Chapter 26

Chapter 26

Breathing Space

I took a leave of absence for one whole week. Umuwi ako ng San Pablo at um-attend ng funeral ni Tiya. I mourned with my family. Naging sandalan ulit namin ang bawat isa.

Isang araw matapos ang libing ay bumalik din ako ng Maynila. Bumalik ang pagiging tahimik ko at makasarili sa pinagdadaanan.

"Anyway, here are the lists of the doctors and staffs who will be joining the medical conference in Tagaytay next week. Anunsiyo ni Miss Georgina, ang management head ng ospital. "Doctor Alindajao, Doc Calibo, Doc Galang, Doc Hemendez, Doc Leopedez... Doc Manalo," litaniya niya. "The official memo will be forwarded to your emails after this meeting..."

Tinapik ako sa balikat ng katabing si Doc Eric. "Nag-sign up ka pala sa medcon?"

"Kaninang umaga pa. Buti nga at napasama," sagot ko.

"Sayang. Kung alam ko lang na sasama ka, sana pala nag-sign up na rin ako."

"Go for it, Doc Eric. Push mo 'yan," biglang pang-aasar sa kanya ng nakaupo sa kanyang kanan na si Doc Elaine.

Pilyo niya lang itong nginisihan at itinuon na ulit ang buong atensiyon sa akin.

"Happy birthday pala," bati ko.

He boyishly grinned. "Akala ko 'di mo na ako babatiin, e."

"Ang dami kasing bunati sa'yo kanina kaya nagpahuli na lang ako."

"Bati mo lang naman ang hinihintay ko..."

Natawa ako sa madulas na linyahan niya.

"Nagpa-reserve ako ng tables sa Cross para sa celebration," lahad niya. "Maaga namang matatapos mamayang gabi ang shift mo, 'di ba?"

"Oo. Off ko rin kasi bukas."

"Punta ka, ah. Invited lahat ng staffs sa department."

"Oo na," pagpayag ko.

Maagang tinapos ng management ang short meeting at nagsilabasan na kami mula sa conference room. Sa maiksing break ay nag stay na muna ako sa station nina Nurse Risa dahil may pagkaing pina-deliver si Doc Eric. Nalibre tuloy kami ng meryenda.

"Sa'n ka na?" tanong ni Doc Eric sa akin nang matapos na ako sa pagkain ng chips at naglalagay na lang ng alcohol sa  mga kamay.

"Sa doquart. Scan lang ako ng notes. Iche-check ko na rin ang email ng memo para sa conference." Kinawayan ko na siya at si Nurse Risa. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Mamaya, ah! Sa Cross!" pahabol na paalala ni Doc Eric.

I continued walking until I have reached the doctor's quarters. Pumasok ako sa loob at hindi ko inasahan ang pagbungad sa akin ni Theo. Nakapamulsa siyang nakatalikod habang pinagmamasdan ang mesa ko. Nabunutan ako ng tinik nang maalalang mabuti na lang at hindi ako naglagay ng picture ni Red sa ibabaw nito. Inilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng tahimik na quarters.

Tahimik kong isinara ang pinto at hinarap na ulit siya. Bumalik sa akin ang nangyari sa huli naming pag-uusap sa loob ng opisina niya. Naalala ko na naman ang yakap niya. Tinawag niya ulit akong Claudine. Nakita niya ulit ang pagiging mahina ko.

"May... kailangan ka ba?" sabi ko, nagtataka kung bakit siya napadpad sa quarters.

Agaran niya akong nilingon. Nakitaan ko ng gulat at kaonting pagkapahiya ang mga mata niya. Mas nagtaka lang ako sa reaksiyon niya. Bakit parang nahihiya pa siya na nahuli ko?

"I was looking for you earlier..."

Ngayon ay ako naman ang nagulat. Sinuri ko ang memorya kung ano ang maaaring dahilan ng paghahanap niya sa akin.

"Wala naman tayong schedule today..."

"I'm just here to inform you that I sent a video of my colectomy surgical operation to your email." His tone was very businesslike. "It can help you."

Napatitig lang ako sa kanya dahil nalilito kung bakit niya pa kailangang personal na sabihin ito sa akin gayong ipinasa niya na naman ito sa email ko. Nagpunta pa talaga siya sa quarters para sabihin ito sa akin. Ang effort naman!

"O... kay... Thanks," sabi ko na lang.

Akala ko ay aalis na siya matapos kong magpasalamat. Nagulat ako nang nanatili pa rin siya at nagsuyod pa ng tingin sa paligid. Ilang beses niya pa kailangang magsuyod ng tingin? Hindi ko naman puwedeng sabihin na umalis siya sa mesa ko dahil kailangan kong mag-on ng laptop at mag-check ng emails. Ang bastos ko naman kung gagawin ko iyon.

"May sasabihin ka pa ba?" nag-aalinlangang tanong ko.

Bumuga siya ng hangin at hinarap na ako ng maayos. "Kumusta ka na?"

Natigilan ako dahil sa pagkabigla sa tanong niya. Kaswal na tanong lang naman ito pero dahil na rin sa komplikadong nakaraan naming dalawa, hindi ko alam kung paano sumagot sa kanya. Pangungumusta ba ito sa nakalipas na mga taon o kinukumusta niya ba ako ngayon? At bakit parang hindi na siya galit?

"Tungkol sa pagkamatay ng tiyahin mo..." dugtong ni Theo dahil natameme na ako.

"Ah... " Marahan akong napatango. "Okay na naman ako. I am... healing."

"That's... good to hear."

Normal na pakikipag-usap lang naman ito sa kanya pero bakit pareho kaming nahihirapan? Ang awkward pala kapag hindi siya galit sa akin. Naninibago na tuloy ako.

"I've heard—"

"Gusto kong..."

Natutop ko ang labi dahil nagkasabay pa kami sa pagsasalita. Bahagya akong napangiti. "Mauna ka na."

"Narinig ko ang tungkol sa... anxiety attacks mo sa mga batang pasyente," lahad niya na ikinabigla ko. "Sinabi sa'kin ni Doc Marco..."

"You talked about me and my condition?" puna ko sa maingat na boses.

"He didn't go into details," agap niya. "It was all my fault. Na-curious lang ako sa reaksiyon mo sa huli nating batang pasyente. You were too... scared."

"I'm doing my best to overcome my anxiety," paliwanag ko. "Pasensiya na kung naging unprofessional ako—"

"Why?"

"Huh?" Nalilito ko siyang tiningnan.

"Why do you have that kind of anxiety?" marahang tanong niya. Lumantad ang koryusidad sa kanyang mga mata.

Umawang ang labi ko. Hindi ko inakalang tatanungin niya ako tungkol dito. Pumagitna na naman si Red sa aming dalawa.

"I... don't know," pagsisinungaling ko. I could not meet his piercing eyes. "Bigla na lang akong nagkaro'n nito..."

Hindi siya nagsalita kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nahuli ko siyang mariin pa ring nakatitig sa akin.

"I see," paubaya niya. Napasulyap siya sa laptop na nasa ibabaw ng mesa ko. "I hope you can review the video I sent you."

"S-Sige... Thank you."

Tumango siya at ilang sandali pa ay lumabas na siya ng quarters.

Saglit pa bago ako nakabawi. Why would he be curious about my condition? O baka naman curious lang siya dahil doktor ako at makakaapekto ang pagkakaroon ko ng anxiety attacks sa trabaho.

I continued working the entire afternoon. When my shift ended, I went home. Nag-shower ako at nagbihis. Isinuot ko ang white short sleeve na blouse at dark jeans. Hindi ko pinalitan pa ang suot na heels.

Tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin. My eyes looked... weak. I applied a bit of dark mascara and put on a shade of red lipstick. Inayos ko ang fringe bangs at inilugay ang mahabang buhok.

Bumaba na ako ng condo unit at pumasok na ng sasakyan. Pinaandar ko ito at nagtungo na sa Cross para sa celebration ng birthday ni Doc Eric.

When I arrived in the establishment, I could hear the loud kpop music of the popular Korean restobar. Ipinarada ko ang sasakyan sa parking space nila at bumaba na mula rito.

Tinahak ko ang stone path. Pagdating ko sa pintuan ay iginiya kaagad ako ng isa sa mga staffs ng restobar kung nasaan ang mesa nina Doc Eric. Hindi niya na naman ito kailangan pang gawin dahil mabilis ko namang natunton ang mesa ng kaibigang doktor dahil sa pag-iingay na rin ng mga kasamahan ko sa ospital. Mukhang inimbitahan nga yata ni Doc Eric ang buong General Surgery department.

Tiningnan ko ang mga mesa at nakitang tatlong mesa ang ino-okupa ng mga kasamahan ko. Mukhang tatlong mesa ang pina-reserve ni Doc Marco.

Naglakad na ako papalapit sa kanila at insakto namang nag-angat ng tingin sa deriksiyon ko si Nurse Relani mula sa cocktail na iniinom niya.

"Nandito na si Doc Abby!" anunsiyo niya sa lahat. "Mukhang mas magiging happy ang birthday ni Doc Eric!"

Napuno ng kantiyawan ang buong mesa. Maagap na tumayo si Doc Eric at inayos ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Dito ka maupo, Doc Abby!"

Mas naghiyawan lang ang lahat. Hindi naman ako nainis o naasiwa sa panunukso nila dahil alam kong medyo nakainom na ang karamihan sa kanila.

"Salamat. Happy birthday ulit," sabay sulyap ko kay Doc Eric at naupo na.

Nagpatuloy na ang maingay na usapan nila. Nilubayan na kami ni Doc Eric. Kumain ako ng barbecue at nilapagan naman ako ng maiinom ni Doc Eric.

"... pinakamahirap 'yong proper incision." Dinig kong pagkukuwento ng isa sa mga matatagal ng doktor.  Nakaupo siya kasama ng ilang residents sa kabilang mesa.

"Nurse Risa, magkuwento ka pa tungkol kay Doc Eric sa probinsiya ninyo," hiling ni Doc Elaine na nakaupo sa mesa kung nasaan din ako.

"Nangongopya 'yan sa'kin noong elementary," sagot ni Nurse Risa.

Napuno ulit ng tawanan ang buong mesa namin. Sumimsim lang ako sa cocktail drinks habang nakikinig sa kanila. Tahimik akong siniko ng nakaupo sa gawing kanan kong si Nurse Relani sabay sulyap niya sa likod.

"Nandiyan na sina Doc Marco," medyo malakas na anunsiyo niya sa buong mesa.

Lumingon ako at nakita nga ang paglalakad ng head surgeon ng department sa gawi namin. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Theo. Unti-unti akong humarap pabalik sa mesa at napuna ang mabilis na pag-aayos ng upo ng mga kasamahan. Medyo humupa rin ang ingay.

"Inimbitahan mo pala sila, Doc Eric?" sipat sa kanya ni Nurse Risa sa mahinang boses.

"Si Doc Marco lang," bulong naman pabalik ni Doc Eric bago tumayo at iminuwestra ang dalawang bakanteng silya malapit sa kabisera. "Dito po kayo, Doc..."

Binati siya ni Doc Marco habang si Theo naman ay nanatili lang na tahimik.

"Bakit ang tahimik yata ninyo? Dinig naman namin kanina mula sa labas ang pag-iingay ninyo," nakangiting puna ni Doc Marco sa buong mesa. Pareho na silang nakaupo ni Theo.

Maski medyo malayo ako sa kanila ay nahanap pa rin ako ni Doc Marco.

"Bakit naging tahimik sila bigla, Doc Abby?" baling niya sa akin.

"Baka raw po mag-observe kayo ng surgery," sagot ko sa seryosong boses.

Natawa ng malakas si Doc Marco na parang si Santa Claus. Ang kaibahan lang ay hindi malaki ang tiyan niya. Ilang sandali pa ay awkward na sumabay na rin sa pagtawa sa kanya ang ilang staffs. Nagtaas ako ng kilay at wala sa sariling napasulyap kay Theo. Nakita kong may kaonting ngiti na sumilay sa sulok ng mga labi niya habang pinagmamasdan ako.

I consciously cleared my throat and took another sip on my cocktail. I looked away.

Sa pagtatagal nina Doc Marco sa mesa ay unti-unti ng naging komportable ang mga kasamahan ko. Gumaan na ulit ang usapan. Bumalik na ang pagbibiruan.

"Totoo bang nangongopya ka kay Nurse Risa noong elementary, Doc Eric?" pang-aasar ni Doc Elaine, hindi na tinantanan ang dalawa.

"Oo... Zero naman nagiging score ko," sagot ni Doc Eric.

"Hoy! Napakasinungaling!" apila sa kanya ni Nurse Risa. Pansin kong namumula na ang magkabilang pisngi niya dahil sa tama ng alcohol.

"Ikaw nga no'ng elementary, ninakaw mo 'yong fertilizer para sa garden ko," pahayag ni Doc Eric. "Ang papayat tuloy ng mga talong ko."

" 'Di ba naman payat talong mo ngayon?" nakangising tanong ni Nurse Risa.

Bumunghalit sa tawa ang lahat. Pati si Doc Marco ay natawa na rin habang si Theo naman ay sumisimsim lang sa baso ng alak na iniinom niya. Ngumisi lang ako at nagsalin ng panibagong inumin dahil naubos na ang cocktail.

"Baka naman kayong dalawa ang magkatuluyan, ah," saad ng isang doktor nang humupa na ang tawanan.

"Respeto naman kay Doc Abby," si Doc Elaine. "Matagal na 'yang nililigawan ni Doc Eric. Tingnan niyo, naglalasing na siya, oh..."

Nasamid ako sa iniinom na vodka. Pero imbes na tumanggi at magpaka-killjoy, nakisabay na lang ako sa tuksuhan.

"Magpapakalunod na nga ako rito sa vodka. Ang sakit sa heart..."

"Hala..."

Kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi ko ay ang pag-angat ng tingin ko. Nahagip nito si Theo na masidhing nakatitig sa akin mula sa kinauupuan niya. Uminit bigla ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong tumayo. Pansin ko ang pagbaling ng tingin ng lahat sa akin.

"CR lang ako," anas ko at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at iniwan na ang mesa.

Imbes na sa CR magpunta ay sa nakaparadang kotse ako nagtungo. Sumandal ako sa hood ng kotse at tiningala ang mga bituin sa langit. Pinakiramdaman ko ang banayad na paghaplos ng hangin sa balat.

"Akala ko ba sa CR ang punta mo..." boses ni Theo.

Agaran akong napalingon at nakita siyang nakatayo sa gilid ng pinto ng isang Aston Martin na kotse. Nakaparada pala ito sa tabi mismo ng sasakyan ko. Dumapo ang tingin ko sa susi na nasa kamay niya.

"Uuwi ka na?" tanong ko.

Tumango siya at nagpirmi ang tingin sa akin. "You?"

"Nag... papahangin lang," malamyang sagot ko.

Tumango ulit siya at binuksan na ang pinto ng kanyang magarang kotse. Tumingala ulit ako sa mga bituin para hindi masyadong awkward at halatang hinihintay ko ang pag-alis niya.

Hindi ito nangyari dahil hindi ko narinig ang pagsara ng pinto at pag-andar ng kanyang kotse. Maingat akong napasulyap ulit sa kanya at nakitang nanatili pa rin siya sa kanyang puwesto.

"May alam akong... good breathing space," deklara niya. "I can show it to you... if you want..."

I stared at him longer than necessary. Sinusubukan ko kung mababasa ko ba ang tunay na motibo niya. I sighed when I could not see anything else but sincerity.

"Sure. Lead the way," pagpayag ko.

Nauna siyang pumasok ng kanyang sasakyan. Pumasok naman ako sa loob ng sariling kotse. Pinaandar ko ito at sumunod ako sa kotse niya sa pagpapatakbo. Paminsan-minsan ay binabagalan niya ang pagpapatakbo para makasunod ako sa sasakyan niya.

We did not go far from the city. We made a u-turn towards a hill. I maneuvered my car in order to climb it. Hindi naman mahirap ang daanan dahil sementado naman. Ipinarada ni Theo ang kanyang sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya.

Nang lumabas siya ng sasakyan ay nanatili naman ako sa loob ng akin. Iginala ko ang tingin sa mistulang mga alitaptap na dulot ng mga nakailaw na maliliit na bombilya. Napasulyap ulit ako kay Theo at nakitang nakapamulsa na siyang nakatayo at naghihintay sa akin.

Lumabas ako ng sasakyan at lumapit sa kanya. Ngumiti siya at tahimik na iminuwestra ang mahabang wooden bench.

Naglakad kami patungo rito at nauna siyang naupo dahil namamangha pa akong nakatingin sa ibaba. Mula sa itaas ay kitang-kita ko ang buong city. Pati ang mga sasakyan sa abalang kalsada.

"Ang ganda naman dito..." anas ko at bumaling sa kanya. "How did you find this place?"

"From my Filipino patient in Canada. He sold this to me."

"You own this?" singhap ko at pagkatapos ay naupo na sa tabi niya.

"Yeah." Ngumiti siya at napatingin na sa tanawin sa harap namin. "I told him that If I go back to the Philippines, I may need a breathing space..." Ngayon ay malayo na ang tanaw ng kanyang mga mata. "He then told me about this place."

"It's a great place," komento ko. "I'm sure nagustuhan din 'to ng pamilya mo... ng anak mo at..." Hindi ko magawang sabihin ang salitang asawa.

Mabilis siyang napabaling ng tingin ulit sa akin. Hindi nakatakas sa tingin ko ang gulat na bumalandra sa mga mata niya.

"Nabanggit lang ng nurse ang tungkol sa pagdalaw ng... anak mo," agap ko sa pilit na pinagagaang boses.

"I see..." tugon niya.

Sinubukan kong ngumiti sa kanya. "What is she like? Your... daughter..."

"She's a mini version of her mother," he softly answered. Sa sobrang lambot nito ay tagos pati sa akin ang hindi maipagkakailang pagmamahal niya.

Naalala ko ang sinabi ni Nurse Risa tungkol sa bata. Suplada raw ito. Ibig sabibin,  suplado rin ang... mother niya?

Kinurot ko ang sarili dahil sa hindi magandang naiisip.

"I'm sure you love her to bits," sabi ko.

"She's everything to me." His voice has gone emotional.

Ginawaran ko siya ng masayang ngiti maski parang tinatarakan naman ng kutsilyo ang puso ko. Paano naman si Red, Theo? May lugar pa ba riyan sa puso mo para sa anak natin?

Nag-iwas ako ng tingin dahil parang tutulo pa yata ang luha ko para sa anak. Tumingala ako para mapaatras ito. Nagpanggap akong namamangha pa rin sa mumunting mga ilaw.

"How about you?" Muli akong napasulyap sa kanya dahil sa pagsasalita niya. "Hindi ka ba nagkaro'n ng sariling pamilya?"

Inilingan ko lang siya. Kung magsasalita ako, baka marinig niya pa ang sakit dito.

"Really?"  He cocked an eyebrow. "It's been what... six years?"

"Masyado akong naging busy para maging doktor," sabi ko sa mahinang boses.

"Not even a... boyfriend? How about... Doc Eric?"

Umiling ulit ako. Parang may asidong dumaloy sa lalamunan ko. Bakit parang ang dali lang sa kanyang magtanong ng ganoong mga bagay? Dahil ba kumpara sa akin ay siya itong may pamilya na? Tama ba si Doc Marco sa sinabi niyang ako lang itong hindi pa nakaka-move on?

"Magkaibigan lang kami ni Doc Eric..."

Tumango ulit si Theo. Naging tahimik kaming dalawa.

"Kung nagkaanak lang tayo, tingin ko 'di tayo naghiwalay," biglang saad niyang sumapol sa puso ko. Malungkot niya akong nginitian. "You always wanted a complete family... I want that as well."

Nabigla ako sa sinabi niya. Kung ganoon nga ang pag-iisip niya tungkol sa pagpapamilya, bakit may annulment papers akong nakita sa drawer ng kanyang opisina? Posible kayang ang asawa niya ang may gusto nito...

"Ang unfair naman siguro kung magsasama lang tayo dahil sa anak... Kung walang... pagmamahal."

He gazed at me longer. Sadness and longing crept in his eyes. "I did... love you. You just didn't love me back."

For the first time after six long years, nakuha ko na rin siyang tingnan ng deretso at kalmado.

"I'm sorry, Theo," I murmured as I stared at him. "I'm sorry if our past caused you so much pain. I'm sorry if... in a way, I am still hurting you... I'm sorry if—"

"Then let me kiss you," pagputol niya sa akin sa paos na boses. Pansin ko rin ang pamumungay ng mga mata niya habang tinititigan ang mga labi ko.

"If you really are sorry, part your lips for me," mariing utos niya. "Let me kiss you... and be sorry for it as well."

Pumikit ako at dinama ang kagustuhan niya. A tear rolled down my cheek. I nodded and I felt him moved towards me. Dumilat ulit ako. I saw him leaning forward. I closed my eyes once more and felt his hot breath hovering over my mouth.

Mariin akong napapikit nang tuluyan na ngang dumampi ang mainit niyang labi sa nanginginig namang mga labi ko. It was soft at first until his kisses became ruthless. Demanding. Angry. Inuutusan ako na pagbuksan siya.

I opened up for him. Pinagbigyan ko ulit siya at inawang ang mga labi ko. He took this as an opportunity to deepen the kiss. Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko.

Dinama ko ang lahat ng emosyon na ipinapadanas sa akin ng maiinit at umaatikabong halik niya. I could feel his pain. Longing. Love. Anger. Lust. Betrayal... and so much more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top