Chapter 3
Chapter 3
Palad
He is into Winona. It was very simple and easy to decipher. Lalo pa at tahasan niya rin itong inaamin. I could not concentrate with the medical textbook I was reading because of my giggling co-workers. Kanila pa nila ito ginagawa simula pag-alis noong doktor.
"Ang gwapo, grabe!" si Kim sabay tili.
"Oo nga, eh. Ang suwerte ni Winona," dagdag naman ni Jane.
I sighed. Huwag nilang sabihin na dahil sa pagdating ng batang Hemendez na iyon ay palagi ng ganito ang iaasal nila. Fangirling at its finest agad.
"Nagwagwapuhan ka rin ba kay Doc Theo, Nurse Abby?" baling sa akin ni Jane.
Hindi ako nag-angat ng tingin. I flipped on the next page maski hindi ko pa tapos basahin ang huling talata. "Okay lang naman. Hindi ako napapangitan."
"So nagwagwapuhan ka nga?"
"Hindi ko masasabi. Hindi ko naman siya tinitigan nang husto."
Hindi niya na ako muling kinulit pa dahil alam kong batid niya ang kawalan ko ng interes sa paksa. Ipinatawag ako ni Doc Wenceslao kaya umalis na rin ako ng station at nagtungo sa kanyang opisina. Nadatnan ko sa loob si Doc Theo Hemendez at ang iba ko pang kasamahan na pawang mga nurse.
Napasulyap si Doc Wenceslao sa akin nang makapasok ako. "And this is Nurse Abby," pagpapakilala niya kaagad na halatang para sa bagong dating na doktor. "Medyo matagal na rin siya rito sa Pillars. She's one of the best nurses that we have here."
Bumaling sa akin ang batang doktor at tipid akong nginitian. Maybe he was being friendly since isa ako sa ipinakilala ni Winona sa kanya.
Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Doc Wenceslao. "Everyone, this is Doctor Cain Mattheo Hemendez. He is the only son of Madame."
"Please, don't think of me as the owner's son," he interrupted politely. Palakaibigan niya kaming tiningnan. "Just think of me as one of the doctors here as well. I am looking forward to working with you."
Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Naalala ko ang naging tanong ni Jane sa akin kanina kung nagwagwapuhan ba ako kay Doc Hemendez. Hindi maipagkakaila na anak nga siya ni Doc Arthur. He is just a bit taller though compared to his father.
May natural na brown shade ang kanyang maiksing buhok at kulay brown din ang kanyang malalim na mga mata na kinukubawan ng mahaba niyang pilikmata. Makapal ang kanyang kilay. Matangos ang kanyang ilong. He has a square jaw. He is neat looking as he is clean shaven. He has thin lips na may pagka-kulay pula dala na rin siguro sa pagiging mestizo niya. Everything about his looks screams that he is not a pure blooded Filipino at may halong dugong banyaga.
" . . .as we work together. All right?"
Sa katititig ko sa kanya ay hindi ko na napakinggan pa ang mga pinagsasabi ni Doc Wenceslao. Nakisabay na lamang ako sa pagtango ng mga kasamahan kong nurses. Lumabas na rin kami ng opisina matapos ang maikling introduction.
Nagpapasalamat na rin ako sa pagdating ni Doc Theo dahil hindi na naging masyadong abala ang Pillars. May katuwang na si Doc Wenceslao at nahati na ang mga residente ng nursing home.
Naging interesante sa akin ang sumunod na mga araw sa Pillars. Ayaw ko mang punahin ang halatang love triangle ay hindi ko naman magawa dahil lagi kong nasasaksihan lalo na kapag nasa iisang silid lang kami nina Winona at Senator Caleb. O hindi kaya ay nina Winona at Doc Theo.
It was very interesting to see how confuse she is kung sino sa dalawa ang mas matimbang sa puso niya. Namamangha ako dahil hindi ko ma-imagine ang kanyang pinagdadaan. Wala naman akong karanasan.
"How's my son doing in the Pillars, Abby?" si Doc Arthur na ngayon ko lang ulit nakausap. Nangumusta lang din siya sa akin kaya tumawag.
"Okay naman po. Hindi po ba kayo madalas na nagkakausap?"
"Nagkakausap naman minsan but... we never really talk about the Pillars." Dinig ko ang mababaw na paghinga niya. "I heard he has someone he likes in there. A nurse assistant?"
"Yes, Doc. Pero tingin ko po walang pag-asa." Natampal ko ang noo dahil sa pagiging walang preno ng bibig.
He chuckled with humor. "Ikaw talaga, Abby. My son is a very competitive man."
Hindi na lang ako nagbigay pa ng komento at baka kung ano na naman ang masabi ko.
"I have to go now. I have a dinner with my wife," paalam niya.
Ibinaba niya na ang tawag at nakaramdam ako ng lungkot. Iginala ko ang tingin sa tahimik at madilim na apartment. I felt so alone. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay bigla akong nagkaroon ng ibang ideya. Tumayo ako at pumasok sa kuwarto. I took my oversized black sweater. Isinuot ko ito sa ibabaw ng white spaghetti straps blouse ko. Hindi na rin ako nagpalit ng maong shorts. I tied my hair in a messy bun.
Lumabas ako ng apartment at nilakad lang ang malapit na bar. For an unexplainable reason parang gusto kong uminom bigla. Dahil malalim na ang gabi ay ramdam ko ang paglandas ng malamig na hangin.
Tumawid ako ng kalsada dahil nasa tapat ang bar na noon ay isang sikat na club. Hindi pa ito masyadong dinadayo ng mga mahilig uminom dahil na rin siguro hindi pa nagbubukas sa publiko kaya mas komportable akong dito nagpunta. Tiningnan ko ang saradong malaking pinto. May natanaw naman akong naka-park na sasakyan sa gilid kaya baka may customer din sa loob. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Ngumisi ako dahil naging tama sa hinala na bukas naman.
I was right. Walang ibang tao maliban sa isang nakatalikod na lalaki na nakaupo sa isa sa mga high stools sa may front bar. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakasampa na sa counter ang ulo niya. Lasing na yata.
Naglakad na rin ako patungo rito para mag-order ng inumin sa bartender sa counter. Isang stool ang ginawa kong pagitan sa amin ng lalaki.
Tinanguan ako ng bartender pagkatapos kong umupo. "Anong sa'yo, Abby? 'Yon pa rin ba?"
Tinaasan ko ng isang kilay si Jok. "Bakit? Naalala mo ba?"
Imbes na sumagot ay kinindatan niya lang ako. Magkasabay niyang kinuha ang isang baso at isang bote ng vodka. Eksperto niyang binuksan ang takip ng bote at nagsalin nito sa baso.
"Cheers," nakangising sabi niya sabay abot ng baso sa akin.
"Thanks." Tinanggap ko na ang baso at sumimsim mula rito. "Kailan mo ba ulit 'to bubuksan sa publiko?"
"Ewan ko. Hindi naman ako nagmamadali. Okay lang sa akin magbukas kapag may customer na naliligaw." He grinned.
Napasulyap ako sa dami ng basong wala ng laman na nasa tapat ng lasing na lalaki. Nagpakalunod yata sa inumin ngayong gabi.
"Iuwi mo na 'yan pagkatapos mong uminom."
Muli akong napatingin kay Jok dahil sa pagsasalita niya. May hawak din siyang isang baso ng alak.
"Bakit ako?"
"Taga Pillars 'yan. Sa Pillars ka nagtatrabaho, 'di ba?"
Napa-double take ako sa pagsulyap sa lalaki. Hindi masyadong maliwanag kaya hindi ko klaro ang mukha nito lalo na at nakasampa pa ang ulo sa counter.
"Hindi ko kilala—" Nahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang mahina nitong pagdaing.
Tiningnan ko ulit ang lasing na lalaki at napasinghap ako nang mag-angat siya ng ulo. Kilala ko nga siya.
"H-How much do I owe you?" mahina at paos na boses na tanong ni Doctor Mattheo Hemendez kay Jok.
"D-Doc Theo?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili.
Unti-unti siya bumaling sa akin. Nanliit ang kanyang mata na animo ay kagigising lang talaga mula sa mahabang pagkakahimbing.
"Nurse Abby?"
"Yes. Hello," malamya kong tugon. Hindi alam kung paano siya pakikitunguhan sa labas ng trabaho.
Tumikhim siya at pilit na umayos nang upo na tila ba nahihiya pa siyang nakita kong ganoon ang kalagayan niya.
"Uh... Kanina ka pa ba?"
"Kadarating ko lang." Inangat ko ang baso ng vodka na hindi ko pinangagahalatian upang ipakita sa kanya.
Tumango siya at napahilamos sa mukha gamit ang palad. Nag-iwas ako ng tingin.
"Ikaw, mukhang kanina ka pa," puna ko sabay inom. Kumunot ang noo ko sa naging tanong sa kanya. Feeling close, Abby?
Mahina siyang natawa. "Yeah... I'm... Well..."
"Brokenhearted?"
He chuckled. "You are very straightforward."
"It's the vodka." I gave him a small smile as I lifted my glass again.
"I see." Medyo nagtagal ang titig niya sa akin bago niya ito ibaling kay Jok na umiinom din sa tapat namin. "I think I need one more shot."
Nagtaas ako ng isang kilay sa baso na hawak. Magpapakamatay ba siya? Bago ko pa maawat ang sarili ay nauna na ang instinct ko.
"Kape na lang ibigay mo, Jok!" sambit ko.
"Wala kami no'n."
Napabuntonghininga ako at inubos ang vodka. Inilapag ko ang baso sa counter at lumipat ng upo sa stool na nakapagitan sa aming dalawa. Hinarap ko si Doc Theo. He looked so forlorn. Bagsak na bagsak ang kanyang balikat at lukot na ang suot niyang white button down shirt.
"Akin na 'yang palad mo," utos ko. All they want is assurance.
"I'm sorry, what?" Naningkit ang mga mata niya.
Naglahad ako ng isang kamay sa kanya. "I'm going to read your fate."
Pinagmasdan lang niya ako na parang pang-alien ang sinabi ko. Hindi ko binawi ang kamay at naghintay lang sa kanya. Pagod siyang bumuntonghininga sa huli at sumuko na. Inilapat niya ang kanyang palad sa aking kamay. Ang laki nito. Dalawang kamay na ang ginamit ko. His fingers are so long as well gaya na lamang ng kanyang ama. He has a doctor's hand.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganito kami kalapit at nahawakan ko ang kanyang kamay. Ang weird pero bahala na. Lasing naman siya.
Nagpokus ako at kunot-noong tinitigan ang mga linya sa kanyang palad. Masyadong magulo at pa-ekis ekis ang mga linya rito.
"You'll meet someone..."
He groaned and tried to pull away. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.
"This is bullshit," reklamo niya.
"Manghuhula ako sa probinsiya. I was very famous."
Nagtaas siya ng isang kilay. "What? No crystal ball?"
Mariin kong pinisil ang kamay niya kaya bahagya siyang napangiwi sa sakit at malutong na napamura. Ngayon lang yata ako nainsulto sa panliliit sa kakayahan kong manghula.
"Focus," utos ko. "I'm reading your palm."
He sighed again. Napahilot na rin siya sa sentido gamit ang isa niyang kamay.
"So, you'll meet someone else and you'll fall in love again—"
"That's impossible," agap niya na para bang ininsulto ko pa siya. "Si Winona lang ang mamahalin ko."
Inignora ko ang pamimilit niya at nagpatuloy. "Mas mamahalin mo siya kaysa kay Winona."
Mahina siyang nagmura. Ganito ba siya kapag lasing? Mura nang mura?
"Let's say na totoo 'yan. How does she look like? Where do I find her?"
Niliitan ko ang aking mga mata at muling tinitigan ang mga linya sa palad niya.
"Where do I find her, Abby?" matigas na pangungulit niya.
"Sa gubat."
"What?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Itinuro ko ang mga linya sa kanyang palad. "Sa gubat mo siya mahahanap dahil ang gulo ng mga linya sa palad mo."
Mula sa kanyang palad ay inangat niya ang tingin sa akin. Hindi siya umimik ng ilang segundo kaya laking gulat ko na lamang nang malakas siya humalaklak. It was a throaty laugh.
Binitiwan ko na ang kamay niya at muling humarap kay Jok na tahimik na ngayon sa katititig sa hawak nitong cellphone.
"Isang shot pa, Jok," anunsiyo ko.
Sinalinan niya ulit ang baso ko. Muli kong sinulyapan si Doc Theo at nakitang nakasampa na ulit ang ulo niya sa ibabaw ng counter. Dismayado akong nailing.
"Uwi na ako, Jok," paalam ko sabay abot ng pambayad. Tatlong baso ng vodka ang naubos ko pero hindi pa rin ako nalalasing.
"Pa'no 'yang isang 'yan?" sabay baling niya sa natutulog na si Doc Theo. Tinanggap na niya ang pera ko. "Idaan mo na lang sa bahay niya."
"Hindi ko alam sa'n nakatira 'yan at saka hindi kami close."
"Winona..." Dinig kong daing ni Doc Theo habang nakapikit pa rin.
Napangiwi ako. I am not a bad person kaya lang wala akong alam sa pag-alu ng isang heartbroken na tao na nagwalwal. Lumabas ng counter si Jok at inalalayan sa pagtayo ang lasing na doktor.
Sinulyan niya ako. "Tulungan mo na lang ako sa paghatid nito sa sasakyan niya sa labas."
Tinanguan ko siya. "Hindi pa 'yan nagbayad, 'di ba?"
"Hayaan mo na. Singilin mo na lang para sa'kin tutal magkasama naman kayo sa trabaho."
Naglakad na kami palabas ng ELights. Dahil nakaakbay kay Jok si Doc Theo ay ako na ang nagbukas ng pinto. Tinungo na rin naman ang kotse ng doktor na isang kulay itim na SUV.
Binuksan ko ang pinto ng kanyang sasakyan. Inalalayan ni Jok si Doc Theo sa pagpasok sa front seat. Nang makaupo na ang lasing na doktor ay muling isinara ni Jok ang pinto ng kotse at binalingan ako. Palakaibigan niya akong tinapik sa balikat.
"Ikaw na bahala diyan, ah. Magsasara pa ako." Matapos itong sabihin ay mabilis na siyang naglakad pabalik sa loob ng club.
Nasapo ko ang noo at pagod na binalingan si Doc Theo na nasa loob ng kotse. Nakasandal siya sa backrest ng upuan. Mariin siyang nakapikit habang nakatingala. Klarong-klaro ko ang adam's apple sa mahaba niyang leeg.
Hindi ko alam ang gagawin sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. At hindi rin naman ako marunong magmaneho ng sasakyan!
I sighed again. Malakas kong natampal ang noo nang may naalala. Agaran kong dinukot ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang numero ng kanyang ama. Kinagat ko ang ibabang labi at napasulyap sa tahimik na kalsada. Gising pa kaya iyon gayong alas dos na ng madaling araw?
Sa ikalawang pag-ring ay sumagot namin ito kaya nabuhayan ang loob ko.
"Doc..." sambit ko.
"May problema ba, Abby?" nag-aalalang tugon niya. Sa tuwing naririnig ko na lang ang banayad na boses niya ay kaagad na pumapanatag ang damdamin ko.
Pinagmasdan ko ang anak niyang nasa loob ng sasakyan. "Si Doc Theo po kasi... lasing na lasing."
"Where are you now?" Dinig ko sa linya niya ang kaluskos. Mukhang bumabangon na siya sa kama.
"Nasa ELights po..."
"All right. I will be there in a few minutes."
Pagkatapos ng tawag ay sumandal ako sa gilid ng hood ng sasakyan habang hinihintay ang pagdating ni Doc Arthur. Tumuwid ako ng tayo nang naaaninag na ang pamilyar na kotse niyang paparating na sa aming lokasyon.
Huminto ito sa gilid at bumukas ang pinto ng kotse. Lumabas mula rito si Doc Arthur na nakasuot ng itim na jacket at kulay brown na pants. Kaagad siyang lumapit sa amin.
Dumapo ang tingin niya kay Doc Theo at nagpakawala siya ng malalim na hininga. Tiningnan na niya ako.
"Marami ba siyang nainom?"
Tumango ako. Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan.
"Theo? Son?" Dinig kong sambit niya sabay marahang tapik sa pisngi ng anak. Hindi nagising si Doc Theo.
Muling lumabas mula sa sasakyan si Doc Arthur at hinarap ako.
"Ihahatid ko na lang siya sa kanyang condo gamit ang sasakyan niya."Nilingon niya ang kanyang sariling sasakyan sa likod. "Iiwan ko na lang muna ang sasakyan ko riyan at ipapakuha ko mamaya. Sumabay ka na sa amin."
"Hindi na po, Doc," pagtanggi ko. Itinuro ko ang apartment sa may hindi kalayuan. "Malapit lang naman po ang apartment ko. Maglalakad lang ako."
"Are you sure? I insist. Ihahatid na kita."
"Hindi na po talaga."
"All right, then. I will give you a call tomorrow."
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking mga labi dahil sa kanyang sinabi. "Sige po..."
Hinintay ko muna na umandar ang kotse at makaalis sila bago ako umuwi ng apartment.
Kalmado akong pumasok ng trabaho kinabukasan. Habang naglalakad sa hallway ng Pillars ay dinig ko pa rin ang usap-usapan nila tungkol kay Winona. Hindi pa rin talaga humuhupa ang isyu sa pagpapatanggal ni Madame Aurelia sa kanya at sa isyu rin nila ng senador.
Dahil sa pag-iisip kay Winona ay naalala ko si Doc Theo. Hindi siguro iyon papasok dahil sa sobrang kalasingan kagabi.
Dumeretso ako sa station at nakita ang matatamlay na mga mukha nina Kim at Jane. Inilapag ko ang bag sa ibabaw ng desk at naupo sa swivel chair. Tiningnan ko ang dalawa.
"Sinong namatay?"
Magkasabay pa silang nagpakawala ng malalim na bubtonghininga at naging tulala lang habang nakatitig sa kawalan.
"Kamusta na kaya si Winona?" si Jane.
"Siyempre hindi iyon okay dahil sa dami ng problema," sagot naman ni Kim. Napatanaw siya sa pinto ng clinic ni Doc Theo. "Kamusta rin kaya si Doc Theo?"
"Kamustahin mo. Tanungin mo sa loob."
"On duty si Doc Theo?" singit ko. Nagulat dahil hindi ito inasahan.
"Oo. Pero hindi nagsasalita," pahayag ni Jane. "Ang cold nga, eh. Nakakapanibago."
Pareho kaming napatingin ni Jane kay Kim dahil sa pagtayo na nito. Naghahanda na yata sa pagpasok niya sa assigned rooms. "Ganyan talaga kasi brokenhearted. Nagdeklara na ng giyera—este ng walang hanggang pagmamahal si Senator sa media kay Winona, eh."
"Ganyan ba talaga kapag masyadong nagmahal? Nagpapakatanga na rin?"bigla kong naitanong.
Natahimik ang dalawa at unti-unting sabay na napabaling sa akin. Kung hindi ko lang kilala ay masasabi ko pang kambal sila. Nagkibit ako ng bakilat at hinarap na ang computer. Binuhay ko na itong muli.
"Ang sabi pa naman nila, Nurse Abby ay iyong pinakamatatalino raw ang nagiging pinakatanga sa pagmamahal," seryosong saad ni Jane.
"Paano naman ako magiging tanga, eh wala naman akong mahal?"
"Aabangan namin ni Jane ang pagmamahal mong 'yan," si Kim naman na tunog nanunukso.
Umirap lang ako sa hangin at nagsimula na sa pagtitipa ng monitoring ng health status ng residents. Napuna ko na biglang naging tahimik ang dalawa at tanging tunog lang ng bawat pindot ko sa letra ng keyboard ang namayani.
"Abby..."
Nabitin sa ere ang pagtitipa ko dahil sa pagtawag ng hindi maipagkakailang boses ni Doc Theo sa akin. Eksaherada ring napasinghap ang dalawang kasamahan ko.
"Po! Doc?" wala sa sarili kong tugon. Nag-angat ako ng tingin mula sa computer at nakitang nakatayo na si Doc Theo sa harap ko at nakadungaw na sa akin. Walang bahid ng hang over ang kanyang hitsura.
"I need you in my clinic," malamig niyang utos at pagkatapos ay naglakad na pabalik ng kanyang opisina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top