Chapter 28

Chapter 28

Self-made Woman

I had sex with Theo. I did it with him inside his Aston Martin. Sa inasta namin kagabi ay para kaming teenagers na hindi na nakontrol pa ang hormones. Mabuti nga at tinted ang kotse niya. Madilim at medyo secluded din ang area na pinaradahan namin ng sasakyan.

Paulit-ulit kong marahang ipinupukpok ang ulo sa desk. Ang tanga ko. Ang... rupok ko.

"Baka naman magkaro'n ka ng internal hemorrhage diyan sa ginagawa mo, Doc Abby..."

Tumigil na ako sa kanina pang ginagawa dahil sa paninita ni Doc Elaine sa akin. Matamlay kong sinundan ng tingin ang paglalakad niya papunta sa kanyang desk.

"Kanina ka pa pala pini-paging do'n sa Information desk..." aniya habang binubuhay na ang kanyang laptop.

Pagod akong tumayo at tumalikod para lumabas na ng quarters. Habang naglalakad sa hallway ay narinig ko na namang tinatawag ang pangalan ko. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa Information desk.

"Nandito na si Doc Abby," anunsiyo ng isang nurse at saka itinuro niya sa akin ang deriksiyon ni Nurse Relani. "Kay Nurse Relani po."

Tinanguan ko siya at pinuntahan ko na naman ang gawi ni Nurse Relani.

"One hundred times ka ng ni-page," aniya sabay abot sa akin ng isang document.

"Grabe naman..." sabi ko at mabilisang binasa ang laman ng document.

"Medical certificate 'yan ng patient mo last week. Nag-email kasi ang company. Urgent copy daw. Pakipirmahan na lang."

Kinuha ko ang ballpen na nakasabit sa breast pocket ng suot na lab coat at mabilis itong pinirmahan. Matapos itong gawin ay iniabot ko sa kanya ulit ang pirmado ng medical certificate.

"Dadaan ka sa office ni Doc Theo, 'di ba?" dagdag na tanong ni Nurse Relani. "Pakidaan na rin sa opisina niya 'tong—"

"Hindi ako dadaan," natatarantang tanggi ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "... isa pang med cert. Need din ng signature niya."

Nabitin sa ere ang hawak niyang medical certificate dahil tinitigan ko lang ito at hindi kinukuha mula sa kamay niya.

"Iutos mo na lang 'yan sa nurse," suhestiyon ko. Hindi ko pa yata kayang harapin si Theo.

"May nangyari na naman ba sa inyong dalawa at iniiwasan mo siya?" prangkang tanong ni Nurse Relani.

Naalala ko na naman ang milagrong ginawa namin ni Theo sa loob ng kotse.

"W-Wala naman..." Uminit ang magkabilang pisngi ko.

Kinuha ni Nurse Relani ang kamay ko at sapilitang inilagay rito ang medical certificate.

"Wala rin naman si Doc Theo sa loob ng opisina niya dahil nag early lunch break na sa labas kanina pa," saad niya. "Iwan mo na lang 'yan sa ibabaw ng mesa niya."

Bumuntonghininga ako at napilitang gawin ang pakiusap ni Nurse Relani. Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na sa harap niya.

Binilisan ko ang paglalakad papunta sa opisina ni Theo dahil sa takot na baka bumalik na siya mula sa kanyang early lunch break. Nangangamba ako na baka maabutan niya sa loob. Ewan ko ba pero kinakabahan ako habang iniisip kung paano niya ako titingnan at pakikitunguhan gayong maliwanag na at hindi na madilim gaya kagabi.

Kinatok ko ang pinto ng kanyang opisina. Walang sumagot dito kaya maingat kong binuksan ang pinto at pumasok na sa loob. Gaya ng ipinaalam sa akin ni Nurse Relani, wala ngang tao sa loob dahil wala pa rin si Theo.

Iginala ko ang tingin. Maski pangalawang beses ko na itong pagpasok sa opisina niya, naninibago pa rin ako sa hitsura nito. Hindi ko naman kasi nabigyan ng pansin ang loob nito noong una kong pagpasok dahil naging abala ako noon sa paghahanap ng records ni Tiya Magda.

Mula sa malinis at pulidong interior design ay lumipad ang tingin ko sa mesa ni Theo. Walang naka-display na mga litrato sa ibabaw nito. Isang mamahaling brand ng laptop, isang desktop, at lalagyan ng ballpen lang ang nakikita kong nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa.

Marahan kong inilapag ang medical certificate sa tabi ng laptop niya at umaktong tatalikod na sana nang marinig ko ang boses niya mula sa labas ng pintuan. Sa lakas nito ay alam kong malapit lang siya. Bago pa ako makapag-isip ay nauna ng kumilos ang mga paa ko. Gumapang ako sa ilalim ng kanyang malapad na mesa. Kasabay ng pagpasok sa ilalim ng mesa ng naiwang isang paa ko ay ang pagbukas ng pinto.

"Papa, why is the sky blue?" Dinig kong boses ng isang batang babae.

"I've already told you the reason behind that..." si Theo.

Napatakip ako sa bibig gamit ang isang palad dahil sa nakikita kong mga paa nilang humahakbang na papasok ng opisina.

"Papa, why do dogs have four legs while chickens only have two?" pagtatanong ulit ng bata.

"Because that's how they are created," pasensiyoso pa ring sagot ni Theo. Base sa naririnig kong usapan nilang dalawa at kung papaano si Theo sumagot, mukhang sanay na sanay na siya sa mga tanungan ng anak niya.

"And why is that?"

Pareho ng huminto ang mga paa nila sa paghakbang. Nakatayo na sila sa harap ng mesa.

"Why is that?" pangungulit ng bata dahil hindi na sumagot pa si Theo.

Napapikit ako at pinapakinggan na lang ang bawat kabog sa dibdib dahil sa matinding ka ba na baka mabisto niya. Hindi na rin ako magtataka kung magkaroon man ako ng stiff neck kinabukasan dahil sa kasalukuyang posisyon sa ilalim ng mesa ni Theo.

"I don't know, Love..." boses ulit ni Theo.

"What's that? What did you write on it, Papa?" muling tanong ng bata.

Bahagya akong sumilip. I could see the child's feet tiptoeing. Siguro ay sinusubukan niyang abutin ang ibabaw ng mesa.

"It's called a medical certificate and I just wrote my signature on it..."

Tuluyan akong dumilat at nakita ang mga paa nila na lumiliko na sa gilid ng mesa. Gumilid ako ng puwesto at isiniksik ang sarili sa kaonting pader ng ilalim ng mesa dahil umupo na si Theo sa kanyang swivel chair.

"Why?"

"Come sit on my lap," si Theo.

Nakita ko ang agarang pagtakbo ng mga paa ng bata. Papunta na siya sa kinauupuan ni Theo.

"Your mama should have named you 'Why'," sambit ni Theo habang pinapaupo na ang anak sa kanyang kandungan.

"Why?" sabay patid ng paa ng bata. Muntik pa akong matamaan sa ilalim ng kanyang suot na pink doll shoes.

"Because of that..."

Humagikgik ang bata. Napangiti ako dahil sa nakakatuwang tunog ng tawa niya.

"Papa, when I grow up, I want to be a patient..."

Theo groaned. "Did Eli teach you that?"

"Yup. She said that we're already a family of doctors so I should just be a patient instead."

"Christ..." muttered Theo. "I told you not listen to everything she says."

"Why not? Because she's cray cray?"

"What do you mean 'cray cray'?" Nai-imagine ko ang pagkunot ng noo ni Theo.

"C-r-a-z-y," her child spelled it out.

"You mean crazy."

"No need to say the word, Papa. That's rude!" istriktong saway sa kanya ng anak niya. "You have to spell it out to be nicer. That's what Mommyla calls her. C-r-a-z-y."

Natawa ako sa loob habang nakikinig sa kanila. They really have a great father-daughter relationship. Ang kulit din nitong anak ni Theo.

"Can I go and see Mama now?"

Napawi ang ngiti ko. I suddenly felt... guilty. Narinig ko ang malalim na pagbuga ng hininga ni Theo.

"Not yet," tugon niya sa mabigat na tono ng boses.

"Why not? Did you two fight again?" tanong ulit ng anak niya. "You promised you'd talk to her and fix it."

"Know what? Why don't I call Kuya Alan?" alu ni Theo. "You want to see Dakota, right? Ipapahatid kita kay Kuya Alan sa bahay ng Tita Winona mo."

"But I want to see Mama first!" giit ng anak niya. Batid ko ang matinding kagustuhan dito.

"She's still working," saad ni Theo. "I'll talk to her again. I promise. I'll tell her you want to see her badly... okay?"

"Okay..." pagsuko ng bata.

Napapikit ako ng mariin at nagdasal na sana hindi ko na lang napakinggan ang usapan nila. Nasampal ako ng katotohanang hindi tama ang nangyari sa aming dalawa ni Theo. May asawa siyang tao. May anak sila. And Theo promised her daughter to fix it. Ang pagiging mag-asawa ba nila ang ipinangako ni Theo sa anak niya na aayusin niya? Pero paano iyong annulment papers na nakita ko?

"Kuya Alan just texted me. Naghihintay na raw siya sa labas. Ready to go?" tanong ni Theo.

"Fine," matamlay na sagot ng anak niya.

Tumayo na silang dalawa. "Cheer up. You'll be seeing Dakota," pampalubag loob ni Theo sa bata habang iginigiya niya na ito sa labas.

Hindi ko narinig ang pagtugon ng anak niya. Binuksan ni Theo ang pinto at lumabas na sila. Muli rin itong isinara ni Theo pabalik.

Dahan-dahan akong lumabas na mula sa pinagtataguan. Tahimik akong lumabas ng opisina. Naglakad ako patungo sa locker area at hindi na pinansin pa ang tingin ng mga nakakasalubong na nurses. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na medyo nadumihan ko ang suot na lab coat.

Nang makarating sa locker's area ay binuksan ko ang sariling locker at hinubad na ang nadumihang lab coat. Itiniklop ko ito at inilagay sa ibaba. Kumuha ako ng panibagong lab coat na malinis at isinuot ito. Inayos ko na rin ang nagulo kong buhok.

Ipinagpatuloy ko ang pag-iwas kay Theo buong araw. Nakatulong din na wala kaming naka-schedule na parehong consultation sa ward.

Nang mag-alas kuwatro na ay nagpunta ako sa nurse's station para magtanong ng stock ng Intravenous opiods.

"What kind of opioid ba, Doc Abby?" si Nurse Risa.

"Oxycodone with acetamenophen," tugon ko.

"Wait at i-che-check ko," aniya at tumalikod na para magpunta malapit sa shelves.

"Good afternoon, Doc Theo," bati ng isang nurse.

Tahimik din na bumati sa kanya pabalik si Theo. Nanigas naman ako sa kinatatayuan at naging duwag. Hindi ko siya nilingon o sinulyapan man lang.

Naglakad na pabalik si Nurse Risa. "Roxicet lang ang meron sa stock, Doc."

"Anong oras ka kakain ng dinner mamaya?" biglang tanong ni Theo.

"Six thirty po, Doc," si Nurse Risa ang sumagot.

"I was asking Doc Abby," malamig na sinabi ni Theo.

"Ay, doublekill!" hilaw na saad ni Nurse Risa sabay ngiwi.

"Five thirty," tikhim ko at nagpanggap na hindi apektado.

"I have rounds at five," si Theo na parang sa sarili sinasabi. "How about tomorrow lunch?"

Napasulyap ako kay Nurse Risa na palipat-lipat na ngayon ang tingin sa aming dalawa ni Theo.

"Twelve noon," sagot ko.

"Let's have lunch together tomorrow."

Bago pa man ako makapag-react ay tumalikod na siya at umalis. Iyon lang talaga ang sadya niya sa Information desk, ang utusan lang ako na mag-lunch kasama niya.

"Mabuti naman at hindi na kayo magkaaway ni Doc Theo, Doc Abby," puna ni Nurse Risa.

Hindi na ako nakaimik pa at tulala na ring tumalikod paalis ng Information desk.

Pumunta ako sa lecture room para sa discussion.  I could not focus on the lecture. The supposed to be familiar medical terms sounded foreign to my ears. Hindi rin ako masyadong nakasabay sa usapan nina Doc Elaine at Doc Eric.

I was glad when my shift finally ended. Umuwi ako sa condo at ipinahinga ang isipan. I evaluated my actions and behavior the past few days. Pakiramdam ko masyadong naging mabilis ang pangyayari. Padalosdalos na ako sa kilos at sa pagdedesisyon. Masyado akong nagpapadala sa emosyon na nakaligtaan ko na yata ang pagiging matalino.

Nagtrabaho ako kinabukasan na kalmado at balanse na ang damdamin at pag-iisip. I did my consultations effortlessly. At sa pagsapit ng alas dose ng tanghali, kalmado akong tumuloy sa imbitasyon ni Theo.

He waited for me at the Information desk. Pareho na naming hindi suot ang lab coat. Sabay kaming naglakad paalis at alam kong napuna iyon ng iilang staffs na naroon.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kalmadong boses. Nasa loob na kami ng kanyang kotse.

Nimaniobra na niya ang sasakyan at lumabas na kami ng basement.

"Sa condo ko..."

Mabilis akong napabaling sa kanya maski ayaw kong tingnan ang inuupuan niya dahil naaalala na naman ang nangyari dito.

"Bakit sa condo mo pa? Puwede namang sa restaurant lang," reklamo ko.

His jaw clenched. "Because we need to talk. You've been avoiding me the entire day since yesterday."

Suplada akong nag-iwas ng tingin at itinuon ito sa harap. Nasa kalsada na kami at kasalukuyan ng nakikipagsabayan sa iba pang mga sasakyan.

"Did you feel uncomfortable after we fucked in this car?" pagpapatuloy ni Theo.

"Did you really have to say it like that?" Nairita ako dahil sa pagiging bulgar niya.

"Because that's what we did," matigas na paninindigan niya.

Umusok ang ilong ko. "Kung sanay ka nang ginagawa 'yon sa mga..." hindi ko masambit ang salitang 'babae', "pwes, hindi ako gano'ng klase ng babae. First time kong pumayag ng gano'n. Ikaw lang 'yong first, second, and only ko when it comes to having sexual intercourse with!"

Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kung wala lang akong suot na seatbelt ay baka tumilapon na ako.

"Ano ba namang klaseng pagpreno 'yon, Theo!" singhal ko sa inis.

Mas kumulo lang ang dugo ko nang makita siyang nakangisi habang pinagmamasdan ako sa namumungay na mga mata.

"Really? I was your first, second, and only, huh?" aniya sa nanghihinang boses.

"Are you judging me?" Nagtagis ang bagang ko.

"Of course not," agap niya. "I just thought..."

Natahimik ako at naging uncomfortable dahil naalala ang sinabi ko sa kanya tungkol sa ama niya.

"Gutom na ako," sabi ko na lang sa maliit na boses.

Bumalik ang matamis na ngiti niya. "Ipagluluto kita."

We went back to the road and continued driving. Hindi na ako nagsalita pa. Natahimik na rin naman si Theo. It was a silence that we were aware of,  but comfortable with.

Namangha ako nang makapasok na kami sa condo unit ni Theo. Triple ang laki nito sa unit ko. Sa consistent na kombinasyon ng kulay gray at black na interior nito ay sigurado na akong hindi ito ang kanyang residential home. Isang magpapatunay na rito ang kawalan ng pictures ng kanyang asawa at anak. Baka rin hindi namamalagi si Theo rito.

"Magluluto lang ako sa kusina. Do you want to come?" pagpukaw ni Theo sa akin.

Muli kong iginala ang tingin sa kanyang malawak na living area.

"Sasama ako sa'yo," sabay baling ko sa kanya.

Biglang tumunog ang doorbell ng kanyang unit kaya napalingon kami sa pinto. Muli kong tiningnan si Theo.

"May iba ka pa bang bisita?"

"Not to my knowledge. No," sabay iling niya. Humakbang siya at nilagpasan na ako para daluhan ang tao sa likod ng pinto niya.

Binuksan ito ni Theo at unang sumilip sa kaonting nakaawang na pinto ang mamahaling brand ng bag.

"Is she here?! Is she with you?"

Nanlamig ako dahil sa narinig na pamilyar na boses.

"Yes. Claudine is with me," mahinahong sagot ni Theo. "Stop it, Mom..."

"Sinasabi ko na nga ba! You really are out of your mind, Theo!" Itinulak ni Madame Aurelia ang pintuan at pagkatapos nito ay tuloy-tuloy na ang ginawa niyang pagpasok. Hindi na siya napigilan pa ni Theo.

Kaagad akong nahanap ng matalim at mapang-akusa niyang tingin. "How dare you come back and seduce my son again..."

"Mom, stop!" marahas na boses ni Theo.

"At ikaw, hindi ka pa rin talaga nadala!" baling ni Madame Aurelia kay Theo. "Heto at nagpapaloko ka pa rin."

Umigting ang panga ni Theo. "You have nothing to do with this. It's just between I and Claudine."

"I have nothing to do with this?" Marahang tumawa si Madame Aurelia pero wala itong bahid ng tuwa. Binuksan niya ang zipper ng kanyang bag at inilabas mula rito ang makapal na documents. Iniabot niya ito kay Theo.

"Your father's last will and testament," saad niya. "Read them and tell me that this woman is worth your sanity!"

Napasulyap na muna si Theo sa akin at pagkatapos ay parang napipilitan niyang tinanggap ang mga dokumento. Habang mabilisan itong binabasa ni Theo, bumalik naman ang atensiyon ni Madame Aurelia sa akin.

"Your father has given this woman the rest of all his assets excluding our conjugal properties. Mabuti nga at nakumbinsi ko si Attorney na masilip ang last will ng Dad mo. And see what I've discovered?!"

Nangatog ang mga tuhod ko at umawang ang mga labi dahil sa matinding pagkabigla.

"The moment your father dies, this woman will live in his wealth," dugtong ni Madame Aurelia. "How does that make you feel, hija?" Ramdam ko ang pandidiri niya sa huling salita.

"W-Wala akong alam..." kay Theo ko sinabi.

"Oh, please..." Madame Aurelia rolled her eyes. "Alam na alam na namin kung gaano kasama ang pag-uugali mo... You gold digging whore!"

"That's enough!" may pagbabanta ni Theo.

Mabilis kong hinagilap sa mga mata ni Theo ang paniniwala sa akin. My eyes watered when I saw pain laced with doubts in his eyes.

"Wala kaming relasyon ni Doc Arthur, Theo," giit ko sa paos na boses. Hinahawakan na ako sa leeg ng sariling kasinungalingan sa nakaraan.

Inangat niya ng bahagya ang hawak na documents. "E, ano 'to, Clau?" hirap niyang sinabi. "Explain this to me, then..."

"Hindi ko rin alam kung bakit niya gagawin 'yan..."

Natigilan ako dahil sa bigong pagyuko ni Theo. Bumaling ako sa kanyang ina. Tanging galit at pang-aakusa lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Bumuhos ang mga luha ko dahil sa matinding awa na naman para sa sarili.

Ibinalik ko ang tingin kay Theo. Nagmamakaawa ko siyang pinagmasdan. I was hoping for him to look up and finally see the truth behind so many lines in my eyes. But he refused.

And then it hit me. It hit me like a ton of bricks. Deserve ko ba 'to? Deserve ko ba ang mga pamimintang at pang-aakusa ng mga taong wala namang alam sa pagdurusa ko? Ako na lang ba palagi ang kawawa?

Nilunok ko ang pait na kahuli-hulihang babara sa lalamunan. Matapang kong pinalis ang mga luha at pinahinto ang pagbuhos nito. I stood up straight, and boldly held my head high. Tagos kong tiningnan sa mga mata si Madame Aurelia.

"I do not deserve this," matigas na saad ko. "I do not deserve your cruel judgment. I am a self-made woman. I reached success because of my wit, hardwork, and dedication, and never because of some weak and stupid man."

Hindi nakalagpas sa akin ang paglunok ni Madame Aurelia.

"Pinaghirapan ko ang lahat ng mga narating ko," pagpapatuloy ko. "Naging mahina man ay ni minsan hindi ako kumapit sa isang lalaki at hinding hindi ako... kakapit." Sinulyapan ko ulit si Theo at nakitang nakatingin na rin siya sa akin.

"Claudine..." sambit niya sa paos na boses. I could feel that he wanted to reach out but I stood my ground.

"I will not defend myself anymore for I don't have any obligations to explain to you my truth," mahinahon at malumanay kong sinabi kay Theo bago ibinalik ang tingin sa kanyang inang hindi na masuklian ang tingin ko.

"You have reached success but you trashed and stepped on your humility," dismayado kong sinabi sabay hagod ng tingin sa desente niyang suot. "Go and take your husband's wealth for I do not need them. Be healthy and live longer, Madame Aurelia."

Matapos sabihin ang lahat lahat ng iyon ay tumalikod na ako at lumabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top