Chapter 2

Chapter 2

Wrong

Sumama ako kay Doctor Hemendez sa Maynila pagkatapos ng high school graduation. Umalma man si Tiya ay wala na rin siyang nagawa pa nang nilatagan siya ng doktor ng mga batas na nilabag  niya dahil sa pagtulak sa akin upang manghula. Sa tingin ko rin, hinayaan na kami ni Tiya dahil na rin sa malaking halaga ng pera na ibinigay ng doktor sa kanya.

Naging mabilis ang pangyayari. Pinatira niya ako sa isang apartment na malapit lang din sa unibersidad kung saan ako mag-aaral. Hinayaan niya akong pumili ng kursong gusto kong kunin. Walang pagdadalawang-isip kong kinuha ang Nursing.

"You have a very high Intelligence Quotient," saad niya sa akin isang gabi habang kumakain kami ng dinner na minsan lang nangyayari. "Kaya na rin siguro magaling kang magbasa ng emosyon at kilos ng tao. You've got a good sight for empathic accuracy. Nagtataka nga ako at hindi mo pinili ang kursong Psychology, Abby."

Bahagya akong natuwa dahil sa pagtawag niya sa akin ng Abby. Ito iyong isinagot ko sa kanya noong tanungin niya ako sa pangalan ko. Abby ang isinagot ko at hindi Clau o Claudine na siyang tawag ng mga taong nakakakilala sa akin sa probinsiya. Kaakibat ng kagustuhan ko na magbagong buhay na sa Maynila ay ang kagustuhan ko rin na maging iba ang pagtawag ng mga tao rito sa akin. Dahil sa ganitong paraan, pakiramdam ko nagbabago na nga ang buhay ko.

"Mas gusto ko po ang Nursing," sagot ko sa naging tanong niya kanina.

He gently smiled at me. Nai-imagine ko na ganito siguro siya sa kanyang mga pasyente. "Gusto mo bang maging doktor?"

"Hindi po 'yan sumagi sa isip ko. Mas gusto ko pong maging nurse at sa tingin ko po ay mas mahirap ang mag-aral ng pagdodoktor."

He chuckled. Iniabot niya ang kanyang wineglass at sumimsim mula rito. I could see happiness in his eyes as he was looking at me. There were a few lines on his forehead like he's always on a deep thought. Malalim din ang kanyang mga mata na kulay brown. Ang pagkatangos ng kanyang ilong ay nagsasabing hindi siya purong pinoy. Purong itim pa ang kanyang mga buhok at nahihinuha ko rin na siguro noong kabataan niya ay may hitsura siya. Hanggang ngayon pa rin naman.

"Not yet. You are very intelligent. Kayang-kaya mong maging doktor kung gugustuhin."

"M-Mahal din naman po iyon. Wala naman akong pera," sa maliit na boses ko sinabi ang huli.

"You don't have to worry about it. Ako na ang bahala."

I wanted to ask him why he was being kind. Kaya lang, naalala ko naman ang nag-iisa niyang kondisyon sa pagtulong sa akin. Without any questions. Siguro nga ay naaawa lang siya sa kalagayan ko.

"My... son is a doctor as well," kuwento pa niya. Natigilan ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na  binanggit niya ang personal na bahagi ng kanyang buhay. "But he is planning to leave for Canada."

"How about your...wife po? Doktor din po ba siya?"

Nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha. May respeto rito. "Yes. Pero mas nakatutok siya sa management ng ipinatayo niyang nursing home."

"Ah." Pinagtuonan ko na ng pansin ang pagkain. Hindi na rin siya muling nagsalita pa.

Naglakbay ang isipan ko sa sinabi niya sa akin noong nagpahula siya. Ang tungkol sa babaeng mahal niya. Hindi ba iyon ang kanyang asawa? At kung iyon man, bakit tinulungan niya pa rin ako maski alam niya naman na mali ang naging hula ko. Buhay pa ang kanyang asawa. Pero umiyak siya...

Pinilig ko ang ulo dahil sa napakaraming tanong sa isipan. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-kain nang tahimik.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Nagsimula na ako sa pag-aaral sa university. It was a very prestigious university in Manila at hindi basta-basta. Halatang mayayaman ang mga kaklase ko. I did not mind it. Itinatak ko sa isipan na gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral. It's a start of my new life. Gusto kong maging proud si Doc Hemendez sa akin. Ayaw kong masayang ang pagtulong niya.

Ang lahat ng oras ko ay iginugol ko sa pag-aaral. Nakakahiya mang sabihin ay wala akong naging kaibigan sa sobrang pagiging seryoso ko sa pag-aaral. Siguro si Doc Hemendez lang ang masasabi kong kaibigan ko.

Dahil na rin sa nakuha kong malaking marka sa unang semester ay naging eligible ako sa isang scholarship program. Masaya ko itong ibinalita kay Doc Hemendez.

"Sigurado ka ba? Okay lang naman sa akin na ako ang magbabayad sa pag-aaral mo," saad niya.

"Nakakahiya rin naman po kasi sa inyo. Hindi niyo ako kaanu-ano at kayo rin po ang nagbabayad nitong apartment."

Bumuntonghininga siya at seryoso akong ginawaran ng tingin. "Sige. Kung iyan talaga ang gusto mo. Pero ako na ang bahala sa allowance at miscellaneous fees mo."

"S-Salamat po, Doc."

I was able to adjust better on my second year. Natutunan ko na rin ang makihalubilo sa iba dahil napagtanto ko na wala na ako sa dating buhay at hindi na nila ako mahuhusgahan pa. I gained a few friends dahil medyo mailap pa rin naman ako. Nahihirapan din akong magtiwala.

"I don't think I should trust him again. I think he wasn't being sincere earlier. What do you think, Abby?" Binalingan ako ng kaklase at masasabing kaibigan ko na rin na si Leah.

"I don't know. Hindi ako sigurado."

Inilapag niya ang lapis na hawak niya sa ibabaw ng kanyang libro. Nasa loob kami ng library at nag-aaral para sa nalalapit na finals.

"I don't believe you." Nagtaas siya ng isang kilay. "Magaling kang magbasa ng tao."

Ito iyong pinakainiiwasan ko sa tuwing nagbibigay ako ng opinyon at komento sa iba. Para ako nitong ibinabalik sa nakaraan noong nanghuhula pa.

"It's just basic psychology of reading people's—"

"Hindi nga ako genuis na kagaya mo," pakli niya sa akin. Nababanaag ko na ang frustrations niya. Bakit ba pakiramdam ko nasa gitna ako ng pagdedesisyon niya sa kung anong gagawin sa boyfriend niyang manloloko?

Pagod ko siyang tiningnan. "Yes, he wasn't sincere," nasabi ko sa wakas. "Hindi ka niya natingnan nang deretso sa mga mata. He kept on fidgeting as well while talking to you. Napansin ko rin ang pawis sa kanyang noo gayong sobrang lamig naman ng library dahil sa very generous na air conditioner."

"I knew it!" Nagtiim-bagang siya. Nanliit ang kanyang mga mata habang tinatanaw ang pinto na nilabasan ng kanyang boyfriend or should I say, ex-boyfriend.

Naiiling akong yumuko at muli na lamang na pinagtuonan ng pansin ang Human Anatomy book na binabasa ko kanina.

Hindi ako kumbinsido na hindi niya alam ang pagiging insincere ng ex niya. Alam niya iyon pero dahil mahal niya, naging indenial siya. Isang kahinaan ng taong labis na nagmamahal na kailanman ay hindi ko siguro maiintindihan.

Nagtuloy-tuloy ang maganda kong performance sa academic. Wala rin akong naging problema sa grades ko. Laging flat one ang grado ko. Minsan naglalakbay din ang isipan ko kina Tiya Magda sa San Pablo. Kamusta na rin kaya sila? Alam ba nila na ga-graduate na ako ng kolehiyo? Hanggang tanong lang ako dahil simula noong lumipat na ako ng Maynila, hindi na ako kailanman nakabisita pa sa San Pablo. And when I graduated as a Magna Cum Laude, I was all alone.

"Are you sure na mag-se-self review ka lang para sa board exam?" si Doc Hemendez nang maibahagi ko sa kanya ang balak.

Nasa apartment kami at magkasabay na kumain ng pananghalian. Imbes na sa restaurant siya kumain para sa kanyang lunch break ay naisipan niya na lang daw na sa apartment na dahil malapit lang din naman sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Wala na naman akong pasok dahil graduate na.

"Opo, Doc. Kaya ko naman."

He sighed in surrender. "Wala naman akong pagdududa sa kakayahan mo. Ang gusto ko lang malaman ay dahil ba iyan sa gusto mo na namang hindi na ako gumastos pa."

Hindi ako kaagad nakasagot sa kanya. My silence was enough to confirm his suspicion.

"But all right," pagpapatuloy niya. "I will respect your decision."

"Will you also respect my choice of a workplace when I pass, Doc?"

He chuckled. "Of course, Abby. Gawin mo ang gusto mo. Masaya na ako na nakatulong sa'yo."

Nagsunog ako ng kilay at ilang araw na hindi lumalabas ng apartment para lang mag-review. Kaya naman noong lumabas na ang resulta ng Nursing board examination, hindi na ako nangamba pa na hindi makakapasa. Naging top one ako sa Nursing exam sa buong bansa sa taon.

"Which offer are you going to choose? 'Yong sa St.Luke's Medical Center? Makati Medical Center or sa Phil Gen?" usisa ni Leah habang nakikipag-video call sa akin.

Napatanaw ako sa laptop na nasa ibabaw ng aking mesa. Muli kong naisip ang mga emails na naglalaman ng job offers ng malalaking ospital sa Pililpinas.

"Wala sa nabanggit."

"Huh?" Nagtagpo ang kilay niya. "May iba ka pa bang offers na hindi ko alam? Out of the country, maybe?"

"Wala. I already have something in mind."

"Talaga? Where is it?"

Napakusot ako sa mata bago sumagot. "Hindi pa ako sigurado. Tatanungin ko muna si Doc kung papayag siya."

"Doc? Ah. 'Yong nagpaaral sa'yo though you're a scholar naman."

I nodded. Hindi ko kailanman sinabi sa mga naging kaklase o kaibigan ko na si Doc Hemendez ang kumupkop sa akin dito sa Maynila. Ito na rin ang naging usapan namin ng doktor. Na mas maigi ang walang makaalam. Naisip ko rin na tama naman siya dahil kapag nagkagano'n nga, eh baka maungkat pa ang buhay ko sa probinsiya.

"I want to work at Pillars po," sambit ko. Unang beses naming kumain sa labas dahil pa-celebratory na rin sa pagiging topnotcher ko.

Nabitin sa ere ang pagkakawak niya sa kanyang kubyertos. Mariin niya akong tinitigan.

"Why?" Naging mahina ang kanyang boses.

Matapang ko siyang tiningnan pabalik. "Why not?"

Marahas siyang nagpakawala ng isang buntonghininga. "Work somewhere else. Not the Pillars."

"May itinatago po ba kayo sa akin? O ako po ang itinatago ninyo?" deretsahan kong tanong.

Kitang-kita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Alam kong nilabag ko ang utos niya na hindi dapat ako nagtatanong. Ewan ko kung saan nanggaling ang tapang ko para suwayin siya. Siguro dahil tapos na naman akong mag-aral?

Sa huli ay bumagsak ang balikat niya. "Kung ano ang gusto mo ikaw ang bahala."

Masigla akong ngumiti. May natitira mang tanong sa sulok ng isipan ko ay pansamantala ko na muna itong pinanatili lang sa sulok.

Ang Pillars ay isa sa mga pinakakilalang nursing home sa buong bansa. Kadalasan ng mga residents dito ay galing sa kilalang angkan o kalahi ng mga nasa mataas na estado ng lipunan. Ipinatayo ito ni Doctor Aurelia Hemendez, ang asawa ni Doc Hemendez. Ang mas nakabibilib pa ay ipinatayo ito ng kanyang asawa noong ipinagbubuntis pa nito ang kanilang nag-iisang anak.

Kaagad akong natanggap sa trabaho. Dahil ito sa credentials ko at hindi dahil sa intrusyon ni Doc Arthur. He didn't want me in the Pillars kaya alam kong hindi siya nakialam sa application ko.

"I'm very curious, Abby. Why did you choose to be here at the Pillars? Sa credentials mo bilang nurse ay maaari kang makapasok sa isang malaking general hospital. But why in the nursing home?" si Doc Wenceslao noong nasa clinic niya kami at natapos na sa pag-discuss tungkol sa health condition ng isang matandang residente na ina ng isa sa mga senador ng bansa.

"Wala pa naman po akong experience."

"Yes, I know but still, you can get that in any big hospitals," agap niya. "With your high credentials, I'm sure you received a lot of offers from medical facilities."

"Malaki at kilala naman po ang Pillars," pagdadahilan ko.

"Yes, but if you really want to enhance your skill as a nurse... Well," bumuntonghinga siya, "It's your decision."

Pabagsak na naupo sa bakanteng silya na nasa gilid ko ang nurse assistant na kasamahan kong si Kimberly.

"Salamat naman at may bago ng darating na nurse assistant bukas," buntonghininga niya. "Hindi na masyadong magiging tight ang schedule!"

Lihim akong napangiti habang nagbabasa ng chart ngunit nakikinig din naman sa kanya. Sanay na ako na ganito siya sa trabaho. Lagi siyang mukhang pagod dahil palagi rin naman siyang nag-a-anticipate na magiging abala. The strength of one's mindset.

Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin. "Hindi ka ba masaya, Nurse Abby? Hindi  na masyadong magiging marami ang trabaho mo."

Panandalian kong ibinaba ang chart na hawak at tiningnan na siya.

"Kahit pa isang katerbang nurse at nursing assistant ang dumating, kung ganoon din karami ang madadagdag na residents mananatili pa rin ang dami ng trabaho."

Nanliit ang kanyang mga mata at halatang napaisip bigla sa sinabi ko. Paglaon ng ilang segundo ay napangiwi siya. "Tama ka rin. Talino mo talaga. Pahiram ng utak minsan."

"Hindi mo man mababago ang working condition mo, puwede mo namang baguhin ang mindset mo sa pagtatrabaho." Matapos iyong sabihin ay muli kong kinuha ang chart ng resident.

Ilang minuto pa ay nag-angat din ako ng tingin dahil sa pagdating ni Jane sa station. Deretso niya akong nilapitan at nakita ko ang pagod sa kanyang hitsura.

"Nurse Abby, puwedeng sa susunod ng plotting ng schedule, eh under na ako sa'yo?"

"Wala akong hold diyan," sabi ko sabay kuha ng panibagong chart. Nang mapansin na nanatili siyang nakatanga habang nakatingin sa akin ay nagpatuloy ako. "Kausapin mo ang head nurse o hindi kaya ay si Doc Wenceslao."

"Ayaw ko. Ang istrikto nila. Natatakot ako."

"Eh, kay Nurse Abby hindi ka takot?" seryosong sabad naman ni Kim na ngayon ay paikot-ikot na sa kanyang inuupuang swivel chair.

Walang kabuhay-buhay siyang sinulyapan ni Jane. "Nawe-werduhan lang pero hindi naman takot."

Humalakhak si Kim. Inignora ko naman sila at binuksan na ang drawers. Ipinasok ko rito ang charts at naghanda na para sa pag-uwi dahil end of shift ko na.

Kinuha ko ang bag at tinalikuran na silang dalawa.

"Uwi ka na?!" tawag ni Kim sa akin maski halata na naman.

Kumaway lang ako at nagpatuloy na sa paghakbang.

"Sama ka sa'min sa ELights! May ipapakilala akong guy!" pahabol pa niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na muling lumingon pa.

Kinabukasan ay dumating nga ang bagong nurse assistant. Magiging under siya sa akin kaya napasama na rin ako sa orientation niya. Maputi siya at mahinhin. Base sa narinig kong experience niya mula sa Canada ay mukhang may alam din naman siya sa pinapasok niya.

"Twenty-three ka pa lang?" singhap ni Winona nang sagutin ko ang tanong niya kung ilang taon na ako.

"Bakit? Mas matanda ba ang hitsura ko kaysa sa edad  ko?"

"Naku, hindi naman!" Batid ko ang kaba at pag-aalala niya kung naiinsulto ba ako. "You just seem... wiser."

Tipid akong ngumiti. "I get that a lot."

"Ilang taon ka ng nagtatrabaho rito sa Pillars?"

"Almost three years." Iminuwestra ko ang paparating na si Jane. "Sumama ka sa kanya. She will guide you with your room assignments and residents assigned to you."

"All right," she smiled. "I can't wait to work with you."

Tumango ako at umalis na siya kasama ni Jane. Sinulyapan ko ang hawak na files. Binasa ko ang pangalan ng mga residenteng naka-assign kay Winona Santibañez. Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang mabasa ang pinakadulo. Very interesting. Na-assign siya sa ina ng isang senador.

Muli akong napatanaw sa papalayo na nilang likod ni Jane. Bihira lang sa isang baguhan sa Pillars ang ma-assign sa VIP residents ika nga. Iyon ay kung... may kapit siya sa taas?

Ipinilig ko ang ulo para matigil na sa pagiging koryoso. Ito talaga ang kahinaan ko. Ang dami kong napupuna.

Bumalik ako sa station bitbit ang folder. Nadatnan ko si Kim na nakasampa na naman ang ulo sa ibabaw ng mesa.

"Hang-over?" sambit ko sabay lagay ng folder sa loob ng drawer.

"Hmmm," daing niya. Tiningnan ko siya ulit dahil napansing hindi na siya gumagalaw. Itinulak ko ang ulo niya gamit ang isang daliri.

Naiinis siyang nag-angat ng ulo. "Ano ba, Nurse Abby!"

Mahina akong natawa. "Sorry. Akala ko patay ka na."

"Bwisit naman, oh." Tuluyan na siyang umayos sa pagkakaupo dahil biglang dumaan si Doc Wenceslao sa station namin.

"Kamusta 'yong bagong nurse assistant?" Nabuhayan na ang kanyang boses. Ganito siya kapag tungkol sa tsismis.

Nagkibit ako ng balikat. "Okay naman. Unang araw pa lang niya kaya wala pa akong masasabi."

"First impression? Magaling ka ro'n, eh. Laging on point."

"Okay lang. Mukhang masipag at mas matanda siya sa'kin."

"Maganda ba?" maintriga niyang tanong. "Mas maganda sa'yo?"

"Hindi naman ako maganda," giit ko "At saka bakit ka kasi nagpa-late? Hindi ka nakasali sa short orientation niya."

"Heh! Pa-humble ka pa talaga, eh marami naman kami rito na nagagandahan sa'yo," panunuya niya. Inignora lang ang huli kong sinabi.

Dismayado ko lang siyang inilingan at itinuon ko na ang atensiyon sa computer.

"Alam mo ba na umamin sa amin kagabi si Nurse Rico doon sa ELights. May crush daw siya sa'yo! Taray!" Hindi pa pala siya tapos sa pang-iintriga niya.

"Hindi ko siya type," malamig kong sinabi.

"Lagi naman," bulong-bulong niya. "Eh, ano ba kasing type mo sa isang lalaki?"

Si Doc Hemendez ang kaagad na dumaan sa isipan ko.

"Sobrang talino rin ba gaya mo?" pangungulit ni Kim. "Aba kung gano'n, eh baka malampasan na ng magiging anak ninyo katalinuhan ni Einstein!"

Hindi ko na siya pinansin pa. Kilala ko na naman si Kim. Tumitigil siya sa pagtatalak sa tuwing napapansin niyang lantarang na siyang iniignora.

Sa sumunod na mga araw ay ipinatawag ako ni Doc Wenceslao dahil sa sunud-sunod na episodes ni Nanay Luz. Si Winona raw ang nakapansin nito. Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko ang anak nitong si Senator Caleb Del Fuego. He looked very diginified but...not my type. Nga naman, isa sa mga pinakahinahangaang senador ng bansa.

Hinintay naman namin ang pagdating din ni Winona. Naging kuryoso na naman ako sa naging reaksiyon ng batang senador nang mabanggit ang pangalan ni Winona. Mukhang hindi ito mapalagay.

Dumating si Winona at mas nagtaka pa ako sa inaasal ng senador. It was very obvious to me that they know each other. Kaya ba na-assign si Winona kaagad sa ina nito?

Sa katapusan ng buwan ay umugong naman ang balita sa buong Pillars na darating daw ang nag-iisang anak ni Madame Aurelia Hemendez. Hindi ko ito nakompirma kay Doc Arthur dahil madalang na kaming nagkikita at nagkakausap.

"Hindi ako sigurado sa flight niya. Gusto niya yata na isorpresa ang pagdating niya," si Doc Arthur nang sa wakas ay makausap ko na sa telepono. "Bakit mo nga pala natanong, Abby?"

Napahilot ako sa sentido. "Nagkakagulo po kasi sa Pillars. Lalo na 'yong mga nurses at nurse assistants."

He chuckled on the other line. It made me smile. "Nakadagdag ba sa sakit ng ulo mo? Anyway, baka ako ang bibisita sa Pillars bukas."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone at bahagya akong napaahon sa kama. "T-Talaga, Doc?" Kung magkataon man ay ito ang unang beses na bibisita siya ng nasa Pillars na ako nagtatrabaho.

"Yes. May mga personal lang na aasikasuhin doon."

Nagpirmi sa utak ko ang sinabi ni Doc Hemendez. Kung bibisita nga siya bukas ay malaki ang posibilidad na magkikita kami roon. Kailangan na makita niyang maayos ang ginagawa ko sa trabaho. I wanted him to be proud of me.

"Dumating na raw si Doc Hemendez!" impit na tili ni Kim.

Naging alerto kaagad ako dahil alam kong si Doc Arthur Hemendez ang darating at hindi ang batang Hemendez. Base na rin sa sinabi niya sa akin kagabi. Wala sa sarili kong inaayos ang buhok sa harap ng maliit na salamin. Abala naman sa paglalagay ng lipstick sina Kim at Jane. Lihim akong natawa. Akala nga yata nila ay iyong batang Doc Hemendez na ang darating. 

Dumating si Winona at may itinanong siya na hindi ko na pinansin pa. Pasimple kong kinuha ang charts at tumuwid sa pagkakaupo.

Gusto kong makita ni Doc Arthur na seryoso at propesyonal ako habang nagtatrabaho.

"Dumating na!" tili ni Jane.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Unti-unting naestatwa ang ngiti ko nang makita ang paglalakad ng isang mas batang bersiyon ni Doc Arthur Hemendez. I was wrong.

"Hi. Miss me?"

For the very first time, I was dead wrong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top