Chapter 1


Chapter 1

Fate

Lumaki ako sa paniniwala na naiiba ako sa lahat. Espesyal ako. The heavens had chosen me. I could read minds and pinpoint a person's emotions. I could define people's fate.

Ang mga tao naman na siyang lumalapit sa akin ay umaasa sa magandang kapalaran na maibibigay ko. At the age of nine, habang ang mga batang kaedad ko ay abala sa paglalaro sa labas, nasa loob naman ako nakakulong sa apat na sulok ng madilim na kuwarto na naliliwanagan lamang sa sinag ng araw na nagmumula sa labas. Habang ang mga bata na dapat kalaro ko ay hawak ang lata para sa tumbang preso, hawak ko naman ang palad ng isang ginang na nagtatanong kung babalik pa ba ang asawang nang-iwan sa kanya.

"Hindi," sagot ko sa batang boses.

Isang salita lang. Isang salita na walang epekto sa akin. Isang salita na halos kalahating oras niyang hinintay na sabihin ko. Tinitigan ko ang babae na nakaupo sa tapat ko. Ang palad niyang hawak ko ay unti-unting nawalan ng lakas.

Nanginig  ang kanyang labi. Nangingilid ang kanyang mga luha hanggang sa isa-isa itong nagsipatakan. My nine year old self did not understand the phases that she was going through at that very moment. But now, my old and wiser self fully and completely understands.

Una ay ang tinatawag nilang Denial.

"H-Hindi totoo 'yan..." paos na bulong niya. Parang estatwa lang ako na kalmanteng nakatitig sa kanya.

Pangalawa, Anger.

"Bata ka lang! Paano mo nasasabi 'yan?! Baka nga peke ka pa!" Malakas niyang itinampal ang kanyang palad sa mesa. Hindi ako nagpatinag.

Pangatlo, Bargaining.

"I-I'm sorry. Basahin mo ulit ang palad ko. B-Baka m-may nakaligtaan ka lang," pagmamakaawa niya sabay muling lahad sa kanyang palad sa ibabaw ng mesa.

Pati iyon ay tinitigan ko lang sapagkat hindi ko siya maintindihan. Mula sa upuan ay unti-unti siyang bumagsak sa sahig. Nag-uunahan na sa pagbuhos ang mga luha niya.

"H-Hindi puwede 'to. Hindi ko k-kayang mawala sa'kin ang. . . a-asawa ko." She was rocking as she cried. "M-Mamamatay ako." Pang-apat, Depression.

Bumukas ang pinto ng silid.  Nilapitan kami ni Tiya Magda at ni Kuya Baldo. Nakaantabay lang ang mga ito sa likod ng pinto gaya lamang ng nakagawian na sa tuwing may reading ako. Yumuko si Tiya Magda sa ginang na kanina pang umiiyak at inalu ito. May ibinulong siya rito hanggang unti-unting tumango ang babae.

Pinagtulungan nila ni Kuya Baldo ang pag-alalay sa babae upang makatayo. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at ginawaran ako ng ngiti.

"S-Salamat," sambit niya. Panghuli, Acceptance.

Nagpatuloy na ganoon ang takbo ng buhay ko. Nagiging normal lang ang araw ko sa tuwing nasa eskuwelahan ako. Nagbabago naman ito at bumabalik sa dati pagdating ko ng bahay.

Siyempre sa paraan ng pamumuhay ko ay madalas akong nakatatanggap ng pangungutya mula sa iba lalong-lalo na mula sa mga kapitbahay at kakilala. Paulit-ulit nilang sinasabi na malas daw ako. Anak ng daw ako ng demonyo. Ang iba naman ay sinasabing peke raw ako at pinagpeperahan lang ang mga naloloko. Ngunit ang pinakamasaklap sa lahat ay ang paratang nila na kaya raw ako maagang naulila sa mga magulang ay dahil sa tinalikuran na ako ng Diyos. Paano naman iyon mauunawaan ng isang musmos na ako?

Naalala ko pa noong tumuntong na ako sa unang taon sa highschool, sinabihan ako ng adviser namin na manatili pagkatapos ng klase. Tahimik lang akong naupo sa pinakadulong upuan habang hinihintay siyang matapos sa pakikipag-usap sa kaklase kong lalaki na nakipagsuntukan sa labas.

Hinawi ko ang mahabang bangs na tumatakip na sa mga mata upang sulyapan sila na masinsinang nag-uusap sa mesa ng guro ko. Kaagad akong nag-iwas nang tingin nang makita ko ang biglang pagsulyap ni Ma'am Amirol sa gawi ko.

Nagpatuloy ako sa pagyuko. Wala mang nakikitang orasan ay base naman sa kalkulasyon ko, kalahating oras na ang ginawa kong paghihintay.

Umalerto ako kaagad nang makita ang pagtayo ng kaklase ko. Naglakad siya at dahil na rin sa nakaupo ako sa gilid malapit sa pintuan ay madadaanan niya ako.

Hindi sinasadya ay napatitig ako sa pasa na nasa kanang pisngi niya. Napansin niya iyon kaya tinapunan niya ako ng tingin. Agaran akong muling yumuko.

"Claudine!" tawag sa akin ni Ma'am Amirol.

Maagap akong tumayo na at naglakad patungo sa kanyang mesa. Tinitigan niya muna ang hitsura ko at napabuntonghininga siya. Iminuwestra niya ang kanina ay inuupuan ng kaklase kong lalaki.

Dahan-dahan akong naupo rito habang binubuksan niya ang kanyang cabinet na nasa gilid. May kinuha siyang isang kulay puting folder at pagkatapos ay muli nang isinara ang pinto ng cabinet.

Binuksan niya ang hawak na folder at tiningnan ko ang mga papel na nasa loob nito. Mga test papers iyon dahil noong nakaraang linggo lang namin natapos ang final exam.

"Heto 'yong resulta ng final examination mo sa lahat ng subjects," panimula niya habang paisa-isang binubuklat ang test papers.

"M-May problema po ba, Ma'am?" tanong ko.

Umiling siya at huminto na sa ginagawa. Binitiwan niya ang hawak na test papers sa mesa at sumandal siya sa backrest ng kanyang upuan.

"You got perfect scores in all of the subjects," saad niya. "Ikaw lang ang nakakuha ng perpektong marka."

Naningkit ang mga mata ko. "May mali po ba ro'n?"

"Wala naman," sagot niya paglaon ng ilang segundo. "Nabasa ko ang ipinasa mong journal notebook . . . at alam ko rin ang mga usap-usap tungkol...sayo rito sa bayan natin." Humugot siya nang malalim na hininga bago at nagpatuloy na. "Pero gusto ko munang marinig mula sa'yo, Claudine, pinupuwersa ka ba ng tiyahin at pinsan mo para gawin...iyon?"

Hindi man niya derektang sabihin sa akin ang 'iyon' na tinutukoy niya, alam ko naman ang gusto niyang ipahiwatig. Kalmado akong ngumiti.

"Biniyayaan po ako ng kakayahan ng Diyos," sabi ko. "Dapat lang din na tumulong ako sa kapwa."

"Sigurado ka ba na hindi ka pinipilit ng pamilya mo na manghula?" mataman niyang sinabi.

"Hindi po."

Ganoon palagi ang sagot ko sa tuwing tinatanong ako ng ganito. Hindi naman kasi talaga ako pinipilit ni Tiya at Kuya Baldo. Lagi lang nilang ipinapaliwanag sa akin ang kahalagan ng ginagampanan ko sa buhay ng ibang tao. At kung gusto ko rin daw na mag-aral ay kailangan kung kumita.

Ang akala ko ay magtatagal na ganoon ang paniniwala at paninindigan ko. I wasn't sure when I started questioning my so called "divine abilities." Ang alam ko lang ay habang nagpapatuloy ako sa pag-aaral ay mas nauunwaan ko ang mga bagay bagay. Mas natutuklasan ko kung ano talaga ang tawag sa kakayahan ko.

"Ayon po sa nabasa ko na libro sa Psychology sa library, wala naman talagang nakababasa ng isipan ng tao maliban na lang sa pagbabasa sa body language at facial expressions. Empathic accuracy po ang tawag doon," mahaba-habang paliwanag ko kina Tiya at Kuya Baldo habang kumakain kami ng hapunan. Nasa huling taon na ako sa high school.

"Hindi kita maintindihan sa mga pinagsasabi mo, Claudine," si Tiya habang kumukuha ng pansit mula sa mangkok. Siya ang nakatatandang kapapatid ni Mama.

Naintindihan ko siya. Grade one lang din naman kasi ang natapos niya. Bumaling ako kay Kuya Baldo na nakatapos hanggang grade five.

"Kung anu-ano na lang iyang pinagbabasa mo," sabi niya habang nagdadagdag ng kanin sa kanyang plato maski marami pa naman itong laman. "Mind reader ka. Masuwerte ka nga at may power ka."

Ibinaba ko ang kubiyertos at seryoso silang tiningnan ni Tiya. "A-Ayaw ko lang kasi na.  . . na nanloloko tayo ng iba—"

Nahinto ako dahil sa malalim na pagsinghap ni Tiya sa tapat ako.

"Huwag mong sasabihin 'yan at baka may makarinig at maniwala pa!" galit niyang sinabi. "Ngayon, naiisip ko na talaga kung tama ba na pag-aralin ka! Masama naman ang impluwensiya nito sa'yo. Kinukuwestiyon mo na ang kapangyarihan na ipinagkaloob ng Diyos!"

"Pero kung talagang may kapangyarihan ako na bigay ng Diyos, hindi po ba ay dapat hindi ako nagkakamali sa panghuhula sa kapalaran ng tao? Pero bakit may mga pagkakataon na hindi tama ang hula ko, Tiya—"

"Dahil kailangan ding magpahinga at matulog ng Diyos!" Halos umahon na si Tiya sa kanyang kinauupuan dahil sa sobrang inis niya. "Huwag mo nang kuwestiyonin pa ang ibinigay sa'yo at baka bawiin pa!"

Tumigil ako at nakinig. Kailanman ay hindi ako minaltrato ng pamilya ko. Siguro nga dapat ay makinig na lang ako kay Tiya dahil siya ang mas nakatatanda. Siya ang mas may alam sa mundo.

"Paanong hindi perfect score, eh mangkukulam nga!" bulong-bulong na naman ng mga kaklase ko.

"Gusto kong ma-perfect sa tests pero ayaw ko namang maging weirdo, ano!"

"Baka nabasa niya sa palad ni Ma'am 'yong mga sagot sa exam," hagikgik naman ng isa pa.

Pinalagpas ko ang lahat ng iyon sa kabilang tainga ko at nagpatuloy sa pagbabasa sa aklat tungkol sa Science na hiniram ko sa library. Sanay na naman ako. Sanay na ako na hinuhusgahan nila lalo na sa tuwing nakakukuha ako ng mataas na marka. Nasanay na rin ako sa pangungutya nila.

"Ayaw ko na pong mag-palm read, Tiya,"pagtanggi ko nang sabihin niya sa akin na may mayamang dayo raw na gustong magpabasa sa akin bukas.

"Mayaman 'yon! Tiyak na malaki ang ibibigay noon sa'yo."

"Paano po kung magkamali ako ng hula? Puwede niya po akong balikan at kasuhan ng fraud base sa nabasa ko dahil sa panloloko—"

"Anong frog ang pinagsasabi mo riyan? Ikaw kung anu-ano na lang iyang binabasa mo!"

"Fraud po," pagtatama ko sa kanya. "Iyong panlilinlang. Pandadaya. Pamemeke."

Bumusangot lang ang mukha ni Tiya. "Ikaw ba gusto mong mag-aral ng kolehiyo?"

"Siyempre naman po," agap ko.

"Puwes, basahin mo ang kapalaran niya bukas dahil nasa kanya rin nakasalalay ang magiging kapalaran mo kung makakapag-aral ka ba!" Matapos iyong sabihin ni Tiya ay tinalikuran na niya ako.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Abala ang isipan ko sa paninimbang sa kung ano ang dapat na gawin. Kung ipagpapatuloy ko ang panghuhula bukas, siguradong hindi ko na talaga matatalikuran ang kapalaran na ipinagdidiinan sa akin ni Tiya simula noong bata pa lang ako. Ngunit kung susundin ko naman ang kagustuhan niya bukas ay pwede rin na magbago ito. Sa huli ay sumuko na lamang ako at pumikit. Tama nga si Tiya, ang kapalaran ko ay nakasalalay sa taong magpapahula sa akin bukas.

Bago pa man pumasok sa madilim na kuwarto kung saan ako manghuhula ay nagtagal na muna ako sa banyo. Suot ang puting bestida na naging uniporme ko na sa tuwing nanghuhula ay tinitigan ko ang repleksiyon ng hitsura sa salamin. Nakalugay ang aking maitim na buhok na hanggang puwet na ang haba. Hindi ako maputi. Hindi rin naman ako maitim. Katam-taman lang ang tangkad ko.

Ang mukha ko naman ay hindi rin malaki at hindi naman din maliit. Hindi gaanong matangos ang ilong ko at hindi rin ito pango. Mahaba ang aking pilikmata na kasing itim naman ng aking mga kilay. Makapal ang aking mga labi. Walang espesyal sa akin. So why did the heavens choose me?

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at kinuha na ang tabo na pinaglagyan ko ng tubig. Naghilamos ako.

Hinintay ko ang dayo na magpapahula sa akin. Naupo ako silya na gawa sa kahoy sa gitna ng madilim na kuwarto. Kaonting sinag lang ng araw mula sa labas ang sumungaw sa maliit na kuwadradong bintana. Dumapo ang tingin ko sa mesa na nasa aking harapan at sa kulay pulang tela na nakatabon dito.

Wala akong bolang kristal. Ayaw ni Tiya para maiba raw ako sa lahat at dahil sa palad lang naman ako ng kliyente humahawak. Inilahad ko ang sariling palad sa ibabaw ng mesa. Tiningnan ko ang mga linya rito na wala rin namang espesyal dahil masyadong ordinaryo. Gusto kong mag-aral ng kolehiyo. Gusto kong makaalis sa lugar na ito. Ayaw ko ng gawin pa ito.

Gulat akong napatakip sa bibig gamit ang palad dahil sa biglang bumulong sa isipan. Napasinghap ako sa pagbukas ng pinto dahil akala ko ay narinig nina Tiya ang ibinubulong ng isip ko. Ngunit hindi silweta ni Tiya Magda o Kuya Baldo ang naanig ko kundi isang silweta ng matangkad at matipunong lalaki.

Naglakad siya palapit sa akin. Tila bawat paghakbang niya ay kalkulado. Namamangha ako sa makapangyarihang awra niya habang nakatingala sa kanya. Hindi ko matanggal ang tingin sa kanya kaya naman nang maupo na siya sa tapat ko ay naestatwa ako. Natataman ng sinag ng araw mula sa labas ang kalahati ng mesa at ng upuan ng kliyente kaya naklaro ko ang kanyang mukha. Hindi niya naman kita ang sa akin dahil hindi na ako abot ng sinag. Nagsisilbi na rin itong proteksiyon sa aking hitsura.

May katandaan na ang kanyang hitsura na kung susumahin ko ay siguro magkasing-edad lang sila ni Papa kung nabubuhay pa ito. Malaki ang agwat nila sa pisikal na kaanyuan dahil na rin marahil sa mayaman ito kaya mas naaalagaan ang sarili.

"Magpapahula ako," aniya sa malalim na boses.

Tumango ako at inilahad ang kamay sa ibabaw ng mesa. "Akin na po ang palad niyo."

Marahan niyang inilahad ang kanyang palad. Ang liit ng sa akin kumpara sa kanya. Gamit ang dalawang kamay ay sinuri ko ang palad niya. Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan ang bawat sulok nito. Hindi ito magaspong ngunit hindi rin naman malambot. Napatingin na rin ako sa kanyang mga daliri. Masyadong itong mahahaba at malinis din ang kanyang mga kuko.

"D-Doktor po ba kayo?" tanong ko.

Napuna ko ang mangha sa kanyang hitsura kaya alam kong tama ang naging hula ko.

"P-Paano mo nalaman?" anas niya.

"Binasa ko po ang palad niyo," sagot ko gamit ang itinuro sa akin ni Tiya. May katotohanan din naman ito dahil sa kanyang kamay din naman ako nakabase. Iyon nga lang ay nahulaan kong doktor siya dahil sa mga nababasa kong aklat sa library tungkol sa mga doktor.

"May partikular po ba kayo na gustong malaman tungkol sa kapalaran niyo?"

"Gusto kong malaman ang tungkol sa babaeng mahal ko." Nahimigan ko ang lungkot dito. Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mga mata. Binalot ito ng lungkot. Lungkot ng taong iniwan. Alam ko dahil mismong ako ay nakaranas din nito.

"Wala na po siya. Iniwan niya na po kayo," saad ko sa malungkot na boses.

Malungkot siyang ngumiti at kapansin-pansin din ang pangingilid ng kanyang mga luha.

"Masaya na po siya ngayon. At... At gusto niya rin po kayong maging masaya sa buhay," dagdag ko. Assurance. All of them wanted to hear it. Sa bawat panghuhula ko sa huli ay kailangan kong bigyan sila nito upang mabigyan din na pagkakataon na magpatuloy sa buhay. Kaya sila nagpapahula sa akin ay dahil gusto lamang nila ng katiyakan. They only wanted assurance. Closure.

Yumuko siya at umigting ang kanyang panga. A tear rolled down his cheek. Sanay na naman ako na may umiiyak na kliyente sa harap ko pero sa pagkakataong ito ay may nagbago. Ramdam ko ang sakit at lungkot niya.

Hinayaan ko siya ng ilang minuto na maging ganoon. Tahimik ko lamang siyang pinagmamasdan. Suminghot siya at unti-unti nang nag-angat ng tingin. May dinukot siya mula sa kanyang bulsa.

"H-Huwag niyo po sa'kin ibigay ang pera," awtomatikong pagpigil ko. Mukhang hindi pa siya nagbayad kay Tiya Magda. "Sa babae na nasa labas ng pinto niyo po ibigay ang bayad."

Bahagya siyang natigilan ngunit nagpatuloy din. Nakita ko na walet na kulay itim ang dinukot niya sa bulsa. Binuksan niya ito at may kinuha siya mula rito. Isang maliit na card na kulay puti.

Iniabot niya ito sa akin. "This is my business card. It has my information on it."

Tumango ako at nahihiya itong tinanggap. Binasa ko ang nakasulat dito.

Dr. Arthur Cain Hemendez

General Inc, Family Medical Practice

May mga detalye pa sa ibaba sa maliit na letra. Nakita ko rin dito ang mga numero. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita naman ang nakaamba niyang tingin sa akin.

"P-Para saan po ito?" naguguluhang tanong ko

"Kung gusto mong magpunta ng Manila. I can help you."

"Bakit niyo naman po ako tutulungan?"

Ngumiti siya. Hindi ako naasiwa sa paraan ng pagngiti niya. Dahil ba ito sa may hitsura siya maski may edad na?

"So that you can escape and have another option. A different life."

"Ano pong kapalit nito?" tahasan kong tanong. Ngayon ko lang siya nakilala. Hindi ako ignorante. Ang madaling tulong ay may kaakibat na kapalit din.

Masidhi niya akong tinitigan. "Let me provide for you. Without any questions."

Ang kalmado ko sa labas na kaanyuan pero ang damdamin at isipan ko naman ay nagtatalo at nagdedebate na.

In the end, I had sealed my fate with him. With this old man who was a stranger to me. And on my last palm reading, I knew that my life would never be the same again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top