Chapter 27

Chapter 27

Lost

I could not sleep that night. The warmth of his lips still tinkled on mine. Hindi dapat nangyari iyon. Hindi ko dapat siya hinayaan lalo pa at naging matabang naman ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng halikan naming dalawa.

I tried making a casual conversation after that. He was cold and dismissive. And later on, he turned silent. Hanggang sa ako na mismo ang nagpasya na umuwi na kaya pumasok na kami sa kanya-kanyang sasakyan at umalis.

Naging cold ba siya bigla dahil naalala niya ang asawa at anak niya? Did he feel guilty because he thought that he was cheating on his wife? The kiss was long. It took minutes. Naging... kabit niya ba ako sa loob ng ilang minuto?

Napatalukbong ako ng kumot sa kahihiyang bumabalot sa katawan habang inaalala ang nangyari kagabi. Was I too easy to get or was I just simply too uncaring? Hindi ko na tuloy alam kung papaano huhusgahan ang sarili. I could not think straight anymore. Napabalikwas na ako ng bangon at nagtungo sa banyo. I took a cold shower.

Mabagal ang takbo ng umaga ko dahil day off ko naman. Gusto kong maging healthy and productive ang araw kaya nagpasya akong mag-jogging sa park. I wore my running attire, a white sports bra and black sweatpants. Isinuot ko na rin ang kulay puting running shoes. Pagkatapos maitali ang buhok at maisuot ang wireless earbuds, lumabas na ako ng condo unit.

Sumakay ako sa kotse papunta sa park. Medyo mainit na kasi pero kumpiyansa naman ako na hindi mainit sa park. Maraming malalaking puno na nakapalibot rito. That's why it's a good place for a run maski tirik na ang araw.

Ipinarada ko ang sasakyan sa parking area. Uminom muna ako ng tubig bago lumabas ng kotse. I turned on the music and started my run. May iilan din akong nakikitang nag-jo-jogging at mga pamilyang nagpi-picnic sa gitna ng malaking parke.

I started to get sweaty and I knew that it was just right. I turned off my music at pinakinggan na lang ang huni ng mga ibon at ang tawanan ng mga pamilyang naroon.

Tumingala ako sa mga ipinapalipad na saranggola at doon ko narinig ang iyak ng isang bata. Ibinaba ko ang tingin mula sa saranggola at nakita ko sa may hindi kalayuan ang nadapa na isang batang babae. She was wearing a cute sunflower printed dress. Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Hey... it's okay," I softly murmured as I bent down to help her. Tinulungan ko siyang bumangon at pinagpag ang laylayan ng kanyang dress dahil nadumihan ito ng kaonti.

"My... i-ice cream," munting hikbi niya nang makatayo na.

Dumapo ang tingin ko sa kanyang ice cream na nasa lupa na. Nag-angat ako ng tingin sa maamo niyang mukha at ngumiti.

"It's fine. You can get another one..."

Tumango siya. Sinuri ko ang sugat sa kanyang tuhod. Mabuti at hindi naman ito malala. Maliit na galos lang.

Tiningnan ko siya ulit. "Where is your mommy?"

"Dakota!" Dinig kong pagtawag galing sa likuran.

Tumayo na ako ng maayos at nilingon ang babaeng tumatawag. Nagulat ako nang makita ang nag-aalalang si Winona Arabella Santibañez Del Fuego. Sa lubos na pag-aalala niya ay hindi niya na ako tiningnan pa at kaagad niyang dinaluhan ang bata.

"What happened, sweetie?"

Niyakap lang siya ng bata at hindi ito kumibo.

"Nadapa siya kanina," ako na ang sumagot.

Mabilis akong nilingon ni Winona. Tinitigan niya ako sa naniningkit na mga mata ng ilang segundo.

"Nurse Abby?" singhap niya.

Kumalas na ang anak niya sa yakap at napatingin na rin ito sa akin.

"Hi, Winona," bati ko pabalik.

"Oh my God..." Napatampal siya sa sariling noo. "It's Doc Abby na pala... I'm sorry."

Kumunot ang noo ko. Nagtataka ako kung papaano niya nalamang doktor na ako.

"Long time no see! Kumusta ka na?" usisa niya.

"I'm doing good. Busy with work..."

"I see..." Tumango siya at akma sanang ibubuka ang bibig pero muli itong isinara. Ramdam ko na ang dami niyang gustong sabihin pero nagpipigil lang sa sarili. "Anyway, salamat sa pagtulong mo sa anak ko," pagpapatuloy niya. "This is my second child, Dakota. Dakota, this is Doc Abby, a friend of mine."

"Hi," sambit ng bata sa maliit na boses at pagkatapos ay dumikit na kay Winona.

"Hello," nakangiting tugon ko sa kanya.

"Medyo mahiyain siya," saad ni Winona. "Pasensiya na at naistorbo ka pa yata namin sa pag-jo-jogging mo."

"It's okay," sabi ko at saka muling napasulyap sa tuhod ni Dakota. "Just don't forget to disinfect her wound when you get home..."

"I'll do that." Nagbaba ng tingin si Winona sa kanyang anak. "Say thank you to Doc Abby, D."

"Thank you, Doc Abby," pagsunod naman ni Dakota at pagkatalos ay bumaling na sa ina. "Please don't tell Tatay..."

"Oh,  sweetie," daing ni Winona sabay sulyap sa akin. "Lagot kami sa tatay niya ngayon. We even rejected his offer of security today..."

"Hindi ba delikado para sa seguridad ninyo?" tanong ko dahil isang senador ng bansa ang asawa ni Winona.

"Pumupuslit lang talaga kami paminsan-minsan. I just want my kids to feel... normal."

Tumango ako kahit na hindi naman nakaka-relate sa sitwasyon nila dahil hindi naman ako celebrity o may mataas na posisyon sa gobiyerno.

"Nga pala..." Kinapa ni Winona ang bulsa ng suot na jeans. Dinukot niya mula rito ang cellphone. "Can I have your number? It's Dakota's birthday tomorrow. I want you to come."

"I'm sorry, but I—"

"Please?" pakiusap niya. "Pupunta rin sina Kim at Jane. Parang mini reunion na rin natin..."

Handa na sana akong tanggihan ulit siya, kaso muli akong napabaling sa anak niya. Naalala ko ang sariling anak.

"Sure... I'll be there," sabi ko.

Ibinigay ko ang contact information ko kay Winona. Ibinigay niya rin sa akin ang number niya. Hindi nagtagal at nagpaalam na rin kami sa isa't isa.

Nagpunta ako sa mall kinahapunan para bumili ng damit na isusuot sa birthday ng anak ni Winona. Nakuha ang pansin ko ng naka-display na isang kulay blue green na wrap front long sleeve dress sa isang boutique ng sikat na brand. Bumili na rin ako ng panregalo para kay Dakota.

I braided my hair. I also curled the tips of my bangs. Naglagay na rin ako ng light make up. Pagsapit ng alas dos y medya ng hapon ay bumiyahe na ako papunta sa address na ibinigay sa akin ni Winona.

Pagdating sa mansiyon nila ay bumungad sa akin ang pagsisimula pa lang ng program. Alice In Wonderland ang theme ng party dahil sa mga nakikita kong dekorasyon tulad na lang ng malaking looking glass. Tamang-tama rin ang tema dahil sa magandang lokasyon ng kanilang magarbong mansiyon.  In front of it is the majestic lake with a stunning dock on it. Nai-imagine ko ang pamilya ni Winona na namimingwit ng mga isda rito.

I waited a bit for the short program for the kids to end. Nang mapunta na sa games ay naglakad na ako papunta sa loob ng mansiyon kasabay ng ilang mga magulang. Siguro naging panatag na rin sila dahil nakaantabay naman sa gilid ang mga yaya ng mga anak nila.

"Doc Abby!" salubong sa akin ni Winona. She is in a Queen of Hearts costume in a more beautiful and much regal looking version.

"I'm sorry kung 'di ako naka-costume," bungad ko sa kanya.

"Okay lang, ano ka ba!" sambit niya. "It was a short notice anyway."

"Regalo ko pala." Iniabot ko ang bitbit na paperbag sa kanya.

"Kay Dakota mo 'yan personal na ibigay," aniya sabay gala ng tingin. "Come on. Please follow me. I'll bring you to her."

Nagpatianod ako sa kanya. Nanliit ang mga mata ko sa pagtataka ng sa isang tahimik na pasilyo ang tinatahak namin. Huminto kami sa tapat ng isang kuwarto. Binuksan ni Winona ang pinto nito at pumasok na kami sa loob.

"... but I don't wanna be Alice anymore!" Dinig kong boses ni Dakota.

"Nagbabratinila," buntonghininga ni Winona.

Nadatnan namin si Dakota na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Nagusot na ang kanyang suot na Alice costume. Nakita ko rin si Senator Caleb Del Fuego na nakaluhod ang isang tuhod sa harap ni Dakota habang inaalu ito.

"What do you want to be now, hmm?" banayad na tanong sa kanya ni Senator.

The little girl pouted. "I want to be Olaf of Frozen!"

"Jesus Christ," mahinang daing ni Senator. Napalinga siya sa marahil ay isang sekretarya na nakaantay din sa gilid, sa tabi ng dalawa pang unipormadong katulong. "Get me an Olaf costume here!"

"But we only have an Alice In Wonderland characters' costumes in the stock room since that is the theme, Senator..." apila ng halatang namomroblemang sekretarya.

"Then find me an Olaf costume somewhere else," malamig na utos ni Senator.

"Napaka-spoiler talaga ng tatay," bulong-bulong ni Winona sa tabi ko at pagkatapos ay pumagitna na siya. " 'Wag na lang siyang pasuotin ng costume."

Napalingon sa gawi namin si Senator. Pagod siyang tumayo na at hinayaan si Winona na daluhan ang anak. Napansin ko na may ibinulong si Winona sa anak at maya-maya pa ay kusa ng tumayo at umayos si Dakota. With this short encounter, I realized that Senator is the spoiler while Winona is the disciplinarian.

"Look! Doc Abby is here to give you a present," pahayag ni Winona sabay tingin sa akin.

Lumapit na ako sa kanilang dalawa at iniabot kay Dakota ang paperbag na naglalaman ng regalo ko sa kanya.

"Happy birthday, Dakota," nakangiting bati ko.

"Thank you!" Ngumisi siya at tinanggap na ang regalo.

Matapos ang nangyari na iyon ay nagtungo na kami sa dining area para sa early dinner. Nakita at nakausap ko nga ulit sina Kim at Jane. Pareho silang may pamilya at mga anak na rin. They shared a lot about their lives, I merely listened dahil wala naman akong masyadong maiambag sa usapan.

Nang gumabi na ay hinanap ko si Winona para magpaalam na sana sa kanya. I asked one of their house helps and she told me that Winona was outside. Lumabas ako ng mansiyon at nahinto sa paghakbang nang makita sina Theo at Winona na nag-uusap sa may tahimik na pasilyo.

"Bakit 'di mo dinala ang anak mo? Dakota's been looking for her," si Winona.

"She's not feeling well," buntonghininga ni Theo. "She wanted to come but I insisted that she should rest instead."

"Sinong kasama niya?"

Ilang sandali pa ang dumaan bago nakasagot si Theo. "She's with Liz."

"You are very dependent on her, Theo," mariing saad ni Winona.

Theo groaned. "I can't help it, Win. She's just so good with her..."

Tumalikod na ako hindi na pinakinggan pa ang usapan nila. Pansamantala na muna akong bumalik sa loob ng mansiyon.

Hindi dapat ako nakinig sa usapan. It sounded like a private conversation patungkol sa asawa at anak ni Theo. Nanatili sa isip ko ang huling napakinggan na sinabi ni Theo. His wife is so good with her. Bakit sila maghihiwalay kung maganda naman pala ang relasyon ng asawa at anak niya? Napabalik tanaw din ako sa sinabi kay Theo. Ang unfair naman siguro kung magsasama lang dahil sa anak...

Naghintay ako sa loob ng mansiyon sa muling pagpasok ni Winona. I was glad realizing that she still remained friends with Theo after all these years. Kaya naman hindi rin ako nagulat pa nang sa pagpasok niya ay kasama niya rin si Theo.

Kaagad akong nahanap ng mga mata ni Theo. Kung alam ni Winona ang nakaraan naming dalawa ni Theo, siguro nabanggit niya rin dito ang pag-attend ko sa birthday party ng anak niya.

Naging abala si Theo dahil kaagad siyang kinausap ng mga anak ni Winona pati na rin ni Senator. Nang magkaroon na ng tamang tiyempo ay nilapitan ko si Winona at tinuloy na ang pagpapaalam sa kanya.

I quietly made my exit from the mansion. Deretso akong naglakad sa nakaparadang kotse na ngayon ay may katabi ng Aston Martin ni Theo. Doon ko lang napagtanto na naiparada ko pala ito sa malayo kaya tuloy naka-park ito sa lilim ng malaking punongkahoy. It was a bit dark and a secluded area.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga dahil sa kapalpakang nagawa. Mabuti naman at hindi rin ako sinita ng security staffs nina Winona kanina. At talaga namang gumaya pa si Theo sa pinaradahan ko.

Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng kotse nang matigilan dahil sa pagtawag sa akin ni Theo. Napapikit ako dahil naabutan niya pa talaga ang sana ay pagtakas ko.

Hinarap ko siya at nagplaster ako ng pilit na ngiti. "H-Hi..."

Huminto siya sa harap ko. He was wearing another black button down shirt and some pants.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

"Oo. Nagpaalam na ako kay Winona."

"You didn't even say goodbye to me yet," paratang niya.

"You were cold to me..." Hindi ko na napigilan pa ang sarili. "After the kiss..."

Umigting ang panga niya. "Fair enough. I'm sorry..."

Nagtiim bagang ako at mariin siyang tinitigan. "You should be. It was wrong and it shouldn't have happened."

"Alam ko," hindi siya tumanggi. "Alam kong mali 'yong ginawa ko pero... gusto ko pa rin 'yon..."

"Theo..."

He licked on his lower lip and then he started at my own as if remembering the passionate kiss we shared last night. "I know it's wrong but I... still want you... so bad... it's crazy..."

Hindi ko matukoy kung dahil ba ito sa ininom na wine sa party o ano. Kaagad na umakyat ang init sa katawan ko. Dinala ako ng mga paa ko palapit sa kanya. And I... kissed him.

I stopped after a few seconds to finally end everything but he refused. He kissed me back and locked his arms around my waist. Caging me. Not allowing me to escape. His kiss was hard. Passionate.

Sa malalim na halik niya ay nasindihan nito ang apoy sa loob ko. Hinayaan kong gumapang ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko. As if holding me was not enough. He wanted to remember me as well. I was too lost that I heard myself shamelessly moaned.

I felt us moved until we bumped into his car. Hindi man lang bumagal ang tempo ng maiinit na halik niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kanyang kotse.  We went inside and like a wanton woman, I sat on his lap. Muli niyang isinara ang pinto ng sasakyan at ni-lock pa ito.

He continued attacking my lips. I responded with the same intensity and at the same time still trying to hold my sanity together when I felt his hardness on my butt. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. I craned my neck to give him more access.

"We should... stop..." sabi ko.

"Hmm... we should...." aniya pero hindi naman tumitigil.

Bahagya ng umakyat ang slit ng dress ko. Pumapadaosdos na ang mainit niyang palad sa nakalantad ng maputing hita ko.

"Do you... want me to... do you... here?" He sounded so intoxicated.

Nanginig ang magkabilang binti ko. I moaned when he finally touched me to where I was hotly pulsating.

"Y-Yes..."

He finally snapped. I heard him unbuckled his belt. He lifted me up a bit just to free himself. He was so impatient and in lust that he just pushed the bottom of my panties to the side and entered me.

And then, we were both lost.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top