. Nang desente na tingnan ay lumabas na ako at inasikaso ang pagkain sa mesa.

Lumabas ako ng apartment at umarkila ng taxi na masasakyan patungo sa ospital kung saan nagtatrabaho si Doc Arthur. May sarili siyang clinic at pamilya ang kliyente niya since he is a family doctor. Kaya siya mismo ang nagpupunta sa mga bahay ng kanyang mga pasyente.

Pumasok na ako ng gusali at sumakay sa loob ng elevator. Pinindot ko ang ikaapat na palapag kung nasaan ang kanyang clinic. Pangatlong beses ko pa lamg itong pagpunta sa kanyang clinic simula noong makilala ko siya. He is a busy man. Ayaw kong makaistorbo sa kanya.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ng pintuan ng kanyang clinic. Kumatok ako ng tatlong beses at pagkatapos ay pinihit na ang doorknob. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko siya na nakatulala lang habang nakatanaw sa may glass window.

"Doc Arthur," tawag ko kaya napalingon na rin siya.

Mula sa aking mukha ay dumapo ang tingin niya sa bitbit kong paperbag na food containers ang laman. Napakurap siya ng ilang beses na para bang hindi niya matandaan kung bakit nasa loob ako ng kanyang opisina.

"D-Dinner po," sabi ko sabay muwestra sa hawak.

Realization dawned on his face. Maagap siyang tumayo at nilapitan na ako.

Kinuha niya mula sa akin ang supot. "Let's go to my small kitchen."

Tumalikod na siya at naglakad patungo rito. Sumunod naman ako sa kanya sa likod.

Inilapag niya ang supot sa mesa at inilabas na mula rito ang food containers. Agaran naman akong kumuha ng mga pinggan at kubiyertos sa kanyang kitchen drawers.

Binuksan niya ang food container na naglalaman ng butter chicken. May multo ng ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.

"Paborito niyo po 'yan kaya iyan ang niluto ko," saad ko habang naglalapag ng plato namin sa mesa. Naglagay na rin ako ng mga kubyertos dito.

"Thank you, Abby," nakangiting wika niya.

Uminit ang damdamin ko. "Walang anuman po, Doc."

Naupo na kami at nagsimulang kumain. Itinulak ko palapit sa kanya ang food container na naglalaman ng vegetable salad.

"How was your work?"

Ngumiti ako. "Okay lang naman. Hindi gaanong abala at nakatulong talaga ang pagdating ni Doc Theo."

"That's good. Akala nga namin ng mommy niya ay mananatili na talaga siya sa Canada for good."

Nginuya ko ang kain bago muling nagsalita. "I think... I think mabigat po ang problema ng anak niyo."

Bumuntonghininga siya. "Napuna ko rin iyon noong nakita ko siyang lasing na lasing. It's about the woman he likes, right?"

Tumango ako at nagpatuloy na sa marahan na pagsubo.

"Ang balita ko rin ay pinatalsik ito ni Aurelia dahil sa isang... eskandalo."

"Winona is a good person po," patiuna ko.

Banayad siyang ngumiti. "I'm sure she is. Hindi siya magugustuhan ng anak ko kung hindi siya mabuting tao. But I am afraid that I cannot do something about it. Aurelia has made up her mind and all I can do is respect her decision as she is the owner of Pillars."

Tinanguan ko lang ang sinabi niya at inilapag na ang hawak na kubyertos sa ibabaw ng pinggan.

"Tapos ka na?" aniya sabay sulyap sa pinggan ko.

"Busog na po ako."

He nodded understandingly. "How about you, Abby? May boyfriend ka na ba, hija?"

Nabigla ako sa taong niya at bahagyang naasiwa. Hindi ako sanay na pinag-uusapan namin ang parteng ito ng personal kong buhay.

"Wala pa po, Doc," sa maliit na boses ko sinabi.

Kumuha siya ng tissue sa gilid at pinunasan ang bibig. Ngayon ko lang napansin na tapos na rin siyang kumain. Seryoso niya akong tiningnan matapos magpunas.

"Why not? I'm sure marami ka nang manliligaw."

"Meron naman po." Uminit ang pisngi ko. Bakit ba namin pinag-uusapan ito?

Nagtaas siya ng isang kilay at napasandal na sa kanyang upuan. "Wala kang natipuhan ni isa sa kanila? Nasa tamang edad ka na naman. Tapos na sa pag-aaral at may trabaho na."

"I..." Nagbaba ako ng tingin sa mesa. Ramdam ko rin na may namumuo ng pawis sa aking noo. "I... I like someone po."

"Really?" Bahagya siyang napaahon kaya naoaangat ako ng tingin. He gently smiled at me. "That's wonderful to hear. Sa Pillars lang din nagtatrabaho ang lalaking gusto mo?"

Umiling ako. Domoble ang tibok ng puso ko dahil sa mga tanungan niya. Tama kaya si Jane? Crush ko ba si Doc Arthur? Pero mas matanda siya sa akin ng maraming taon at higit sa lahat may asawa na. Okay lang naman siguro dahil crush lang naman. Paghanga lang. Wala naman akong balak na agawin siya mula kay Madame. Napapikit ako nang mariin. Gusto kong kurutin ang sarili sa tumatakbo sa isipan.

"Okay ka lang ba, Abby?"

Napukaw ang diwa ko dahil sa banayad na boses ni Doc Arthur.

Hindi pa man ako nakakasagot ay may narinig kaming isang boses na tumatawag sa pangalan niya.

Tiningnan ko si Doc Arthur at nakita ko ang biglaang tensiyon sa kanyang katawan at ang pagdaan ng takot sa kanyang mga mata.

"Aurelia is here," anas niya at mabilis na tumayo.

"Ako na po ang magliligpit nito at hindi rin po ako lalabas ng kusina para...hindi niya makita," sabi ko ngunit hindi sigurado kung narinig niya dahil naglakad na siya palabas ng kitchen upang daluhan ang kanyang asawa.

Wala sa sarili akong nagligpit ng mga pinagkainan.  I have already met Madame Aurelia a couple of times in the Pillars. Ngunit hindi pa kami nabibigyan ng pagkakataon na mag-usap talaga. I am not even sure if she is aware of me. It was difficult to come near her. I am just a mere employee in her nursing home.

Nanatili ako ng ilang sandali sa kusina habang hinihintay ang pagbabalik ni Doc Arthur o hindi kaya ay ang kanyang nurse kung sakaling hindi man siya makakabalik pa. My phone suddenly beeped inside my pocket. Dinukot ko ito at nakita ang mensahe ni Doc Arthur sa akin.

I am out with my wife. Hindi na ako makakapagpaalam sa'yo. Take care in going home.

Natulala ako ng ilang sandali habang tinititigan at paulit-ulit na binabasa ang kanyang mensahe. Sa huli ay tumayo ako at inilagay na ang ngayon ay wala ng laman na food container sa trash bin. And I went home alone.

"How are you feeling, Mrs. Rodrigo?" banayad na tanong ni Doc Theo sa isang matandang residente.

"Bumanayad na ngayon, Doc," nakangiting tugon ng matanda sa kanya. "Kahapon talaga ang sakit ng braso ko, eh."

Tumango si Doc at ekspertong hinawakan ang nangungulubot na braso ng matanda upang suriin ito.

Marahan niya itong pinisil at mariin na tinitigan ang reaksiyon ni Mrs. Rodrigo. "Masakit pa rin po ba kapag pinisil ko nang ganito?"

Bahagyang ngumiwi ang matanda. "M-Medyo, Doc."

Kumunot ang noo ni Doc Theo at bumaling sa akin. "Can I have her chart, Abby?"

I spaced out a little bit kaya hindi ko kaagad nakuha ang gusto niya.

"Abby?"

Kumurap-kurap ako at nakita ang paglalahad niya ng palad. "Y-Yes po, Doc," kandautal kong tugon sabay abot ng hawak na chart sa kanya.

Kritikal niya itong tinitigan ng ilang segundo. Pagkatapos ay may mga sinabi siya kay Mrs. Rodrigo na hindi ko na naman napakinggan nang maayos dahil natutulala na naman ako.

Nagulat na lang ako nang tumayo bigla si Doc Theo sabay paalam sa matanda kaya sumunod na rin ako sa kanya sa paglabas ng silid.

Nang nasa labas na at nasa hallway ay huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Naninimbang ang tingin niya sa akin.

"Are you okay? You're spacing out at work."

Ginapangan kaagad ako ng kahihiyan sa pagkukulang sa trabaho. "P-Pasensiya na po. Hindi na mauulit pa."

"Kung gusto mong magpahinga, mag-break ka muna. You can have an early out."

"Hindi na po kailangan! Kaya ko naman!" pangungumbinsi ko.

Napahilot siya sa kanyang sentido. He gave me a frustrated look. "I don't want an incompetent nurse to assist me during my rounds."

Sa kanyang sinabi ay para akong sinampal ng hangin. Sa tanang buhay ko rito sa Maynila ay ngayon lang ako nasabihan ng incompetent!

"I am not incompetent, Doc." I gritted my teeth. Ngayon lang ako nag space out sa trabaho at doon lang sa consultation niya kay Mrs. Rodrigo, incompetent na?!

Dismayado lang siyang umiling at tumalikod na. Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang nag-ugat naman ang mga paa ko sa sahig. Alam kong brokenhearted siya pero kailangan niya bang mandamay ng tao sa kapaitan ng nararamdaman niya? In the short time that I have been assisting him I am always competent. Minsan nga ay hindi niya pa inuutos ginagawa ko na. Tapos ngayon isang pagkakamali na....

"Are you coming? We still have rounds to do," malamig niyang tanong na pumukaw sa akin. Huminto na pala siya sa paglalakad at nakatingin na sa akin sa may hindi kalayuan.

"I'm going to take a break," malamig kong sinabi at tinalikuran siya para maglakad sa ibang deriksiyon.

Kung wala siya sa mood aba wala rin ako sa mood! Ang laki talaga ng kaibahan niya sa kanyang ama. Mabuti pa si Doc Arthur... Bumuntonghininga ako habang naglalakad sa hallway. Mas naging mapait lang yata ang pakiramdam ko.

Sa mabibigat na mga hakbang ay narating ko rin ang station. Matamlay akong naupo sa swivel chair sabay ignora sa pagsunod ng nagtatakang tingin ni Kim sa aking bawat galaw.

"Tapos na ang rounds ninyo ni Doc Theo sa residents?"

"Hindi pa pero uuwi na ako." Inabot ko ang bag na nakalapag sa mesa. Sumagi sa isipan ko ang isang tanong kaya muli kong tiningnan si Kim. "Anong magandang solusyon para mawala na iyong bawal na pagkakagusto mo sa isang tao?"

Ngumuso siya at halatang pinagninilayan naman sa isipan ang tanong ko.

"Siguro sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Parang problema lang 'yan na kailangan mong i-share."

"Okay," wala sa sarili kong tugon at tumayo na. Isinabit ko na sa balikat ang bag. Tumalikod na ako at lumabas ng station.

"Hoy, Nurse Abby! Sasabihin mo sa kanya?"

Tumango lang ako nang hindi lumilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sasabihin ko kay Doc Arthur ang nararamdaman ko. Siguro naman kapag nailabas ko na mawawala na rin ito. I will tell him that I admire him. That I have been admiring him ever since he saved me from that place. Simula noong binigyan niya ako ng pagpipilian sa buhay. Hindi ako aasa ng kung anuman galing sa kanya. Gusto ko lang maging tapat.

Mabilis akong nakakuha ng taxi. Dumeretso na ako sa clinic ni Doc Arthur. Ito ang unang beses na pupuntahan ko siya nang walang pasabi. Alam kong ikagugulat niya ang bigla kong pagbisita.

Nang makahinto na ang taxi sa tapat ng ospital ay nagbayad na ako ng pamasahe at bumaba. Pumasok ako sa loob ng gusali at sumakay ng elevator. Namanhid na siguro ako dahil wala akong maramdaman ni isang emosyon. Wala man lang takot sa balak na gagawin. Parang pansamantala lang akong nawala sa sarili.

Bumukas ulit ang elevator kaya lumabas na ako. Naglakad ako sa hallway at tinungo na ang kanyang clinic. Sa unang pagkakataon ay hindi ako kumatok at deretso lang ang ginawang pagbukas ng pinto.

Mula sa kanyang computer ay napaangat si Doc Arthur ng tingin. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ako ngunit kaagad din naman itong napalitan ng pag-aalala. It reminded me of my father's worry.

"May problema ba, Abby?"

"I think I like you po, Doc," wala sa sariling sambit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top